"RI-RIVER?!" may pagkagulat at hindi inaasahan ang pagtawag ni River sa akin ngayong hapon. Wala sa isipan kong tatawagan ako nito dahil busy ito tiyak, nasa isipan ko din na hindi ako tatawagan nito dahil natitiyak din akong inunahan na ako ng bruha kong byenan na magsumbong sa asawa ko.
Pero nagningning ang paligid ng mag ring ang cellphone ko at pangalan kaagad nito ang nakita ko. Dagli ko itong sinagot. Ang galit na namumutawi sa'kin ay biglang naibsan. Hindi pa 'man ito nagsasalita ay humagulgol na ako ng iyak. Parang batang inagawan ng laruan ang itsura ko. Alam kong nasa tabi ko pa rin ang asawa ko. Alam kong ito pa rin ang magiging kakampi ko sa lahat.
"Nasaan ka ngayong gabi, Maria?" katanungan na syang nagpahinto sa paghikbi ko. Matigas din ang pagkakabigkas nito.
Pero hindi ba dapat ang tanungin nito ay "kumusta ako?".
"Na-naandito 'k-ko kila Kaye." Mabilis na sagot ko kahit napipiyok.
"Wala ka bang balak umuwi, Maria?" sa boses nito parang nagpipigil lang sa gustong sabihin.
"Pinalayas ako ng ina mo! Pinaghinalaan at itinaboy ako na parang isang nakakadiring tao." umpisa ko.
"Maria naman!" bigkas nito sa pangalan ko. "Ang tagal na natin kasama si mama sa isang bubong. Hanggang ngayon hindi ka pa rin nasasanay sa ugali nya? Ano, magmamatigas ka? Bakit may ibubuga ba tayo sa magulang ko? Wala 'di ba? Kasi sa kanila tayu nakaasa. Umuwi ka at doon ka matulog. Ano na lang sasabihin ng mga tao na nalaman nilang kung saan-saan natutulog ang asawa ko? Minsan isipin mo rin ang pangalan ko. Huwag kang makasarili,Maria." Mahabang panenermon nito.
"River pagod na ako." maikling sagot ko sa mahabang inusal nito.
"Saan? Sa paulit-ulit na paglaban sa magulang ko?" may pang-uuyam na tanong.
"Naririnig mo ba lahat ng sinasabi mo, River?!" Bulyaw kong tanong sa kabilang linya.
"Hayan na naman tayo, Maria! Pag-aawayan na naman ba natin 'to?!" Balik bulyaw nito na para bang nakalimutan din na buntis ako.
"Ayoko na! Pagod na pagod na ako sa ugali ng ina mo! Tama na River! Pakiusap...Kahit ngayon lang makinig ka naman sa akin. Paulit-ulit na lang ito. Ayoko na sa bahay nyo! Mapapaanak ako ng dis oras pagnagtagal ako doon. Hindi ko na matiis ang ugali ng ina mo. Please humanap na tayo ng mauupahang bahay. O kaya, dito na muna kami ni Zia kila Kaye." suhesyon ko na alam ko naman hindi ko ito makukumbinsido dahil kailan man hindi nito naging close si Kaye . Ayaw niya sa kaibigan ko.
"Ano bang ipinagmamalaki mo, Maria?" sa tono nito alam kong galit na galit na rin ito.
"Ikaw, anong kaya mong gawin sa pamilya mo?" Balik tanong ko. "Tumawag ka para pauwiin ako! Tumawag ka para sermunan ako! Tumawag ka para pagsabihan ako ng masasakit na salita! Naririnig mo ba lahat ng mga pinagsasabi mo, River?! Buntis ako at ano mang oras puwede akong duguin! Pero kinamusta mo ba ako?! Pagkatapos mong hindi magpaalam na hindi ka uuwi ng limang araw, ngayon 'yan ang ibubungad mo. Tapos ako pa ang makasarili ngayon! Isa lang naman ang gusto ko at paulit-ulit na hinihiling ko! Alam na alam mo 'yan, River! Ang bumukod tayo! Bumukod tayo malayo sa ina mo!" madiin kong usal.
"Walang pagtutunguhan ang pag-uusap natin, Maria." Nagpipigil boses na sabi nito.
"Hindi mo kaya?" Sa boses ko may panghahamon.
"Nag-aaral pa lang ako. Tapos buntis ka pa. Sa palagay mo kaya mo bang magtrabho nyan na ganyan ang kalagayan mo? Kung bubukod tayo kaya ba natin? Huwag kang magbaliw-baliwan sa mga iniisip mo. Umuwi ka na at kung ano-ano ang sinusulsol ng kaibigan mo sa'yo!" Pagpapaintindi nito sa'kin.
"Hindi ako uuwi! Uuwi ako pag nakapasya ka na mangungupahan tayo."
"Maria, huwag mo ako pikunin." balik pagbabanta nito.
"Ri-river, si-sige n-na please..." napipiyok na pakiusap ko ulit. "O kaya doon na lang tayo kila nanay kung ayaw mo dito kila Kaye." Mas lalong ayaw din doon ni River dahil malamok. Nuong nagbakasyon kami doon isang beses eksaktong tag -ulan. Unang gabi namin doon pinapak ito ng maraming lamok kaya mabilis itong nagpauwi sa mansion.
"Umuwi ka na at huwag kang nagpalipas ng umaga dyan." medyo naging mahinahon ang boses nito ng magsalita.
Tanging naging sagot ko ay ang pagsinghot.
"Kumusta ka?" usal ulit nito.
Napapikit ako. Madiin. Ito ang boses ng lalaking minahal ko nuon. Ang lalaking pinagkatiwalaan ko sa harapan ng altar. Ang lalaking biniyayaan ko ng p********e ko na hanggang ngayon ay mahal na mahal ko.
"Masama ang loob ko." diretsya kong sagot na may halong pagsinghot ulit.
"Huwag na tayo magmatigas pa Maria dahil wala pa tayong naaabot. Kung aalis tayo ng mansion. Paano si Zia?"
"At paano naman ako?" Biglang singit ko.
Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga nito.
"Limang araw akong hindi makakauwi dyan at ingatan mo 'yung anak natin."
Akmang sasagot ako ng biglang napaungol ito.
"Ugh..."
Napakunot nuo ako.
"Ba-bakit River? Ano 'yun?" Biglang tanong ko na may halong kaba.
"A-e, biglang sumakit ang likod ko." Mabilis namang sagot nito. Iyon lagi ang idinadaing nito sa akin. Ang likod. Gawa siguro ng matinding pagod.
"Bakit hindi ka pala uuwi ng limang araw? Gusto ko sana naandoon" usisa ko na ngunit may halong paglalambing. "Saan ba 'yan? Baka pwedeng diyan na muna ako, River?"
"A, e... Hindi puwede! Maraming mga lalaki dito. Saka mag ojt na kami kaya hindi rin kami lagi nakatambay sa dorm. Umuwi ka na lang ng mansion. Tatawagan kita palagi." May halong pakiusap na ang boses nito sa akin. "Ingatan mo lagi ang anak na—" Hindi na nito natapos ang sasabihin ng biglang umungol ulit. Mas malakas at mas mahaba.
"Okay ka lang, River?"
Tutut...tutut...
Hanggang sa nawala ang linya.
Napabuga ako ng hininga. Aminin ko, gumaan ang dibdib ko. Pero never akong naghinala kay River.
Muli tinawagan ko ito ngunit patay na ang cellphone nito. "Nalowbat siguro." wika ko na lang.
Ngayon palaisipan sa akin kung babalik ba ako ng mansion. Kung lulunukin na lang ba ulit ang mga masasakit na sinabi ng ina ng asawa ko.
Namalayan ko na lang na dinadayal ko ang numero ng ina ko.
"Hello, anak. Kumusta ka?" masiglang sagot ng aking ina sa kabilang linya.
"Okay lang po ako 'nay. Kumusta din po kayo? Kumusta po mga kapatid ko?"
"Hays...okay lang sila. Okay lang din ako. Ito malakas ang paninda sa palengke."
Masayang kuwento nito. "Kumusta ang apo ko? Hindi ba't ang sabi mo ng huling tawag mo sa akin hinahanap niya ako? Hinahanap pa rin ba niya ako anak?" iyan ang kasinungalingan na sinabi ko kay nanay.
Never na hinanap ni Zia si nanay maging ang mga kapatid ko ay ayaw din ni Zia sa kanila. Ilang buwan na lang, mag-iisang taon na ang huli namin pasyal kila nanay dahil may pasok si River.