KABANATA 7. Maria's P.O.V

1741 Words
"PAPATAYIN ako ng babaeng 'yan, River! Papatayin ako!" napapikit ako ng madiin sa salitang iyon. Hindi nga ako nagkamali at nagsumbong nga ang ina ng asawa ko. Huminto muna ako sa paglakad at nakinig sa dalawang nasa loob ng kuwarto. Saka, kailan pa 'ko naging mamamatay tao? Nagpatuloy ulit ito sa paghiyaw kaya natigilan ako sa pagtatanong sa sarili ko. "Palayasin mo 'yang babae na 'yan, River! Kung ayaw mo'ng mamatay ako ng maaga! Ayaw kong pati ang ama mo ay makunsumi sa babaeng 'yan. Kung ayaw mo'ng mawalan ka ng magulang ngayon din!" Madiin nitong pananakot sa anak. Kung nakikita ko lamang ang itsura ng byenan ko tiyak nagkakamulirat ang magkabila nitong mga mata sa galit. Pero ito na rin ang paraan para makausap ko ang anak ko. Natitiyak ko naman wala ito sa harapan ng mag-ina dahil pagnag-uusap ang mga ito kung hindi nasa sala si Zia ay nasa labas at naglalaro. Automatikong humugot ako ng paghinga. Wala ako'ng pakielam kung ano ang sasabihin ng ina ni River sa akin. Mabilis akong tumalikod, hindi ko na hinintay ang isasagot ng asawa ko. Sanay na ako sa ganoon pagsusumbong ng byenan ko sa asawa ko dahil kada mag-aaway kami ng matanda ganoon ang eksenang maririnig ko sa loob ng bahay. Puno ng kasinungalingan. Kung baga, immune na ako sa mga naririnig ko sa bibig nito, at alam ko na rin ang maririnig ko sa bibig ng asawa ko. Inabutan ko nga sa hardin si Zia na naglalaro. Isang malalim na ngiti ang bumalatay sa mukha ko dahil pagkakataon ko na para masolo ko ang anak ko. "Good morning, Zia, anak..." nakangiting bati ko ng malapit na ako ilang hakbang ang layo sa bata. Tinapunan naman ako ng tingin ng anak ko. Biglang bumilis ang t***k ng dibdib ko. Matagal ko ng gustong lapitan si Zia pero binabalutan ako ng takot nuon. Nagsisisi din ako kung bakit wala ako'ng naging lakas loob nuon ipagtanggol at ipakita sa bata ang pagmamahal ko maging sa sarili ko. Siguro para na rin kay Zia kaya nagagawa ko'ng sundin ang kagustukan ng bruha kong byenan. Yuong halos araw-araw akong takutin at dahil sariwa at musmos pa ako wala akong magawa dahil nakatira ako sa pamamahay nito. "Gusto mo ba ng kalaro, anak? Naandito si mama. Tara, maglaro tayo?" nakangiti anyaya sa anak ko'ng matuwid na nakatingin sa akin. "Sabi ni mamita hintayin ko daw s'ya." walang ka ngiti-ngiting sagot nito sa akin at wala din lingon. "Puwede naman ako, anak. Puwede mo din akong makalaro anytime." Taas balikat ko pa'ng prisinta. "Busy daw kayo palagi. Saka hindi daw kayo marunong makipaglaro." Sobrang tatas nito sa pananalita na animoy isang malaking tao. Sa tono ni Zia nababasa at nahuhulaan ko'ng marami ng kasiraan sa akin ang ginagawa ng byenan ko. Naging mahina ako at aminado ako'ng nawalan ng lakas para kausapin si Zia nuong mga araw na natututo na itong magsalita at maglakad. Sobrang dami ng pagkukulang ko sa kaniya. "No, Zia! Lagi ako'ng free anak... Para sa'yo marami akong oras at alam ng papa mo 'yan." nanginginig boses na pinakawalan ko sa harapan ng bata. "Naandito lagi si mama pra saiyo an—," bigla akong napahinto sa isang malaking boses. "Zia, apo!" Halos magkasabay kaming napalingon sa boses na nanggaling sa aming likuran. "Mamita!" nagniningning matang usal ng anak ko ng makita nito ang byenan ko. Parang kinurot ang puso ko ng makita ko si Zia'ng sobrang sayang tumatakbo palapit sa matanda. "Apo, nagpahanda ako ng ice cream sa loob." sagot naman ng byenan ko habang nakangiti sa anak ko. Ang tinutukoy nito ang assistant nitong isa din bruha na akala mo ay isang amo kung umasta. "Yehey!" Masayang sagot nito. Minuto nawala ang ngiti na iyon ng tuluyang mawala ang anak ko sa paningin ko dahil mabilis itong nagpunta ng kusina. "Naandito ka pala?!" Sarkastikang usal ng matanda sa akin ng harapin ako ng tingin. Walang nakabalatay sa mukha ko kundi isang malalim na pagtatanong ngunit ayaw naman bumuka ng labi ko para magsalita. Basta nakatayo lang ako at nakatingin sa matanda. "Kung ano ang iniisip mo, Maria, e, huwag mo ng gawin dahil isa sa mga 'yan ay hindi mangyayare." Saka pagak na tumawa. Hindi pa rin ako nagsalita. Para akong isang baso na biglang nabasag ng binitawan. Iyon ang nararamdamn ko sa mga oras na 'yun dahil sa mga pinapakita sa akin ng anak ko. "Oo nga pala. Sinabi ba ni River na limang araw siyang hindi uuwi ng bahay?" At nang marinig ko iyon, dahan-dahan pumikit, bumukas ang mga mata ko. Lalong nadagdagan ang sakit ng nararamdaman ko dahil wala 'man lang nabanggit ang asawa ko sa hindi nito pag-uwi ng ilang araw. "Oo nga pala nabanggit sa akin ni River ang pagdadalang tao mo." saka taas baba ako nitong tiningnan. Para bang binabasa ang pagkatao ko. Pero hinayaan ko lamang ito. Wala akong lakas na magsalita o makipagtalo. Para akong babagsak sa kinatatayuan ko dahilan sa pakikitungo ni Zia sa akin. "Sa anak ko nga ba 'yang pinagbubuntis mo, Maria?" Nagpanting ang tenga ko sa katanungan nito. Doon nagsimulang magising ang isipan ko kaya nagawa kong sumagot. "Sobra na ang ginagawa nyo sa 'kin!" malakas na boses na sabi ko. "Anong palagay nyo sa'kin?! Kaladkaring babae?!" Lumabi ito saka sumagot din, "Ginagabi ka sa pag-uwi. Malay ko ba kung may lalaki kang nilalandi." maanghang nitong sagot. Napundi ang pasensya ko kaya parang may buhay na agarang tumaas ang palad ko at dumapo ito sa mukha ng byenan ko. "Alilain nyo na 'ko sa pamamahay na 'to! Huwag mo lang tatapakan ang pagkatao ko!" gigil na hiyaw at duro ko sa matanda. Nagulat at nanlaki naman ang mata nito na ngayon ay salo ang pisnging dinapuan ng kamay ko. "Wala kangmodo!" balik hiyaw nito sa akin. "Oo! Wala akong modo! Bastos akong babae at walang utang na loob! Lahat 'yan tatanggapin ko dahil sa magaspang nyong pag-uugali, mama! Pero huwag nyo lang paghihinalaan ang pinagbubuntis ko dahil si River lang ang lalaking nakakasiping ko sa gabi!" taas babang dibdib sa galit na usal ko. "Sinungaling! Lumayas ka!" Hiyaw na taboy nito. "Hindi ko kailangan manugang na katulad mo!" "Lalayas ako at isasama ko ang anak ko!" Balik hiyaw ko ulit. "Sa palagay mo sasama ang anak mo sa'yo, malandi ka?!" "Ayaw 'man sumama sa'kin ng anak ko wala sya'ng magagawa o ikaw! Ako ang ina at ako pa rin ang masusunod kesa sa'yo!" "So, pinagmamagaling mo na makukuha mo ang apo ko?" "Bakit, hindi?" Kinakabahang sagot. Tama naman ito. Hindi ko makukuha ng ganoon kadali si Zia at pipiliin pa rin nito ang lola nito. Pero ako ang ina, ayaw 'man nito kakaladkarin ko pa rin ito paalis ng bahay na 'to! Buo na ang pasya ko! Lalayas na ako sa bahay na 'to! Mabilis akong tumalikod sa harapan nito. "Saan ka pupunta?" Malakas na tanong nito. Ngunit hindi ko ito sinagot. Lalo kong binilisan ang paglakad papasok sa loob ng bahay. Pupuntahan ko kung nasaan si Zia. Pilit ko itong isasama sa bahay nila Kaye. Hanggat hindi dumadating si River hindi kami uuwi. "Zia!" Hiyaw ko sa pangalan ng anak ko ng makapsok sa loob ng malaking sala. "No!" Narrinig ko na sabi ng byenan ko. "Zia!" Muling hiyaw ko. "Hindi sasama ang apo ko sa'yo!" pero hindi ko pinansin ang sinabi nito. At nang makita ko ito na nakaupo sa mahabang lamesa habang kumakain ng ice cream mabilis ko itong nilapitan. "Elena! Ilayo mo si Zia sa babae na 'yan!" Utos ng matanda sa assistant nito. Mag-iisang taon na rin si Elena na nagtatrabaho nilang assistant ng ina ni River. Simula ng mag retired ito sa trabaho dinala na rin ng ina ni River si Elena sa bahay bilang utusan nito sa bahay ngunit hindi sa paglilinis ng bahay dahil ako ang ginawa nitong alila. Mabilis naman hinawakan ni Elena si Zia sa baraso. "Bitiwan mo ang anak ko!" Hiyaw kong utos kay Elena dalawang hakbang ang layo ko. Kung susuriin ang edad ni Elena doblehin ang tanda nito sa akin parang hindi nalalayo ang idad nito sa byenan ko. Ngunit walang takot na bumalatay sa mukha nito. "Pumasok kayu sa loob ng kuwarto ko, Elena! Ilayo mo si Zia sa malanding babae na 'yan!" makapangyarihang utos nito at kumumpas pa ang kamay nito. "Huwag, Elena! Dahil aalis kami ng anak ko!" pigil ko din sa matanda.. "Lumayas kang mag-isa mo!" Mabilis na hinila ni Elena papalayu sa'kin si Zia. Wala 'man lang katanong-tanong si Zia sa pangyayare. Napakagat labi ako. Nararamdamn ko na naman kasi ang panlalambot ng tuhod ko. Ang unti-unting pagtunaw ko ay naulit ulit. "Zia! Aalis tayu anak!" Hiyaw ko sa bata na ilang hakbang na ang layo sa akin. Nanghihina na ako. Ngunit hindi man lang ako nito nilingon kaya malakas na tumawa ang ina ni River sa akin. "Anong magagawa mo ngayun, Maria?" nang-uuyam na tanong nito. "Ibalik mo ang anak ko!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko;ang imosyon ko dahil tuluyang bumagsak ang luhang pilit na pinipigilan ko. "Bakit ba ginagawa mo 'kin 'to? Anong kasalanan ko sa'yo, mama? Lahat ng gusto mo ginagawa ko. Hindi ako nagreklamo sa pang-aalila mo sa'kin. Lahat sinusunod ko. Pero bakit ganito lahat ng kapalit?" Lunod na lunod sa luha ang mukha kong nakaharap sa matanda. "Isa lang. Hindi kita gusto para kay River! Hindi kita matatanggap na asawa ng anak ko!" madiin na bigkas nito. "Pero ako ang pinili ng anak mo. Ako 'yung minahal at pinakasalan." lumuluha ko pa rin usal. "Oo! Ikaw! Kasi malandi ka! Makati kang babae! Kaya mo nakuha ang anak ko!" Ang sakit sa tenga ng mga naririnig ko kaya nagtanong na lamang ako."Tapos ka na?" humihikbi kong wika. "Tapos ka ng alipustahin ako? Ano pa?" Tumawa ito ng marinig nito ang katanungan ko. Segundo lang at pinutol nito ang pagitan namin saka mabilis nitong biniyayaan ako ng malakas na sampal saka lakas na itinulak ako palayo. Nawalan ako ng balanse kaya nabuwal ako sa harapan nito. "Sinira mo ang buhay ng anak ko! Sinira mo ang pangarap namin sa anak ko! Hindi ka nababagay kay River! Hindi ikaw ang babaeng pinangarap namin sa anak ko! Lumayas ka at huwag ng babalik dahil kailanman hindi ka mamahalin ng totoo ni River!" Imbes na tumayo ako, humagulgol ako sa harapan nito. Humagulgol at ramdam na talunan. Tama naman ito. Maraming pangarap si River at nasira iyon ng magpakasal kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD