KABANATA 21.

1924 Words
PLANO NG lumayas ni Maria, ngunit hindi niya magawa dahil ayaw sumama sa kaniya ni Zia. Ayaw niyang lisanin ang mansion na hindi niya kasama ang sariling anak. Sa apat na araw na nakalipas, apat na araw na rin din niyang hindi nakikita si River. Para itong nagtatago sa palda ng ina. Hindi na rin siya nakikihalobilong kumakain sa hapang kainan. Malaya na ring parit-parito sa mansion si Regina. Umasta na rin itong tila ba asawa ni River. Hinayaan niya iyon dahil sa pananakot ng byenan niya. Isa lang ang gusto niyang makausap. At si River iyon. Mabilis na bumagsak ang katawan at nanlalalim ang mga mata niya dahil walang hustong tulog. Mabuti na lang at hindi siya dinudugo sa malaking problema. Wala na rin siya sa kaniyang malaking kuwarto. Limitado na rin lahat ng galaw niya sa bahay. Bawal na rin siya magbukas ng ibang kuwarto na walang pahintulot. Magkasama na sila ni Hilda sa iisang kuwarto. Apat na araw na siyang natutulog doon simula ng pagbantaan siya ng ina ni River. Wala siyang magawa. Minsan naiisip na lang niyang magpatiwakal. "Kumusta ka na?" bati ni Hilda. "Nahalata mo na ba ang tiyan ni Regina, Ma'am Maria?" Tanong nito nuong maupo ito sa kama habang siyang nakataglid na umiiyak. Dahan siyang gumalaw at pinahid ang mga luha bago hinarap ito. "Bakit ba tinatawag mo pa rin akong Ma'am Maria? Maria na lang ang itawag mo sa'kin." malumanay na pakiusap niya. "Pang apat na araw mo ng natutulog dito pero pang apat na araw mo na rin na umiiyak sa kuwarto na ito." malayong sagot nito. "Bakit hindi mo pa sabihin sa pamilya mo ang tungkol sa problema mo?" Umiling siya. Humugot naman ito ng mahabang paghinga "Ang hirap tanggapin Hilda. Parang nasa panaginip pa rin ako." "Salbahe sila." Tumango siya. "Gusto ko ng umalis dito pero hindi ko maiwan ang anak ko." saka suminghot dahil nag-uumpisa na namang tumulo ang mga luha nya. "Itakas mo kaya? Hindi ka naman siguro kakasuhan ng kidnaping kasi anak mo si Zia." "Ang sakit lang marinig na itatakas mo ang sarili mong anak." saka napailing na pilit huwag tumulo ang luha. "Teka, nagpasok ka ba ng tubig mo?" pang-iiba nito sa usapan nila. Mabilis siyang umiling. "Nakalimutan ko. Pasensya ka na. Saka okay lang naman kahit huwag na." "Okay, e, umiiyak ka na naman! Teka labas lang ako at kukuha ako ng tubig mo." At umibis na ito ng kama. Dahil sa tagal bumalik ni Hilda, nagawa na niyang makatulog. Nagising na lamang siya ng biglang kalabitin siya nito at itsurang hindi mapakali ang itsura. "Kanina ka pa ba, Hilda? Nakatulog ako." tanong niya. Hindi mapakali ang itsura ni Hilda ng iabot nito ang isang bote ng mineral water. "Maria, hindi ba't gusto mong makausap si Sir River?" walang ngiting tanong nito. Tumango siya at nagsalita din. "Naandyan siya?" kinakabahang tanong niya. "Wala pero narinig ko ang usapan nila Regina at Madam." "Ano 'yun? Sabihin mo na!" "Ngayon pala gaganapin ang gender reveal ng anak nila." biglang nanikip ang dibdib niya at agarang napakapit siya sa tiyan. "Alam ko rin saan gaganapin. Kaya mo bang magpunta doon? Huwag kang mag-alala at nasa likod mo ako." Napalunok laway siya bago tumango. "Kaya ko Hilda. Makita at makausap ko lang si River. Oo nga pala! Pero paano kung nakita ka ni mama?" May pag -alalang sambit niya. "Handa na akong mawalan ng trabaho Maria. Mabuti kang kaibigan. At itama natin ang mali." Mabilis na niyakap ni Maria si Hilda. Doon nakaramdam siya ng tunay na pagmamahal kahit sa isang kaibigan lamang. ISANG MALAKAS NA tawag ang nagpabangon kay Jesse. Hirap siyang bumangon dahil may hang over siya. Birthday ni Den kahapon at dahil naandoon ang kaibigan niyang si Carl kaya nalasing siya. Hindi niya nahindihan kasi si Carl dahil nagbukas na ito ng hard wine, nahiya na rin siya sa ibang mga bisita. At nang tingnan niya kung sino ang nasa kabilang linya, lalong nanakit ang ulo niya. Hindi lang dalawa o pangatlo ang namagitan sa kanila ni Chin. Halos hinahayaan na rin niyang natutulog ito sa bahay niya. Kung baga malaya na itong pumasok at lumabas sa pamamahay niya ngunit wala silang relasyon ng dalaga. "Hello." "Hindi mo ba ako babatiin?" Bungad nito sa kaniya. Nagsigsag ang magkabila niyang kilay. "Na ano?" "Birthday ko today! Puwede ko bang I celebrate na kasama ka?" Malambing na tanong nito. Napapansin na rin niyang malambing sa kaniya si Chin ngunit hindi niya kayang suklian iyon. Si Maria pa rin ang laging laman ng isipan niya kahit ba pilitin niyang iwaksi ito pa rin ang pinagpapantasyahan niya. At napapansin na rin niyang iba ang kinikilos nito sa tuwing magsisiping sila ni Chin. "Happy birthday. Busy ako today." Iwas niya. "So, hahayaan mo akong mag celebrate ng birthday ko ng mag-isa? Luh! Tumakas na nga ako sa bahay namin dahil ayokong makipagbonding sa mga pinsan kong plastic kahit na ba napaka importante ng araw na ito sa kapatid ko." Saka huminga ito ng malalim pagkatapos magsalita. Inignora niya ang mga binanggit nito. "Busy ako today Chin. Saka masama ang pakiramdam ko." "Linggo ngayon, hoy! Kaya alam kong wala kang trabaho." Naalala niyang nabanggit pala niyang wala siyang pasok tuwing linggo. Lunes at hanggang byernes ang ang pasok. Pag sabado naman ay kahataing araw lang ang ipapasok niya. "May pinagawa sa'kin si Tito." pagsasangkalan niya. Ngunit wala itong alam tungkol kay Maria. "Sige na please. Kahit isang oras lang." pakiusap nito. "Kahit ito na lang ang gift mo sa'kin, Jesse. Wait mo 'ko. Sabay tayong maligo." Halos pabulong na sambit nito. Magsasalita pa sana siya ng biglang nawala na ang linya. Alam na niya ang pahiwatig na sinabi ni Chin. Lalo na at mag-iisang linggo na rin silang hindi nagkikita. Tila ba ginamitan ng eroplano ang pagdating ni Chin dahil nagulat na lamang siya na wala pang kalahating oras ay nasa bahay na niya ito. Nagulat pa siya ng biglang pumatong ito sa kaniya ng hindi niya namamalayang nakapasok na ito ng kuwarto niya. "Ang sabi mo busy ka. Busy ka pala sa kakatulog mo? Kumain ka na?" mahinang boses na may halong pang-aakit. "Masakit ang ulo ko." Saka igunalaw ang katawan para umalis ito sa likuran niya. Ngunit wala yata itong balak dahil idinikit pang lalo nito ang labi sa tenga niya at bumulong. Lalo niyang naaamoy ang pabango nitong sumisihid sa ilong niya. "Gutom ako. Puwedeng kainin kita ngayon?" Napapikit siya. Mahusay si Chin sa kainan. Daig pa nito ang may asawa. Kaya siguro hindi na rin niya mahindian pag may kailngan ito sa kaniya. Sandali at lumikot na ang palad nito. Tinanggal nito ang kumot na nakapatong sa katawan niya. Malamig ang singaw ng aircon pero mas mabilis kumalat ang apoy na dala ni Chin. Mabilis siyang humarap sa dalaga habang hubod hubad. Handa na rin ang sandata niya kaya malaya nitong sinunggaban ang nangangalit na p*********i niya. Malakas siyang napaungol ng isagad ni Chin ang labas masok sa bunganga nito. At kaunti na lang lamang lalabasan na siya ng puting likido. Mabilis siyang tumayo. "Saan ka pupunta?" may inis na katanungan nito. Nakatunghay ito sa kaniya habang hinahagilap niya ang proteksyon na laging ginagamit niya. "Bakit pa kasi gumagamit ka nyan? Umiinom naman ako ng pills." wika pa nito. "Alam ko naman pero mas okay kung mag-iingat ako, Chin." Paliwanag niya habang nag-uumpisang isinusuot iyon. "Alam mo bang minsan hindi ko ma feel 'yan. Mas gusto ko 'yung balat mo na hahagod sa loob ko." "Uulitin ko ba ulit Chin kung bakit? Napag usapan na natin ito, 'di ba?" "Hindi ka lang gagamit nyan pag mag asawa na kayu ng babae?" banggit nito sa sinabi niya nuon. "Ano bang meron tayo?" seryoso na ang mukha nito. Ngayon lang niya narinig iyon sa dalaga. "Freinds with benefits? Hanggang doon na lang ba talaga?" Akmang hihikalin niya ito sa hita para itaas ng muling magsalita ulit ito sa kaniya. "E, kung sabihin kong mahal na kita, Jesse." Tama nga ang hinala niya nuon. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa hita nito. "Saan ka pupunta?" Pagkatalikod niya mabilis siyang nagtungo ng banyo. Nawalan na siya ng gana. Ipagpapatuloy na lamang niya sa banyo ang naudlot na init. "Jesse!" inis nv tawag nito sa kaniya. "Umuwi kana Chin." Taboy niya rito. "Mahalin mo naman ako, tulad ng pagmamahal ko sa'yo." Dinig niyang sabi nito bago niya isarado ang pintuan ng banyo. Pagkalabas niya ng banyo wala na si Chin sa kuwarto niya. Hindi niya alam kung babalik pa ito dahil sa pag-amin nito. "KAYA MO BA TALAGA? Lakasan mo ang loob mo pagnaandoon na tayo." ulas ni Hilda kay Maria habang sakay sila ng Jeep. "Kaya mo ba talagang makita sila? Kinakabahan talaga ako sa'yo, Maria. Baka mapaanak ka pa dahil sa pagsugod natin sa bahay nila Regina." "Okay lang ako, Hilda. Hindi naman ako mag-iiskandalo pag naandoon na tayo. Gusto ko lang talaga makausap si River." "Mah, para! Pakitabi po sa may malaking gate na pula." ani Hilda sa driver na mabilis naman ginawa. Naunang bumaba si Maria kasunod si Hilda. Medyo inabot din ng kalahating oras ang byahe nila. "Ito ang bahay nila Regina." sabay turo sa ilang hakbang na kayo ng gate. "Mukhang malayo kasi first time mong pumunta dito. Pero kung tutuusin malapit lang ito sa bahay nila Sir River." Tumango siya at hindi na kumibo. At dahil mag aalas nuwebe na ng gabi. Halos hindi na niya makita ang daan. Ngunit nagkalat ang mga sasakyang nakaparke sa gilid. Hinila siya ni Hilda para maglakad. "Habang nakikipag-usap ako sa lalaking iyon sabayan mo ng pasok." Bulong na utos nito sa kaniya. Mabilis na tumango siya. Naglakad si Hilda papunta sa guard habang siya ay pasimpleng patingin-tingin kung may iba bang guard na nakabantay sa gate. "Oh, Hilda! Napasyal ka?" Nakangiting tanong ng guard. "Oo Kuya. Tutulungan ko kasi si Nanay maglinis sa kusina." "O, sya bilisan mo at marami ng bisita." "Sakto may mineral water ka. Puwedeng makiinom sandali?" Tumalikod si Hilda at sumunod naman ang guard. Mabilis na pumasok si Maria at nagdako kaagad sa dilim na hindi namamlayan ng guard. "Sobrang uhaw ko. Ang tagal mo na rin dito, uh! Laki na siguro ng bonus mo?" "Nagtiyaga na lang at buntis si misis." Nasamid si Hilda sa narinig. "Ah, salamat Kuya Venting. Mauna na ako sa loob." Paalam nito habang si Maria ay nakamasid lang sa dalawa. "I-i L-OVE YOU!" nabubulol na bigkas ni Chin sa kabilang linya. "Ayam mo bang nasha yabas ako ng bahay mo?" Mabilis siyang sumilip sa bintana at nakita nga niyang nakasandal sa pader si Chin habang hawak ang isang bote ng alak. "Betdey ko tudey. Gender reveal naman ng kapatid ko. Pero mas gutto kong katama ka." patuloy nito kahit bulol. Hindi na siya kumibo. Lumabas siya ng bahay at dinaluhan si Chin. "Ihatid na kita sa bahay nyo." prisinta niya dahil wala siyang balak na patulugin ito sa bahay niya. "Baket? Bawal na ba akong matuyog dyan sa kuwatto mo?!" May bulyaw na tanong nito. Sa inis, parang bata niya itong binuhat papasok sa loob ng sasakyan niya. Hindi pa siya nakapunta sa bahay nito pero alam niya kung saan ito nakatira dahil minsang nabanggit na nito iyon. "Iyabas mo 'ko! Ayaw kong makita si Mommy at Daddy! Waya silang pakielam sa'kin kasi si Regina ang nasa utak nila! Ang kapatid kong nagpabuntis sa may asawa!" Naiiling na lamang si Jesse habang nakikinig sa mga sinasabi ni Chin. Hindi siya interesado sa buhay nito kaya hindi siya nagtatanong sa mga nasasabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD