KABANATA 22.

1206 Words
"KAYA MO PA bang maglakad?" may pag-alalang tanong ni Hilda saka kinapitan sa baraso si Maria. Halos hindi na maihakbang ni Maria ang magkabilang mga paa. Para na itong dumikit sa lupa. Magkabilang tuhod ay nanginginig na rin habang papalapit na papalapit sa mga tila bubuyog na naririnig niyang mga tao nagkakasaya sa loob ng compound. "Huwag na kaya tayong tumuloy?" "Hindi, Hilda!" tanggi niya, "Kaya ko naman maglakad, kaya huwag kang mag-alala!" pilit niyang pinakita rito na okay lang talaga siya. "Natatakot kasi ako sa'yo, Maria. Naiinis tuloy ako sa sarili ko bakit pa kita inaya dito. Bakit ko pa sinabi sa'yo." wika nito na may paninisi sa sarili. Pilit ngiti ang ipinakita niya ng magsalita siya, "Okay nga lang ako. Ano kaba?Saka gusto ko rin naman magpunta dito para makita at makausap ko na si River." Saka pinilit maglakad. Pero naandoon pa rin ang pangangatog ng magkabilang tuhod niya. "Ladies and gentlemen!" Dinig niya nuong nagpatuloy siyang humakbang, "Gusto namin ipakilala sa inyo ang naudlot ng pagmamahalan ng dalawa!" parang pinipiga ang puso niya, "At sa wakas ngayon ay natuloy na! Nagbunga at natupad din ang pinapangarap nila!" Dinig niyang hiyaw sa malakas na mikropono. Narinig din niyang nagpalakpakan kaagad ang mga tao at naghiyawan. Hindi na siya tumingin at nagtanong kay Hilda kung narinig ba din nito iyon. Napakagat labi na lamang siya para maging matatag. Nagpatuloy siya sa paglalakad ulit habang niraragasa ng malakas na kaba ang dibdib niya. At sandali ay bumungad nga sa kanila ni Hilda ang nagliliwanag na hardin at nagkalat na mga tao. Bawat sulok ay may mga lamesa at taong nag-iinuman. Sa harapan naman nila ay may isang malaking swimming pool. Lumihis sila at nagtungo sa madilim na parte para walang makakilala sa kanila. Para siyang nauupos na kandila nang makita niyang naglalakad ang mistress ni River at kasunod ang asawa niya. Ngayon niya napagmasdang mabuti ang mukha nito maging ang tiyan nito. May itsura si Regina. Tama nga si Hilda. Halata na rin ang tiyan nito at nahuhulaan niyang mag-aapat na buwan na iyon. Awtomatikong napaikom siya ng kamao. "Mga walanghiya kayo." Pabulong na sambit ngunit madiin ng bigkasin niya. Kitang-kita niya ang maluwang ang pagkakangiti ng ina ni River na nasa likuran at nakaupo. Hindi niya kilala ang katabi nito na ngayon ay kausap na nito pero nahuhulaan niya kung sino. Ito siguro ang ina ni Regina. Muli niyang ibinalik ang paningin kay Regina at River. Masaya ang dalawa habang kapit ni River ang tiyan ni Regina. Hindi maiwasang mapahaplos siya sa malaking tiyan. Nakaramdam siya ng anak sa anak. "Hindi natin malalapitan si Sir River, Maria. Siguro umuwi na tayo." anyaya ni Hilda. Halata din sa boses ang malaking takot. "Hindi pa tayo uuwi. Kailangan kong makausap ang asawa ko." Matigas niyang tanggi. "Paano tayong lalapit sa kaniya? Baka makita pa tayo dito." "Sino ang gusto ng lalaki?!" Hiyaw ng lalaking may hawak ng mikropono. "Magtaasan ang kamay." Naghiyawan ang ibang bisita. Kitang -kita niya kung gaano kasaya ang lahat lalong lalo na ang ina ni River. Pumapalakpak pa ito na animoy gusto ng lalaki sa unang anak ng dalawa. "Sino ang gusto ng babae?" Muling hiyaw nang may hawak ng mikropono. Umiling siya dahil parang nabibingi siya sa kasiyahan ng lahat. "Pinaglaruan nyo ko." Madiin niyang sambit habang nakatitig ng husto kay River. "Magsisisi kayong lahat sa ginawa nyo." dagdag pa niya. Nasagap ng mga mata niya ang kaniyang anak. Papunta ito sa ina ni River. "Zia...!" Hindi na niya napigilang nanakbo siya palapit sa mga ito. "Maria! Saan ka pupunta?!" mabilis siyang sinundan ni Hilda at pinigil ngunit hindi na siya nito naabutan. Humiyaw siya ng ubos ng lakas sa ganoon mabilis siyang marinig. "Tumigil kayo! Mga baboy kayo!" Malakas na hiyaw niya na nakatingin kay River at Regina. Natigilan naman ang may hawak ng mikropono. Nagtinginan na rin ang ibang mga tao sa kaniya. "Gaganapin nyo ang pagtataksil sakin na nakaharap ang anak ko!" hiyaw pa niya. Agarang nagbulungan ang ibang mga bisita. "Mga manloloko! Sa harapan ng anak ko. Ipinamumukha nyo ang kalokohan nyo!" Muling hiyaw niya habang kapit ang malaking tiyan. "Halika na. Umalis na tayo, Maria." Pigil ulit ni Hilda habang kapit siya sa kanang baraso. Ngunit hindi siya natinag. " Malandi ka! Nagpabuntis ka sa asawa ko habang buntis ako! Ano kang klasemg babae?! Kahit kayo ang pinagkasundo! Walang matinong babae na papatol sa may asawa hanggat hindi naghihiwalay! Tapos gaganapin nyo ang gender reveal na nakaharap ang anak ko! Mga put*ngina nyo! Mga hay*p kayo! Ibalik nyo ang anak ko!" walang katakot takot na mura niya sa mga ito. Nakita niyang nagkatinginan si River at Regina. Nakita niyang lalapitan siya ni River ngunit mabilis na pinigilan ito ng byenan niya. Ito ang lumapit sa kaniya habang kapit ang cellphone at hindi siya nagkakamaling may kausap ito sa kabilang linya. At sa kabilang palad naman nito ay kapit ang isang kopita. "Ang tapang mo para sumugod dito. Bobo!" Hiyaw nito saka malakas na isinaboy sa mukha niya ang laman ng kopita. Nahilam siya at mabilis niyang pinahid ang mukha ng alak. "Halika na..." anyaya ni Hilda ulit sa kaniya. "Damputin ang babaeng 'yan!" utos nito sa apat na lalaki. Mabilis na lumapit ang apat na lalaki. "Huwag!" sabay harang ng katawan ni Hilda sa kaniya. "Hindi nyo na kailangan kaladkarin kami paalis. Aalis kami kahit hindi nyo kami paalisin." Pero hindi pinakinggan si Hilda ng mga lalaki. Agarang hinawakan si Maria. "Bitawan nyo ko!" Pagpupumiglas ni Maria. "Tandaan mo! Wala kang makukuha sa mga anak ko! Magtutuwid ang magkabila kong mga paa bago mo sila makuha! Pwe!" sabay dura niya habang pilit na nagpupumiglas sa apat na lalaki. "At ikaw River!" Duro niya habang pilit siyang pinalalakad ng mga ito. "Humanda ka! Magtutuos tayo!" banta niya. Maya't malakas siyang hinila ng may hawak sa kaniya sa kanang baraso niya kaya hindi na siya nakapagsalita pa ulit. "Bitawan nyo ko!" Aniya na malayo na sa ina ni River. "Hindi dahil sasakay ka ng sasakyan." sagot ng lalaki sa kaliwa niyang baraso. "Ba-bakit?" "Utos ni Madam dalhin ka sa hospital at ibibigay sa kaniya ang sanggol." Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa narinig. "Hi-hindi!" Naiiling niyang hiyaw. Luminga siya kung nasa likuran ba niya si Hilda. Ngunit wala ito doon. "Ma-maawa k-kayu! Wala pa sa husto ang tiyan ko. Baka mamatay ang bata!" nangingilabot na sambit niya. Ngunit humagalpak lang ng tawa ang apat na lalaki at malakas siyang itinulak sa loob ng sasakyan. "HOY! VENTING! Buktan mo nga ang gate!" utos ni Chin sa guard na nakaupo. Itsurang inaantok na. Naiiling lang si Jesse habang pinagmamasdan niya si Chin na nakadungaw sa bintana. Lasing talaga ang dalaga. Mabilis na ipinasok niya ang sasakyan ng buksan ng guard ang gate. Napabaling tingin siya sa mga nagkalat na sasakyang na nakaparada sa loob ng compound. Dinig na dinig din niya ang tugtugin at mga taong naghihiyawan na tila ba nag-aaway. Kahit malamlam ang buwan. Napansin niya ang babaeng nakatagilid. Malaki ang tiyan nito at pinaiikutan ng apat na lalaki. Napailing siya. Pero agarang nawala iyon ng makita niya ang apat na beses na miscall mula sa Tito niya. Hindi niya napansing kanina pa pala Ito tumatawag sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD