TULALA AT WALA SA sarili si Maria. Hindi niya alam kung paano pa siya nakauwi kagabi.
Magdamag siyang umiiyak at hindi nakatulog ng mabuti dahil sa natuklasan. Ayaw niya ng may kausap na kahit sino. Maging si Hilda, Kaye o ang kaniyang pamilya. Wala siyang pinagsabihan ng problema na kahit sino dahil alam niyang panaginip lang ang lahat! Hindi niya kayang tanggapin ang nakita kagabi! Para na siyang mababaliw. Bigla niyang tinakpan ang magkabilang tenga habang ang magkabilang pisngi ay basang -basa ng nagkalat na luha. Wasak na wasak ang pangarap niya para sa kaniyang pamilya. Ang ayaw niyang maranasan ng kaniyang mga anak ay kahit anong oras puwedeng mangyare.
Humagulgol ulit siya sa sakit na bumabalot sa puso niya. Wala siyang karamay dahil hindi umuwi ang tarantadong asawa niya! Gusto niyang makausap ito ng masinsinan. Ngunit doon ito natulog sa babae na ito na imbes na sa kaniya! Nanlulumo siyang humikbi. Sobrang sakit. Walang kasing sakit. Parang gusto na lang niyang mawalan ng hininga at huwag ng magising pa. Ganoon pala ang pakiramdam ng nilokong asawa. Nakakabaliw! Nakakapanghina! Ang masakit pa doon! Magkakaanak na ang dalawa! Magkakaanak na si River sa ibang babae! Mabilis niyang tinutop ang bibig. Gusto niyang humiyaw ng maibsan ang sakit na nararamdaman.
Napadako ang paningin niya sa pintuan dahil may kumakatok doon. Paulit-ulit ngunit tinitingnan lamang niya iyon. Inignora.
"Ma'am Maria, si Hilda po ito." malakas boses na pakilala ni Hilda.
Mabilis niyang pinunasan ang magkabilang pisngi gamit ang likuran ng palad. Kahit punasan niya iyon mapapansin pa rin nito ang namamaga niyang mga mata.
Pinagbuksan niya ito ng pintuan.
"Kagabi ka pa hindi kumakain, uh. Saka alas dos na ng hapon. Hindi ka pa ba nagugutom?" wika nito na nakatitig sa mukha niya. Nakatayo ito sa pintuan.
Sandali at pinapasok niya ito sa loob ng kuwarto at mabilis na sinarado ang pintuan.
"Hilda!" Tawag niya sa pangalan nito at mahigpit itong niyakap kahit hirap dahil malaki ang tiyan niya.
"Kahit naman hindi ka magkwento nahuhulaan ko na Ma'am Maria. May nahuli ka 'di ba? May babae nga si Sir River."
Humiwalay siya kay Hilda. Hinarap niya ito kahit nahihirapan.
"Hi-hindi k-ko kaya! Hindi k-ko kayang ma-mawala si River sa'kin! M-mababaliw ako. Mababaliw ako, Hilda!" humagulgol niyang sabi. Kahit hirap siyang magsalita, nagpatuloy pa rin siya, "A-ayaw ko ng sirang pa-pamilya! A-ayaw kong matulad a-ang bu-buhay ng...ng mga a-anak ko sa-sakin." Wala na siyang pakielam kung malaman nito ang pinakatatago niya, "Hum-humingi lang ng ta-tawad si River! Pat-patawarin k-ko s-sya, Hilda! K-kaya kong ta-tanggapin lahat! Lahat lahat! Ka-kaya kong magpa-patawad. Ma-mabuo lang 'yung pa-pamilya n-namin! A-ang sa-sakit, s-sobra!" Napipiyok niyang ulas na may halong hagulgol ng pag-iyak.
"Tahan na. Masama sa'yo ang umiyak ng umiyak at 'yung pinagbbuntis mo." Alo nito sa a kaniya habang hinagod ang likuran.
Umiling siya ng paulit-ulit. "Hilda, para akong mababaliw! Parang h-hindi ko ka-kaya! A-ang hirap ta-tanggapin na m-may ba-babae si River!"
"Magpakatatag ka. Isipin mo 'yung sanggol sa sinapupunan mo."
"Hi-hindi k-ko alam an-no uumpisahan ko."
Tumaas ang palad ni Hilda at pinahid ang luhang pabagsak sa pisngi niya.
"Basta kayanin mo dahil may mga anak ka at mangangank ka pa."
Hindi na nakasahod si Maria dahil sabay silang nabaling ni Hilda ng tingin sa pintuan ng may kumatok.
"Hi-hilda! Magtago ka. Tiyak, ina ni River 'yan!" Mabilis na utos niya. Agarang hindi mapakali si Hilda saan ba susuot. "Doon!" mahinang utos niya at itinuro ang sopa. "Magtago ka sa likuran ng sopa. Dalian mo!" Mabilis na nanakbo papunta doon si Hilda at itinago ang sarili.
Eksaktong nabuksan na rin ng ina ni River ang pintuan. Inabutan siyang basang-basa ang mukha ng mga luha. Nakangiti itong lumapit sa kaniya.
"Siguro naman alam mo na ang lahat, Maria...?" Bungad nito ng makalapit sa kaniya. Hindi siya kumibo. Tinitigan lamang niya ito, "Binalaan na kita nuon." patuloy nito, "Hindi ka mamahalin ng anak ko kaya huwag mo ng isiksik ang sarili mo."
Umiling siya sa harapan nito. Ipinakitang hindi siya naniniwala kahit na ba durog na durog na siya.
Tumawa naman ito sa naging reaksyon niya.
"Ang katigasan mo ang magdadala sa'yo sa kapahamakan, Maria! Dahil pagkapanganak mo puwede ka ng lumayas sa bahay ko! Dahil kahit kailan hindi kana pakikisamahan ni River!" Bulyaw nito.
"Napakasama mo! Ikaw ang may gawa nito lahat!"
"Oo! Dahil ang suwerte mo dahil lahat ng pagkaing hindi mo nakain, e, napakain ko sa'yo! Balasubas ka at walang modo! Tama lang sa'yo 'yang panloloko ng anak ko dahil kahit kelan hindi ka minahal ni River, Maria!"
"Mas balasubas ka!" Sabay ayus ng pagkakatayo niya. Doon 'man lang makaganti siya, "Ang tanda mo na pero ugaling basura ka pa rin! Tingin ng mga tao sa inyo mababait kayo! Pero 'yung totoo nabubulok na sa impyerno ang kaluluwa nyo dahil sa kasamaan nyo! Hindi ako aalis na hindi ko kasama ang anak ko! Magkakamatayan tayo! Buhay ko ang itataya ko! Ni isa sa kanila wala kang makukuha! Wala kayong makukuha ni River!" Malakas at matapang na hiyaw niya.
"Ganito ang pinakasalan ni River?" Bigla siyang napatingin sa babaeng may-ari ng boses na iniluwal sa kaniyang kuwarto. Umiiling ito habang naglalakad. Lalong kumulo ang dugo ni Maria. Gusto niya itong sugurin pero sa mga oras na iyon kailangan na niyang mag-ingat dahil dalawa na ang kalaban niya. Baka mapaanak siya ng dis oras.
"Regina! Honey!" Dinig niyang usal ng matanda at mabilis na lumapit sa kalaguyo ng asawa niya. Nagbeso ang dalawa.
"Sinong may sabing may karapatan kang tumapak sa kuwarto ko?" asik niya.
"Baka nakakalimutan mong pamamahay ko ito,Maria?" Agaw sagot ng matanda.
"At baka nakakalimutan mo pa ring asawa pa rin ako ng anak mo!" ganting tanong niya.
"Sinusubukan mo ba talaga ako, Maria?" Taas nuong sabi ng byenan niya. "Kahit ano kaya kong gawin saiyo." May pagbabanta ang mga binigkas nito. "Kahit apo ko 'yang pinagbubuntis mo. Kaya kong patayin kayong mag ina."
Awtomatikong napaurong siya dahil nakaramdam siya ng takot.
"Binabalaan kita, Maria. Dahan dahan ka sa pananalita mo dahil isang pitik ko lang. Pati pamilya mo kaya kong isabay sa libing mo."
Hindi siya nakakibo sa matinding takot. Parang nalunok na niya ang sariling dila.
Malakas na tumawa ito saka tumingin kay Regina. "Let's go, Hija."
At nang makita niya wala na ang dalawa. Tuluyang napaupo siya sa sahig. Tahimik siyang humagulgol sa galit. Mabilis namang lumapit si Hilda sa kaniya.
"Si Regina ay ang babae ni Sir River?" Hindi makapaniwalang tanong nito ng makalapit kay Maria.
"Oo Hilda. Ba-bakit kilala mo sya?" nagtatakang tanong niya.
"Bata pa lamang ako kilala ko na ang pamilya nila. Naging kapitan ang Ama niya. Umutang si Tatay ng pera sa kanila pero doble ang naging tubo kaya si Nanay hanggang ngayon namamasukan pa sa kanila. Kung may malalapitan lang kami para sa operasyon nuon ni Tatay. Hindi kami lalapit sa pamilyang 'yan. Tuso ang pamilya na 'yan."
"Hilda! Humihiyaw si mama. Baka makita kang naandito. Bilis lumabas kana! Mag usap na lang tayo pag wala na sila dito." May takot at humihikbi pa ring saad niya.
Tumango ito at mabilis na lumabas ng kuwarto niya. Naiwan siyang mag-isa.
"River hindi ko kaya! At alam na alam mo 'yan! Anong dahilan? May...may pagkukulang ba ako saiyo?" at saka sinalo ng magkabilang palad niya ang mukhang punong puno ulit Ng luha niya.