HINDI pa 'man nakakababa ng sasakyan si Jesse ng mag ring ang cellphone niya. Gusto 'man niyang ignorahin ngunit ang nasa linya ay ang Tito niya. Nagtataka siya kung bakit ito tumatawag ngayong doon naman siya galing. Nagmenor siya ng kaunti sa pagpapatakbo ng sasakyan, aabutin din niya ang tawagan. Mabilis din niyang sinagot ang tawag ng maabot ang cellphone.
"Yes, Tito." Aniya ng sagutin ito. Nakatuon pa rin ang mga mata sa dinadaanan habang ang telepono ay nakasabit lang sa may balikat habang nakadikit sa tenga niya.
"Hijo, Hijo!" Hindi maitatangging masaya ang boses ng matanda. "Napakasaya ko Hijo! May pamilya na ang anak ko! May mga apo na 'ko, Hijo!" patuloy nito.
"Congratulations Tito." nasabi ni Jesse sa matandang puno ng saya sa boses.
"Hindi ako makapaniwala, Hijo. Lalo akong nasabik sa mga anak ko."
"Magulang na rin sila. Kaya maiintindihan nila ang bagay na nagawa mo at mapapatawad ka rin nila." nakangiti niyang usal sa kabilang linya.
"Sana nga Hijo. Sana nga... Tiyak maiintindihan na rin ako ni Maria."
Nanliit ang mga mata ni Jesse.
"Sabik na akong makita ang apo ko kay Maria, Hijo."
Sa pagkabigla ni Jesse kamuntikanan na niyang mabangga ang kasunod na sasakyan dahil ang gusto niyang itanong ay nasagot kaagad ng matanda.
"Oh, sh*t!" mura niya ng magawang magpreno. Hindi niya napansin na may nakahintong Montero sa may gilid ng daan ngunit diretsyo lamang siya sa pagmamaneho.
"Gag*!" anas ng lalaking nakatayo sa gilid ng sasakyan nito. Dinig na dinig niya ito at kitang-kita niya sa pagbuka ng labi nito.
Mabilis na umibis ng sasakyan si Jesse.
"Sorry bro." Paumanhin niya sa lalaki.
"Paano kung nasalpok mo ako?" Hiyaw na tanong nito. "Are you drunk?" Dagdag pa nito sa kaniya.
Nailing siya. "Hindi bro. Sorry talaga. May nasanggi ba ako? Iam willing to pay." Pagpapakumbaba niya.
"Go to hell! Hindi ko kailangan ang pera mo!" Asik nito at sabay bukas ng sasakyan sabay at padabog na isinarado ang pintuan.
Naiwan si Jesse na nakatayo doon at tahimik na nakatingin sa sasakyan palayo sa kaniya. Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan ay bumuga siya ng hininga. Hindi rin nagtagal at tumalikod na rin siya at pumasok sa sasakyan. Sobrang nagulat siya sa impormasyon ng kaniyang Tito tungkol sa panganay na anak nito. Hindi niya inaasahan may pamilya na ang dalagang minahal niya kagaad kahit na ba hindi pa niya nakikita sa personal.
Pinaharurot niya ang sasakyan paalis sa lugar na 'yon. Hindi maitatangging may kurot sayang nararamdaman sa mga oras na 'yon.
At nang marating ang tinutuluyan. Diretsyo siya sa kaniyang kuwarto. At dahil mag-aalas onse na rin ng tanghali at ramdam pa rin niyang hindi siya nagugutom mabilis siyang naghubad ng mga saplot. Kumuha na rin siya ng alak sa loob ng refrigerator. Naalala niya may ilan pa doong alak. Iniinom niya iyon pag hindi siya makatulog. At mabilis na pumasok siya sa loob ng kuwarto. Tanging boxer short lang itinira niya at alam din niyang hindi maipinta ang itsura niya.
Nahiga siya sa kama pagkatapos inabot ang remote ng AC. Ini-on niya iyon. At ng ilagay ulit ang remote sa table na nasa tagiliran niya inabot naman niya ang remote ng TV para sindihan. Ngunit akma pa lamang niyang aabutin ng mag ring ang cellphone niya. Imbes na remote ang aabutin mas inuna niyang abutin ang cellphone na baka ang nasa kabilang linya ay ang Tito ulit niya. Baka may imporanteng sasabihin. Napakunot nuo si Jesse dahil hindi nakasave ang numero ng makita niya. Mabilis niyang binagsak sa table ang tawagan at saka doon pa lamang niya inabot ang remote ng TV. Manonood na lamang siya ng basketball. Ngunit ang akala niya ay isang beses lang magriring ang cellphone dahil ng tumigil iyon kakaring ay muli itong nagring. Sinilip niya ang cellphone kung sino ulit ang tumatawag. Ngunit hindi nagbago, iyon pa rin ang tumatawag kaya nagpasya na siyang sagutin.
"Hello." seryosong sagot niya. Wala siyang inaasahan na sinong man tatawag sa kaniya ngayong araw maliban sa Tito niya.
"Kumusta Mr Sungit?" Boses babae sa kabilang linya.
Nanliit ang mga mata ni Jesse. Nagtataka sa pangalan tinawag sa kaniya.
"Wrong call by—."
"No! Si Chin ito!" Mabilis na pigil nito. Hindi pa rin siya nagsalita dahil wala siyang naaalalang "Chin" ang pangalan. "Hey! Hindi mo na ba 'ko naalala? Yung kagabi? Hindi ba't binigay mo ang numero mo sa'kin?"
Doon pumasok sa isipan niya ang babaeng sobrang kulit. At naalala din niyang bago sila nito naghiwalay ay ibinigay niya ang numero dito at hindi niya inaasahan na matatandaan nito iyon ng ganoon kabilis. Namangha tuloy siya sa babae.
"Nasundan mo 'yung number na ibinigay ko?" iyon ang lumabas sa labi niya.
"Paanong hindi ko masusundan? Pagkatapos mo akong bitinin. Ngayon, paano kong hindi masusundan ang numero mo? Aber?" paliwanag nito.
"Are you unsatisfied? Let's continue for you to enjoy." nang-aakit na usal niya.
"Are you sure?" Medyo pagpapakipot nito.
"Okay by—."
"No! Ito Naman! Ang sungit mo talaga! Kung hindi lang malaki 'yang alaga mo, never kitang tawagan! Saan kaba nakatira?"
Napangisi siya sa narinig.
Ilan beses na ba rin niyang narinig iyan sa mga babae? Iyan din ang dahilan kung bakit hindi siya makalimutan ng mga ito.
Mabilis niyang idinalye ang lugar na tinitirahan niya. Bakit siya ayaw sa babaeng nagpapakita ng motibo? Gusto rin naman niya lalo na at nakaramdaman na naman siya ng pananakit ng puso. Gusto niyang mawala iyon kahit sandali.
Mahigit kalahating oras nang may mag doorbell sa labas. Matagal na rin siyang nasa sala at umiinom, doon siya naghihintay kaya ng marinig niya iyon ay dagli siyang lumabas. At muling nakita niya ang babaeng nabitin sa loob ng Cr. Nakasuot ito ng V-neck T-shirt na nagkukulay puti at tibernuhan ng short na kulang na lamang ay makita ang panloob nitong saplot dahil sa sobrang ikli. Maputi pala ito at hindi niya napansin kagabi.
Nakangiti ito ng makita niya ngunit nagbago ang itsura nito ng hagudin siya ng tingin. At dahil nagtapis lamang siya ng tuwalya kaya hindi maiwasang bumukol ang pang ibaba niya.
Kamuntikanan pa nga itong matipalok nung nag-umpisang lumukad ito papasok sa loob ng bahay niya.
"Any drinks na gusto mo?" Alok niya sa dalaga.
"Wa-water please. Thank you." Nauutal nitong sagot kaya nangingisi siyang tumalikod papunta sa kusina.
Mas mauutal ka kapag ipinasok ko na!