KABANATA 16.

1012 Words
ANIM NA BUWAN ANG NAKALIPAS. "River! River!" Malakas na tawag ni Maria sa asawang papasok sa loob ng malaking sala. Kararating lamang nito galing sa labas ng bansa. Dalawang linggo itong nawala kung kaya't labis ang pagkasabik ni Maria sa asawa. Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap. "Sya...sya, Maria. Dalhin mo itong traveling bag ko sa kuwarto at ako na ang bahalang mag-ayos ng mga gamit ko." iritadong utos nito habang nakayakap pa si Maria kay River. Ngunit hindi na iyon pinansin pa ni Maria. Sobrang namiss niya ito. Para kay Maria, tila ba ilang taon niyang hindi nakita si River kahit na ba habang tumatagal ay nagiging masungit ito sa kaniya pero iniintindi na lamang niya ito dahil pagod ito sa trabaho. Saktong nuong mag- aapat na buwan na ang pinagbubuntis niya. Naging kanan kamay na ito ng ama nitong nakaupo ng Gobernador. "River, Hijo!" masayang bungad ng ina nieRiver. Mabilis na lumapit ang byenan niya at agarang yumakap kay River ngunit nakayakap pa rin siya sa kaniyang asawa. Naramdaman ni Maria ang pag-hawak ni River sa magkabila niyang kamay, saka inalis iyon. Hindi na siya tumanggi pa dahil kulang na lang ay itulak siya ng ina nito. Simula ng maganap ang pagpapalayas nito sa kaniya at nag stay siya ng ilang araw sa bahay ni Kaye. Medyo nabawasan ang pang aalipin ng ina ni River kay Maria. Hindi siya umuwi ng kusa bagkus ay sinundo siya ni River sa bahay ni Kaye. Sinabi ni River sa kaniya alagaan niyang mabuti ang anak nilang pinagbubuntis niya. Medyo hindi na rin sila nagtatalo ng kaniyang byenan. Hindi na rin nila nagawang mangupahan na siyang pinipilit niya kay River dahil hindi pumayag ang ama nito. Kesyo malaki daw ang mansion nito para lumayas p sila ng bahay. "Hijo, hindi ka 'man lang nagsabi na mauuna kang uuwi? Ang akala ko kasabay mo ang ama mo next week pa?" dinig niyang tanong ng ina nito. "River ipapasok ko rin ba itong bagpack mo?" tanong niya sa asawang nakikipag usap ng masinsinan sa byenan niy. "Ang bastos mo talaga, Maria! Pwede ba Maria sa twing nag-uusap kami ng anak ko huwag kang sisingit!" galit na asik kaagad nito sa kaniya. Sa pakiramdam ni Maria. Wala siyang nagawang mali. Gusto niyang sumagot, maipaliwanag, ngunit tinitigan na lamang siya ni River at alam na niya ang pahiwatig no'n. Sanay na talaga siya sa lahat. Sanay na sanay na! "Lumabas ka nga!" pabulyaw na utos nito. Kahit hirap sa paglalakad dahil malaki na ang tiyan niya at dahil tatlong buwan na lamang ay mangangank na siya, sinikap niyang bilisan humakbang palayo sa dalawa. Saka hindi naman siya interesado na marinig ang pag-uusapan ng mga ito dahil usapan politiko naman lagi ang pinag-uusapan ng mga ito. "Umuwi na rin ba si Regina, Hijo? Kumusta ang pinagbubuntis niya?" katanungan ng ina ni River na hindi na narinig ni Maria. Pagkapatong ni Maria sa bagpack ni River sa sopa ng kanilang kuwarto. Inilagay naman niya ang traveling bag sa gilid. Napagod siya sa paglalakad na hindi naman nangayayre dati o sadyang dahil buntis siya. Bigla siyang napaisip ng maupo siya sa sopa katabi ng bagpack. Itsurang pagod na pagod si River kaya hinagilap niya ang susi ng travelling bag sa loob ng bagpack sa ganoon hindi na ito ang mag-aayos. Napangiti siya nang agaran niyang nakita ang susi sa loob. Mabilis niyang binuksan ang travelling bag na dala ni River. Tama nga siya ng iniisip. Ang laman no'n ay halos maruruming damit. Naiiling na isa -isa niyang kinuha palabas doon ang mga damit, pants ang underwear nito. "Paano kung hindi ka pala umuwi, e,'di wala kana pa lang susuotin? Hays..." usal ni Maria habang iniisa isa ang gamit. Ngunit napahinto si Maria at biglang napatayo sa gulat nang makakita ito ng isang undies sa loob ng maleta at biglang kinabahan. "Ka-kanino 'yan?" nauutal niyang tanong sa sarili. "Bakit may ganyan sa loob ng maleta ni, River.?Hindi isa kundi limang piraso na halos pare-pareho. Imposibleng binaon iyon ni River at ginamit dahil wala siyang ganoong panloob!" malakas na binayo ang dibdib ni Maria. "Maria!" mabilis na lumihis ng tingin si Maria at idinako iyon sa tumawag sa kaniya. Si River tinatawag ang pangalan niya. "A-ano 'to?" Naguguluhan tanong niya kay River. Mabilis na naglakad papalapit si River sa kaniya ng ituro niya ang saplot pambabae. Nakita niyang nagulat din si River. "Ah, ka-kay Carl! Bullsh*t na lalaki na 'yan!" mura nito sa kaibigan. "Kasama din namin siya. Undies ng asawa niya 'yan" dagdag pa nito. "Bakit naandyan? Wala ba siyang maleta? Bakit ang dami?" Yung halos malaglag ang puso niya kanina ay naibsan din ng marinig niya ang paliwanag ni River. May tiwala siya kay River. Hindi ito gagawa ng ikasisira ng pamilya nila dahil mahal siya nito. Lalo na at malapit ng ilabas ang pangalawa nilang anak at lalaki ito. Nuong malaman nitong lalaki ang ipinagbubuntis niya tuwang-tuwa ito maging ang kaniyang mga byenan. "Meron pero hindi ko alam kung bakit 'yan naandyan. Naku! Nag prank na naman ang lokong 'yun!" paliwanag nito. Tumango na lamang siya sa sasagutan ni River. "Ang sabi ko naman kasi saiyo. Ako na ang magbubukas nitong maleta ko. Ako na mag-aayos." saka umupo ito sa nagkalat na gamit. Inisa -isa nito at inilagay sa laundry basket ang mga damit. "Alam ko pagod ka River kaya nagkusa na akong buksan." mahinahon niyang paliwanag. "Okay lang naman, Maria, kahit ako na.. Ayaw kong napapagod ka. Malapit ka ng manganak." Akmang magsasalita pa sana si Maria ng magring ang tawagan ni River. Walang paalam na lumabas ito ng kuwarto na tila BA walang kausap kanina, naiwan siya sa loob ng kuwarto nila. Siya na ang nagpatuloy sa ginagawa ni River. "Lintik na Carl na 'yon! Akala mo siguro mapaprank mo 'ko." Saka hinagod ang hawak na undies sa magkabilang palad na ngayon ay hawak na niya. "Anong klase bang undies 'to? E, pag sinuot mo 'to lalabas pa bulb*l mo dito." maya't ginawa na lang niyang itapon sa trust can dahil hindi rin niya maipaliwanag ang amoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD