KABANATA 14. Jesse's P.O.V

1056 Words
KRINGGGGG! Malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sa mahimbing kong pagkakatulog, dahilan din para takpan ko ang magkabilang tenga ko dahil naghuhumiyaw iyon at nagsasabing tumayo ako. Dalawang minuto ang inabot ng malakas na tunog. Para akong nabingi pero sinadya ko talaga iyon lakasan. Napasapo ako ng ulo matapos kong umupo sa kama. Masakit ang ulo ko sa sobrang kalasingan kagabi at hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay ko. Kasalanan iyon ni Matt! Salo pa rin ang ulo ng tumayo ako at nagtungo ng banyo. Mas okay na iligo ko na lang iyon ng mabawasan ang hang over ko. Kailangan ko din bilisan dahil may masinsinan kaming pag-uusapan ni Tito. Itong araw na ito ang usapan namin na magkikita kami at may imporanteng bagay na ipapakita Ito. Sinalubong ng mukha ko ang malaking patak ng shower habang ang mga palad ko ay kumukuskos sa buong katawan ko. Biglang sumagi sa isipan ko ang babaeng nakakita ng p*********i ko. At natitiyak kong hindi nito natandaan angenumero ko. Sandali lang at sinarado ko na ang shower at lumabas ako ng banyo. Dagli-dagli akong humugot ng susuotin ko sa cabinet. Maong na pantalon at isang puting t-shirt ang napili kong suotin. Halos bumakat sa katawan ko ang isinuot ko. Hindi naman ako naggi-gym pero malaki talaga ang katawan ko. Naman ko ito sa lahi namin. Mabilis kong inabot ang susing nakalapag sa table. Nagtataka man, mamaya ko na lang tatawagan si Matt kung sino nagdrive ng sasakyan ko. Nagpatuloy na lang akong maglakad palabas. Nabili ko ang bahay ko galing sa katas ng paghihirap ko. Iyon ang inuna ko matapos ang sasakyan naman. Halos paliparin ko ang sasakyan at mabilis namang narating ko ang bahay ni Tito. At dahil naka save ang fingerprint ko sa gate, malaya akong nakapasok sa mansion na pag-aari nito. Nag-iisa na lang ito sa buhay dahil nakaraan taon namatay na ang asawa nito dahil sa sakit na cancer. May kasama itong katulong na tatlo na syang nag aasikaso sa matanda. "Good morning, Hijo." Bungad nito sa akin ng salubungin ako nito sa malaking sala. Gumalaw pa ang tungkod nito. "Good morning, Tito." Balik bati ko sa paralisadong matanda. "Umupo ka." Alok nito at ginawa ko naman. "Duday! Maghanda ka ng almusal at dito kakain si Jesse!" Baling na hiyaw naman nito sa katulong. "Sige po, Sir!" Mabilis na sagot naman ng matandang matagal ng nagtatrabaho sa mansion. "Wala ka bang pasok ngayon, Hijo? Hindi ba ako nakaistorbo sa'yo?" Nakangiting tanong nito na nagawa na ding umupo kaharap ko. Kahit ilang hakbang ang layo nito sa akin ay narinig ko pa rin ito. "Wala naman Tito." sabi ko. Pero ang totoo nag absent lang ako para makausap ito dahil importante ang pag-uusapan namin dalawa. "Masaya ako dahil nakakuha na ng impormasyon sa mga anak ko, Hijo. Nakakuha na rin ako ng mga litrato nila kung ano ang mga itsura nila." umpisa nito habang nasa palad na nito ang isang envelope na inabot na nakapatong sa may tagiliran nito. "Pero hindi ko pa rin alam kung saan silang lugar nakatira." ang kasiyahan sa mukha ay biglang nagbago. Maya at inabot sa akin ang hawak. "Look, Hijo." Inabot ko ang hawak nito. Mga bata pa ng ipakita sa'kin na litrato nuon nila Melita at Carla. At dahil walang makitang litrato ng panganay nito hinayaan ko na lang. Ngunit ang laki ng mga pinagbago ng dalawa. Ang ganda ni Melita at Carla nuong dumalaga na. Pero mas lalong naging interesado ako ng makita ko ang itsura ng panaganay na anak nito. Parang pinagbiyak na bunga dahil halos nakuha ng panganay na anak nito ang itsura ng ama nito. Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam para akong lalong naging interesado na hanapin ito. May kung anong pumipitik sa dibdib ko.Napalunok laway ako. Na love at first sight yata ako sa anak ng taong nagpalaki at tumulong sa'kin. "Iyan si Maria. Napakaganda niya, 'di ba?" Ibinaba ko sa sopa ang hawak ko bago sumagot. Ayaw kong pakatitigan iyon. "Bakit walang nakuhang impormasyon sa mga anak mo kung saan nakatira ang mga ito Tito?" Takang tanong ko. "Hindi ko alam." Saka bumuntong hininga. "Sabi ni Mr Henz. Paiba-iba daw ng tinutuluyan ng dati kong kinakasama. Lalo akong nagkaroon ng pag-asa Hijo ng makita ko sila na buhay sila. Sana makita ko pa sila habang malakas ako." May lungkot sa boses nito. Tumango ako ng paulit-ulit. "May mga pamilya na ba sila? Oh, hindi rin nasagap ni Mr Henz?" patuloy ko sa pagtatanong. "Basta ang sabi niya buhay ang tatlo kong anak. Nakaraan buwan lumipat na naman daw ng bahay ang mga ito kaya mahihirapan na naman tayong hanapin sila." "Madali na lang 'yan Tito." Pagpapalakas loob ko sa matandang nawawalan ng pag-asa. "Hijo, nakikiusap ako. Hanapin mo sila at dalhin mo dito. Gusto ko pa silang makita. Alam ko hindi ganoon kadali na tatanggapin nila ako. Pero kaya kong tanggapin lahat ng parusa makasama ko lang ang mga anak ko. Mahina na ako Jesse. Bilang na ang buhay ko sa mundong ibabaw." "Tsk! Ano naman ba ang pumapasok sa isipan nyo? Syempre! Mahahanap natin sila at matatanggap ka pa rin nila." Pagpapalakas loob ko. Alam ko ang kwento ng buhay nito dahil naikwento din nito sa akin. "Matanda na ako Hijo. Marami na akong nararamdamang sakit." "Sus! Hayan na naman tayo, eh!" saka ngumiti sa matanda. "Eh, ikaw? Kelan mo ba ako balak bigyan ng apo. Aba! Huwag mong sabihin na hanggang ngayon wala ka rin napupusuan?" Ang anak nyo! Si Maria! Sigaw kaagad ng isipan ko. "Abat! Habang maaga maghanap ka na." Dagdag pa nito. "Hinihintay po 'yan Tito. Darating at darating ako sa ganyan." Umiling ang matanda. "Pagpatay na ako?" "Hey! Don't say that Tito!" Bawal ko sa matanda. "Kung sakaling mahanap ko ang mga anak ko. Tanggapin kaya nila ako, Jesse? Ang laki ng kasalanan ko sa kanila." Ito ang paulit-ulit na laging tinatanong nito sa akin. "Oo naman! Napakabuti mong ama Tito." Mabilis na turan ko. "Saiyo Hijo. Pero sa kanila, tinalikuran ko sila." "Excuse me. Sir Dado at Sir Jesse nakahanda na po ang umagahan ninyo." Usal naman ng katulong na biglang lumitaw sa harapan namin. "Siguro mag almusal muna tayo bago ulit mag-usap Hijo." Saka tumayo ito at mabilis Naman akong tumalima dahil Hirap Ito sa pagtayo paggaling sa pagkakaupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD