KABANATA 2. Maria's P.O.V.

1874 Words
DAHIL SA matinding gutom at walang humpay na pagkulo ng aking tiyan, walang nagawang pinagmasdan ko na lamang ang mahimbing na pagtulog nang mga kapatid ko kapwa na nasa tigiliran ko. Si Carla na labas ang tiyan habang ang mukha'y nakangiti tiyak na nanaginip ito na nakikipaglaro sa mga kalaro nito. Ibinaba ko ang sandong damit nito para matakpan ang tiyan nito. Saka bahagya akong ngumiti. O baka naman ang panaginip nito ay kayakap ang aming ama na nasa panaginip na lamang siguro namin makikita. Sandali'y napalitan din iyon ng pasibi ng labi na animoy may umaaway rito. Biglang sumagi sa isipan ko. Ilang araw na ako nitong kinukulit tungkol sa sinasabi ng kalaro nitong 'anak sila sa buho'. Awtomatikong napabuntong hininga ako habang titig na titig kay Carla. Maya't nailing ako habang pinagmamasdan ito. Sa edad nito naghahanap na ito ng ama. Tiyak kong naitatanong na rin nito sa sarili kung nasaan ang kanilang ama. At bakit may ama ang iba, samantalang kami ay wala? Humugot ako ng mahabang paghinga na para bang sapo ang langit. Para bang naninikip ang dibdib ko sa isipin na iyon. Napabaling tingin naman ako kay Melita na nasa kanang tagiliran ko. Ang bunso kong kapatid. Ang walang kamuwang-muwabg kong kapatid. Ang mukha nitong walang kamalay -malay sa lahat. At wala pa itong alam sa lahat nang nararamdaman ni Carla. Nakasiksik ito sa may hita ko dahil nakaupo ako at nakasandal sa uluhan nang aming kama. Apaka sarap maging bata 'yung tipong wala kang inaalalang problema, wala kang iisipin na—bakit wala kaming ganito at ganiyan? Kung titiisin sa edad na sampo puwede ng ikumpara sa bente anyos ang edad ko. Pakiramdam ko alam ko na ang lahat. Walang nagawang pinaghahaplos ko na lang ang mga pisngi ng mga kapatid ko. Segundo lang din at nahiga na ako sa gitna nang mga ito. Ngunit ilang minuto pa lamang habang mahimbing na natutulog ang dalawa, biling baligtad ang ginagawa ko. Kung nakakapagsalita lang siguro ang mga alaga ko sa tiyan, nagsisigaw na ang mga ito na pakainin ko na sila. Tiyak kong nagrarambulan na ang mga ito dahil halos walang palya sa pagtunog ang tiyan ko. Lalo lang din nagigising ang diwa ko dahil ang nasa utak ko ay masasarap na pagkain na kanina lang nagtatanong kung nasaan ang aming ama. "Kainis! Nagugutom talaga 'ko!" dabog na bigkas ko at hinimas pa ang tiyan ko saka umupo na hindi umaalis sa puwesto. "Hindi naman ako puwedeng lumabas ng kuwarto baka makita ako ni nanay na nasa kusina, at tiyak pag nahuli akong gising at lumabas ng kuwarto, hindi magda dalawang isip iyon na paluin ako." wika ko sa aking sarili. Ipinatong ko ang pang ibabang mukha ko sa magkabila kong baraso na ngayon ay nakapatong na sa magkabila kong tuhod. Ngunit tila ba may sariling utak ang katawan ko dahil sa sobrang gutom, namalayan ko na lamang na sa harapan na 'ko ng pintuan ng kuwarto namin saka awtomatikong pinihit ang serendura. Hinayaan kong umagos ako sa pag galaw ng katawan ko at dinala ako sa harapang ng pintuan saka walang abog na pinihit ko ang serendura ng kusina. At dahil nakayuko ako. Pagtaas ng ulo ko nanlaki ang mga mata ko sa gulat at kusang napahinto sa pintuan ng kusina dahil sa nabungaran ko. Si nanay na may kasamang isang lalaki. Nakaupo ang dalawa sa upuan. Sa takot ko, pinagmasadan ko na lamang si nanay at pagkatapos ang lalaki naman na ngayon ko lamang nakita sa buong buhay ko at hindi nalalayo sa edad ni nanay dahil batang- bata ang itsura nito at bukod doon hindi nalalayo sa itsura namin ni Melita. Tila ba nakita ko ang itsura ko sa lalaking kaharap ko dahil ang kamukha ni Carla ay si nanay habang kami ni Melita ay hindi ko 'man lang mahulaan kung kanino at ngayon tila ba nasagot ang matagal ko nang itinatanong sa isipan ko. Biglang may umikot sa isipan ko na gustong ialpas ng bibig ko para magtanong. Ngunit nawala iyon ng biglang tumayo si nanay sa kinauupuan nito at maging ang lalaki. Pansin kong natataranta si nanay habang ang lalaking katabi nito ay palipat-lipat ng tingin sa amin ni nanay. Hindi rin nagtagal at pabulyaw itong nagtanong sa nanay ko. Habang ako hindi gumagalaw at nakamasid lamang sa dalawa at naandon pa rin ang gulat sa mukha ko. "Mina! Sino ang bata'ng 'yan?!" pabulyaw nitong tanong kay nanay habang nakatitig sa akin. Napalunok laway ako sa inasal nito. Sino ba ang lalaking ito? Bakit hinahayaan ng aking ina na hiyawan siya nito? Nawala ako sa isipin na iyon ng bumaling sa akin si nanay na may galit na rin sa mukha. "Bata ka!" hiyaw nito at nanlalaki ang mata kasabay ng paglabas ng litid nito sa leeg. "Hindi ba't ang sabi ko huwag kang lalabas ng kuwarto nyo?! Bumalik ka sa kuwarto nyo at matulog ka na!" utos na hiyaw sa 'kin ni nanay na hindi 'man lang sinagot ang tanong ng lalaking nakatayo na puno ang galit sa mukha. Nang hindi ako gumagalaw sa pagkakatayo ko. Nagmamadaling lumapit sa akin si nanay habang ang kanang kamay ay nakaakmang mamalo. Ngunit walang lakas ang mga paa ko para gumalaw. Parang hindi rin ko nasindak. "Nay... sino po siya?" Lumabas sa labi ko na hindi 'man lang natakot sa galit na nakabalatay sa mukha ni nanay. "Siya po ba ang tatay namin?" lakas loob na tanong ko habang ang boses mahina ang pagkakabigkas ngunit ang mga mata ko ay nakatitig lamang sa lalaking may pagkagulat ang mukha nang maitanong ko iyon. Napahinto si nanay sa paghakbang ng maitinanong ko iyon. "H-hindi!" mabilis na tanggi ni nanay sa akin, lumingon pa ito sa lalaki. "Pumunta ka na sa kuwarto nyo!" muling utos nito ng makaharap ulit sa akin. Ngunit hindi ulit ako natinag sa pagalit na utos nito. "Kung ganoon po nanay. Bakit po kamukha namin siya ni Melita?" sa dibdib ko tila ba nagsisinungaling ito. Ramdam kong may tinatago si nanay sa akin, sa amin ng mga kapatid ko. At sa mga oras na iyon. Iyon ang gusto kong malaman. "Mina! Sino sya?!" alsa boses na baling ng lalaki kay nanay. "Hindi ba't ang sabi mo wala tayong anak? Ang sabi mo sa akin, lahat nang mga pinagbuntis mo ay ipinalaglag mo? Sino ang mga batang 'yan?! Kung sinadya mo ito, hindi ko ito kayang tanggapin! At hindi ko sila matatanggap dahil hindi rin sila tatanggapin ng mga magulang ko!" Sa edad kong sampo, naintindihan ko kaagad ang sinabi ng lalaking kaharap ko. Hindi sila nito matatanggap kung sakaling anak nga sila nito. At bakit? Anong dahilan kung ganoon? Halos hindi na rin makakibo si nanay at itsurang nalunok na nito ang sariling dila sa harapan ng lalaking naghihintay nang sagot nito. Hindi ako nakatiis at nagsalita ako sa tanong nito. "I-ikaw p-po ang a-ama na-namin?" napipiyok na sambit ko. "Pinalaglag po? Tatlong beses pong lumaki ang tiyan ni nanay at ako po ang panganay sa amin tatlong magkakapatid. At hindi po ako nagkakamaling ama namin kayo dahil ikaw pa lang po ang nakita kong nakapasok na lalaki sa bahay namin bukod doon kamukha pa po ninyo si Melita at maging ako." lakas loob kong sambit ngunit halos pabulong ko nang banggitin iyon. Kahit pinagmukha na nitong ayaw nito sa amin ng mga kapatid ko. Pero sa pagsagot ko no'n isang malakas na pagdapo ng palad ang dumapo sa pisngi ni nanay. Napauwang labi ako sa nakita ko. Kulang na lang tumabingi ang mukha ni nanay sa nakita kong pagdapo ng palad ng lalaki. Mabilis akong napatakbo papunta kung nasaan si nanay. Dinaluhan ko ito at yumakap ako patalikod rito at nag-iiyak. "Nanay! Lumayo po kayo sa lalaking iyan! Masama po syang tao dahil sinaktan ka po niya!" Humahagulgol na bigkas ko na may kasamang takot, yakap pa rin ang bewang ni nanay. Nakayuko si nanay at walang kagalaw-galaw, pero hindi ko alam kung umiiyak ba ito o sadyang nasaktan lang ang pisngi nito kaya nakayuko ito. "Sinungaling ka Mina!" hiyaw at duro ng lalaki kay nanay ng lapitan nito. Nanlilisik ang mga mata nito na kulang na lang ay lunukin si nanay ng buo. "Hindi ba't ang sabi ko saiyo hindi tayo puwedeng magkaanak! Mawawalan ako ng malaking mana pag nalamang nagkaanak ako saiyo! Alam mo Mina nag-iisa akong anak at bawal magkaanak saiyo!" namumulang bulyaw na bigkas nito kay nanay. Maya't hawak ko na rin ang pisngi ko dahil pakiramdam ko, parang tumabingi din ang pisngi ko na hanggang ngayon ay salo pa rin ni nanay. Pakiramdam ko salot kami sa lalaking kaharap ko. Maya't nagtaas ng mukha si nanay, kasabay ng pag punas nito ng luha sa magkabilang pisngi nito. "Dado, hindi ko kakayanin patayin ang mga anak mo masabi lang na mawawalan ka ng mana." malamlam na bigkas nito habang diretsyong nakatingin sa lalaking na ngayon ay lalong nanlaki ang mga mata sa sinambit ni nanay rito. Maging ako'y nagulat. Tama nga ang kutob ko. Hindi ako nagkamali at ama nga namin ng mga kapatid ko ang lalaking kaharap ko. Ngunit dati rati'y nangungulila ako rito pero ngayon suklam at galit ang pumalit sa puso ko sa sinabi nito. "Mas gugustuhin kong itago sila saiyo, kesa naman patayin sila! Hindi ko kayang patayin ang laman at dugo ko! Dahil mabubuhay sila kahit hindi mo sila tanggapin at makita!" madiin na bigkas ni nanay sa lalaki kasabay ng pagyakap sa akin. At dahil matangkad si nanay hanggang bewang lang ako nito. Pareho namin nakitang paulit-ulit na umiling ang lalaki. At ang ama ko nga! Nanginig ang labi ko. Sa unang pagkakataon na makita ko ito iyon pa ang maririnig ko rito. Tinatakwil kami nito na ganoon kadali. "Ate..." boses ng dalawang batang nasa likod ko. Mabilis akong napabaling tingin kay Carla na ngayon ay na sa harapan ng pintuan at kinukuskos ang mata at nasa tagiliran naman nito si Melita. Magkahawak kamay ang dalawa kapwa nakaakmang iiyak. "Ate Mayta..." Hindi diretsyong pagtawag sa pangalan ko ni Melita. Mabilis na humakbang si nanay kasama ako palapit sa dalawa kong kapatid. Tatlo kaming sinakop ng magkabilang baraso ni nanay sa harapan ng ama ko. "Hindi ko kayang patayin ang mga anak natin Dado." lumuluhang sambit ni nanay sa mababang boses. "Masuklam ka na at magalit. Alisan mo ako ng sustento dahil sa ginawa ko. Hindi ko talaga kayang gawin ang gusto mo! Mamatay ako kasama sila! Ano 'man ang mangyari kasama ko sila!" lumuluhang sambit ni nanay. Napahagulgol ako habang nakamasid lamang sa amin ang ama ko. "Hindi ko kayo kayang tatanggapin! Alam mong si Liezel ang pakakasalan ko Mina! Engage ako sa kaniya at alam mo 'yan! Pero ngayong nalaman kong may anak tayo. Isa lang ang sasabihin ko! Wala akong tatanggapin ni isa sa inyo! Bahala kayo sa buhay nyo dahil itatakwil ako ng magulang ko oras na malamang may anak ako sa labas!" nangangalit pangang bigkas nito. Bigla akong napahagulgol ng malakas sa narinig ko. Sa unang pagkakataon na makita ko ito. Iyon din ang araw na narinig kong itinakwil kami ng aking ama. Parang tinutusok ng kutsilyo ang puso ko ng paulit-ulit. Ngayon lahat ng kasagutan ni Carla maging ako ay nasagot kung bakit wala kaming amang nakaalalay sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD