"NICE TO MEETING YOU, Jesse." saka inabot kay Jesse ang palad ni Regina. Ngumiti siya ngunit ang mga mata niya ay malikot dahil may hinahanap siya. "So, anong binabalak ninyong dalawa ng kapatid ko?"
"Excuse me, Regina. Wala kaming relasyon ni Jesse.Just Freinds. Okay?" Pagtatama ni Chin sa kapatid.
"Sus! Huwag ako Chin! Dumaan din ako dyan! Hindi na tayo bata para magtagu-taguan pa." saka naupo sa sa upuan na nasa likuran nito. Hindi maiwasang mapatitig siya sa bilugang tiyan nito.
"Jesse, kailan ang balak nyo ng anak ko?" Segunda ng matanda sa kay Regina.
"Mommy!" bawal nito sa ina.
"Chin, pamilya tayong lahat dito. Huwag na ninyo itago ang totoo." usal nito sa anak.
Napabaling ang tingin ni Chin sa kaniya. "Kumain na nga tayo." anyaya ni Chin. Mabilis naman niyang pinaghila ito ng upuan at sabay silang umupo. Sinadya niya talaga iyon para sa kanila mabaling ang atensyon ng mga ito.
"Hijo!" Masayang bati ng matanda sa bagong dating.
Napayukom siya ng kamao habang nakapatong iyon sa hita niya. Hindi pa siya nagtataas ng ulo pero nangangalabit na ang isipan niyang tingnan ang bagong dating na kanina pa niya gustong makita. Nagtimpi siya at pilit na kimalma ang sarili. Pilit na ngiti ang bumalatay sa mukha niya at saka nagtaas ng paningin.
"Sorry, I'm late." pasensya nito na mabilis na naupo sa tabi ni Regina.
Nanliit ang mga mata niyang pinagmamasdan ang lalaki. Kayumanggi ang katawan nito at hindi naman kagandahan lalaki. Hindi kalakihan ang katawan ngunit kung titingnan ay kagalang galang. Gawa na rin siguro sa istado ng buhay politiko.
"By the way, Jesse." Mabilis siyang napabaling sa matanda.
"Si River, asawa ni Regina." tumango siya at tumayo para maglahad ng palad. Ngunit mabilis ito at naunahan siya nitong maglahad ng palad kaya siya ang umabot ng palad nito.
"Bullsh*t!" mura ng isipan niya.
"Kailan ang balak nyo ni Chin, bro?" agarang tanong ni River sa kaniya ng makaupo ito sa tabi ni Regina.
"You can stop asking River? Freinds lang kami ni Jesse." Agaw na sagot ni Chin.
"Kung wala kayo, bakit mo sya dinala dito?" mabilis na tanong naman ni Regina.
"Nothi—."
"Malalim ang pagkakaibigan namin ni Chin. Para sa'kin, hindi sya mahirap mahalin." agaw niya sa isasagot ni Chin. Mabilis itong napabaling ng tingin sa kaniya.
"Wala ka bang sabit? I mean mahal mo na ba si Chin?" ani ni Regina.
"Don't asking and let's eat Regina?!" Suway ni Chin sa kapatid.
"O, cmon, Hija. Sinisiguro lang namin na si Jesse na 'yung lalaking nakalaan para sa'yo. Alam mo naman napalaki ng problema natin ngayon about sa sitwasyon nila Regina at Riv—." Hindi na nito naituloy ng biglang magsalita si Regina.
"Mommy! Please may bisita tayo!" suway nito sa ina, "Saka, patay na ang asawa ni River kaya malaya na kami." Agaran siyang nasamid. Parang may bumarang laway sa lalamunan niya ng marinig niya ang sinabi ni Regina.
"Excuse me." usal niya sa patuloy na pag-ubo.
"Are you okay?" ani Chin na nakatunghay sa kaniya. Tumango naman siya.
"Sayang hindi ka nakadalo nuong gender reveal, Jesse." May paghihinayang na sambit ni Regina. Ngunit ang gusto niyang magsalita ay si River.
"By the way congratulations to both you." Hirap na bati niya. At ngumiti naman si Regina sa kaniya maging si River.
"Next time makakaattend rin ako. Any party para naman mapaghandaan ko?"
"Usually kasal si River sa una niyang asawa pero patay na ito Kaya puwede na kaming ikasal. I will invite you when we decided if when." saka matamis na ngumiti.
"River, how's your day? Mukhang nakikita ko sa itsura mo lagi kang busy." baling niya rito. Gusto niya itong makakwentuhan.
Tumango Ito. "Yes. Super busy. Wala na rin akong time para sa dalawa kong mga anak."
Lalong siyang ginanahan makipag kuwentuhan dahil nabanggit nito ang anak ni Maria.
"Sorry, Hindi ko gustong mabanggit ang asawa mo. Gusto ko lang malaman kung ano ikinamatay niya bro, parang ang bata pa nya?" Mabilis na nagkatinginan sina Regina at River. Para bang humahagilap ang dalawa sa isasagit nito sa kaniya.
"Usually patay-p*****n pa lang."
"Chin!" mabilis na tawag ni Regina sa kapatid saka pinandilatan ng mga mata. Kunware hindi niya iyon nakita at napansin.
"A,e, ano kasi." nauudlot na usal ni River.
"May cancer! Yes, stage 4 na nung makita ng pamilya ni River." si Regina ang sumagot.
"Aghm...sorry about that bro. Kumusta pala ang mga anak nyo? Kasama mo ba sila?"
"Hindi, e! Saka mother ko ang nag-aalaga tapos ung sanggol naka incubator."
"No, Jesse! Ibig sabihin ni River, nuon naka incubator ang sanggol. 1 years old na rin 'yung bunso." Agaw ulit ni Regina.
Mabilis niyang naalala, buntis si Maria at pangalawang anak niya ang ipinagbubuntis nito. Totoo kayang nasa bahay lang si Maria dahil kapapanganak lang o itinatago lang ng pamilya ni River? Naguguluhan siya sa mga isinasagot ni Regina sa kaniya.
"Ah, I see." Aniya na may halong pagtango. "Next time gusto ko din ma meet ang anak mo. Mahilig kasi ako sa mga bata."
"So, puwede na ba tayong kumain?!" pang-iiba ni Regina sa lahat.
Basang-basa niya ang pamilyang ito na may itinatago sa kaniya. Malalaman din niya iyon at hindi siya hihinto na gumawa ng paraan para lang may makuhang impormasyon kay Maria.
"NANAY SUSAN, okay na po ako." nakangiting sabay hagod ni Carmen sa buhok ng matanda habang katabi ang anak nitong laging kasa-kasama sa pangunguna ng basura.
"Carmen, magdadalawang buwan ka pa lang na nakakalabas ng hospital." paalala nito sa kaniya na malabo niyang makalimutan.
Nang makita siyang nakalupasay sa lupa, maswerte pa siyang ito ang nakapulot at nakatulong sa kaniya. At nang magising siya ay nasa bahay na siya ng mga ito at tulong ng mga kung ano-anong dahon gumaling siya. Carmen ang ipinakilala niyang pangalan sa mag-ina. Nabuntis at nakunan siya 'yan ang dinahilan niya kaya wala siyang malay ng makita siya ng mga ito. Gusto niyang gawing sikreto ang buhay niya dahil ayaw niyang matakot ang mga ito sa totoong pangyayare.
Makalipas ang dalawang buwan, handa ulit na siya. Pinaputulan niya ang mahabang buhok at nagbangs na rin siya sa ganoon mag-iba ang itsura niya.
"Isama mo si Gigi na mamulot ng basura, Carmen. Kayong dalawa ang magtulak ng kariton. Sabado ngayon tiyak bukas ng madaling araw marami ulit itatapong mga kagamitan at mga prutas." Iyon ang pangunahin pamumuhay ng mag-ina. Ang mamulot ng basura.
Hindi na rin siya ilang at takot na gawin iyon. Hindi tulad ng dati ay natatakot siya ngunit habang tumatagal ay nakabagayan na niya suot ang triple pa sa laki sa katawan niya na bestida. Dinudungisan din niya ang mukha sa ganoon wala talagang makakilala sa kaniya.
"Aling Susan, okay lang ako. Saka, may pasok po si Gigi sa school ngayon. Huwag kayong mag-allayat kayo."
"Sa akin lang Carmen baka maraming mga lalaki dyan sa tulay at pagdiskitaan ka."
"Sino po ba mag-iinteres sa pangit ko na 'to?"
"Naku Carmen! Sa panahon ngayon kahit nga baliw pinagsasamantahalan. Ikaw pa kaya na may tuka din!"
"Pag hinipuan ka dyan Ate Carmen. Tadyakan mo kaagad sa bayag. Yuong mapapaluhod at hindi na makakatayo pa." suhesyon ni Gigi na nakatingin sa kaniya.
"Naku, makaalis na nga! Hoy! Gigi! Mag-aral ka ng mabuti. Kahit mahirap tayo dapat may pangarap ka para sa kinabukasan ng magiging pamilya mo." sandali'y bumakas sa mukha niya ang lungkot ngunit mabilis na binawi din. Ayaw niyang may makapansin no'n. "Oh, sya! Aalis na ako!"
"Mamayang madaling araw ka na lang kaya umalis Carmen?"
Napakamot ulo siya.
"Nay, pagmamayang madaling araw pa baka matulad po ulit ng dati. Aabutan ko na lang tapak ng mga paa nang mga kasama ko. Mainam na ngayong hapon. Saka balak ko naman maglakad. Saka nakagayak na rin 'yung kumot at unan ko sa kariton. Baka nga naandoon na sila Bikay at Kring at naghihintay sa'kin." Mga naging kaibigan niya sa pamumulot ng basura. "Babay na po! Gigi! Pinagbilin ko, uh!"
Tanging tumbs up lang ang mlnaisagot sa kaniya.
Ilan beses na ba siyang namulot ng basura na mag-isa? Doon kasi malaya niyang naipapakita sa sariling malungkot siya. Miss na miss na niya ang kaniyang mga anak. Doon lang niya naipapakita ang totoong siya dahil ayaw niyang ipakita sa mag-inang may itinatagong kirot sa puso niya. Utang niya ang buhay sa mag-ina dahil kung hindi siya napulot ay baka inuuod na siya.
Malakas niyang itinutulak ang kariton. Walang alinlangan dahil wala naman nakakakilala sa mukha niya. Sa dungis niya na iyon kainposiblehan na makilala siya ni River at ni Regina. Mabilis na nagngitngit ang mga ngipin nang muling maalala niya ang mga taong sumira sa buhay niya. Alam niyang hindi pa panahon para magpakita siya sa mga ito. Kailangan pa niyang magpalakas nang husto at 'yung kaya na niyang pumatay ng tao! Gagawa siya ng paraan para makaganti at aagawin niya ang dalawang anak.
Dalawang buwan na ang nakalipas at dalawang buwan na rin ang anak niyang sapilitang kinuha sa tiyan niya! Pigil ang luhang yumukod siya at mabilis na kinurap kurap ang magkabilang mga mata para mawala ang luhang namumuo. Ngunit sandali lamang naging bahagya ang paglalakad niya dahil dadaan na naman siya kung saan naganap ang paghihilahod sa kaniya ng apat na lalaki.
Ang bahay nila Regina!
Matalim siyang nakatingin sa gate habang patuloy sa paghakbang. Saka diretsyong humakbang ulit para magpatuloy sa paglalakad.
"Hoy taong grasa! Lumihis ka dyan!"
Dahil sa emosyon hindi niya napansing may papalabas pa lang sasakyan at parang binging hindi 'man lang niya narinig ang hiyaw ng isang lalaki.
Nasira ang kariton niya dahil tumalsik iyon habang siya ay nadaplisan ng kaunti sa bewang kaya napaupo siya.
"MAGPAGALING ka." Utos ni Jesse kay Chin na nasa kama. Tinawagan siya nito dahil may sakit ito. Ayaw 'man niyang pumunta ngunit nalaman niyang naandoon din ang anak ni Maria na si Zia. Sa dalawang buwan, zero ang balita kay Maria. Habang siya ay malayang nakakwentuhan naman sa asawa nitong si River. Tito Jesse na rin ang tawag sa kaniya ni Zia. Inaantay na nga lang niyang anyayahan siya ni River sa bahay nito ngunit nagdalawang isip din siya dahil magkikita ulit ang landas nila ng ina nito. Mabuti na lang hindi pa ito namamasyal sa bahay nila Chin. Ayaw niyang magtagpo ang landas nila ng ina ni River ulit baka hindi niya mapigilang magsalita at doon nagmula ang mabuking siya.
"I need to go, Chin. Inumin mo mga gamot mo." bilin niya sa dalaga.
"Tito Jesse kailan ka po babalik?" Magalang na tanong ng bata.
Sa paggalang nito sa kaniya...ganito din kaya ito kagalang kay Maria? Ang kuwento ni Hilda, ayaw nito kay Maria. Siguro turo na rin ng lola nito. Pero halos nakuha kay Maria ang itsura ng bata. Kamukha kamukha ni Don Diosdado.
"Try kong bumalik mamaya. Tapos maglalaro ulit tayo." Masayang nagtatalon ito at saka mahigpit na yumakap sa kaniya.
Nagtaas siya ng ulo at sinalubong niya ang tingin ng nag aalaga sa bata. Hindi pa 'man niya nakikita ang tagapag alaga ng anak ni Maria. Kumukulo na kaagad ang dugo niya dahil kampi ito sa amo nitong matanda.
"Alagaan mo syang mabuti." Walang kangiti-ngiting utos niya sa yaya.
Magsasalita pa sana ito ng walang paalam na tinalikuran niya ito.
Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan ngunit hindi niya sinasadyang may nabangga siya. Nagkukumahog siyang umibis ng kotse at nakita niya ang babaeng puno ng dumi sa mukha at nakasalampak sa lupa at wala itong malay.
"Sir, hayan nyo na 'yang taong grasa na 'yan! Magigising din yan mamaya." sabi ng lalaki na nakabantay sa gate.
"No!" Saka binuhat ang babae at ipinasok sa loob ng kotse niya.
"Sampo ang buhay nyan sir! Kaya buhay pa 'yan." bigkas pa nito.
At nang mabilis niyang isarado ang pintuan. Sinilip niya ang babaeng nakahiga sa likuran ng upuan ng sasakyan niya.
"Hindi ko gustong sagasaan ka." bulong niya saka mabilis na pinaharurot ang kotse papunta sa hospital.