KABANATA 25.

1114 Words
"HINDI KO ALAM kung maiiyak ba ako sa tuwa. Kaya pala nung nakita kita hindi ako natakot na lumapit sa'yo dahil iisa pala ang gusto natin tulungan. Pero hindi ko alam kung nasaan si Maria." Ang pinipigil na luha ni Hilda ay tuluyang bumagsak sa pisngi nito matapos ikuwento ni Jesse ang tungkol sa buhay ni Maria. "Paano mo ito sasabihin sa Tatay nya Sir Jesse kung hindi natin alam kung nasaan siya? Pero masaya ako kasi sa wakas makakaganti na rin ang kaibigan ko sa pamilyang Alfonso na 'yan! Kawawa inabot ni Maria sa matandang 'yon! Kung may lakas lang ako nuon, siguro lagi ko sya'ng maipagtatanggol. Kaso, takot din ako dahil may pamilya din ako, Sir. Tapos dinig ko pa at kitang -kita ng mga mata ko kung paanong lokohin ni River si Maria. Yung iba nga, Sir, hindi ko na pinaaabot kay Maria dahil ayaw kong maapektuhan ang pagbubuntis niya. Pero minsan hindi kinakaya ng konsensya ko. Kaya nung nalaman kong may pa gender reveal sila. Agad kong sinabi kay Maria iyon. Pero hindi ko inaakalang iyon na ang huli namin magkasama." Pagkatapos no'n humagulgol ito ng iyak habang takip ng dalawang palad ang pagmumukha. "Kasalanan ko kung bakit ngayon hindi ko na sya makita! Sana nanahimik na lang ako! Sana tiniis ko na lang! Alam kong kagagawan 'yon ni madam dahil palagi nya na lang pinagbabantaan si Maria. Pero ang gusto lang ni Maria. Walang mapupuntang anak niya sa asawa nya. Nasaan ka ba, Maria?!" habang nagkukwento, patuloy pa rin ito sa pag iyak. Hindi na rin siya makapag-isip ng mabuti dahil kanina pa nangangati ang paa niyang sumugod sa byenan ni Maria. Gusto niyang tanungin si Maria sa mag-ina. At hindi siya naniniwalang naandoon nga ito at nanganak dahil hindi pa nito kabwanan. Kaya pala sa una pa lang iba na ang pakiramdam niya. At ngayon naaalala na niya kung saan niya nakita ang matandang babae. Bigla niyang naalala si Chin. Ang babaeng kapatid na binabanggit ni Chin ay ang mistress ng asawa ni Maria. At ang sabi ni Chin na Gobernador ay ang ama ng asawa ni Maria. Nagtutugma-tugma na ang lahat. Biglang nagring ang cellphone ni Jesse dahil itinext niya ang matanda tungkol sa pagkawala ng anak nito. Ngunit limitado lang ang ipinaalam niya rito dahil hindi niya kayang biglain ito tungkol kay Maria. "Kung kinakailangan bumayad ng tao ngayong gabi. Magbabayad ako kahit gaano kalaki, Hijo! Mahanap ko lang ang anak ko! Ikamamatay ko kung anong mangyayare sa panganay ko!" Bungad nito sa kaniya. "Natitiyak akong naandito pa si Maria, Tito. Huwag kayung mag-alala makikita ko din ang anak nyo. Maiuuwi ko sya ng maayus kasama ang mga apo mo." Tanging hikbi lang ang naging kasagutan nito sa kaniya. Muling pumasok si Chin sa isipan niya. Mukhang kakailanganin niya ang dalaga datapwat wala siyang balak ikuwento o makipagkunsyaba dito. Baliktarin 'man, pamilya pa rin nito ang makakalaban niya. Gagawin lang niyang way ito para makalabas -masok siya sa pamamahay nito at makita din niya ang kinikilos ni Regina. Makakatulong iyon para kaagad mahanap si Maria. Natitiyak niyang makikita din niya ang asawa ni Maria doon. Agarang napayukom siya ng kamao. Huwag nya lamang malalaman na sinaktan nila si Maria dahil mas matindi siyang gumanti! Hinatid ni Jesse si Hilda kung saan ito nakatira. Nangako din siyang babalik siya kinabukasan at dala ang perang ipinangako niya para pambayad sa kinauutangan ng pamilya nito. Nabanggit din niyang ilalayo si Hilda at buong pamilya nito sa gulo lalo na ito ang huling kasama ni Maria'ng sumugod sa malaking kasiyahan. Nagmensahe din ang Tito niya na kahit hating gabi ay nagsimula nang maghanap ang mga tauhan nito. Ngayon naisip niyang habang hinahanap si Maria, siya naman ang gagawa ng paraan para mabawi si Zia. Pero nais muna niyang makaharap si River sa ibang paraan. Nangangalit bagang pinaharurot niya ang kotse niya. Sa mga oras na iyon gusto niyang bigwasan ang asawa ng pinakamamahal niya. Gusto niyang bigyan ito ng leksyon sa sakit na idinulot na panloloko kay Maria. BAGOT NA BAGOT si Jesse dahil dalawang araw nang nakalipas ay wala pa rin balita kay Maria. Nag-aalala na sya ng todo kay Maria. Nakalipat na rin ng bahay si Hilda kasama ang pamilya nito. Walang nakakaalam kung saan ito lumipat ng tirahan para narin sa ikasisiguro. Bumili din siya ng bagong bahay. Hindi puwedeng malaman ni Chin ang bahay na 'yon dahil pagnabawi niya ang anak ni Maria ay doon niya ititira. Planado na ang lahat, ngunit wala pa ring impormasyon siyang nakukuha sa mga tauhan ng Tito niya. Ngunit ibahin kay Chin dahil iyon ang araw na pinag-usapan nila ng dalaga. Ngayong gabi makakasalamuha niya sa hapag kainan ang mga magulang nito at maging si Regina at si River. Pinaghandaan niya ang gabing iyon. Muling sinipat niya ang sarili sa salamin. Bagong gupit at bagong ahit ang bigote at balbas niya. Kagalang -galang siyang tingnan sa napiling suot. Hindi nagtagal at tumalikod na siya. Muli ulit niyang nakita kung saan nakatira si Chin. Parang naaninag pa niya ang apat na lalaki at isang buntis na babae. Naiinis siya dahil nasa malapit na pala si Maria nung gabing iyon sa kaniya ngunit hindi niya namukhaan. Kung nakita lang niyang mabuti ang mukha nito hindi na sana umabot sa ganito. Malakas na busina ang pinakawalan niya at kaagad may lalaking nagbukas ng malaking gate para sa kaniya. Hindi na siya nagbukas ng bintana para magpasalamat dahil tuloy-tuloy ang sasakyan niya papasok sa malaking compound. Makikitang mayaman sila Chin at Hindi maitatanggi iyon. Nadaanan niya ang kotse ni Chin na nakaparke. Ilang pulgada nakita na niyang nakatayo si Chin at nakangiti, nakikita niya iyon dahil nasisilayan ito ng ilaw. Ipinarada niya sa gilid ang sasakyan niya. Mabilis siyang umibis at pinuntahan kung saan nakatayo si Chin. Yumakap ito sa kaniya at humalik sa pisngi na tila ba kung titingnan may relasyon sila nito ngunit kasama iyon sa plano niya at huwag ng pigilan ito sa ginagawa. "Late na ba 'ko?" Tanong niya ng humiwalay ito. "Hindi naman, sakto lang." Saka kinapitan siya sa baraso. Hinila siya nito sa loob ng malaking sala. Ibang yaman talaga ang nakikita niya. Para siyang nasa pamamahay din ni Don Diosdado. "Chin!" hiyaw ng isang babae sa likuran nila ni Chin kaya mabilis siyang napaharap. "Maganda gabi, ho, Ma'am." bati niya sa matandang nakangiti sa harapan niya. Pinasadahan siya nito ng tingin at itsurang agarang nabasa nito ang katauhan niya at lalong napangiti. "Walang pinagkaiba, Chin. Marunong talaga kayong mamili ng ate mo ng mga lalaki. Bravo Hija!" saka pumalakpak. "At dahil naandito na ang lahat, oras na para tayo'y kumain." Hindi maiwasang maging seryoso ang pagmumukha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD