NAGISING SI MARIA ng masikatan ng araw ang mukha niya. Naramdaman niya ang init na para bang pinapaso ang balat ng mukha.
Pagmulat ng mga mata niya umikot iyon kaagad. Sinisayat niya ang apat na sulok ng kuwarto ng makitang iba ang kuwarto na kanyang tinutulugan. Ang sawaling kuwarto na tinabingan lamang ng malaking kumot ay naging puting bato at hindi siya nagkakamaling hindi iyon ang bahay ni Nanay Susan niya!
Mabilis siyang napaupo. Mabilis din siyang nagbaba ng paningin dahil nakakumot din siya ng kulay pula.
Pula?
Mabilis din niyang sinipat ang katawan kung may nagbago. May nagbago nga dahil nakita niyang iba na ang kasuotan niya na sya'ng lalong nanlaki ang mga mata niya sa malaking pagtataka. Nakapantulog siya at terno pa iyon! Napakaganda at malambot ang tela. Mabilis niyang iniangat ang garter na suot kung iba din ang panloob. Muli, namilog ang mga mata niya ng makitang bago ang panloob niya at bulaklakan pa iyon! Pisti! Mabilis niyang kinapa ang dibdib na baka pati panloob pang-itaas ay napalitan din. Malakas siyang napamura dahil nabago din iyon! Napabuga siya ng hangin!
Sino kayang gumawa no'n sa kaniya? Nasaan siya ngayon? Paano siyang napunta doon? Sunod-sunod na laway ang nilunok niya.
Doon naalala niyang nabundol pala siya ng isang sasakyan. Nakaramdam siya ng takot dahil naalala niyang sa harapan bahay mismo ng kirida ni River sya natumba at hindi na niya namalayan ang lahat.
Hindi kaya si River ang gumawa nito sa kaniya? At kung ganoon. Nasa malaking kapahamakan ulit siya!
Mabilis siyang tumayo. Dagling tinungo niya ang pintuan at tatakas siya! Kailangan niyang linasin ang lugar na iyon!
Hinapitan niya ang serendura at mabilis na pinihit pabukas. Ngunit nabangga siya! Ngunit hindi siya natumba dahil dalawang kamay sumalo at kumapit sa maliit niyang bewang.
At dahil sa takot madiin napapikit siya at napakapit. At nalaman niyang tao ang binanggan ng katawan niya dahil malambot ang nahawakan niya. Ngayon naghihintay siya kung magsasalita ba ito ngunit isang minuto na ang nakakaraan ay tila silang kandila na nakatayo sa harapan ng pintuan. Kapwa nakikiramdaman.
Nahuhulaan niyang hindi si River ang nasa harapan niya dahil hindi ganoon ang katawan ni River.
Kinakabahang dahan-dahan siyang nagmulat ng magkabilang mga mata. At ang bumungad sa kaniya ay isang dibdib na tila ba isang pandesal dahil namumukol iyon. Mabilis niyang ibinaba ang kamay galing sa kinakapitan niyang katawan nito.
Lalaki ang nakakapit sa kaniya! Napakagat labi siya dahil nagdadalawang isip siya kung itutulak ba ito para tumakas o kakausapin ba niya ito ng masinsinan. Baka isa ito sa sinasabi ni Gigi na rapist sa kanto dahil doon nangatog ang magkabila niyang tuhod. Biglang bumigay iyon dahil sa takot at nawalan ng balanse. Hinihintay niyang bumagsak siya sa kinatatayuan ngunit imbes na mangyare iyon parang alam nito ang mangyayare dahil humigpit ang kapit nito sa bewang niya para hindi siya humandusay sa sahig.
"Si-sino ka?!" aniya na hindi nagtataas ulo sa lalaking hinayaan niyang kapit siya sa bewang. "Bakit dinala mo 'ko dito na dapat sa hospital?! Gusto ko ng umuwi at hinahanap na ako ng pamilya ko!" Segunda pa niya.
Naramdaman niyang unti-unting lumuwag ang pagkakapit sa bewang niya. Hanggang sa naghiwalay ang mga katawan nila ngunit wala siyang lakas para salubungin ang tingin nito sa kaniya dahil natatakot siya.
"Anong pangalan mo?" aniya pa.
"Gusto ko ng umuwi at dalhin mo ako kung saan mo 'ko nabangga kanina." sa pagkakasabi niya no'n parang may naghihilang magtaas siya ng ulo. Doon nakita niya ang lalaking kinatatakutan niya.
Nagtama ang paningin nila.
Matangkad ito at kulay kayumanggi ang balat. Makapal ang kilay nito at medyo singkit ang mga mata. At parang batak din ito sa pagigym dahil malaki ang katawan nito. Hindi maitatangging magandang lalaki ito. Nahuhulaan din niyang kagaya ng itsura nito ang pinapantasya ng kababaihan at kung wala siyang asawa baka pati siya ay napahanga din sa kaharap. At dahil 5'2 ang height niya at nasa 5'7 ito tiyak, nag itsurang parang duwende siya. Pagsabi niya no'n humakbang siya paurong ng isang beses.
"By the way, I'm Jesse Salazar. And how about you?" malayong sagot nito at naglahad ito ng palad na may halong ngiti ang labi. Ang takot na nararamdaman niya ay biglang napahid at nawala dahil sa ngiti nitong tila nakakatunaw.
"Carmen nga pala pangalan ko." Pakilala niya ngunit hindi inaabot ang palad nito.
Tumango ito, "Ahhh...Carmen." bigkas nito sa pangalan niya.
"Hinahanap na ako tiyak ng pamilya ko, Jesse. Nakikiusap ako. Gusto ko ng umuwi sa amin." nakatingin sa mukha nitong pakiusap niya.
"Masakit pa ba ang tagiliran mo?" Malayong sagot nito "Ang sabi ni Doc sa akin kanina okay ka naman daw at puwede ka naman daw umuwi. Kaya inuuwi na kita sa bahay natin." sabi nito na may halong ngiti. Ngunit imbes na gumaya siya ng ngiti ay mabilis siyang sumagot.
"Ha? Bahay natin?" gulat niyang bigkas.
"Yes."
"Baliw kaba? Hindi nga kita kilala tapos sasabihin mong bahay natin?" natatawang usal niya sa kaharap.
"Gwapo sana itong mokong na 'to. Baliw naman!" Satsat ng isip niya.
"Nakapag ready na ako ng dinner natin Carmen. Let's eat."
"Baliw ka!" May takot na sambit niya ngunit walang kakilos-kilos. "Hindi kita kilala kaya ibalik mo na ako kung saan mo ako nabangga kanina!" Bulyaw niya rito. "Or else ako ang aalis na mag-isa!" matapang na bulalas niya.
"E, kung sabihin kong ayoko?" Saka mabilis nitong hinila ang bewang niya kaya napasama siya. Mabilis naman niyang naitukod ang magkabilang mga kamay sa harapan nito.
"Pakawalan mo 'ko!" galit boses na bigkas niya.
"Relax." malumanay ang pagkakasabi habang ang mga mata ay nakikiusap na maging kalma siya. Pero hindi niya magawa dahil kung ano -ano na ang pumapasok sa isipan niya.
"Sinong magiging relax? Hindi nga kita kilala kaya hindi ko maiwasang hindi maging kalmado. Malay ko ba kung rapist ka" Lihis na ang mga matang wika niya sa huli dahil parang hindi niya kakayanin makipagsabayan sa mga titig nito. Dahil parang may mahika itong hindi niya maipaliwanag.
"Rapist?" ulit nito saka bahagyang natawa. "Carmen, Kahit gaano ka kaganda kaya kong pigilan ang init na nasa katawan ko." mahina at tila pabulong na wika nito. Alam niyang titig na titig ito sa kaniya.
"So, rapist ka nga?" saka matapang na nagtaas siya ng ulo. May panghahamon iyon.
"Sige, isa pang sabi mo pang rapist ako, baka mawala ako sa huwisyo." Imbes na matakot siya. Bakit parang may halong kilig siyang naramdaman sa kaharap? Nawala na rin ang takot na nararamdaman niya kanina na hindi niya namamalayan. O dahil baka guwapo ito?
May asawa siya! Dapat hindi niya nararamdaman iyon!
"Kanina pa naghihintay ang hapunan natin. Siguro kumain na muna tayo at saka mag-usap ulit." Saka tumalikod ito.
Nagtataka siya sa pananalita nito at kilos na para bang kilalang-kilala siya nito, e, gayong ngayon lang sila nito nagkita at nagkausap.
"Ayoko!" madiin niyang tanggi at hindi kumilos sa kinatatayuan niya.
"Gutom na ako Carmen. Please..." sabi nito na naglalakad palayo sa kaniya.
"Kumain ka! Bakit dala ko ba ang kaldero mo?!" asik niya.
Huminto ito sa paglalakad. Sandali at humarap ito sa kaniya na nakapameywang.
Aw! Para itong modelong nakatayo at siya naman ang taga litrato nito.
"Kakain tayong sabay o hindi?"
Gumalaw ang ulo niya segundo lang at nagsalita din, "Hindi dahil uuwi na 'ko samin." Matigas niyang sagot.
"Or ikaw ang kakainin ko?" Matigas din nitong sambit nuong marinig ang sagot niya. Parang hindi papatalo sa nagustuhan niya."Mamili ka?" saka mabilis na naghubad ito ng pang-itaas na damit.
"Anong ginagawa mo?" malakas na tanong niya habang hinuhubad na nito ang pang ibabang short. "Isuot mo nga 'yan!" Pigil niya.
Akma na nitong aalisin ang saplot na nag-iisang nakatabing sa katawan nito ng mabilis siyang nagsalita. "Nakakabwisit ka! Tara kumain na tayo!" mabilis na anyaya niya dahil parang hindi ito nagbibiro at totoong gagawin nga nito ang pananakot sa kaniya.
Parang may isip naman ang katawan niya dahil parang batang naging sunu