HUMINTO ang sasakyan ni Jesse sa gilid ngunit madilim habang nasa loob pa sila ng sasakyan at pakiusap ni Chin iyon.
"Nakikita mo ba 'yung babae na 'yon?" turo pa nito."Mommy ko 'yun. Yung katabi niya asawa ng Gobernador dito. Kase 'yung bumuntis kay Regina, anak ng Gobernador. Tsk! Pero may asawa! Tapos proud pa sila! Dahil si Regina lang ang mahal nila! Kasi pasaway daw ako." kuwento nito ngunit hindi niya iyon pinapansin dahil hinihintay ulit niya ang tawag ng Tito niya.
"Ge-gender reveal peyo kasal ang River na 'yan sa asawa nya!" Saka ngumiwi, "Iwww!" patuloy ulit nitong kuwento. Halatadong galit ito sa kapatid nito.
"Puwede na ba akong umalis?" aniya na tila ba walang narinig sa kinukwento nito.
"Hays! Sige!" singhal nito saka hinawakan ang pintuan saka binuksan iyon. "Bye! Mahal ko!" Saka nag flying kiss pa ito at tumalikod na sa kaniya. Kitang-kita niya paano magsigsag ang paglalakad nito sa daan.
Gusto 'man niyang ihatid ito ngunit ayaw niyang makita siya ng mga pamilya nito lalo na at may kasiyahan. Ayaw din niyang isipin ng mga ito na may relasyon sila ng dalaga.
Eksaktong pagliko ng sasakyan niya ay syang pagring ng cellphone niya. Mabilis niyang sinipat at mabilis din niyang inihinto ulit sa madilim na parte ang sasakyan.
"Tito."
"Hijo! Hijo!" Nanginginig boses na ulas nito. "Nasa Bataan si Maria at doon nakatira kasama ang asawa niya!" bungad nito.
"Eksakto Tito naandito din ako sa Bataan." Alam ng matanda na nagtatrabaho siya ngunit hindi niya nabanggit kung saan.
"O cmon Hijo!" masayang usal nito. "Nasa malapit lang ang anak ko!" Saka humikbi ang matanda. "Malapit ko na silang mayakap, Hijo."
"Sir! Sir! Sir!" malakas na boses na may kasamang pagkatok sa bintana ang narinig ni Jesse. Sinipat niya kagaad ang bintana kung sino ba 'yun. Nakitaan niyang babae ang may -ari ng boses na kumakatok sa sasakyan niya.
Binuksan niya ang bintana at tinitigan ito.
"S-sir! Tulungan mo 'k-ko!" Nanginginig boses na sambit nito. "Dinala ng mga lalaki ang kaibigan ko!" patuloy ulit nito.
Pinakatitigan ni Jesse ang babaeng kahit madilim ay kitang-kita niya ang malaking takot sa mukha.
"Maawa ka, Sir! Tulungan mo 'ko."
"Wait." maikling sabi niya dahil nakalimutan niyang may kausap pala siya at patuloy sa pagnanalita ang Tito niya sa kabilang linya.
"Please puntahan mo ang address na sinabi ko, Hijo. Tawagan mo 'ko pag napuntahan mo na siya."
Napasalo siya ng nuo. Hindi niya naintindihan ang binigkas nito dahil kausap niya ang babae habang nagsasalita ito. Pinatay na rin ng matanda ang linya kaya hindi niya alam saan lugar ang pupuntahan niya.
"Please, go away." Nasambit na lamang niya sa babae dahil kailangan niyang magmadali dahil pupuntahan niya kung saan nakatira si Maria. Mas mahalaga ang sinasabi Ng matanda kesa sa babaeng nasa harapan niya. Kahit dis oras na ng gabi, kailangan niyang makita ang tinitirahan nito para kinabukasan ay maglalakas loob siyang kausapin ito.
"Sir! Maawa ka! Buntis ang kaibigan ko! Kailangan niya ng tulong!" pakiusap ulit nito.
"Pasensya na miss. Nagmamadali ako. Gusto 'man kitang tulungan pero wala na akong oras. Saka, maraming tao dyan na mas makakatulong sa inyo." saka mabilis na sinarado ang pintuan.
"Sir! Sir! Sir!" pukpok ng kamao nito sa salamin ng bintana. "Tulungan mo 'ko, Sir!"
Hindi na siya nagtagal at mabilis niyang pinaandar ang makina.
Nakakaawa 'man ang babae ngunit kailangan na niyang umalis. Agad niyang tinext ang matanda at tinanong kung anong exact address ang tinitirahan ni Maria. Mabilis naman itong nagtext at dinitalye ang lugar.
"MAAWA KAYO sa'kin. Tiyak may mga pamilya din kayo. Mas masarap magtrabaho ng marangal. Huwag kayong paloloko sa boss nyo." lumuluhang wika ni Maria sa apat na lalaki.
"Tumigil ka!" sabi ng nasa kanan niya.
Bawat tagiliran niya ay may katabi siya. Habang dalawa naman sa harapan.
"Kung hindi lang malalaman ni Madam. Ang sarap mong patungan ganda." napakagat labing sabi ng nasa harapan ng makina.
Napalunok laway siya sa narinig.
"Pagtinira mo 'yan Landing, tiyak matutuhog mo ang ulo ng bata na imbes na masasarapan ka!" saka tumawa ng malakas.
"Bakit hindi natin subukan Aldo?" Panghahamon ng nasa kaliwa niya. Saka agarang hinipuan siya sa dibdib.
Mabilis niyang itinakip ang baraso. "Huwag!"
"Mga loko! Manugang pa rin 'yan ni Boss. Pag nakaabot ang ginagawa nyo. Tiyak lahat tayo lagot." Dinig niyang usal ng katabi ng driver.
Kusang bumagsak ang luha niya dahil sa matinding takot.
"Pakawalan nyo ko at hindi ko kayu isusumbong." nasambit niya habang garalgal ang boses.
"Huwag mo kaming bilugin dahil kung pakakawalan ka namin. Hahanapan kami ng sanggol ng byenan mo!"
Lumakas ang paghikbi niya sa takot.
"Wala pa sa buwan ang anak ko. Hindi ko pa kabwanan para manganak. Maawa kayu samin ng anak ko!"
"Wala kaming magagawa dahil iyon ang utos ng Boss namin. Mamatay 'man kayo ng anak mo. Atlis nagawa na lang namin ang utos nya." Humagulgol siya sa naging sagot ng lalaki.
Paano nya ilabas ang anak nya kung hindi pa niya kabwanan? Anong panganganak ang gagawin sa kaniya?
"Kaya magdasal ka na dahil sapilitang ilalabas ang anak mo sa sinapupunan mo. Tsk!" Saka pumalatak ito.
Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak. Wala siyang magawang paraan kundi umiyak. Umiiyak ng umiyak dahil nasa bingit ng kamatayan sila ng kaniyang anak. Kung mamatay ang anak niya, mas gugustuhin niyang mamatay na rin kesa matira siyang buhay!
Naramdaman niyang huminto ang sasakyan.
"Narito na tayo kaya umpisahan mo ng magdasal ganda." Saka hinawakan siya sa magkabilang baraso.
"Maawa kayo!" Umiiyak na pakiusap niya. "Maawa kayo samin ng anak ko! Hindi ko pa kabwanan para ilabas sya! Pitong buwan pa lang ang anak ko!" Saka iginagalaw ang magkabila niyang baraso para mabitawan sa pagkakahawak.
"Huwag ka samin magpaliwanag!" Bulyaw ng driver na nagawa ng buksan ang pintuan ng sasakyan. "Ibaba nyo na 'yan!" Utos nito sa dalawa.
"Huwag! Ayoko!" Tanggi niya.
Napansin din niyang mukhang hindi hospital ang pinagdalhan sa kaniya ng mga lalaki. Isang bahay. Kahit alam niyang hating gabi na ay nakabukas pa rin ang mga ilaw. Halatadong bente kuwarto oras iyong nakabukas.
"Bumaba ka na."
"Maawa ka." saka pinagsiksikan ang katawan sa kinauupuan.
"Sisikmuraan kita!" bulyaw nitong naiinis na sa kaniya.
"Maawa ka samin ng anak ko." humagulgol niyang pakiusap.
"Baba ka o babasagin ko mukha mo?" nangangalit pangang tanong ng nasa kanan niyang tagiliran.
Parang lantang gulay na sumunod siya dahil sa pag iyak.
"Susunod ka rin kasi nag-iinarte ka pa! Alam mo pag naalis ang bata sa tiyan mo. Maraming manliligaw sa'yo. Sa ganda mo na yan, imposibleng walang maglalaway sa'yo. Malay mo balikan ka ni Boss River." Saka malakas na tumawa.
Inignora niya ang sinabi nito. Nasa isipan niya ang anak. Paano kung hindi ito nabuhay? At dahil hinihila na lamang siya palakad ng dalawang lalaki, sumusunod na lang ang katawan niya.
Bumungad sa kanila ang limang babae. Hindi pa 'man mga ito nagsasalita ay alam na nang mga ito ang gagawin sa kaniya.
Mabilis siyang umiling ng may lumapit na isang babaeng mataba at may kapit na injection.
"Huwag!" Umiiling na sambit niya rito.
"Sumunod kana lang para hindi tayo magtagal at mahirapan." bigkas nito.
"Maawa ka. Hindi ko kailangan ang injection na 'yan dahil wala pa sa kabwanan ang anak ko!" salaysay at muling pakiusap niya.
Ngunit para itong bingi. At dahil kapit pa siya ng dalawang lalaki habang ang limang babae ay nakasunod sa kaniya. Walang kahirap hirap na naiturok ng matabang babae ang hawak nitong irindirya. Segundo lang at umikot ang paningin niya at hindi na niya namalayan ang lahat dahil kusang pumikit ang magkabilang talukap ng mga mata niya.
NAKATAYO AT PINAGMAMASDAN ni Jesse ang nasa harapan niyang malaking gate. Mahigit dalawang taon din niyang hinagilap kung nasaan ba ang mga anak ni Don Diosdado. Nakakuha nga sila ng impormasyon nuon ngunit biglang mawawala dahil lilipat kaagad ng tirahan ang mga ito. At ngayon, nasa harapan na niya ang isa sa anak nito. Sunod-sunod na niyang makikita ang dalawang nakababatang kapatid ni Maria.
Pero nahuli na siya. Saka napabuga ng hininga si Jesse.
Ilan beses na niyang iwinaksi na wala na siyang magagawa. Nagmahal siya ngunit may mahal na itong iba. Ang pagmamahal niyang iyon ay itinago niya sa matanda na kailanman ay malabo niyang makuha sa babaeng pinapangarap niya.
Sandali at tumalikod na siya saka pumasok na sa sasakyan. Bukas ng umaga babalik ulit siya. Bukas ng umaga makakaharap na niya si Maria. At bukas ng umaaga ay araw-araw niyang mararamdaman ang sakit tulad ng naramdaman niya nuon sa unang minahal niya.
Pagkarating ni Jesse sa bahay, hindi niya maiwasang kumuha ng alak sa loob ng refrigerator. Gusto niyang malasing ngayong gabi at tulong para makatulog siya. Darating din ang panahon na nakakalimutan din niya si Maria. May sabik at kurot na nasa puso niya. Maaari huwag na lang sana niyang Mlmakita si Maria at maging ang asawa nito ngunit malambing mangyare dahil ayaw niyang hindian ang matanda dahil iyon lang ang pakiusap nito. Siya ang lumakad sa paghahanap ng mga anak nito. Saka siya ang may mali. Umibig siya kay Maria.
Naka pito siyang beer can, naubos niya iyon. Hindi na nga niya nakuhang magpalit ng kasuotan ng bumagsak ang katawan niya sa malapad na kama.
BUKAS SARADO ang magkabilang mga mata ni Maria. Agarang may bigat siyang naramdaman sa buo niyang katawan kaya iminulat niya ng husto ang magkabilang mga mata. May isang bintana at puti ang kabuuan ng kuwarto. Nasipat din ng mga mata niya ang destroys na nakasabit. Nanlaki angga Mata niya. Mabilis niyang ibinaba ang paningin at nakita nga niyang nakadestros siya. Sandali pa at dahan-dahan ulit niyang iginalaw ang ulo para makita ang gusto niyang makita.
Maliit na ang tiyan niya!
Wala siyang kamalay-malay na nakuha ang anak niya sa kaniyang tiyan!
Akma siyang gagalaw ng biglang may kumirot sa katawan niya.
"A-anak ko!" Wika niya kasabay ang malakas na pag-iyak. "Nasaan ang anak ko?!" Pilit na hiyaw niya. Agarang napangiwi siya sa sakit ng biglang may kumirot ulit.
Biglang bumukas ang pintuan. Iniluwal doon ang isang babaeng nakaputi.
"Huwag kayong gumalaw at baka duguin kayo." Pigil ng babae sa kaniya.
Pero Hindi niya iyon sinunod. "Nasaan ang anak ko?" agarang tanong niya.
"Okay lang ang anak mo kaya huwag kang maggagalaw." sagot nito.
"Kung okay ang anak ko. Ibigay nyo sya sa'kin!" Muling hiyaw niya. Daig pa niya ang nababaliw dahil sa lakas ng boses.
"Huwag kang humiyaw. Makakasama sa'yo 'yan." Muling bawal sa kaniya ng babae.
"Wala akong pakielam! Ipakita at ibigay nyo sakin ang anak ko!"
"Nurse, lumabas ka na." wika ng babaeng matabang pumasok sa kuwarto. Natatandaan niya ito. Ito ang nag inject sa kaniya at hindi na niya natandaan ang kasunod. At nang lumabas ang babaeng inutusan nito humarap ito sa kaniya.
"Anong problema mo?" maangas na tanong nito.
"Nasaan ang anak ko?" Matapang na sagot din niya.
"Okay lang ang anak mo kaya magpahinga ka."
"Kung okay ang anak ko. Ibigay mo sya sakin." diretsyong pakiusap niya.
Pinakatitigan siya nito.
"Ibigay mo sakin ang anak ko!" Bulyaw ulit niya rito.
"Sa palagay mo pagkatapos namin itong gawin. Ibibigay sa'yo ang bata?"
"Isa ka rin bayaran ng byenan kong walanghiya!" Sigaw niya."Ibigay mo ang anak ko at aalis na ako!" Saka malakas na hinila niya ang kamay. Natanggal ang destroys na nakakabit sa kaniya. Makirot 'man ang kamay niya pero inignora niya iyon.
"Sige alisin mo 'yan kundi sa mga oras na ito ay mamatay ka! Maraming dugo ang nawala sayo kaya kailngan mong magpalakas at magpahinga."
"Sa unang gabi pa lang na napunta ako dito. Handa na akong mamatay! Kaya ibigay nyo sakin ang anak ko!"
Tumalikod itong walang paalam sa kaniya. Isang minuto bumalik ito ngunit may kasama ng mga lalaki na nakasuot din ng puting damit. Mabilis lumapit ang apat na lalaki at mabilis na tinurukan siya. Segundo lang at nawalan na ulit siya ng malay.