ILAN BESES NA pinakatitigan ni Jesse ang babaeng nasa harapan niya. Ngunit kahit ilan beses niyang iwaksi ang pagmumukha ni Maria na nakadikit na yata sa mga mata niya. Iyon pa rin kasi ang nakikita niyang mukha sa kaniyang harapan.
Binabalot talaga siya ng malakas na kaba at nahihirapan siyang huminga kaya lumabas muna siya ng pintuan ng kuwarto kung saan niya hinatid ang babae. Naglakad -lakad siya at malalim ang iniisip. Dalawang minuto lang bumalik ulit siya sa loob. Talagang hindi siya mapakali.
"Sir malinis na po ang mukha ng pasyente." bigkas ng isang nurse na inutusan niyang maglinis ng mukha ng sumalubong ito sa kaniya.
"Salamat." maikling bigkas niya sa nurse at tuluyan na itong lumabas ng kuwarto.
Diretsyo ang mata habang nakatingin siya sa kurtinang nakatabing sa kinahihigaan ng babae. Segundo lang at nagpasya na siyang puntahan ito. Humakbang siya palapit sa babae. Hinawi niya muna ang kurtina at dahang inilagay iyon sa gilid.
Napakaganda nito. Maamo ang mukha.
Hindi na talaga siya nagkakamali at si Maria ang babaeng nabangga niya.
Pinakatitigan niya ang natutulog nitong mukha. May pag-alala din na baka nasaktan niya ito ng husto ngunit sa pagkakasabi ng doctor na nakausap niya. Wala itong natamong bali sa katawan dahil sa kariton nitong hawak na una niyang nabangga. Pasalamat siya dahil hindi niya nasaktan si Maria at tiyak na nangyare iyon hindi niya mapapatawad ang sarili.
Kusang tumaas ang palad niya sa mahimbing na natutulog. Hinawi niya ang buhok nitong nakatabing sa makinis nitong mukha.
"Napakaganda mo Maria. Akala ko hindi ko mahahawakan ang mukha mo. Ang akala ko hindi na kita makikita."
"Hello.." boses na narinig niya.
Mabilis siyang napalingon sa kaniyang likuran at nakita niya si Doctor Sanchez na tumingin kay Maria.
"Doc. Ano pang balita sa x-ray niya?"
"Tulad nga ng sinabi ko Hijo. Okay lang siya. At dahil sa gamot na itinurok sa kaniya kaya mahimbing ang tulog nya. Anyway puwede na siyang umuwi para doon na talaga siya makapagpahinga."
"Salamat doc." aniya na nakatingin kay Maria.
"Sino nga pala sya?"
"Sasagutin ko 'yan pag napasyal ka sa bahay ni Don Diosdado." nakangiti niyang sagot.
"Hays! Aasahan ko 'yan, Hijo. Oh, mauuna na ako at may pasyente pa akong pupuntahan. Ikumusta mo na lang ako sa kaibigan ko." Tanging tango Lang ang naging sagot niya sa doctor.
At dahil hindi pa rin siya makapaniwala. Mabilis niyang tinawagan si Hilda. Pinapunta niya ito sa hospital para siguraduhin kung si Maria nga ba talaga ang nabangga niya.
"Maria!" nanlalaking matang tawag ni Hilda kay Maria.
"Hindi ka niya narinig dahil sa gamot na itinurok sa kaniya. Gusto ko kasing makapagpahinga siya. Pero sabi naman ni Doc puwede na daw siyang umuwi."
"Habang nasa byahe ako Sir Jesse parang ayaw kong maniwala. Parang malabo na naging isang basurera si Maria sa dalawang buwan mahigit na nawala siya."
Tumango si Jesse kay Hilda. "Mee too, Hilda."
"Anong balak mo? Sasabihin na ba natin kay Don Diosdado na nakita mo na si Maria?" Seryosongng mukha na tanong ni Hilda.
"I need your help again Hilda. Kailangan siyang maiuuwi kaagad sa bahay ko at mabihisan. Gusto kong magising sya na nasa bahay ko sya." biglang may namuong balak sa utak niya.
Kahit tulog si Maria ay inilabas ito ng hospital. Wala naman itong natamong sugat o ano. Kailangan lang itong uminom ng pampatulog dahil para makapagpahinga ng husto. Gusto ni Hilda na kapag nagising si Maria ay gusto niyang makita siya nito ngunit nakiusap si Jesse na huwag na muna itong biglain. Ginalang naman ni Hilda ang pakiusap niya dahil gusto niyang makasama muna si Maria at makilala siya nito sa ibang paraan.
"KUMUSTA KA?"
"Ay! P*kpek mo!" hindi sinasadyang bigkas ni Maria ng biglang may magsalita sa likuran niya.
Nagprisinta na siyang sya na ang maghuhugas ng pinagkainan nilang dalawa. Sa una tumanggi ito ngunit nagpumilit siya sa lalaki. Pagkatapos niyang banggitin iyon. Hindi na siya nagsalita pa ngunit hindi ito umalis sa tagiliran niya.
"Sorry kung nagulat kita. Kumusta ka? Nabusog kaba?" Ulit nito. Pero kunware wala siyang narinig kaya hindi niya ito pinansin.
"Galit ka yata Carmen? Hindi ba't ang sabi ko naman kasi, ako na maghuhugas ng pinagkainan natin?" pero wala pa ring sagot siya sa mga pinagsasabi nito sa kanjya.
"Hoy! Naririnig mo ba 'ko?" Saka kinalabit siya sa bewang.
"Huwag mo nga ako kinakausap!" Angil niya. Kamuntikanan na kasi niyang mabitawan ang baso dahil malakas pa naman ang kaliti niya doon.
"Kinakamusta ka lang, ih." Kakamot-kamot sa sintidong sabi nito.
"Sa palagay mo, okay ako?" angil ulit niya.
"Oo naman!" Inirapan niya ito ng tapunan niya ng tingin.
"Gusto ko ng umuwi!" dabog niyang sabi.
"Paano kang uuwi e ang laki ng binayaran ko sa hospital tapos 'yung kotse ko wasak." Natigilan siya at napatitig sa kaharap.
"Wasak ang kotse mo? Malaki ang binayaran mo sa hospital. Pero ako buhay na buhay? Bato ba ang katawan ko para mawasak 'yang sasakyan mo?" Hindi makapaniwalang sagot niya.
"Basta may utang ka sakin na dapat mong bayaran."
"Ano?!" Gulat niyang tanong na hindi maiwasang magpalakas ang boses niya.
"Yup. Tama ang naririnig mo." Saka lumabi ito. "Magiging katulong kita dito at iyon ang kabayaran at kung ayaw mo..."
"Isusumbong mo ako sa pulis at ipakukulong mo ako?" Patuloy ni Maria sa sinasabi ni Jesse.
Tumango ito.
"Alam mo wala kang awa." Madiin niyang bigkas sandali ay pumuyok. Agarang din namuo ang luha sa mga mata niya na hindi kaagad nakaligtas kay Jesse.
"Sorry about this Carmen." Mahinang bigkas ng lalaki sa kaniya.
Hindi na ito nagpaalam at tumalikod ito sa kaniya ngunit nakakailang hakbang pa lamang ito ng biglang nakarinig siya ng isang malakas na kalabog.
Mabilis siyang napalingon kung saan galing ang malakas na tunog.
Mabilis siyang napatakbo palapit kung nasaan si Jesse. Nakadapa ito na parang isang palakang nakasubsob.
"Okay ka lang?" umupo siya sa harapan nito habang nakangiwing nakapikit ito. At nang marinig siya nito nagmulat ito ng mga mata.
"Bakit hindi mo kinabig ang upuan pabalik Carmen?" Nagtitimping tanong nito sa kaniya.
Naalala niya, pagkatapos nilang kumain hindi niya inayos ang upuan. At ang upuan ang dahilan kung bakit ito nakahandusay sa lapag. Hindi niya alam kung mattaawa ba siya o maawa sa lalaki.
"Malay ko bang hindi mo tinitingnan ang dinadaanan mo. Mabuti nga hindi natuklap 'yang kuko mo. Kaya pasalamat ka dahil ganyan lang inabot mo! Ang bilis talaga ng karma." aniya sa lalaki. Imbes na tulungan niya itong tumayo. Siya ang tumayo sa pagkakaluhod at nangingiting tumalikod.
"Bahala ka dyan sa buhay mo!" Bigkas ng isipan niya.
ALAS OTSO na ng gabi. Paikot-ikot si Maria sa loob ng kuwarto. Sa ilang oras na naandoon siya parang hindi 'man lang siya nakapag-isip na tumakas. Hindi niya naintindihan ang sarili pero ang inis, galit, pag- alala ay biglang nawala sa dibdib niya. Ngayon hindi 'man lang niyang maisip na baka gawan siya nito masama. Parang panatag ang loob niya sa bahay at maging sa binata. Ngayon imbes na iba ang pinoproblma niya—pamalit ang ng damit ang iniisip niya. Gusto niyang maghilamos o maligo na dahil naglalagkit na ang buong katawan niya. Datapwat paano niya gagawin iyon kung wala naman laman ang kuwarto ng mga pamalit niya? Ayaw niyang tanungin si Jesse about doon. Gusto niya ito ang unang magtatanong sa kaniya.
Biglang may kumatok sa pintuan. Bigla siyang napatayo dahil nakaupo siya sa kama. Tiyak niyang si Jesse iyon dahil ito lang naman ang kasama niya. Lumangitngit dahan ang pinto pabukas. Iniluwal no'n si Jesse na may hawak na tela. Hindi niya alam kung para sa kaniya ba un, pero hinintay niya itong magsalita.
"Makikipagbanyo lang sana ako Carmen, nasira kasi ang host ng shower ko." Hindi pa man siya sumasagot naglakad na ito papunta ng banyo.
Kamuntikanan na siyang nasamid dahil malayo pala sa iniisip niya ang sasabihin nito. Pero mukhang hahayaan siya nitong ganoong itsura matulog kaya nagsalita siya.
"Sira din ang host Ng shower ng banyo!" pang-iinis niya kahit hindi naman sira. Napahinto ito sa paghakbang at napatingin sa kaniya.
"Bakit nasira?" Nagtatakang tanong nito.
"E, bakit nasira din 'yung host ng shower sa banyo mo? Ngayon nasira ung nasa kuwarto ko. Nagtatanong ka kung bakit nasira 'yon." Hindi ito kumibo. Nagpatuloy ulit syang nagsalita, hindi siya patatalo, "Oo nga pala. Naliligo kaba twing gabi o naghihilamos?" Hindi mapigilang tanong niya. Lalo itong napanganga.
"Bakit makikisabay ka?" saka humakbang ulit itong palayo sa banyo.
"Hindi!" bahagyang pasigaw niyang sagot.
"Sabagay kahit hindi ka naman makisabay. Nakita ko naman na lahat 'yang tinatago mo." hindi ito nakatingin sa kaniya ngunit mabilis naman siyang napatingin kayJesse. Siya ang may planong mambwusit sa lalaki. Ngunit siya yata ang mabubusit. Pero totoo kayang nakita na nito lahat ang tinatago niya?
"Wala akong pamalit na isusuot ngayon gabi! Lingaw!" Dabog niyang ulas sa sobrang inis.
"Baka gusto mo akong bigyan?!" hindi na niya napigilang ang kagustuhan pero naandoon pa rin ang pang-iinit ng magkabilang pisngi.
Tumalikod ito na may ngiti sa labi habang siya ay nakataas ang labi sa sobrang inis.
"Madapa ka sana ulit! Mauna sana ang nguso mo ng dumugo 'yan at hindi na makapagsalita ulit!" Panalangin bulong niya.
"Narinig ko sinabi mo Carmen!" hiyaw nito sa kaniya habang lumalakad.
Mabilis na lang niyang isinarado ang pintuan kesa makipagtalo pa.