Tumayo't nagtungo ako ng banyo. Naligo at nang matapos ay lumabas ng kuwarto. At dahil mag-aalas syete pa lamang ng umaga natitiyak ako'ng natutulog pa si Zia sa sarili nitong kuwarto. Gusto ko itong puntahan at tabihan sa pagtulog nito kahit ilang sagoit lamang kaya nagmamadali akong nagtungo ng kuwarto nito. Para akong dagang bubuwit habang dahan na binubuksan ang pintuan ng kuwarto nito at patakbong paglakad palapit sa kama nito. Pero, nanlaki ang mga mata ko dahil wala ito sa kama nito! Mabilis akong napatindig ng pagkakatayu.
"Zia?" tawag ko sa pangalan ng panaganay ko. Agarang iniikot ko ang magkabila kong mga mata, kasabay ng katawan ko sa paghahanap. Pero walang sumasagot sa mahina ko'ng tawag sa pangalan nito.
Biglang sumagi sa isipan ko kung nasaan ito. Nanakbo ako papunta sa may sala dahil nandoon ang iba nitong laruan na baka maaga itong nagising at nagtungo doon para maglaro. Ngunit wala akong naabutan doon, sinigurado ko na din kung nasa kusina ito. Ngunit wala pa rin ito doon. Isa na lang ang nasa isipan ko kung nasaan ito.
Nasa kuwarto ito tiyak ng byenan ko!
Nagngitngit ang magkabila ko'ng panga. Mabilis akong lumabas ng kusina. Malayo pa lamang at naririnig ko na ang boses ng anak ko sa loob ng kuwarto ng mabait ko'ng byenan! At dahil nakauwang ang pintuan kitang-kita ko na ang ginagawa ng dalawa. Hindi na ako kumatok at lakas loob na akong pumasok.
"Bakit naandito ka? Hindi ka ba marunong kumatok?" sa boses hindi maitatangging galit na galit ito dahil sa kabastusang ginawa ko.Tumayo na rin ito sa pagkakaupo sa sopa. Ang kuwarto nito ay halos treplihin ang laki sa kuwarto namin ni River.
Tumayo ako ng mabuti sa kinatatayuan ko bago sumagot.
"Mamasyal kami ngayon araw ng anak ko, mama. Kaya ibigay nyo sya sakin." matapang na paalam ko. Desperada na kung tawagin pero ipapakita ko sa byenan ko na pag-abot sa anak ko ay gagawin ko. Tatapusin ko na ang katangahan ko!
"Sa palagay mo, sasama ba ang apo ko saiyo?" may kasiguraduhang na wika nito sa akin.
"Why not mama? Anak ko siya." taas nuo kong may pagmamalaki na sabi. Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang ganoong kagaspangang ugali. At tiyak pagnalamam ni River ang ugali kong pinapakita sa ina nito ay muli na naman kaming magtatalo nito. Pero buo na ang pasya ko. Itatayo ko ang pangalan ko sa bahay na 'to!
Tumaas ang dunggot ng labi nito bago magsalita. "Maria, maria, maria..." paulit-ulit na tawag nito sa pangalan ko, "Hangga't nasa pamamahay kita ako ang masusunod sa bahay na 'to." Wika nito'y na pilit kinakalma ang sarili. Para bang agarang nagbago ang ihip ng hangin.
"Oo, pero sa anak ko hindi." Maanghang ko'ng sagot. "Masusunod kayo dito dahil pamamahay nyo ito. Puwede ninyo akong maging alila sa pamamahay na ito pero pag-abot sa anak ko...hindi!" Saka humakbang at nilapitan ko ang bata.
"No, Maria! Aalis kami ng apo at hindi mo sya maisasama saan lupalop mo sya gustong dalhin!" saka mabilis na nilapitan nito ang bata. Tanging palipat-lipat tingin lang ang bata sa amin.
"Anak, halika. Aalis tayo at hinihintay ka ni Kara dahil birthday niya." ang tinutukoy ko ay ang anak ni Kaye. Hindi nito kaarawan pero iyon ang naisip ko'ng sabihin. Pero never pa'ng nakibirthday o nakipaglaro si Zia sa anak ni Kaye dahil bawal si Zia makipaglaro sa mga anak ng kaibigan ko. Tanging nakakalaro lamang ni Zia ay ang mga toys nito o ang ina ni River.
Mabilis kong hinawakan sa palad si Zia. Maghigpit. "Ma...please... Bitawan mo si Zia." Pakiusap ko sa matanda.
"Ikaw ang bumitiw sa apo ko!" nanginginig mukha at namumula na sabi nito.
"Ano ba'ng gusto n'yo, ma?! Anak ko itong bata! Kaya, may karapatan din akong na magdesisyon sa kanya!" Mataas tono na sabi ko. Halos umikot ang boses ko sa apat na sulok ng kuwarto nito.
"Don't shouting me!" saka malakas na dumapo ang palad nito sa pisngi ko.
Dahil sa pagkabigla nabitawan ko ang pulsuhan ni Zia at naisalo sa mukha ko ang palad ko. Segundo lang ay para ako'ng tigre. Para ba'ng naubus na ang pasensya ko at may nagtutulak na ipaglaban ang sarili ko na kahit alam ko'ng gulo ang mangyayare. Tumaas ang palad ko at malakas na ginatihan din ito ng sampal. Mas malakas pa sa ginawa nito.
"How dare you!" Nanlalaking matang bigkas nito. "Hampaslupa ka! Lumayas ka! Walang utang na loob! Pagkatapos kitang tanggapin pakainin na kahit napakarumi mong tao tapos ito ang igaganti mo sa 'kin! Lumayas ka pamamahay ko!" bulyaw nito na halos lumabas ang litid sa sobrang galit sa akin.
"Oo...aalis talaga ako dito at kasama ko ang anak ko! Hindi mo ako mapipigilan na hindi masama ang anak ko dahil ako ang ina!" hiyaw at Mlmatapang at madiin ko'ng sagot.
"Mag-isa kang lumayas at sino 'man sa dalawa ay wala kang isasama!" saka tumaas ulit ang palad nito para dumapo sa mukha ko pero mas mabilis ang kamay ko. Mabilis ko'ng nasanggi ang pagbagsak ng kamay nito ulit sa pisngi ko.
"Hi-indi ito makakaligtas! Isusumbong kita kay River! Tandaan mo! Tinitiyak ko makakatikim ka sa anak ko! Walang modo!"
"Kung marunong kang gumalang sa nakababata sa'yo, gagalangin kita, mama." imbes na sumagot ito. Hinila nito si Zia palayo sa akin.
"Halika apo. Huwag kang sasama sa ina mong balasubas." nanginginig na usal nito at kung gagalingan ko pa siguro ang pagsagot dito baka ito ang ikamatay nito,"Huwag ka'ng susunod." sabay duro nito sa akin at humahakbang palayu sa akin.
"Ibigay mo ang anak ko!" hiyaw ko at tumakboako'ng sumunod sa dalawa. Mabilis naman nagtago ang bata sa likuran ng lola nito. Nananalaytay din ang sobrang takot sa mukha nito.
Kung kanina namumuno ako ng tapang at galit ngunit ngayon ay para ba'ng naubusan na ako ng lakas ng makita ko ang anak ko sa ginawa nito.
"Zia..." mahinang bigkas sa pangalan ni Zia. Alam kong narinig iyon ng aking anak pero walang lingon itong nagpatuloy na lumayo sakin habang mahigpit na nakakapit sa lola nito.
Hanggang sa tuluyan na akong naiyak, humagulgol ako sa kinatatayuan ko dahil para bang wala na akong magagawa. Hindi 'man nagsasalita ang anak ko pero ramdam ko kung sino ang pinapanigan nito. Para akong kandilang nauupos.
Ilang minuto pinunasan ko ang nagkalat na luha sa pisngi ko. Naging magulo tuloy ang isipan ko kung paano ko mapapaamo ang anak ko. Pero gagawa ako ng paraan. Gagawa ako!