KABANATA 24.

1506 Words
HALOS IPIKIT NA ni Maria ang magkabilang mga mata habang humahakbang siya palayo kung saan siya galing. "Kaya mo 'yan para Maria...Makikita mo pa ang mga nak mo. Kaya mo 'yan." Pagpapalakas loob at ng isipan niya. Hindi niya alam kung bumubuhos ba ang dugo galing sa pwerta niya dahil pakiramdam niya ay basang basa ang magkabilang hita niya. Gusto niyang mamatay na nakita man lang ang dalawang anak niya kaya tumakas siya sa bahay kung saan pinilit na inilabas ang anak niya sa sinapupunan niya. Uukod-ukod na siyang naglalakad. Hirap na hirap siyang humakbang. Puno na rin ng luha ang magkabila niyang pisngi. Mabuti na lamang at may kahoy siyang nakita at hawak at tulong iyon para makapaglakad siya ngunit hindi pa rin sapat. Kailangan niyang nalalayo baka magising at hanapin siya ng nagbabantay sa kaniya. Madilim ang lugar at liblib ang daan. Halatadong tago ang bahay na iyon sa mga tao. At mabuti na lang din nakatakas siya habang malalim ang tulog ng babaeng bantay niya. Mukhang puyat ang nagbabantay sa kaniya kaya walang kamalay-malay. Pilit siyang napangiti dahil masuwerte pa rin siya. Kaunti na lang at nakikita na ng mga mata niya ang daan dahil naririnig na niya ang ingay ng mga sasakyan. "Kayanin mo pa Maria..." mahinang sambit niya sa sarili kasabay ng paghinto at napatukod ang kaliwang tuhod niya sa lupa. Nakapa niya ang hita. Basang basa iyon at tiyak niyang nagkalat na talaga ang dugo. "Kayo ko pa... Makikita ko pa ang mga anak ko." Mahinang sambit niya kahit medyo umiikot na ang kaniyang paningin. Pinilit niyang tumayo kahit ang nakikita niya ay umiikot na kapaligiran. Kahit madilim ang kabuuan ng paligid niya ay pinilit niyang humakbang kahit usad pagong siya. "Nay, bakit po ba ang aga mo 'ko ginising?" boses bata kasabay ng malakas na bagay na tumutunog. Nabuhayan siya ng loob kahit inaaya ng dalawang matang pumikit siya. "Kailangan mauna tayo doon at marami itatapong basura galing sa malaking mall, anak. Tiyak marami gamit na naman itatapon kaya dapat tayo ang kauna-unahan tao doon. Hala! Bilisan natin at tiyak mapupuno itong kariton natin ngayon." "M-may tao?! Tu-tulungan n-nyo koo!" Hirap na hiyaw niya. Napahinto na rin siya sa paglalakad. "Nay, narinig mo ba 'yun?" "May multo yata anak dito." "T-tulong!" Sambit niya sa mahina ng boses. Nanghihina na talaga siya at hirap na siyang humiyaw. "Tu-tlungan nyo ko!" at bumagsak na siya sa lupa. Kahit nakapikit siya ramdam niyang may taong tila bubuyog na nagsasalita at nakahawak sa kaniya at tuluyan na siyang nawalan ng malay. 10 AM IN THE MORNING... Iyon ang napagdesisyunan ni Jesse na oras para puntahan at kausapin si Maria. Mabilis na pinindot ni Jesse ang doorbell. Ilang sandali at may lalaking lumapit sa kaniya. "Sino ang hanap mo?" diretsyong tanong nito at hinagod siya ng tingin ng lalaki. "Magandang araw, Sir. Dito ba nakatira si Maria Sevilla?" Diretsyong sagot naman niya saka inalis ang shade na suot. "Dito nga pero wala na siya dito." "Kailan pa siya umalis? Saan ko sya puwedeng puntahan? Kailangan ko kasi siyang makita at makausap." "Wala akong balita tungkol kay Maria. Umalis ka na at huwag ng babalik pa." taboy nito sa kaniya. Hindi niya inaasahan ang dadatnan. Sinuot ulit niya ang shade at saka tumalikod. Laglag ang dalawang balikat niyang pumasok sa loob ng sasakyan. Habang nasa loob siya ng sasakyan pinasadahan niya ng tingin ang katabing bahay na tinitirahan ni Maria. Kailangan niyang makasagap ngunit lahat ng kapitbhay nito ay may kaniya-kaniyang gate at matatas. Malabo siyang makapagtanong. Pero hindi doon nagtatapos dahil hindi siya susuko at bukas susubukan ulit niyang puntahan ito. Kinabukasan napagpasyahan niyang hapon na siyang pupunta kila Maria. Hahagilap siya kung may bukas na gate sa mga kapitbhay nito at lakas siyang magtatanong. Ngunit bigo ulit dahil parang walang tao dahil laging nakasarado ang mga gate. Pero hindi siya patitinag at tumayo ulit siya sa harapan ng gate. Nagdoorbell ulit siya na baka si Maria na ang haharap sa kaniya. "Ikaw na naman?!" Galit na boses na tanong ng lalaki ng harapin siya. "Ituro mo sa akin kung saan ko puwedeng makita si Maria para sa ganoon hindi mo na ako dito makikita ulit dito." nakangiting sabi niya. "Hindi ko nga alam kung nasaan siya. Bakit mo ba hinahanap si Maria? Kalaguyo ka ba niya?" Lumabi siya, pero nagsalita din. "Bakit mo tinatanong?" aniya na iniikot ang susi sa daliri maging ang mga mata. "Wala kang makukuha saking impormasyon tungkol sa babae na 'yon! Kaya lumayas ka na! Nakakastorbo ka sa trabaho ko!" Sa daloy ng pananalita nito, hindi 'man lang nito ginalang si Maria. Bigla siyang napaisip pero mabilis din nagsalita. "Babae na 'yon? Bakit may ginawa bang masama si Maria sa'yo?" Sana hindi nito mahalata ang pagpapakipot niya sa kausap. "Umalis kana!" Taboy nitong pahiyaw. Itsurang nagtitimpi lang. "Hindi ako aalis dito hanggat wala akong nakukuhang impormasyon kay Maria. Ituro mo kung saan siya at hindi na ako babalik pa." madiin niyang sagot. "Wala nga dito ang hinahanap mo. Bwisit ka! Saka hiwalay na sila ni Sir River! Kaya umalis ka na baka maabutan ka pa ng boss ko at tiyak simenteryo ang pulot mo!" Banta nito sa sobrang inis na rin siguro sa kaniya. "Sino 'yan, Pideng?" Sabay silang napalingon sa boses na nagsalita. Hindi nila namalayan ang pagdating nito at ilang hakbang ang layo sa kanila. Habang papalapit ng papalapit parang namumukhaan niya ang babae. Parang nakita na niya ito ngunit hindi niya matandaan kung saan. Hanggang sa malapitan na niya itong nakita. "Sinong hanap mo?" Walang kangiti-ngiting tanong nito. "Magandang hapon ma'am. Si Maria, ho ang hinahanap ko." mabilis na sagot niya. "Nasa loob si Maria at natutulog. Bakit mo sya hinahanap, aber?" "Malapit na kaibigan niya ako ." Pagsisinungaling niya. "Sabihin mo ang pangalan mo at sasabihin kong may naghahanap sa kaniya." Matigas pa rin ang boses nito. "Puwede ko ba siyang makausap at makaharap ngayon?" "Sa ngayon hindi siya puwedeng makipag-usap kahit kanino dahil kapapanganak lamang niya. Hindi siya puwedeng tumanggap ng bisita dahil pagpapalakas pa siya. Sabihin mo ang pangalan mo at ako na lang ang magsasabi sa kaniya." "Nais ko sanang kami ang magkaharap ma'am." Pagpupumilit niya. "Importante ang pag-uusapan namin." "Ayoko ng matigas ang ulo! Nasagot ko na ang mga tanong mo. Kung ayaw mong sabihin ang gusto mong ipaabot. Lumayas ka na at huwag ng babalik pa!" Madiin na bigkas nito. Lalong naging seryoso ang pagmumukha. Hindi talaga niya maalala saan ba niya nakita ang matanda. "Pakiusap po ma'am. Kailangan ko talaga siyang makausap ng personal." Nanliit ang mga mata nito. "Aalis ka o ipapadpot kita sa mga tauhan ko?" "Pasensya na ma'am, nakikiusap ako." Pangungulit niya. Hindi siya natinag sa pagbabanta nito. "Venting!" Bulyaw nitomg tawag sa lalaki. "Ayoko ng makikita ang lalaking ito sa harapan ng bahay ko. At pag nakita ko ulit 'to. Alam mo na ang gagawin." Nakita niyang tumango ang lalaki saka tumalikod pagkasabi iyon. Sa kaniya naman humarap ang lalaki. "Lumayas ka na at huwag ng babalik pa kung ayaw mong magkalat ang dugo mo sa kinatatayuan mo." Walang takot na bigkas nito saka naglabas ng baril at kinasa iyon at itinutok sa kaniya. Hindi 'man lang ito binalutan ng takot at handa itong iputok kung magpupumilit siya. Huminga siya ng malalim ngunit binalutan ng takot ang katawan. Tumalikod siya na walang salitang iniwan. Sumakay siya ng kaniyang sasakyan at bahagyang iniusad ito. Kailangan niyang makausap ang Tito niya at iba ang pakiramdam niya sa kalagayan ng anak nito. Ngunit hindi niya namalayang may biglang tumakbo. Mabilis siyang nagpreno. Mabilis din siyang umibis at tiniyak kung may nasagasaan ba siyang tao. "Aayos ka lang?" aniya habang tinatayo ang babaeng pinapagpag ang pwitan. Maya't nagtaas ng ulo. "Ikaw?" iyon ang naging sagot nito sa kaniya. Kumunot nuo siya. Parang nakita na niya ang babae at doon naalala niya. Ito ang babaeng humihingi sa kaniya ng tulong nuong ihatid niya si Chin. "May masakit ba sa'yo? Dadalhin Kita sa hospital." Prisinta niya at malayong tanong niya sa tinanong nito. "Okay lang ako." Saka umismid, "Marunong ka rin pa lang tumulong sa mga taong kapos palad." Nagets niya kaagad ang winika nito. Hindi siya mahilig o magpaliwanag. Ngunit bumuka ang labi niya para sagutin iyon. "Pasensya ka na. Nagmamadali kasi ako nuong humihingi ka ng tulong." Nasa harapan niya ito at hinihilot ang baraso. "Masakit ba 'yang baraso mo?" "Saan ka galing bakit naandito ka?" "May hinahanap akong tao dito sa lugar na ito." sagot niya at awtomatikong itinuro ang gate. "Ikaw taga dito ka? Kumusta pala 'yung kaibigan mo?" Nanlaki ang mga mata ng harapan niya. "Sinong hinahanap mo dyan? Diyan nakatira ang kaibigan ko! Baka kilala mo sya? Baka puwede mo akong tulungan?" Sunod-sunod na tanong nito. "Dati akong katulong diyan! Siguro huwag tayo mag-usap dito. Delikado ka dito lalo mainit sila ngayon." wika ulit ng babae. Mabilis niyang pinapasok ang babae sa loob ng kotse niya. Marami sila nitong pag-uusapan at nararamdaman niyang makakatulong ito sa kaniya dahil katulong ito kung saan nakatira si Maria.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD