"ENGINEER JESSE SALAZAR.Tsk! Lalaking lalaki bro, uh!" saka umiling na may ngiti sa labi sandali at tinungga ang hawak na beer can ni Matt.
"Tigilan mo nga 'ko, Matt!" iling ko din na sagot na may halong ngiti.
Kanina pa kami nag-iinuman nito. Sobrang namiss namin ang isa't isa.
"Sa mga batch natin, parang ikaw na lang yata ang walang may asawa, uh! Tapos satin tatlo ikaw pa rin ang walang asawa."
"Darating tayo dyan, bro. Sadyang hindi pa rin dumating." paliwanag ko. Heto na naman kami sa kwentong ito.
"Tingnan mo 'ko, Mangananak na si Ria. Habang si Den malapit ng magpabinyag sa unan nitong anak. Huwag mong sabihin pag binata na ang mga anak namin saka doon Ka mag-aasawa?" natatawang paalala pa nito sa isa naming kaibigan.
Si Matt at Den ay high school freind ko at kaklase ko rin ng college. Pare-pareho kami ng kurso ng mga ito. At sabay-sabay din kaming nakatapos ng kurso. Ilang taon lang ang nakalipas lumagay na sa tahimik ang dalawa habang ako ay naging gugol sa trabaho. O sinadya ko talaga ito?
Sobrang dami ng blessings ng matapos 'ko ang kurso ko dahil kaagad ako nagka project sa Baguio at matapos no'n sa Batangas naman ako nadestino. Kinalimutan ko na ang buhay pag-ibig simula ng mag-asawa ang si Diana. Two years kaming nagtagal ngunit natuloy sa wala. Automatiko akong napaseryo. Naalala ko na naman ang mga bagay na matagal ko ng nilimot.
Mas pinili nito ang pamilya keysa sa ipaglaban nito ang pagmamahalan namin dahil nang malaman ang totoo kong estado sa buhay. His parents don't like poor people. At ilan buwan lang nalaman kong kinasal na ito sa ibang lalaki.
"Psst! Lalim kaagad ng iniisip mo! Relax, bro. Hindi kita pinipressure. Totoo lang sinasabi ko. Nagkakaidad na tayo."
"Change topic nga tayo." pakiusap ko.
"Alam ko bro may kailangan kang bayaran sa boss mo. Pero kailangan mo rin asikasuhin ang sarili ko. Ang mga babae madali lang hanapin 'yan. Pero 'yung utang na loob mahirap mabayaran." Makahulugang sambit nito.
Napahinga ako ng malalim. sa sinambit ni Matt. Kay Den ay Matt never akong nagsikreto pag-abot sa akin.
"Kailan ka pa dito sa Bataan, bro?" Pang-iiba ko. Masyado na kasing malalim ang pag-uusap namin. Saka inabot ang nasa ilalim na supot na namumuno ng beer can. Nasa loob kami ng sasakyan ko. Nang malaman kong namededestino ako ng Bataan mabilis ko itong kinontak.
"Lintik gusto ko na ngang mag resign. Boring dito at laging maulan. Masyadong reklamador din 'yung contructor namin. Malapit ko na nga rin patulan." at nag-iba ang tono ng pananalita. Naramdaman ko kaagad ang pagkapikon nito. Nuon pa 'man pikon na talaga si Matt. Hindi tulad ni Den na tatawanan lamang nito ang mga taong ayaw nito.
"Sus! Tawanan mo na lang. Kaya tiyaga na lang."
Pagak na tumawa ito sa akin.
"By the way, aattend kaba ng pabinyag ni Den?"
Nagtaas balikat ako.
Nang nagtex Ito tungkol sa binyag kaagad ako nagcheck ng kalendaryo. Gusto kong makita kong busy ako sa mga araw na 'yon. Hindi ako nanagako, pero pipilitin ko. Ilan buwan na rin kaming hindi nagkikita ni Den. Madalang din magkausap sa phone dahil kapwa kami busy. Itong tarantadong si Matt lang ang lagi kong nakakausap lalo na pag unlimited call ito.
"Magtatampo 'yun, gag*! Saka malay mo doon mo makita ang 'the one' mo." Biro pa nito.
"f**k Matt! Hintuan mo nga 'ko sa ganyan!" natatawang bawal ko sa kaibigan ko. Balita ko sa compound ng byenan ni Den ito nagpagawa ng sariling bahay.
"Tapos isa pala sa kamag-anak ng asawa ni Den ang mapapangasawa mo." Saka humagalpak ng tawa. "Patay kang bata ka!" Lalong lumakas pa ang hagalpak nito sa huling nasabi.
Nalaman kong malaking pagsisi ni Den ng magpagawa daw doon ng bahay ay halos pinakikielaman na ito ng byenan nito. Ending ang maunawainh ugali ng kaibigan ko ay bumigay.
"Kaya nga nakakatakot din ang mag-asawa." saka napalabi ng sabihin iyon kahit hindi naman iyon totoo. Gusto ko lang maiba ang usapan namin.
"O c'mon Jesse. Mas nakakatakot yung walang mag aalaga sa'yo pagtanda. Believe me, bro. Masarap ang may nag-aalaga. Masarap ang may asawa. At ang pinakamasarap 'yung may inaasawa. Lalo na 'yung gigilin—."
"Stop!" Pigil ko kay Matt na may ngiti na sa labi. "Umiinom ka na nga lang dyan."
"Kung alam mo lang bro kung gaano kasarap ang may kasiping sa gabi." Pagpapatuloy pa nito na tila ba hindi narinig ang pakiusap ko.
"G sa bar?" nakangising anyaya nito kaagad sa'kin.
Yan na nga ba ang sinasabi ko!
"Dito na lang tayo. Mamaya malaman pa ni kumander mo na nagpunta tayo doon." Kunot nuo kong tanggi ngunit gawain na namin iyon nila Matt at Den nuon. Ang magpalipas oras at maglabas ng init sa mga bayarang babae.
"Hindi mo ba namimiss?" nakangisi pa rin.
"Kung ano-ano nasa isipan mo, Matt! Bukas may trabaho tayo."
Pareho kaming nasa Bataan ngunit magkaiba naman ng lugar.
"Nakakapagpabago talaga ang nalalayo." Saka umiling.
"Balak mong magpadre? May alam ako." biro nito.
"Of course not!"
"Gay ka na?" lalong tanong nito.
"Matt, tigilan mo 'ko." Saka tumawa ako ng malakas.
"Bakit ayaw mo? Ngayon na nga lang tayo nagkita ulit." Saka nagbukas ulit ng beer can.
"Nakakailan ka na ba ng beer? Mukhang lasing ka na, uh?"
"Hindi, uh! Iniisip lang kita at alam kong matagal ka na rin hindi makakatikim ng himas."
"Loko! Kahit Hindi makakatikim ng himas 'yan naandyan naman si Mang Kanor." unti-unti na rin akong bumibigay sa dalot ng kuwentuhan.
"Gag*! Ayaw ko nga no'n! Nakakangawit!"
"May magagawa pa ba ako? Sobrang busy ko at wala na akong time sa mga ganyan." At ibinaba ang nangangalahating laman ng hawak.
"Let's go?" Pangungulit nito.
"Bro huwag ngayon! Maaga ako bukas papasok."
"Tsk! Huwag ka ng umayaw." saka mabilis na kinuha ang cellphone sa bulsa at nakabalatay ang nakakalokong ngiti sa labi.
"Walang malalaman si Ria Kung walang magsusumbong."
Maya at nakita ko na itong dumadayal ng sarili nitong tawagan.
"
"At sinong hindi? Saka ang hirap Naman Kung uuwi ako para lang rapin si kumander. Buntis 'yun. Tiyak aayawan din ako no'n."
Malakas na tumawa ako sa kinuwwnto ni Matt. Hindi pa rin ito nagbabago. Malibog pa rin ito.
"May malapit na bar dyan. Or punta tayo sa ibang lugar.