KABANATA 12. Jesse's P.O.V

1056 Words
INIOFF KO ang makina ng sasakyan ng matapos kong iparada sa may kadiliman ngunit hindi nalalayo sa ibat- ibang sasakyan. Pairap akong tumapon ng tingin kay Matt. Nakangiti naman itong nagbukas ng pintuan ng sasakyan ko. Aminadong akong namimiss ko din ang ganoong galawan ngunit wala talaga sa timing itong kaibigan ko. Maaga ang lakad ko bukas dahil sa inutos ni tito. Mahalagang bagay iyon sa matanda. At ipinangako ko namang, kahit napaka busy ko sa trabaho gagawin ko pa rin ang napag-usapan namin. Ang madalas nitong banggitin. Utang na loob ko rito kung nasaan ako. Hindi iyon mababayaran ng malaking halaga dahil ito ang nag-aaral sa'kin at tumulong sa pamilya ko. Automatikong napatingala ako sa langit ng may pumatak na tubig sa pisngi ko. "Mas okay 'to bro. Nakakagana, malamig." Saka bumungisingis. Hindi maitatangging masaya si Matt dahil sa boses nito. Naikwento nitong matagal na rin itong hindi nakakatabi sa misis nito dahil nga nagdadalang tao at maselan din. Kaya hindi ko rin masisisi. Lalaki lang kami na nangangailangan din. "Ilang buwan na ako dito bro, ngayon lang talaga ako nagpunta dito." at nagpatuloy ito sa paghakbang habang minamasid ang dinadaanan. "Sus! Ikaw pa Matt!" "Oo nga!" "Kaya ngayon dinamay mo pa ako sa kalibugan mo?" mabilis kong sagot ngunit sumusunod din sa kaibigan. "Sus Jesse! Ngayon na lang tayo nagkita ulit tatanggihan mo pa ba, ako? Saka, ginagawa naman talaga natin 'to." "Gag*! Oo nung panahon wala ka pang asawa at hindi ako busy!" mabilis na paliwanag ko. Ewan ko na lang bukas kung ano ang magagawa ko dahil tiyak uumagahin ang lokong ito at damay ako. Sa amin tatlo, itong si Matt ang matigas ulo. May pagkababaero pero akalain mong lumagay din sa tahimik. "Tsk! Hindi kaba masaya na nagkasama tayo ngayon gabi?" saka hinintay ako nito sa paglakad. Nahuhuli kasi ako. "Masaya! Sobrang saya Matt! Walang kasing saya, bro!" Hindi na ito kumibo ng buksan nito ang isang pintuan at pumasok kami. Parang alam na alam nito ang lahat dahil pagkatapos namin pumasok, walang kibong nagpatuloy ulit kaming maglakad. Dalawa lang ang makikitang naka signed doon. G at Second floor lamang. Mukhang mamahalin ang napuntahan namin dahil may elevator. Mabilis iyon pinindot ni Matt. Sabay kaming pumasok ng bumukas iyon. Wala akong nararamdamang kaba. Nasabi ko nga matagal na namin ginagawa iyon. Pero naguguluhan ako o hindi mapakali na hindi maipaliwaang ngayon gabi. Ting! Bumukas ang elevator at bumungad sa amin ang malakas na sound. Nakakabingi ngunit may halong saya sa mga taong nagsasayawan sa loob dahil sa mga boses. Dahil sa mag- aalas onse na ng gabi dinig na dinig ko ang mga nangingibabaw na hiyaw ng mga tao. Kahit saan bar ganoong oras ang datingan ng pumupunta ng bar. Hanggat gumagabi lalong dumadami. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang bumungad sa mga mata namin ni Matt ang umiikot na ilaw at mga nag-iinuman na babae na may katumpok na mga lalaki. Ang iba naghahalikan na sa mga gilid ng pader. Hindi na iyon iba sa akin. "Waiter!" Agarang tawag ni Matt ng makahanap kami ng upuan. Hindi nalalayo sa stage na may sumasayaw na babae ang napuntahan namin ngunit nasa tagiliran kami pero hindi hadlang para matabingan ang nagagandahang kababaihan na animoy wala na sa sarili dahil lagok na sa alak. Mabilis na humangos na pumunta sa amin ang waiter. Ako naman nagsimula ng lumikot ang magkabilang mga mata. Ngunit napokus iyon sa dalawang tao na nababalutan ng dilim at hindi rin ito nalalayo sa kinauupuan namin ni Matt. Hindi ko ugaling makinig sa personal na kuwentuhan. Mas lalong wala akong pakielam sa usapan ng mga ito ngunit parang natanggal ang tenga ko at tumutok sa dalawang masinsinan na nag-uusap. "Kumusta kayo ng asawa mo? Kelan mo sya balak hiwalayan?" Kitang-kita ng mga mata ko kung paano ngumisi ang lalaki sa babaeng hindi ko maaninag ang pagmumukha. "Maghintay ka lang babe. Pag-uwi ko sa bahay namin magsisimula na akong magparamdam sa kaniya." Mabilis kong binawi ang paningin ko, itinuon ko iyon sa babaeng sumasayaw. Wala akong pakielam sa kanila. Ayokong marinig ang ganoong bagay. Ngunit ng magsimula ulit magsalita ang babae para bang may buhay na nawala ang atensyon ko at doon napunta ulit. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Daig ko pa ang naging syismoso! "So, maghihintay pa tayo ng ilang buwan?! Aba! Halos laspagin mo na ang katawan ko! Paghihintayin mo pa ako! Baka nakakalimutan mong matagal na ang relasyon natin!" halatang galit na sa kausap. "Change topic nga tayo Violeta! By the way. Nagustuhan mo ba ang ginawa ko kanina?" Nang-aakit na tanong ng lalaki. "Syempre nanna babe! Iyang galing mo na 'yan. Hindi ko magugustuhan? Kaya nga siguro natitiis ka ng asawa mo dahil napakagaling mo sa kama. Iyong totoo. Nabitin ako kasi kamuntikanan na tayong mahuli." nakakapang init na sagot nito. Napalunok laway ako ng biglang sunggaban ng lalaki ang babaeng kaluguyo nito. Lalaki din ako kaya ramdam ko ang init na biglang sumiklab sa dalawa. Parang walang mga pakielam ang mga ito kung may makakakita ba sa kanila. At imposibleng hindi kami nakita ng kaibigan ko ng mga ito. "Ugh..." ungol ng babae. Napaihip ako ng hangin at napapaypay ng damit na suot. Parang nahahawa ako sa init ng dalawa. "Be-babeee..." dinig kong tawag ng babae sa lalaki. "Are you okay, bro?" nakakunot na tanong ni Matt sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakatingin na pala ito sa akin at may halong pagtataka. Mabilis na tumango ako. "Are you sure?" parang hindi Ito naniniwala Kaya mabilis akong sumagot. Napakunot nuo din ako. Parang hindi nito naririnig ang dalawang katabi namin. "Oo naman! Bro cr lang ako." Paalam ko. Kailangan ko ngayon iyon. Hindi dahil gusto kong magsarili or hindi dahil sa hindi na ako makapaghintay. Talagang need ko na magbawas dahil kanina pa ako naiihi. Habang naglalakad ako naiiling ako. Nadaig ko ngayong gabi ang isang babae. Maya't nakapansin ako ng isang babae na nag-iisa sa table. May mga alak itong nakapatong sa harapan nito. Maganda ito at hindi maitatangging bata pa ito. Ngunit segundo lang nakatingin na ito sa akin. Maya't nginitian ako. Inagaw ko ang paningin ko ng makita ko ang sign ng comport room. Dagli-dagli akong pumasok sa loob. Marami na ako nainom kaya marami narin akong naibawas. Isinarado ko ang zipper. "May kasama ka?" boses babae sa likuran ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD