"MAG -AALAS TRES na, River, uh?" Gulat na sabi ni Maria kay River na kararating lamang.
Naramdaman niyang yumanig ang kama kaya soya naalimpungatan. Matagal na maghintay si Maria. Umabot nga din siya ng ala una ngunit talagang namimigat na ang mga talukap ng mga mata niya kaya nakatulog na siya.
"Marami kasi akong ginawa." maikling paliwanag nito saka tumalikod sa kaniya.
"Bakit hindi ka 'man lang tumawag, River." Nagtatampong sabi niya. "Kanina pa ko naghihintay sa'yo."
Kitang-kita niyang mabigat na inayos nito ang unan bago nagsalita. "Bakit kasi naghihintay ka pa? Sa trabaho ko Maria, hindi maiiwasang maging busy ako at ganitong oras umuwi lalo na at politiko iyon." sa boses hindi maitago ang pagkaasar sa kaniya.
"Mabigat bang tumawag? Or magtext? May cellphone ka naman, 'di ba?"
"Pagtatalunan pa ba natin 'to? Please, Maria! Pagod na pagod ako! Kung ayaw mong matulog. Ako, matutulog ako!"
"Hindi naman ako nakikipagtalo, River.
Sinasabi ko lang naman na kahit sana namang busy ka. Tumawag ka para naman alam ko kung malelate kaba o hindi. Ang simple 'di ba?"
"Matulog na nga tayo!"
"Galit kaba River?" Inis na tanong niya dahil sa boses nito.
"Sa palagay mo? Pagod na nga ang tao nanenermon ka pa!" inis din na sagot nito.
"Hindi ako nanenermon, River! Pinapaliwanag ko lang 'yung tama. May buntis kang asawa na naghihintay sa pagdating mo. Hindi ko na nga nakakalaro ang anak natin. Pati ba naman ikaw wala na rin oras?" nagawa na niyang umupo sa pagkakahiga.
"Please naman Maria! Unawain mo 'ko! Pagod na pagod ako ngayon! Tingnan mo naman ang oras. Mahigit alas tres na ng madaling araw at may gana ka pang manermon!"
"At kasalanan ko?"
"Put*ng in* naman, oh!" malakas na mura nito.
"Minumura mo ba ako? Wala naman akong sinabing masama, uh!" nagtitimping tanong niya.
Padabog itong tumayo sa pagkakahiga. "E, dapat pala, hindi na ako umuwi!" Saka mabilis na umibis sa kama at halos madurog ang pintuan ng isarado nito iyon.
Mabilis na napatakip ng tenga si Maria dahil sa malakas na tunog ng pintuan. Para itong matatanggal. At ng makita niyang nakasarado na ang pinto. Nangilid ang mga luha niya sa magkabilang mga mata. SA maliit na bagay palagi na itong galit at mainit palagi ang ulo ni River sa kaniy. Napapansin niyang malaki na talaga ang pagbabago ng asawa niya. Nag-aaway sila nito nuon ngunit ni minsan hindi siya nito minumura. O baka kasalanan din niya dahil inumpisahan niya ito gayung pagod na pagod ito sa trabaho. Siya na lamang ang pagpapakumbaba kaya nagdesisyon siyang umibis din ng kama at pupuntahan niya ito sa guess room. Susuyuin niya ito at pababalikin saekuwarto nila.
Kinatok niya ang pintuan kung saan alam niyang doon natutulog si River.
"River..." Malumanay niyang tawag sa asawa ngunit walang sumasagot.
Kinatok ulit niya ang pintuan. "River..." ngunit tila ba wala talagang tao doon.
Pinalipas niya ang kalahating segundo bago ulit kinatok ang pintuan. "River, buksan mo naman itong pintuan. Sorry na... Lumipat kana sa kuwarto natin." Mabuti na lang malayo ang kuwarto ng kaniyang byenan. Tiyak makikielam na naman ito sa away mag-asawa nila. "Buksan mo na itong pintuan." Ngunit wala talagang sumasagot.
Humugit siya ng paghing. Baka natutulog na rin ito dahil sa matinding pagod. Ikom bibig siyang bumalik ng kanilang kuwarto. Isa na rin sa namimiss niya ang pag-aaro ni River sa twing nag-aaway sila nito. Hindi sila nito matutulog hanggat hindi nagkakabati. Dati rati'y pag nagkakantampuhan sila nito. Hindi ito nakatulog na hindi sila nagkakaayos. Ngunit ngayon, halos paulit-ulit ng nangyayare na hinahayaan na siya nitong matulog na may samaan sila ng loob.
Bumaluktot siya ng pagkakahiga. Habang ang kanang baraso ay nakatakip sa mukha niya. Umiiyak siya sa mga oras na iyon dahil hindieniya mapigilan. Hanggang sa nakatulugan na niya ang isipin iyon.
KINAUMAGAHAN maaga siyang nagising. Ipagluluto niya si River ng almusal nito bago pumasok ng trabaho. Isinama na rin niya ang almusal ni Zia. Nagluto siya ng pancakes na paborito ng anak niya. At kay River naman ay nagpirito siya ng Sunnyside up at nagtost siya ng loft pan. Nagtimpla na rin siya ng kape nito at dadalhin niya ito sa kuwarto kung saan natulog si River kagabi. At may naisip din siyang gagawin para mawala ang galit nito. Iyon ang gagawin niya na lagi naman niyang ginagawa nuon pagnagkakatampuhan sila. Sa buhay mag-asawa hindi iyon mawawala kaya maaga siyang nagshower. Kahit malaki na ang tiyan niya kaya pa niyang gumiling. Habang iniisip niya ang binabalak ay hindi mapigilang kiligin. At nang matapos ang mga niluto niya. Tinakpan niya ang pancake na para kay Zia. Pinagbilin din niya iyon sa katulong. May bago silang katulong dahil hindi na niya kaya ang maglinis ng malaking bahay. Nagmamadali niyang inilagay sa tray lahat ng pagkain at saka nagmamadali din na kinatok ang kuwarto. Pero Ilan beses na niyang ginawa iyon ngunit wala pa ring sumasagot. Napudpod na rin yata ang likuran ng kamay nya kakakatok sa pintuan. Mabuti na lang napansin siya ng katulong at lumapit ito sa kaniya.
"Ma'am Maria, sinong pong kinakatok mo diyan?" Nagtatakang tanong nito.
"Ang Sir River mo, Hilda." mabilis na sagot niya.
"Ni! Wala naman pong tao diyan."
Napakunot nuo siya bago sumagot. "Dito natulog ang Sir River mo."
"Huh? E nilinis ko po ngayon 'yan at hindi naman po nabago ang kama." Kakamot-kamot sa ulong wika nito.
"Si River? Hindi natulog dito kagabi?" Saad ng isip niya.
"Sigurado kaba Hilda? Kasi madaling araw ng umuwi ang sir mo kaya dito na lang siya natulog dahil ayaw niya akong gisingin pa." pagsisinungaling niya dahil ayaw niyang malaman ng batang katulong na nagkatampuhan sila nito.
"Opo ma'am. Hindi po talaga nabago ang unan at kumot. Saka nakalock po Ito dahil nasa akin ang susi. Bilin powkasi ni Madam 'yun."
"Sige Hilda." pekeng ngiting iniharap niya sa katulong. Maya at tumalikod na dahil nag uumpisa ng mag init ang magkabila niyang mga mata.
Malalim na napaisip si Maria kung saan ba natulog si River. Kainposiblehan namang nakitabi ito sa pagtulog sa kaniyang ina. At posible din na lumayas ito dahil pagod na pagod itong dumating.
Inaabangan niyang magising ang kaniyang byenan hindi para tanungin kung nasaan ang anak nito. Wala naman itong matinong isasagot sa kaniya kaya pag nagising ang byenan niya mabilis niyang titingnan kung nasa kuwarto ba ang asawa niya. Datapwat makalipas ng isang oras nagising na nga ang matanda. Tinempuhan niya ito at simpleng naglakad papunta sa kuwarto ng matanda. Ngunit wala siyang nakita. Wala doon ang kaniyang asawa.
Para makalimutan niya ang iniisip at galit sa sarili dahil sa pangtatanong niya kay River, ginugol niya ang atensyon sa mga bagay. Tulad ng pag aayos ng mga gamit nila sa loob ng kanilang kuwarto. Pinunasan din niya ang sopa at nagpalit din siya ng kobre kama. Sa bilis ng mga oras at sobrang pagkabusy ay hindi na niya namalayang tanghali na. Kumain siya ng tanghalian, mamayat dumilim na ang kapaligiran at ilan oras na lamang ay hapunan na. Tiyak uuwi na ang kaniyang asawa. Wala siyang balak na tanungin pa Ito dahil nahuhulaan niyang natulog ito sa opisina nito.
Natapos na ang hapunan ay wala pa rin si River. Namuti na ang mga mata niya dahil mag a alas onse na ng gabi ay wala pa rin ito. Text or tawag wala siyang natanggap kaya siya na mismo ang dumayal sa numero nito para kumustahin ito. Pero matamlay niyang hinintuan ang kakadayal dahil walang sumasagot sa cellphone nitong abot lang ng ring. Malungkot na naglinis na lang siya ng katawan. Pagkatapos nkahiga siya sa kama. Nagiguilty tuloy siya. Masamang masama ang loob talaga sa kaniya ni River.
Langitngit ng pintuan ang gumising kay Maria. Mabilis siyang napatayo ng ulo upang siyasatin kung sino ang papasok ng kuwarto. Napangiti siya ng makita niya si River. Mabilis siyang umibis ng kama at mabilis na sinalubong ng mahigpit na yakap si River.
"Sorry na..." malambing na paghingi niya ng tawad.
"Umalis ka nga d'yan!" taboy nito sa kaniya.
"Huwag ka ng magalit, oh." Saka nagtaas ng ulo at sinalubong ang iritadong mukha ni River.
"Pagod ako Maria!" Bulyaw nito.
"Sorry na please..." saka isinubsob niya ang mukha sa leeg nito. Pupugpugin niya ito ng halik sa leeg hanggang sa mawala ang galit nito sa kaniya.
Ngunit uumpisahan pa lamang niya ng hilahin nito ang mukha niya paalis sa leeg nito. Para itong nandidiri sa ginagawa niya.
"Please stop! Okay? Stop!" Lihis mukhang saad nito.
"Kaya ko pa naman kahit buntis ako." wika niya.
"No need! Saka ayoko." Saka tumalikod ito ng masabi. "Kukuha lang ako ng pantulog ko at doon ako matutulog sa guess room."
"Bakit doon ka matutulog? May sarili tayong kuwarto, uh."aniya habang humuhugot ito ng maisusuot.
"Huwag ka na nga magtanong."
"River, ang laki na ng pinagbago mo." Hindi mapigilang sambit niya.
"Maria... Uumpisahan mo na naman ba ako?" saka humarap ito na puno ng galit sa mukha.
"Hi-hindi. Sorry." pigil hiningang usal niya.
Hindi din nagtagal ng matapos nitong makuha ang pantulog. Walang paalam na nagpaalam ito sa kaniya palabas ng kuwarto.
Nakatingin lamang siya sa asawang malayang naglalakad at hindi na niya namamalayang nag-uunahan na ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.