TATLONG ARAW ang makalipas walang nagbago sa pakikitungo ni River kay Maria. Mas mlamig pa sa bangkay ang pakikitungo nito. Hindi na rin sila nito nag-aabot sa twing umaga dahil maaga itong umaalis at hating gabi namang dumadating. Gusto 'man niya itong komprontahin at kausapin datapwat wala sa oras ang pag-alis nito. Hindi niya mahulaan kung ano bang oras ito aalis sa umaga maging sa gabi anong oras ito darating. Dahil gawa ng pagbubuntis niya, lagi siyang inaaya ng matinding antok kahit ba subukan niyang maghintay sa guess room hindi pa rin niyang magawang imulat ang mga mata ng ganoong katagal. Wala din siyang lakas para tumayo sa pagkakahiga at tiyakin kung nasa kabilang kuwarto na ba si River. Masyado ng malaki ang tiyan niya dahil pitong buwan na iyon at dalawang buwan na lamang ay maisisilang na niya ang magiging Junior nila ni River. Ayaw niyang mastressed kaya nagpapatiubaya na lamang siya sa katawang mayroong sobrang katamaran. Mabuti na lamang at madalang na lang siyang utusan ng bruha niyang byenan. Madalang na rin siya nitong awayin dahil na rin siguro sa magiging apo nito.
Pilit niyang inuuwa si River sa kabila ng pagtitiis dahil mahal niya ito at ayaw rin niyang masira ang kaniyang pamilya. Kahit nasasaktan itinatago niya iyon sa kaniyang pamilya na lagi siyang kinakamusta kung "okay" lang ba siya maging kay Kaye na laging tumatawag para alamin ang lagay niya.
At ngayon araw magiging busy siya dahil ito ang pinaka espesyal. Wedding anniversary nila ni River. Tiyak niyang nakalimutan nito iyon dahil sa sobrang busy kaya gagawa siya ng paraan para soprasahin niya ito. Aminadong ginugol niya ang sarili kahapon sa laptop dahil tumitingin siya ng mga couple surprises na gagawin. Wala kasi siyang ideya. At nang makakita siya ng napusuan mabilis siyang namili ng mga gagamitin. Kahit na madalang na silang magkausap ni River hindi pa rin siya nito pinapabayaan pag-abot sa bilihin. Patuloy pa rin itong nagbibigay ng pera sa account niya. Sosoprasahin niya ito kung saan ito madalas magpahinga at matulog. Alam niyang uuwi ito at doon matutulog sa guess room dahil sabado bukas. Napili niyang bumili ng mga pulang bulaklak na rosas na gagawing ikakalat sa sahig. Ilang kandila din para magbibigay liwanag sa kabuuan ng kuwarto. Syempre magluluto din siya ng paborito nitong caldereta baka, adobong manok at letche plan na paborito nitong panghimagas. Sa tulong ni Hilda, natapos niya lahat dahil nakatulong niya ito. Mag aalas syete na rin kaya kailangan na rin niyang gumayak. Nagsuot siya ng bestida na kulay rosas. Mapulang mapula iyon. Kung titingnan nagmukha siyang hindi buntis dahil humubog ang katawan niya iyon nga lang ay bundat siya. Siguro kung may labanan lamang ng sexy na buntis tiyak mananalo siya dahil pag nakatalikod siya hindi siya napagkakamalang buntis. Kagaya nuong nagpunta sya sa mall. Ang akala ng iba ay hindi siya buntis at ng humarap siya ay doon lang nalaman. O sabihin din nating napagkakamalan siyang dalaga kahit nuon pang hindi siya buntis. Aminadong may ibubuga naman talaga siyang ganda sa ibang mga babae lalo na kung pag-uusapan ay ang katawan maging ang hinaharap.
Napangiti si Maria sa harapan ng malaking salamin. Tiyak niyang maakit niya si River ngayong gabi. Pipilitin niyang huwag masaktan kung saan aabot ang init na mamagitan sa kanilang ngayong gabi. Mag-aapat na buwan na rin silang walang pagtatalik nito. Aminadong kahit buntis ay namimiss niya ang halik at yakap ng asawa.
Mabilis siyang lumabas ng kuwarto. Nakita siya ng kaniyang byenan na imbes na batiin siya ay taas kilay na hinagod lamang siya ng tingin. At sandali ay tumalikod na.
"Wow! Ang ganda mo naman ma'am Maria." Hindi mapigilang bati ni Hilda ng makita siya.
"Salamat Hilda. Anong oras na nga pala?" excited na tanong niya.
"Alas syete na po ma'am. Siguro mamaya pa si Sir nyan." Nakangiwi nitong usal.
"Baka nga Hilda. So, maiwan na muna kita diyan." paalam niya.
"Ingat po ma 'am. Balitaan nyo ko mamaya, uh kung may loving-loving." Saka pasimpleng tumawa. At dahil mabait naman si Hilda nakabagayan na niya ito ng loob. Ang tungkol sa ibang karanasan niya sa bahay ng byenan niya ay hindi na rin niya napigilang ikuwento dito. Ngunit ang ibang tungkol sa buhay niya ay naging pribado pa rin.
Planado na ni Maria ang lahat. Pag umabot ng alas syete at wala pa ang kaniyang asawa ay siya na mismo ang pupunta sa opisina nito. Doon na lang niya sosoprasahin ito. Ito ang kauna-unahan na pupunta siya ng opisina ni River. Hindi man niya alam kung Saan. Gagamitin niya ang salitang...pag ginusto may paraan.
Si River ay nagtatrabaho bilang kanang kamay ng ama nito. Ang ama nito ay isang Gobernador ng lugar nila sa Bataan ngunit magkahiwalay ang opisina ng mag ama. Pumunta siya ng munisipyo para tanungin saan ang opisina ng kaniyang asawa. Mabuti na Lang may isang Tao pa doonena nagbabantay at kilala ang asawa niya. At dahil bilin ng kaniyang byenan na huwag na huwag siyang magpapakilala na asawa siya ng anak nito hinayaan niya ito. Ginalang ang pakiusap. Para sa kaniya wala Nlnaman mawawala sa kaniya kung isisikreto. Dahil ang ibang kamag -anak naman ng asawa niya at maging kaibigan ni River ay kilala naman siya.
Ngunit wala si River doon at may inatedan ng meeting. May isang opisina ang kaniyang byenan at doon daw ito tumutuloy pag may ganoong meeting ng ganoong oras. Ibinigay ang address ng lugar at mabilis siyang nagtungo doon.
Mag a alas otso na at ramdam din ni Maria'ng walang balak umuwi si River sa bahay. Tuluyang nakalimutan na nito ang araw na pinaka espesyal sa kanilang dalawa.
Huminga muna siya ng malalim bago nagdoorbell sa harapan ng gate. Nagulat siya sa babaeng iniluwal ng pintuan. Apat na hakbang ang layo sa gate ng makakapit ito sa kaniya.
"Sino sila?" takang tanong nito.
Pinasadahan niya muna ito ng tingin Kahit medyo malamlam ang ilaw na nagsisilbing ikaw sa gate. At dahil nakasando at maikling short lang ito at luluwa na ang harapan hindi maipaliwanag ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
"Tama ba ako ng napuntahan?" katanungan niya sa sarili.
"Hoy! Sino ba hanap mo?" May pagkairita sa boses ng magtanong ulit ng Hindi siya magsalita.
"Hinahanap ko kasi si Mr. Alfonso. Dito ba ang opisina niya?" malumanay na sagot niya.
Matagal itong hindi nakakibo dahil ito naman ang sumisipat sa itsura niya.
"Sino ka?"
"Ikaw, sino ka?" Balik tanong niya sa kaharap.
"Ginagaya mo ba 'ko?" inis nitong sagot.
"Wala akong ginagaya, Miss. Pero tinatanong ko lang kung naandito ba ang asawa ko. Anak ng Gobernador." Matapang na bulalas niya.
"So, tanungan na pala itong bahay ko ng nawawalang asawa?" Saka sarkastikang tumawa.
Nagtimpi si Maria at huwag ng magsalita pa. Akmang tatalikod siya ng biglang may nagsalita.
"Babe!" Hindi siya nagkakamali. Boses iyon ni River.
"Sino 'yun?" biglang tanong niya.
"Kapatid ko." mabilis na sagot nito, "Kararating niya galing New York. By the way. Ako nga pala si Babe. Kung hindi mo rin lang kilala si Kuya Rim, lumayas ka na." maanghang na taboy nito.
Napalunok siya ng laway. Hindi siya nagkakamali. Boses iyon ni River! Pero lahat ng babaeng kapatid ni River ay nasa ibang bansa at lalong hindi Rim ang pangalan ng asawa niya.
"Sorry. Bye." Paumanhin niya at tumalikod na.
Ngunit maraming haka-hakang nasa isipan niya dahil hindi siya nagkakamaling mali ang napuntahan niyang lugar. At mas lalong hindi siya bingi sa narinig.
"May babae kaya ang asawa ko? Iyon Kaya ang babae ni River? Iyon Kaya ang may-ari ng panty na nakita ko sa maleta ni River?" sunod-sunod na katanungan ng isip niya.
Biglang nanakit ang ulo ni Maria. Iniwaksi na lamang niya ang namumuno sa isipan.
Laglag dalawang balikat ng umuwi siya ng bahay.
Ngunit nagulat siya ng makitang naandoon na si River. Biglang nagliwanag ang mukha niya ng salubungin siya nito ng yakap at binati na rin siya. Naluluhang akala niya ay nakalimutan na nito ang anibersaryo nilang mag asawa. Naglaho ang mga kung ano-anong iniisip niya. Mali talaga ang mga hinala niya!
Kumain sila nito ng sabay na may halong tawanan. Nagkwentuhan kasi sila tungkol nuong kabataan nila hanggang sa hindi nila namamalayang naubos na nila ang pagkaing inihanda niya. Sobrang saya niya ngayong gabi.
"Ligo lang ako mahal ko at hating gabi na." anito na may ngiti sa labi.
"Bilisan mo dahil marami kang babayaran sa akin." Biro niya. Malakas na tumawa ito sa kaniya bago tumalikod.
Nakita niyang biglang umilaw ang cellphone nito na nasa lamesa. Hindi niya alam pero may nag-uudyok na tingnan niya iyon kahit ba walang tunog. Napalunok laway siya sa nag-uutos sa isipan niya. Awtomatikonh tumayo siya at lumapit sa cellphone ni River. May lock screen iyon pero makikita ang mga text message.
Dalawang mensahe ang nakita niya.
Papa: Maaga ka bukas at may meeting sa Antipolo River.
Carl: Kumusta bro?
Nawala ang kaba niya at nagsisisi kung bakit pa siya tumayo ganoong ama at kaibigan nito ang nagtext. Nagmukha tuloy siyang pakielamera.
Naisipan niyang talikuran na ang cellphone at huwag ng tingnan pang muli. Nang biglang umilaw ang cellphone ulit ni River. May bagong mensahe ulit. Nangangati ang mga paa niya para pumihit at tingnan sino ba ang nagtext ulit sa cellphone nito. Hindi na niya natiis at pumihit siya ng harap ulit para tingnan ulit kung sino ba ang nagtext sa cellphone.
Hindi naka save ang numero.
River, 5 pm nasa house na ako. See u tom.
Nagdilim ang paningin niya dahil binalot siya ng malakas na kaba. Hanggang sa makaupo siya sa kaniyang upuan niraragasa pa rin siya ng sunod-sunod na tambol ng dibdib niya.
"Are you okay?" ani River habang hubod hubad itong lumabas ng banyo eksaktong nakayukod ang magkabilang palad niya sa ulo ng abutan siyang nakaupo.
"Ah—oo!" Nauutal niyang sagot. "Napagod siguro ako kaya biglang nanakit ang ulo." Tumango naman ito at hindi na nagsalita pa.
Pinakatitigan niya ito habang naglalakad at imbes na kumuha ito ng kasuotan sa cabinet para magbihis, mas inuna nitong damputin ang sariling cellphone nito. Matapos nitong makuha ay doon pa lang ito humugot ng isusuot habang nakikita niyang nagbabasa ito ng text. Nangangati ang labi niyang magtanong ngunit ayaw niyang sirain ang araw na iyon.