NAKASILIP si Maria sa malaking bintana habang papalayo ang sasakyan ni River ngayong umaga. Hanggang ngayon mabigat pa rin ang dibdib niya. Kahit katabi niya itong natulog parang ibang River ang kasama niya sa kama dahil sa apat na buwang walang pagtatalik ay hindi 'man lang nito na miss ang pagtatalik nila nuon. Hindi na rin maalis sa isipan niya ang nabasa sa cellphone nito. At parang may bubuyog na laging mayroong bumubulong sa magkabilang tenga niya.
"Good morning ma'am." Bati sa kaniyang likuran. Ngumiti siyang humarap kay Hilda.
"Good morning too, Hilda."
"Himala at medyo tinanghali na ng alis si Sir. Kumusta pala ma'am ang anibersaryo nyo?" Usisa nito sa nagdaang gabi.
"Okay naman. Salamat pala sa tulong mo kahapon. Nagustuhan lahat ni River ang pagkaing inihanda natin."
"E, bakit ganyan ang mukha mo ma'am Kung okay naman?" Hindi niya napansing nakabusangot na pala ang mukha niya kaya napansin iyon ni Hilda.
"Hilda, may asawa ka rin. May tanong Sana ako." lakas loob niya.
"Ano 'yun ma'am?" nakakunot nuong tanong nito.
"Paano mo malalaman na may babae ang asawa mo?" Mahinang bulong niya rito.
Mabilis na namilog ang mga mata ni Hilda sa katanungan niya. Huminga siya ng malalim bago nagsalita ulit. "Ewan ko na Hilda! Pero ang daming bumubulong sa'kin. Malakas ang kutob ko minsan, pero minsan hindi naman. Ayokong mag-isip kasi baka mapaanak ako ng dis oras. Pero may kutob ako. Ayaw ko naman tanungin si Kaye about sa ganito." naikwento na rin niya ang kaibigan kay Hilda kaya hindi na iba sa pandinig nito ang kaibigan niya.
"Bakit ma'am? May nararamdaman kabang kakaiba kay sir? Paano mong nagsabing may babae?" isyosong tanong nito ulit.
Hindi na siya nagpaligoy pa at kinuwento niya ang babaeng nakausap niya kahapon. Maging ang nabasa niya sa cellphone at palaging pagngiti nito sa twing may kausap ito sa tawagan nito. Nabanggit din niya ang tungkol sa panty na nakuha niya sa maleta nito. Hindi na rin siya nahiyang ikuwento din ang tungkol sa walang namagitan sa kanila ni River kagabi at hindi 'man lang nito namiss ang sipingan siya.
"Hindi ko kasi alam ma 'am ganiyan. Pero sa napapanuod ko sa television ma'am. Yung polo ng asawa inaamoy ng mga asawa nila para malaman nila kung totoo ba. Yung pag amoy belyas daw."
"Hays! Maselan si River! Ayaw niya ng ibang pabango na naaamoy. Kaya malabo ko syang mahuli sa ganoon."
"Bakit hindi mo subukan na magpunta ng alas singko doon sa opisina ni Sir River, ma'am.?"
Bigla siyang nagkaediya sa suhesyon ni Hilda. Napatango siya sa katulong nakatingin sa kaniya habang malalim ang iniisip niya.
"Paghinanap ka ng byenan mong bruha mamaya, sasabihin kong nagpunta ka sa kaibigan mo." wika nito.
Pigil luhang napangiti siya kay Hilda.
"Napakabuti mo Hilda. Hindi ako nagkamaling gawin kang kaibigan."
"Kasi ma'am, napakabuti nyo rin sa'kin. Nuong panahon na kailangan ko kayu hindi kayo nagdalawang isip na tulungan ako para sa anak ko."
Nagkasakit ang anak nito at eksaktong makalipas lang ng isang linggo nangailangan ito ng pera para pampagamot ng anak. Ngunit nakasahod na ito at ayaw pabalihin ng ina ni River kaya si Maria ang gumawa ng paraan para maipacheckup ang panganay na anak ni Hilda.
"Basta huwag kang magbabago Hilda. Basta lagi lang akong nasa tabi mo. Papasok na ako sa kuwarto ko at inaaya na naman ako ng antok." Paalam niya. Pero ang totoo may hahalungkatin lang siya sa guess room maging sa kuwarto nila ni River.
Nagmamadali niyang inuna ang guess room. Hinalungkat niya ang damitan ni River. Ginulo iyon na tila ba may hinahanap. Pagkatapos hinalungkat naman niya ang mga damit na lalagyan ng mga polo. Ewan! Basta gusto niyang halungkatin lahat ng gamit nito. Pero nanlaki ang mga mata niya ng may makita siyang susi. Wala siyang ideya kung saan ba susi iyon.
Ano bang nangyayare sa kaniya? Naglalambot siyang naupo saekama habang pinakatitigan ang hawak na susi.
"Walang babae si River!" gigil na sambit ng kalooban niya. At kung meron 'man hindi niya iyon matatanggap! Baka ikabaliw niya! Sa simpleng text para siyang napaparanoid. Sa sobrang pag-iisip nakatulog siya sa guess room.
Naalimpungatan na lamang siya ng marinig niya ang malakas na boses ng kaniyang byenan. Humihiyaw ito at hindi niya alam kung bakit. Pilit siyang tumayo sa pagkakahiga para alamin ang dahilan.
Napag-abutan niyang umiiyak si Hilda sa loob ng kusina. Wala na doon ang ina ng asawa niya. Dagli niyang nilapitan ito.
"Bakit? Anong nangyare, Hilda?"
"Nakabasag kasi ako ng bagong pinggan ma'am Maria. E, bago pa naman 'yun. Ang sabi ko ibawas na lang sa sahod ko 'yung nabasag ko. Kaso hindi pumayag si Madam kaya nagsisigaw." Pahayag nito.
"Pasensya kana Hilda." Malungkot niyang paumanhin. "Sinaktan kaba niya?"
"Hindi naman. Kaso nga lang nilait nya ko. Naiyak na lang ako sa sobrang sama ng loob. Kung wala lang kaming utang sa pamilya Lopez na pinagtatrabahuhan ni Tatay lalayas na talaga ako dito. Gobernador pang nasasabi ang asawa niya tapos ganyan ang mga ugali nila. Sayang ang botong inilaaan ko sa kanila." may pagsisiding ulas nito.
"Sige po ma'am at itutuloy ko na ang pagluluto ko. Oo nga pala. Bakit hindi ka pala kumain ng tanghalian kanina?"
"Ha?" gulat na tanong niya.
"Kararating nyo lang ba?"
"Nasa kuwarto ako at natulog. Teka anong oras na ba?"
"Alas kuwarto na ma'am. Oo nga pala Yung napag-usapan natin."paalala nito.
Tumango siya, "Sige Hilda. Mamaya na tayo ulit mag-usap. Babalitaan kita." Hindi na niya hinintay na magsalita pa ulit ito at mabilis na siyang tumalikod. Iyon ang oras na hinihintay niya.
Mabilis siyang nagpalit ng kasuotan ng makapasok siya sa loob ng kuwarto. May kaba 'man siyang nararamdaman pero hindi masasagot ang lahat ng katanungan niya kung magkukulong lamang siya ng bahay.
Nasa harapan ng maliit na gate si Maria sa lugar kung saan niya nakilala ang babaeng Babe ang pangalan. Mahigpit din niyang kapit ang susi na nakita niya sa cabinet. Sumipat muna siya sa kaniyang pulsuhan, 15 minutes na lamang at mag a alas singko na ng hapon. Nagmamadaling sinilip niya ang lock ng gate. Umaayon talaga sa kaniya ang lahat dahil walang susi na nakalagay doon 'di tulad kahapon na nakasusi. Bago niya ginawang binuksan iyon. Tiniyak muna niya kung may tao sa paligid niya. At nang wala ay mabilis niyang binuksan ang blue gate. At muling isinarado. Ngayon nasa harapan na siya ng pintuan. Nanginginig palad at nanalangin ng ipasok niya ang susi sa hole saka pinihit.
Namilog ang magkabila niyang mga mata dahil bumukas ang pintuan.
Halos hilahin na lamang niya ang magkabilang binti dahil ayaw humakbang no'n. Nanginginig ang buo niyang katawan dahil may naririnig siyang kaluskos sa loob kaya humugot siya ng paghinga. At lakas loob niyang iniuwang ang pintuan.
Para siyang mawawalan ng buhay.
Isang babae na nakakandong sa lalaking minahal niya ng lubos. Kahit nakatalikod ang babae sa lalaki, kilala pa rin niya ang asawa.
"Mga walanghiya kayo!" Malakas na sigaw niya sa dalawa. Agarang nagkalas ang dalawa at mabilis na tumayo si River habang ang babae ay nagawa ng umalis sa kandungan ng asawa niya.
"Mga baboy!" Saka sinugod niya si River.
"Ma-maria..." Gulat na bigkas ni River sa pangalan niya. Ngunit nagdilim ang mukha niya kaya mabilis niyang dinaluhan ang babae. Ang babaeng nakausap niya kahapon.
"Malandi ka! Wala kang kasing kati! Puny*ta ka!" Mabilis niya itong sinampal ngunit mabilis itong nakalihis kaya hindi umabot ang palad niya sa mukha nito.
"River. Isakandalosa pala itong asawa mo." natatawang sabi nito.
Hinarap niya ito, "Sa palagay mo? Sinong hindi mag-iiskandalo pag nakitang may kahalikan ang asawa mo, Aber?! Palibhasa madumi kang babae! Alam mong may asawa ang tao nilalandi mo! Letsye ka!" hindi siya nahiyang ipakita ang mga luhang sunod -sunod na nag agusan sa pisngi niya.
"At ikaw?" saka dinuro niya si River. Pero nanginginig ang mga tuhod niya at para ba siyang nawawalan ng hininga. "Lahat tiniis ko. Lahat! Lahat!"
"Sa bahay n tayo mag-usap Maria." Sa mababang boses nito. Hindi na siya kumibo dahil para na siyang nawawalan ng hininga. Muling hinarap niya ang babaeng nakatunghay sa kanila. Hinagod niya ang itsura nito mula ulo hanggang paa. Nakasando lamang ito at walang bra. Kaya bakat na bakat ang u***g nito. Kahit sinong lalaki maaakit sa itsura nito.
"Okay lang sana kung walang asawa o hiwalay ang asawa ko. Pero nagsasama kami! Alam mo ba 'yun?! Masaya ang pamilya namin pero anong ginawa mo?! Sinira mo! May asawang tao! Papatulan mo! Tang*na ka!" Hindi na niya napigilang hinablot niya kaagad ang buhok nito. Dahil sa bilis ng kamay niya ay naabot niya ang mahabang buhok nito at malakas na hinila.
"Aray! Bitawan mo ko!" hiyaw nito. "Aray!" Kahit buntis siya hindi niya hahayaan masaktan siya ng babae. Mabuti na lang at magawa na niyang magpaikli ng buhok. Patuloy pa rin siya sa paghila sa buhok. Sa anit niya ito dinali kaya napapahiyaw ito sa sakit. "River! Ilayo mo ang asawa mo kung ayaw mong makunan ako!"
Kusang bumitaw ang palad niya sa narinig.
"Lumayas ka rito!" Duro sa kaniya ng babaeng nagmumula sa galit habang nasa tagiliran nito ang asawa niya. "Isusumbong kita kay mama para palayasin ka sa bahay nila!" dagdag pa nitong hiyaw.
Tama ba ang narinig niya? Kilala nito ang byenan niyang bruha?
Dumako ang paningin niya kay River na ngayon ay nakayakap at tila inaaro ang babaeng galit na galit.
"Ri-river..." Tawag na lamang niya sa pangalan nito. Hindi siya makapaniwala sa nakikita.
"Umuwi ka na Maria at doon na lang tayo mag-uusap sa bahay." Taboy nito sa mababang boses.
Umiling siya, "Ano ito?" Wika niya habang salo ang tiyan na nanakit. "Ma-magkakilala a-ang ba-babae na yan at s-si m-mama?" Nauutal niyang tanong kay River. "Pinaglalaruan nyo ba 'kong mag-ina? Hindi totoo ito 'di ba? Sabihin mo, River! Hindi ito totoo 'di ba?!"
"Ang pamilya ni River at ang pamilya ko ay matagal ng magkaibigan, Maria. Bata pa lamang magkakilala na kami ni River! Kung hindi mo sya inakit nuon. E, 'di sana matagal na kaming nagsasama at hindi lang sana isa ang anak namin. Ngayon, sino ang nang agaw?" Agaw sagot nito sa mga tanong niya.
Gusto niyang maglaho sa kinatatayuan. Hindi totoo ang mga naririnig niya. Nanaginip lamang siya! At gusto na niyang magising sa bangungot!