3

2124 Words
Next school year ay college na ako. Culinary daw ang kunin ko dahil mahilig akong magluto. Um-oo na ako dahil wala rin akong maisip na kurso. 18th birthday ko bago magpasukan. Bigla akong tinanong ni mommy kung gusto kong magparty. Masama agad ang tingin sa akin ni Marco at galit nanaman siya. “Marco, stop staring ar her. Bakit ka ba ganyan sa kanya? Lagi mo syang tinitingnan ng masama.” saway ni mommy sa lalaki. “Kayo, bakit ba kayo ganyan sa kanya? Di naman natin sya kaano-ano pero kung ituring ninyo parang tunay ninyong anak.” “Kapatid mo na sya. Tanggapin mo sa ayaw at gusto mo. She’s even better than you. Sa school at dito sa bahay. Isang taon ka nang graduate, ayaw mo pang magtrabaho,” sya tuloy ang napagalitan ni daddy at kinabahan ako. Ako nanaman ang pagbubuntunan niya ng galit niya sa mundo. “Fine. Ako naman lagi ang masama sa pamilyang ito.” sagot pa nito sa kanyang ama. Kinabahan ako dahil ako nanaman ang pinag-aawayan. Nakakatrauma na. “Ayoko po ng party, mommy, daddy. Hwag na lang po.” singit ko sa usapan para di na mapag-initan si Marco dahil sa akin. Ako naman ang pagbubuntunan niya ng galit dahil napagalitan sya dahil sa kasamaan ng ugali niya. “Pabibo ka nanaman. Anong gusto mo pera? Syempre yun ang gusto mo.” “Marco stop it. She’s not like that,” saway ni mommy sa lalaki na inis na inis nanaman sa buhay niya. “Akala nyo lang yun. Bait-baitan yan at kapag nakuha na ang loob ninyo saka kukunin lahat ng gusto niya. Hwag nyong hintayin na mawala sa inyo ang lahat bago kayo magising sa katotohanan na manloloko yang babaeng iyan.” “Hwag na po. Hwag na po kayong gumastos. Wala rin naman po akong iimbitahan. Wala po kasi akong masyadong friends sa school,” kahit ano naman ang isagot ko ay masama para kay Marco. Kapag tumanggi, bait-baitan at kapag um-oo sa party, social climber at gold digger. Saan ba ako lululgar? “Minsan ka lang mag-debut. Hwag mong intindihin yang si kuya. Di naman sya ang gagastos. What about out of country?” suggestion ni Mikee na ngumiti at matagal na naming plano ang pagtravel. “Oo nga. Pwede kung ayaw mo ng party,” mahilig din si mommy sa mga travel kaya pabor sya doon. “Out of country ka mag-isa tapos hwag ka nang bumalik,” nasasanay na lang din ako sa mga sinasabi ni Marco. Minsan gusto ko na lang na walang maramdaman para di na maranasan ang sakit. “Marco ano ba?” saway muli ni daddy sa lalaki. “Fine. Usapang pamilya. Alis na ko.” nagwalk out ito at iniwan kami sa living room. Mas gusto kong wala sya pero nag-aalala ako dahil galit nanaman sya. “Hwag ka kasing kontra kuya.” “Hwag kasi kayong magpaloko,” tuluyang umalis ang lalaki at iniwan kami. Wala na kaming nagawa. We sometimes understand him. Feeling nya kasi di sya belong sa family. He was a love child. Naanakan lang ni dadddy ang nanay ni Marco tapos kinuha sya ni Daddy at sya na ang nag-alaga. Ngayon ay iba na raw pamilya ang ina ni Marco. Ok naman daw sila noon. Masaya at magkasundo. Mabait na bata daw si Marco pero ng mag-asawa si daddy at dumating si mikee, feeling nito ay naagawan siya ng posisyon sa pagmamahal ng kaniyang ama. Napaka-seloso raw ni Marco at sobrang lambing naman ni Mikee kaya si Marco naging palaaway kahit saan. Sa school o kahit sa paglalaro lamang sa mga parke. Nais daw nito ng atensyon kaya ginagawa iyon ng batang Marco noon. Sa therapy nawala ang pagiging pala away ni Marco pero naging tahimik sya sa bahay pero mabarkada sa eskwelahan. Highschool nang matuto itong mabarkada at halos di na raw umuuwi. Nakikitulog sa mga kaibigan at wala nang nagawa pa si Daddy. Kilala naman niya ang mga kaibigan at pamilya nito. Doon tuluyang lumayo ang loob ni Marco sa pamilya. I should think of something para sa 18th birthday ko. Yung simple lang tapos masisiyahan kaming lahat at ang importante, ma-feel ni Marco na belong siya sa pamilya. Sa kabila ng lahat, sya pa ang iniisip ko. Gusto ko rin kasing matanggap na niya ako at maging maayos na kaming lahat. Sana maramdaman niyang mahal siya ng pamilya niya.ako naman, gusto ko na ang pamilyang ito. Kahit galit si marco ay may tatlong tao namang nagmamahal sa akin. Sa beach ko naisipan na pumunta. Kaming lima sana kung sasama si Marco. Agad nagpabook si Mikee ng flight naming lima papuntang Bohol. Gumawa rin siya ng itinerary namin for 4 days stay doon. Katulong nya ako sa paghahanap ng mapupuntahan, hotel at makakaininan. First time namin doon kaya wala kaming alam at naghahanap lang sa online sites. Pakipot lang talaga si Marco pero sama din naman. Natuloy na nga ang out of town travel namin. Nakakaexcite at mukhang magiging masaya ang bakasyon naming ito. May bukod akong kwarto. Kasi di ako pwedeng sumama sa nga boys. Pagpasok ko sa room ay may pa-surprise pa na greetings sa pader. May balloons, cake at maraming gifts sa kama. Naiyak agad ako sa tuwa pero natakot akong magalit nanaman si Marco kahit di ko naman ginustong bigyan ako ng ganoong surprise nina mommy at daddy. Hinihintay ko ang negative reaction niya. Panay sulyap ko sa lalaki pero wala naman siyang sinabi. He even greeted me ng happy birthday kahit kaplastikan lang. Nag thank you rin naman ako at ngumiti kahit wala akong nakuhang responce sa kanya. “Happy birthday. We wish you all the happiness. Dalaga ka na,” sabay yakap ni mommy. “Dalaga na nga ang kapatid ko. Happy birthday, baby girl,” niyakap din ako ni Mikee at may halik pa sa aking noo. Sobrang sweet nya talaga sa akin. Naggreet din si daddy sa akin at yumakap. “Buksan mong gifts mo. Matutuwa ka. Akong pumili ng lahat ng yan,” excited na saad ni mommy. “Bakit bumili pa kayo? Ok na sa akin itong tour natin.” sobra sobra talaga ang pasasalamat ko sa pamilyang ito kahit na ganoon ang turing sa akin ni Marco. “Special ang 18th birthday. Mas gusto ko nga sana na may paparty tapos naka gown ka pero ayaw mo naman kaya gifts na lang. Look. New phone,” excited na pinakita ni mommy ang isang paper bag. Pinaglumaan ni Mikee ang gamit ko ngayon at ngayon makakagamit na ako ng brand new na phone. “I even bought you a latest bag. Super ganda at ikaw lang ang meron nyan sa school ninyo,” [agmamalaki pa ni mommy sa mamahaling bag na binili niya para sa akin. “Thanks mommy. Sobra sobra naman to. Di naman kailangan na ganito ang bilhin mo sa akin.” “Wala yan sa happiness na binibigay mo sa pamilya. Maswerte kaming ikaw ang inampon namin. Mabait, masunurin at unti-unti nang gumaganda.” napatawa ako kay mommy. Lately, ang dami nyang biniling beauty products para sa mukha ko at unti-unti na ngang nagkakaglow. Di ko alam kung bakit masaya silang kasama ako. Tahimik lang naman ako. Nagluluto tuwing Sabado at bumabati sa kanila tuwing umaaga at sa hapon. Wala naman akong espesyal na ginagawa pero ramdam ko ang pagmamagal nila. Silang tatlo na ang iniisip ko kaya balewala ang pang-iinis ng Marco na ito. Kumain kami ng lunch sa isang restaurant sa Bohol. Diretso day tour at swimming bandang hapon. Lagi kaming magkasama ni Mikee. Napagkakamalan pa kaming magjowa at tinatawanan lang namin. Super bait niya sa akin na minsan parang di lang kapatid ang turing niya sa akin. He hugs me, kiss me on my cheeks at minsan tumatabi sa bed ko at nakikitulog. Yumayakap at hinahayaan ko lang. Baka mali lang ang interpretasyon ko at baka sobrang sweet as kuya lang talaga sya. At isa pa, di sila magkasundo ng kuya niyang ubod ng sungit at pinaglihi sa sama ng loob. “Happy ka.” “Oo naman. Sobrang happy pero sana happy rin si Marco para sa akin. Sya lang kasi ang di masaya.” “Hwag mo na syang intindihin. Bitter lang talaga sya sa buhay niya. Lahat ng bagay ay masama sa paningin niya.” “Hindi nya ba nararamdaman na mahal natin sya?” “Mahal mo sya?” “As a brother. As a family. Ikaw, di mo sya mahal?” tanong ko kay Mikee. “Mahal kaso parang ang layo nya. Malayo pala talaga kasi nandoon sya sa fifth floor at nagmumukmok,” biro pa nito sabay tawa. “Sana matanggap na niya ako. Wala naman akong kukunin sa inyo. All i want is a family at hindi ang yaman o ari arian. Wala akong ganoong intensyon.” “Pero para sa kanya, yun ang habol mo. He even warned me na hwag makipaglapit sayo. Napaka -mapanghinala niya.” “I really wanted to talk to him pero nakakatakot sya. Parang di sya marunong umintindi. He’s so selfish.” “Hayaan mo na lang. Pinaglihi kasi sa amplaya yun ng nanay niya. Nasa tyan pa lang sya, inaaway nya na lahat ng laman-loob ng nanay niya. Mag swimming na lang tayo.” “Yung lamang loob talaga ang inaaway?” natawa ako sa sinabi niya. “Ganoon sya kasama.” Sa buong trip namin ay tahimik at may sariling mundo si Marco. Hindi nya naman ako inaway at nagpapasalamat akong pinagbigyan niya ako ng mga panahong iyon. Sa aking espesyal na araw. Sa loob ng isang taon mahigit, ngayon lang sya natahimik. Kaya naman, sobra-sobra ang kasiyahan ko. Kinikilig sa mga gifts nina mommy at daddy, masaya sa pagturing sa akin ni Mikee bilang kapatid at sa di pang aaway ni Marco ng buong trip namin sa Bohol. Best days ever. Best tour and best family. Pero may hangganan ang saya at di ko akalain na mas matindi pang pagsubok ang dadanasin ko. Pagdating sa mansyon ay may inanusyo agad si Daddy sa amin. Dad decided na ipakasal kami ni Marco. Nagulat ang lahat pati si Mommy pero wala kaming magawa kundi ang sumunod. Sya ang hari at di mababali ang utos niya. “I'll give you 5 million kung makakatiis ka ng isang taon na makasama si Marco. Bawal lumayas at di mo dapat syang awayin. Dapat mapatino mo sya at matutunan nyang magmahal. Kung di mo magawang mabago sya pero nakatagal ka ng isang taon, ibibigay ko pa rin ang pera. Kung mamahalin ka nya, dadagdagan ko pa ng limang milyon ang ibibigay ko.” saad ni daddy at talagang nagulat ako. “Dad, sobra naman yun. Pusong bato si kuya at baka kung ano ang gawin kay Isay. Maawa ka naman sa kanya,” alam kong tutol si Mikee sa palano ni Daddy. “That’s the only thing that I know para mapatino ang kapatid mo. I will not take a no for an answer, iha. Take it or take it. That’s your job to this family. Kaya ikaw ang napili kong ampunin dahil matiyaga ka at masunurin.” Wala akong imik. Di alam ang sasabihin. Yun pala ang criteria for judging ni daddy kaya ako napili. Di naman ako nagdamdam. Mabuti at di yung magandang nakasama ko sa mapunan ang napili niya pero dapat ko nga bang ipagpasalamat ang pagpili niya sa akin kung ganito kahirap naman ang ipagagawa niya? It’s a task na kailangang sundin at wala akong takas. Di makakatanggi at isa pa, iniisip ko rin ang future ko. Alam kong di naman nila ako pamamanahan. I even wanted to get out of their house when i graduate from college. Para maging ok na silang pamilya. Kaya pala ako ang napili. Matiyaga at masunurin ay dahil sa iuutos na ito ni daddy Zandro. Gabi ng bumalik sa mansyon si Marco, nakainom at lasing. Pinuntahan ako sa kwarto ko at kinausap. “Hinding-hindi mo makukuha ang gusto mo. Wala kang makukuhang pera sa pamilya ko. Anong kapalit nito? Pera diba? Ang kapal mo talagang babae ka.” “Wala akong.” “Wala akong pakielam sa opinyon mo. Pakakasal ako sayo pero ipararanas ko sa’yo ang impyernong buhay dahil mapagsamantala ka. Gold digger. Kinasusuklaman kita. Tandaan mo yan.” Hindi yan totoo. Hindi ako gold digger at wala akong intensyon na masama.” “Hwag kang magmalinis at alam kong intensyon mo. Maghanda ka na sa buhay na ipararanas ko sa’yo. Hanggang sa ikaw na ang umayaw at magmamakaawa sa akin para sa kalayaan mo.” Kahit anong paliwanag ay ayaw ako nitong paniwalaan. Sarado na ang isip niya at kung ano lang ang nararamdaman niya ang importante sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD