4

1118 Words
Nakaputi akong bestida na hangang tuhod ang haba. Nasa isang room ako at nilalagyan ng make up ang mukha ng make up artist. Gulong-gulo ang isip ko. Ayaw ni Marco nitong gagawin namin pero si Dad, di ko sya masuway. Sya man ay di rin masuway ang kanyang ama. Kapalit nito ay ibibigay ni Dad ang pamamahala ng kumpanyang nais ni Marco kaya pumayag rin ang lalaki . Kasal pero walang pagmamahal. Kahit man lang sana respeto ay mayroon sana pero wala rin. Di nagtagal ay humarap na kami sa judge kasama ang aming pamilya. Civil lang at di engrande ang kasalang ito. Hindi naman dapat na magandang-maganda dahil sa papel lang namin kami mag-asawa at maghihiwalay rin matapos ang isang taon. He kiss me on my cheek ng sabihing you may kiss the bride. Alam kong nandidiri sya at napilitan lamang. Pinipigilan ko ang aking luha sa pagpatak. Anong buhay kaya ang ipararanas sa akin ni Marco? Hindi na ako aasang magandang buhay ang daranasin ko sa piling ng lalaking kagaya niya. Hirap at pasakit kaya naghahanda na ako. Tatatagan ko ang aking loob at di magpapatalo sa lalaki. Kailangan ko ang malaking pera na pangako ng aking ama-amahan. “Marco, please ingatan mo si Isay. Ikaw na ang may kargo sa kanya,” bilin ni daddy at tumango lang ang lalaki. May mga plano na ba sya para pahirapan ako? Dadalawin kita at magtext ka kung may kailangan ka,” bilin sa akin ni Mikee. Halata ang pagkamugto ng kanyang mga mata. Naaawa na ba sya sa akin ngayon pa lang? Saka na ako iiyak pero ngayon ay nilalakasan ko pa ang loob ko. Dapat na kayanin ko ang lahat ng pagsubok na ito. Mom hugged me. Pagkakain sa isang mamahaling restaurant ay sabay kaming pumunta sa bagong bahay namin ni Marco. May bago rin syang sports car na bigay ni daddy. Kailangan daw naming bumukod at matutong tumayo sa sarili naming mga paa. Si Marco, makukuha na niya ang mga gusto niya sa umpisa pa lang ng aming kasal at ako naman, ang premyo ko ay kapag natapos ko pa ang isang taong pakikisama sa lalaki. Iniisip ko pa lang, nahihirapan na ako. Sakay ako sa kotse niya at sya na ang nagdrive. “Ngayon lang kita isasakay dito kaya namnamin mo na. Sa susunod mag-taxi ka.” Kahit magtricycle o jeep kaya ko. Umismid lang ako pero di naman nakita ng lalaki. Di na rin ako umimik pa. Pagdating sa bahay ay ilang maleta na ang naroon. Mga gamit namin na naipadala na pala agad. Umupo lang muna ako sa sofa. Sya naman ay may kausap sa kanyang phone at mukhang may pinapapunta sa bagong bahay namin. “Dito ka lang. Hwag ka munang aakyat sa kwarto,” saad ng lalaki kaya nanatili lang ako sa living room. Maganda ang bahay at bago ang lahat na gamit. Maya-maya ay may nagdatingang mga bisita. Dalawang lalaki at isang babae. Nagbatian sila at nagyakap. Mga kaibigan nya siguro at magcecelebrate yata sila. Ang babae nga ay hinalikan pa ni Marco sa labi samantalang ako ay sa pisngi lang. Nakatingin naman sila sa akin at nginitian ko sila kahit pilit. Naupo rin sila sa sofa at inilabas ang mga alak na dala. May flavored drinks at inabutan ako ng isa. Tinanggap ko at unti-unti ko itong ininom habang hard naman ang iniinom ng mga lalaki. Di nila ako pinapansin. Alam kong awkward ang sitwasyon dahil alam nilang kakakasal lang namin si Marco at katabi naman nito ang bisitang babae. Maganda ito, sexy at maputi. Nakaakbay sya roon at may pahalik pa sa labi. Naghaharutan sila at nagtatawanan pero di ko lang pinansin. “Aakyat na ako,” paalam ko. “Hindi, dito ka lang. Uminom ka at mag enjoy. Ngayon lang ito at bukas, puro paghihirap na ang daranasin mo sa pagpapasakal mo sa akin. Kasal pala. Mali. Mali.” Walang imik ang mga bisita at iiling-iling lang ang dalawang lalaki. Ang babae naman ay nakakalokong pagngisi ang ginagawa habang nakatingin sa akin. Di naman ako nagpatalo sa pagtitig sa kanya. Maya-maya pa ay hinila ni Marco ang babae patayo. “Sa taas na tayo babe,” boring dito sa baba. “Sure babe kaso baka magalit ang misis mo,” sabay ngisi nanaman ng babae at sumulyap pa sa akin. “Wala akong pakielam dyan. Hoy kayong dalawa, sa inyo na yang babaeng iyan kung gusto ninyo.” napatingin ako ng masama kay Marco dahil sa sinabi niya. Napaka walang hiya talaga nya. Hindi na lang ako sumagot dahil lasing na sya. “Ano, ayaw nyo pa? Sa bagay di na yan virgin. Nakuha na yan ng kapatid ko,” nagtawanan sila ng babae at ako pilit pinapakalma ang sarili. Ayaw ko na siyang patulan pa. Napasimangot na lang ako at napailing. Anong pinagsasasabi niyang nakuha na ako ng kapatid niya? “Gusto nyong mag-threesome? Go ahead. Wala akong pakielam sa babaeng iyan.” “Enjoy boys,” saad pa ng babae na tawa ng tawa. “Sige na at umakyat na kayo kung gusto mo Marco, kami ng bahala sa kanya.” “Sige na at magpakasaya kayong dalawa.” walang tigil sa pagtawa ang dalawa habang paakyat sa itaas ng bahay. Kinabahan ako at natakot sa sinabing iyon ng kaibigan ni Marco. Plano ba talaga nilang halayin ako? Napatingin ako sa dalawang lalaki na may takot sa aking mga mata pero umiling sila. “Enjoy guys,” pahabol nasabi pa ni Marco sa dalawang kaibigan na naiwan kasama ko. Pagewang gewang ang lakad nila paakyat at lihim kong iniisip na sana ay mahulog silang dalawa. Naiwan na nga ako at ang dalawang lalaki sa living room. “Umakyat ka na rin at magpahinga ka na,” sabi ng isang lalaki sa akin. “Mamaya na. Uubusin ko lang ang laman ng isang bote,” sa bagal kong uminom ay hirap akong makaubos ng isang bote ng beer at tsaka, ayokong magmukmok sa kwarto ko. “Gago pa rin yang si Marco. Di na yata magbabago.” “Oo gago talaga. Good luck na lang sa pagsasama ninyo,” saad ng kasama kong lalaki. “Tama. Good luck to me,” sabay tungga ko na ng beer at inubos na ang laman nito. Di nagtagal, umalis na rin ang dalawang lalaki at naiwan akong mag-isa sa living room. Niligpit ko ang mga pinag-inuman. Ayoko sanang umakyat at baka marinig ko pa ang pag ungol nila pero inaantok na ako. Inakyat ko ang mga gamit ko sa kwarto ko. Dalawang maleta at ilang maliliit na box. Tapos naligo ako at naglublob sa bath tub. Magrerelax at bukas ang umpisa ng impyernong ipararanas ni Marco sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD