2

1316 Words
Nang makatapos ako ng highschool ay sa mansyon na ako pinatira ni Daddy Zandro. Aampunin nya daw ako. Mabait daw ako at masunurin. Matiyaga at mapagpasensya. Di ko alam na minamanmanan pala niya ang mga kilos ko. Wala daw akong reklamo kaya aalagaan nila ako. Natuwa ako dahil may nakakapansin rin pala sa akin. Sobrang saya ko. Pumayag si mother. Alam nya kung gaano ko kagustong magkaroon ng sariling pamilya pero dadalawin ko pa rin daw sya at mami -miss nya ako ng husto. Gaya ng sabi ni Daddy, gusto rin ako ni mother dahil masunurin ako at mabait. May dalawang anak si Daddy. Si Michael o Mikee ang bunso, mabait sya at palangiti. Dati pa kami nagkikita sa ampunan at naglalaro kami noong mga bata pa kami. Di na lang gaano syang nagpunta sa ampunan nitong naghighschool na sya at si Marco, masungit at laging nakasimangot. Feeling namin ng mga bata sa ampunan ay ayaw nito ng mga batang tulad namin. Matapobre sya at mataas ang tingin sa sarili. We hate him kaya ilang beses lang din syang nagpunta sa ampunan. Ni ayaw makisama sa mga games kapag nagpapalaro si daddy zandro sa mga bata. Kaya walang pumapansin sa kanya. “Sa bahay ka na pala titira. Magiging magkapatid na tayo,” masayang saad ni Mikee at nakakatuwa ang kabaitan niya. Lalo kaming naging close ni Mikee simula ng tumira ako sa mansyon nila. Parang kuya ko na si Mikee. Tinuturing nya akong kapatid. Magkasundo kami at isinasabay nya ako palagi sa pagpasok at pag uwi sa eskwela. Dalawang taon ang tanda nya sa akin at college na sya sa parehong eskwelahan na pinapasukan ko rin habang nasa senior high school naman ako. Si Marco naman na mas matanda sa amin. Graduating na sya sa college at business ang course niya. Madalang umuwi ng bahay si Marco dahil sa condo na sya nakatira mula ng umuwi ako sa kanilang mansyon. Siguro nga ay ayaw niya ng ibang tao at ayaw niya sa akin. “May dad is insane. Kumuha pa ng alagain. Mabuti sana kung maganda kaso ang pangit naman,” saad nito at agad ding umalis. Sasagot sana ako kaso wala na sya. Ang yabang. Naging maayos naman ang lahat sa loob ng isang taon. Tinuring nila akong pamilya pero kahit isang beses ay di nagpakita sa pamilya ang lalaking si Marco mula ng tumira na ako sa mansyon. I felt guilty. Akong sampid ang naroon pero ang tunay na kapamilya nila ay di nila nakakasama. Di ko alam paano ko sya kakausapin at makukumbinsing sumama sa mga selebrasyon ng kanyang pamilya. Mag gi-giveway naman ako kung sakaling ayaw niya akong makasama. Alam kong lalo syang magagalit sa akin dahil sa pagtira ko sa kanila. Pero after one year ay nagdesisyon na umuwi na si Marco sa mansyon pagkagraduate niya ng collage. Doon na raw titira ang lalaki. Hindi ko alam kung matutuwa ako o mag-aalala at doon nagsimula ang paghihirap ko. Madalas nya akong tingnan. Tingin na nangungutya at pagkawalang tiwala. Ako naman, laging umiiwas sa matalim niyang mga mata. Minsan nangingisi siya at di ko alam kung bakit. Hindi ko na lang pinapansin. Mas matindi pa sya sa gurong nagbabantay kapag exam. Minsan mag-isa ako sa garden at bigla siyang sumulpot sa likod ko. “Akala mo mauuto mo kaming lahat? Hindi ako. Babantayan kita palagi.” akala ko makakawala na ako sa mga bully pero heto nanaman. Ganito na yata ang magiging buhay ko. Napaisip ako sa sinabi niya. Ibig nya bang sabihin, may masama akong pakay sa pamilya niya? Gusto ko lang naman ng pagmamahal at di ko habol ang pera nila. Wala akong sinabihan tungkol sa mga parinig ng lalaki at kahit ka-close ko ang kapatid nyang si Mikee, di ko ito kinuwento. Magmumukha lang akong sumbungera at baka mag-away lang sila. Sa tuwing may pagkakataon, sinasabihan ako ng masasama ni Marco. Kapag mag-isa ako at walang kasama. Gaya ng naiwan akong mag isa sa kusina at doon ako nag-aaral. Nagtimpla ako ng gatas at kumuha ng isang slice na cake mula sa ref. “Ang kapal mo rin naman na umasta na parang kapamilya. Mananatili kang sampid dito,” sabay alis nito pagkasabi niya ng mga salitang iyon. Hindi pa rin ako umimik. Sa palagay ko ay wala nga akong karapatan at totoo naman ang sinabi niya. Wala akong K sa bahay na iyon. Magkaibang magkaiba silang magkapatid. Kahit na lumaki akong maraming bully sa paligid ko ay di yata ako masasanay sa mga masasakit na salita. Parang dinudurog ang pagkatao ko at sasabog yata ang puso ko. “Samahan mo ako sa mall mamaya,” saad ni Mikee na niyayaya akong lumabas. “Sige. Anong bibilhin mo?” “Magshopping tayo nakakabored na dito sa bahay.” “Ok, wala naman akong ibang gagawin,” bonding na namin ang lumabas at magpunta sa mall, kumain at maglaro. Gusto ko ring umalis para iwasan ang kapatid niya. “Kapal talaga,” mahinang saad ni Marco na ako lang ang nakarinig sabay alis nito. “Ano daw?” tanong ni Mikee “Ewan. Di ko narinig,” ngabibingi-bingihan na lang ako at di papaapekto s lalaking iyon. Kailangan kong makatapos ng pag-aaral at iyon ang goal ko. Kailangan kong tiisin ang pang-aalipusta sa akin ng lalaki para sa pangarap ko. Umalis kami ni Mikee. Binigyan pa ako ni Daddy ng two thousand na baon. Tinanggihan ko dahil naiipon ko naman ang baon ko from school pero pinilit nila ako ni mommy at pati si Mikee, sinabing tanggapin ko na raw. Alam kong may masasabi nanamang masama si Marco sa akin. Bumili ako ng mga sangkap na lulutuin. Wala akong mapiling bilhin kaya naisip kong pagkain na lang. Mahilig akong magluto. Hilig kong lutuan sila. Masarap naman daw at yun lang ang ambag ko sa pamilya. Pero si Marco, kahit kailan di tumikim ng luto ko. Akala siguro ay lalasunin ko sya. “Pa-impress,” madalas nyang sabihin kapag nagluluto ako. He hates me so much kahit wala naman akong inaagaw sa kanya at wala naman akong ginagawang masama. Napaka bitter niya. Para syang evil step sister sa fairy tale. Pinaglihi yata sya sa ampalaya. Ilang beses ko na syang nais kausapin at paliwanagan pero natatakot ako sa kanya at alam ko naman na di nya ako paniniwalaan. Akala nya gold digger ako. Ilang beses ko na ring narinig iyon sa kanya. Minsan napapaiyak na lang ako sa kwarto ko dahil sa mga masasakit na sinasabi niya. Minsan gusto ko nang sumabog at magsalita pero inaalala ko ang future ko at ayokong mapalayas. Iniiyak ko na lang ang lahat at sa unan na nakatakip sa aking bibig ako sumisigaw. Ang hirap ng may taong galit sayo at kasama mo pa sa bahay. Hindi ko na alam ang gagawin ko para di ako awayin ng lalaki. Lagi akong nakakaramdam ng tensyon kapag naroon sya. Si Clara yata sya noong nakaraang buhay niya. Masungit at palaaway at ako naman si Mara na laging inaapi. Baka naman si Marga sya ng kadenang ginto. Araw-araw na ganoon ang sitwasyon namin ni Marco at wala akong magawa kundi ang magtiis. Ayaw naman nila akong payagang magdorm dahil mas komportable daw ako kung uuwi sa mansyon. Lumipas ang mga araw at mas ginugol ko ang oras sa eskwelahan. Mas peaceful doon kesa sa bahay na kasama si Marco. Napapagalitan na ako sa pag-uwi ko ng late. Nasa library lang naman ako sabi ko sa kanila. Minsan nasa kwarto lang ako kapag weekend dahil sa pag-iwas ko sa lalaking masungit. Natapos ang isang taon na kasama ko si Marco sa loob ng mansyon. Ilang taon ko pa kaya titiisin ang pagsusungit at mga parinig niya? Iniisip kong magpaalam ulit na mag dorm pero iniisip nilang baka magkanobyo ako at mabuntis nang wala sa oras. They became more strict habang nagdadalaga ako. Ang hirap lalo ng sitwasyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD