bc

My Brother in Law

book_age18+
796
FOLLOW
11.5K
READ
dark
forbidden
HE
badboy
stepfather
bxg
campus
like
intro-logo
Blurb

Inampon si Isay ng isang mayamang lalaki na may dalawang anak na lalaki. ang isa ay mabait at ang isa naman ay masama ang ugali.

Kailangan nyang pakasalan ang lalaking masungit at arogante. Nais ng ama na baguhin ang masamang ugali ng anak. Ayaw nya man ay kailangan nyang sundin ang adoptive father na nagpapaaral sa kanya.

Ayaw din ng lalaki sa kanya pero wala rin itong magawa kundi sundin ang utos ng ama dahil sa pangakong mana, sasakyan at kumpanya.

Ang nais lamang ni Isay ay ang magkapamilya ngunit ang kapalit nito ay sobrang pasakit sa pagpayag na pakasal sa lalaking ayaw sa kanya. Si Marco na gagawing miserable ang buhay niya.

Sa kabilang banda, inlove na sa kanya ang isang anak ng ama amahan na si Mikee. Kasundo nya na noon pa man at naging mabuti sa kanya. Gagawa ito ng paraan para mabawi ang babaeng minanahal sa kapatid nitong makasarili.

Sa pag alis ng babae sa poder ng asawang mapanakit ay doon marereliaze ng lalaking unti unti na syang nahuhulog sa babaeng kinamumuhian.

Paano nya pa mababawi ang babaeng iba ang mahal at may ibang lubos na nagmamahal?

200fulstory

piemSAMIromancestorywriter

chap-preview
Free preview
1
“Pakakasal ka sa kanya sa ayaw at sa gusto mo.” mariing sabi ng aking ama sa pagmumukha ko. “Pero Dad, ayoko nga sa kanya. Alam nyo naman na ayaw ko sa kanya noon pa.” mariin din ang pagtanggi ko sa plano nito sa aking buhay. “Mabuti syang babae at sya ang nararapat para sayo. Makinig ka at sundin mo ako.” ang lahat ay napapasunod nya maliban sa akin. Black sheep ako sa pamilya at hinding hindi ko susundin ang utos niya. “Bakit di na lang sa kapatid ko? Sa bunso ninyo na paborito ninyo. Bakit sa akin pa? Ayoko, dad. Ayokong masira ang buhay ko.” “Dahil hanggang ngayon, walang direksyon ang buhay mo. Dapat kang matuto at yan lang ang naiisip kong paraan para magtino ka. Puro pagwawaldas ng pera ang ginagawa mo. Nakakahiya ka.” Kahit kailan di nya ako mapapasunod sa gusto niya. Lalo na sa mga bagay na labag sa kalooban ko. Hinarap ko ang babaeng ipapakasal sa akin ni daddy. Kunot ang noo ko dahil simula pa lang ay ayoko na sa kanya. Mga bata pa lang kami, di ko na sya gusto. “Bakit ba kasi pumasok ka pa sa buhay namin? Oo nga pala, pera ang habol mo sa pamilyang ito kaya di ka bumibitaw. Alam ko ang pakay mo at di mo ako maloloko.” galit na saad ko sa babaeng kinaiinisan ko mula pa noon at lalong lalo na ngayon. Dinuro duro ko ang pagmumukha niya dahil sa tindi ng inis ko sa kanya. Pagkasabi ng mga katagang iyon sa pagmumukha ng babaeng iyon ay nag walk out ako sa sarili kong pamamahay. “Bumalik ka dito!” sigaw pa ni Daddy pero di ko na inintindi pa. Matagal na akong nagtitiis na kasama ang babaeng ampon na iyon ni daddy. Dalawang taon na ang nakalipas ng dalhin nya ang babaeng iyon dito sa mansyon at patirahin. Pag aaralin nya daw at ngayon, ipapakasal sa akin. Nasisiraan na talaga ng ulo ang ama ko. Di ako papayag. Ayokong makasama ang nakakainis na pagmumukha na yun. I hate her so much. At hinding hindi sya makakakuha ng kahit anong kayamanan namin. Pipigilan ko sya sa kahit anumang paraan. Ni hindi ko nga sya matingnan sa sobrang pagkasuklam ko sa kanya dahil alam kong manggagamit at oportunista siya. Bait-baitan at alam kong nasa loob ang kulo niya. Di nya ako maloloko at ilalabas ko ang tunay nyang kulay. Pera ang habol nya sa amin. Alam ko yon. Babaeng mukhang pera at gold digger. Nagdiretso ako sa isang bar at tinawagan ang aking mga kaibigan para makalimutan ang pangyayaring naganap sa bahay. Tinawagan ko rin ang babaeng magpapaligaya sa akin sa gabing iyon. Ako si Marco Valderama. Mayaman ang ama ko na isang busines tycoon ng Pilipinas. Mamanahin ko ang ilang kumpanya niya at ako ang mas lalong magpapalago noon. Di lang ako mayaman. Gwapo at matipuno pa ang katawan. Maraming kababaihan ang nagkakandarapa sa akin at iilan lang ang pinagbibigyan ko. Isang gabi lang ang hiling nila na may kasamang pagmamakaawa. Di ako basta-basta pumapatol kung kani kanino lang. Pinipili kong mabuti ang makakasama ko at ang magpapaligaya sa akin. Dapat ay matangkad, sexy at maganda. Mahilig ako sa maputi at makinis ang balat. Tapos heto ngayon, ipapakasal lang ako sa babaeng kinaiinisan ko mula pa ng makilala ko. Ni wala sya sa katiting ng mga babaeng nakasama ko na. Mukhang inosente pero alam kong tuso sya at kayamanan lang namin ang nais niya. Hindi nga namin alam kung saang lupalop sya nanggaling dahil sa ampunan lang sya nakuha ni dad. *** WALA NA AKONG MAGAWA. Kung anuman ang iutos ni Daddy ay susundin ko. Utang ko ang lahat sa kanya. Ang pag-aaral at ang marangyang buhay na meron ako ngayon. Kung gusto nya akong ipakasal sa anak niyang di ko kasundo ay gagawin ko para lang mapasaya ko sya at makabawi sa kabaitan niya sa akin. Binigyan niya ako ng kumpletong pamilya at pinaranas nila sa akin ni mommy ang magkaroon ng mga magulang. Ang mahalin at may mag-aruga. “Ako na lang kaya dad,” saad ni Mikee. Bunsong anak ni Daddy Zandro. Kasundo ko sya noon pa kahit noong nasa ampunan pa ako. Lagi silang naroon at naglalaro kami ni Mikee. Friendly sya at lagi nya akong kinukulit. Ako si Feliza Espiritu o Isay. Si Mother superior ang nagpangalan sa akin. Baby pa daw ako ng matagpuan sa labasan ng ampunan. Sinunod nya raw ang pangalan ko sa kanyang lola. Wala akong mga magulang at sa ampunan na ako nagkaisip. Walang kumuha sa akin o mag-ampon habang lumalaki. Lahat ng kasabayin ko ay nasa abroad na o kaya maganda na ang buhay dito sa Pilipinas. Madalas pa nga akong mabully ng mga batang mas may edad sa akin. Ewan ko kung bakit paborito nila akong pagtripan. “Isay, may chewing gum ang buhok mo.” “Ha? Oo nga,” dumikit pa lalo sa buhok ko at sa kamay ko ang chewing gum ng kapain ko ito. Isa lang ang kaibigan ko sa ampunan. Marahil ay nabubully ako dahil siguro ay masyado akong mahiyain, payat at maputla ang kulay. Iyakin din daw ako noon at hanggang ngayon ay madali akong paiyakin. Masyadong emosyonal at di makontrol ang damdamin. “Hoy, lampa. Umalis ka nga dito,” sabi ni Mildred na isang taon ang tanda sa akin. Agad akong hinila ng aking kaibigan papalayo sa mga matatapang na batang iyon. “Hwag ka nang iimik kapag inasar ka.” “Hindi naman. Ayoko ring pag-initan nila.” Di kasi ako maganda o kahit cute nga ay wala sa mukha ko. Mukha din daw akong malungkot palagi kahit alam ko naman na hindi ako malungkot pero hindi rin naman ako masaya. Neutral lang. Masaya lang ako kapag magpapasko na at maraming nagpapadala ng mga regalo sa ampunan. Mababait din ang lahat ng bata kapag magpapasko para makatanggap ng maraming regalo. Ayaw ng mga madre ang mga bully pero di namin sila masumbong. Grade 6 na ako at 12 years old noong nakaramdam ako ng sobrang lungkot. Yung mga baguhan nga lang na batang kararating lang sa bahay ampunan ay madaling makakuha ng pamilya at ako laging naiiwan. Di napipili at ang sakit noon para sa akin. Walang may gusto sa akin at dinamdam ko iyon habang ako ay lumalaki. “Iwan ka nanaman? Ilang taon ka na ba dito? Buti na lang ako makakaalis na sa mabahong lugar na ito,” si Mildred ay aalis na at may kumuha na sa kanyang magiging magulang niya. Ilang taon pa lang sya dito. Tatlo o apat. Samantalang ako ay simula pa ng ipanganak ako. Ang swerte niya kahit ang sama ng ugali niya. “Magpakabait ka para di ka isauli,” payo ko. “Wala kang pakielam,” sabay irap nito sa akin. Parang wala ng pag-asa na magkaroon ng sariling pamilya kaya sabi ni Mother, magmadre na lang daw ako at ako yata ang makakasama nila sa bahay ampunan. Mababait naman sila maliban sa mga batang inaalagaan na akala mo kung sino kung umasta. Pinatulong na niya ako sa mga gawain. Desidido na syang italaga ako sa bahay ampunan kahit ganoong edad pa lamang. Tinuro nya sa akin ang pag-aasikaso ng ampunan at kapag nagdalaga daw ako ay magreretire na sya at magpapahinga. “Hoy sipsip. Akala mo ikaw ang papalit kay mother? Asa ka. Di ka tatnggapin bilang madre. Pangit ka at kahit ang mga magulang mo ay ayaw sayo,” si Tiffany ang pumalit kay Mildred. Sya ang bagong demonyita at lahat ay inaaway niya. Maliban sa mga friends nila. Di ko na lang pinapansin at di na lang umiimik kahit ang sakit na ng mga sinasabi nila. Tatanggapin ko na sana ang aking kapalararan na pagmamadre pero nang mag highschool ako ay dunating si Daddy Zandro. Magpapaaral daw sya ng mga highschool at napasama ako sa mga batang pag-aaralin niya. Nagkataon na pa-high school na kasi ako ng dumating ang mayamang lalaki. Feeling ko dahil nasa ganoong edad na rin ako kaya lang ako nagkaroon ng magandang pagkakataon kaya di pa rin mawala sa isip ko na malas ako. Pero inisip kong swerte na nga rin ako. Sabi ni mother, baka mabago daw ang buhay ko kaya pag-igihan ko. Nag-aral akong mabuti. Hindi ako ganoong matalino pero hinusayan ko. Kahit wala sa list ng honor student ay pasado naman ang mga grado ko. Thankful ako dahil pag-aaralin pa rin kami ni Daddy Zandro sa second year namin sa high school. Sinipagan ko ulit pumasok at mag-aral. Kayang kaya ko naman na pumasa. Focus lang talaga at wala rin namang nanliligaw sa akin. Sabi ko nga di ako ganoon kaganda at ang mga boys, gusto pretty, matalino o kaya magaling sa mga extra curricular or sports o cheer leading. At wala ako kahit isang ganoon kaya safe ako sa pag-aasawa ng maaga. Sure akong makakatapos ng highschool dahil wala akong kahit anong quality para magkaboyfriend o kahit maligawan man lang. Nakakainggit ang ibang may nagkakacrush o nagkakajowa pero sabi ni mother. Study first. End of school year at ilang third year at fourth year na pinag-aaral ni Daddy ay nagbuntisan na rin. Kami na lang ni Lira ang natirang walang problema sa pag-aaral. Isa na roon si Tiffany. Kahit na inaaway niya ako ay naawa ako sa kanya. Maaari syang paalisin sa bahay ampunan. Di na nga sya nakatapos sa pag-aaral, mapapaalis pa. “Huy friend, di na ako makakapasok dito sa school natin next school year.” “Ano? Buntis ka na rin? Sinabihan na kita di ba? Hay, ang pasaway mo rin.” inis na saad ko sa babae. Paano na nag pangarap naming dalawa na makaahon sa hirap at makatulong sa bahay ampunan? “Gaga. May aampon na daw sa akin at dadalhin ako sa Korea. Pumayag ako at noon ko pa rin naman gustong pumunta doon. Para makita ang mga crush kong Korean actors at kpop groups,” kilig na saad nito at di man lang naisip na maiiwan niya ako. Pero para sa kabutihan niya, di ko sya pippigilan sa pangarap niya. “Ha? Maiiwan na akong mag-isa dito sa school. Ako na lang talaga?” malungkot na saad ko. Si Lira lang ang kaibigan ko at mawawala pa. Iniisip ko kung paano ako. Sya lang ang kakampi ko. “Balita ko pag-aaralin ka hanggang college. Narinig ko si Daddy Zandro at Mother Carmen na nag uusap sa opisina.” “Hay umiral nanaman ang pagiging tsismosa mo talaga. Totoo ba yan?” “Totoo nga. Maniwala ka.” “Sana nga. Sana swerte na ako ngayon. Sana magkaroon naman ng magandang pangyayari sa buhay ko at di na lang puro kamalasan.” “Goodluck sa atin at kapag nagkita tayo ulit, mayaman na tayong dalawa. Galingan mo ha. Hwag kang magboboyfriend.” payo nito sa akin. “As if naman na may manliligaw sa akin. Yun na lang na yumaman nga ang pangarap ko pero kung ikaw lang ang yumaman, ampunin mo ako ha. Padalan mo ako ng mga merch ng kpop idols natin.” biro ko sa kaibigan. “Walang problema. Ikaw lang ang kaibigan ko kaya di kita makakalimutan ever. Sana magkacellphone na rin tayo para nakakapagtext tayo kapag malayo na tayo sa isat isa. Mamimiss kita best friend.” 2

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K
bc

His Obsession

read
90.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook