5

1588 Words
Alas siyete ng umaga ng katukin ko ang kwarto ni Marco. Malamang nandito pa rin ang babae. Kailangan nyang umalis dahil dadating sila mommy, daddy at Mikee. Maaga silang nagtext na dadalawin daw nila kami. “Marco, gising na. Darating na sila,” naglakas loob akong katukin ang pinto ng kwarto ng lalaki para di sya mapagalitan. Alam kong pagbubuntunan niya ako ng galit kapag napagalitan sya mamaya. “Ano ba? Anong problema mo. Ang aga-aga pa. Istorbo ka,” galit na saad nito ng binuksan ang pinto at harapin ako. Naka boxer shorts lang at walang pang-itaas. “Dadating kasi sina daddy. 10 am daw nandito na sila. Paalisin mo na ang babae mo,” utos ko sa lalaki dahil kinakabahan ako kapag naabutan nila na nandito ang kasama niyang babae. “Hwag kang makielam. Ako ang magdedecide kung kelan sya aalis.” “Baka magalit si daddy. Lagot ka nanaman.” paalala ko dahil magkakagulo talaga kapag nagkataon. “Matakot ka sa galit ko. Pag di ako nakapagtimpi, baka masampal pa kita. Alis!” malakas na sara nito ng kanyang pinto. Wala na akong nagawa pa. Nakakatakot din magalit ang lalaking ito. Bumaba na ako para maglinis na sa salas. Magluluto na rin ako para nakaready na ang pagkain pagdating nila. Pero sobra ang pag-aalala ko dahil narito pa rin ang babae ng magaling na lalaking iyon. Kapag nakita iyon ng pamilya nya, malalagot nanaman sya kay daddy. Lagi na nga syang pinapagalitan, ayaw pa ring magtino. Alas otso ng umakyat ulit ako para kulitun si Marco na paalisin na ang babae. Sya lang naman ang inaala-ala ko, nagagalit pa sya. “Marco, gising na. Huy, dadating na sila.” pangungulit ko sa lalaki. Nasstress ako at ayokong mag-away pa silang mag-ama. Bumukas ang pinto at ang babae ang bumungad sa akin. “Problema mo girl? Aalis naman ako kaya hwag kang atat,” sabay irap pa nito sa akin saka tuluyang lumabas ng kwarto. Si Marco naman ay tinabig pa ako nang lumabas ng kanyang kwarto at sinundan ang babae. Napabunting hininga na lang ako at nagpasalamat na aalis na ang babae. I stay calm. Ang importante ay di sila madadatnan sa ganitong sitwasyon. Strikto si daddy at laging nasusuntok si Marco dahil sa mga kalokohan nito. Ayoko lang na magkaroon ng di magandang tagpo ang mag ama sa araw na iyon. Bumaba na rin ako para ituloy ang pagluluto at para siguruhing aalis na talaga ang babae. Naglalampungan pa ang dalawa sa salas pagbaba ko. Di ko maatim ang kalaswaan nilang dalawa. Ni hindi nahiya na may ibang tao silang kasama. Nagdiretso na lang ako sa kusina. “Paimpress ka nanaman sa pamilya ko. Hwag na hwag kang magsusumbong. Masasaktan ka sa akin.” “Alangan namang balewalain ko lang ang pagpunta nila. Dapat may handang pagkain.” “Sasagot-sagot ka pa dyan.” Di na ako sumagot pa at ang lalaki naman ay nagtuloy sa salas. Hahaba lang ang usapan kung makikipagdiskusyon ako sa kanya. Wala naman syang pinakikinggan kundi ang sarili lamang niya. Alas nueve ng maligo na ako at magbihis ng bestida. Saktong alas diyes ay dumating sila. Niyakap at hinalikan ko ang tatlo. Parang ang tagal ko nang nakakulong sa bahay na iyon pero ilang oras pa lang ang nakalipas. Totohanin yata ni Marco na gagawing impyerno ang buhay ko at nararamdaman ko na. Napapaso na ako sa apoy ng impyernong ginawa ni Marco para sa akin. “Kamusta iha?” tanong ni daddy sa akin. “Ok naman po, dad,” ngumiti ako sa lalaki. Di ko alam kung anong itsura ng ngiti ko na yun pero sana nakumbinsi ko syang ok lang ako. “Hows your honeymoon?” tanong naman ni mommy. Akala ba niya may mangyayari sa amin ng lalaking diring-diri sa akin? “Ok lang po.” sagot kong muli “Sana makabuo kayo agad,” excited na saad ni mommy. Akala nya ba talaga may nangyari na sa amin at seryoso ba sya? Alam nya kung gaano kagalit sa akin ang lalaking pinakasalan ko. “Ok ka lang dito?” nag-aalalang tanong ni Mikee sa akin. Nilapitan ako nito at hinawakan ang kamay ko. Nasa kabilang gilid ko sya at sa kabila naman ay si Marco. “Oo naman. Ok nga ako. Ok kami.” Kinausap naman ni daddy ang kanyang panganay na anak. “Marco, kelan ka papasok sa office?” “Next week, dad.” “Ok. Nasa honey moon pa kayo kaya sulitin mong wala ka pang pasok. Kailangang tutok ka sa trabaho kapag nagsimula ka na. No turning back, iho.” “Ano ka ba naman, Zandro? Pagtatrabahuhin mo agad si Marco. Kailangan pa nilang magkakilala ng asawa niya. Kailangang magenjoy muna sila.” sabat ni mommy sa usapan ng mag-ama. “Ok lang naman, mom. Kailangan ko na ring mag-work,” saad ng lalaki at himalang kalmado sya sa pakikipag-usap. Hindi nagtataas ng bosea, hindi mainit ang ulo at di nakasigaw. “Oo nga mommy. He needs to work na,” sang ayon ko sa aking magaling na asawa. “Bahala kayo. Basta sana ay mabuo agad. I want an apo na.” napaka imposible ng kahilingan ni mommy na kahit dulo ng daliri ko ay never hahawakan ng lalaking ito. Paano pa makaka buo? I really felt so insecure. Sobrang pangit ko ba kaya hate niya ako? Ok naman sa akin na di nya lapitan pero nakakababa ng self confidence ang pagkagalit niya sa akin. Pero si Mikee, lagi naman akong tinatabihan. Iba lang siguro ang pananaw nila sa kagandahan. Naghain na rin ako ng pagkain sa mesa matapos ang ilang kwentuhan. “Ang sarap talaga ng luto mo. Mamimiss ko to ng sobra,” puri ni Mikee sa akin at napangiti ako. “Ang galing talaga nitong batang ito. For sure maiinlove lalo sayo si Marco,” saad naman ni mommy na may pagkasarkastiko. Ang lalaking tinutukoy niya, napangisi lang sa kanyang narinig. Konti lang ang food nya sa plato na halos ayaw pang galawin. Bahala syang magutom at di matikman ang masarap kong luto. “Ayaw mo ba ng luto ng asawa mo iho?” “Busog pa kasi ako, dad. Kakaalmusal lang din namin.” Di rin naman sila nagtagal. Umuwi na rin at nagpaalam na. Sabi ni mommy dadaan muna sila sa mall at nakaramdam ako ng lungkot. Sana kasama nila ako pero hindi nila ako niyaya. Ayokong mkasama ang halimaw, ang asawa ko pala. “Sure kang ok ka dito? Di ka inaway ni kuya?” tanong muli ni Mikee sa akin ng nasa labas na kami at nasa may sasakyan na nila. “Ok lang ako. Hwag ka ng mag-alala dyan. Minsan kami naman ang dadalaw sa inyo.” ngayon pa lang miss ko na sila na parang gusto ko na ngang sumama pabalik ng mansyon. “I miss you na. Isang araw pa lang pero miss na kita.” “Ano ba yan? Para kang sira,” pero ang totoo miss ko na rin si Mikee kaso uuwi na sila at maiiwan nanaman kaming dalawa ni Marco sa impyernong bahay na iyon. Pumasok na akong muli sa loob pero ilang minuto pa lang ang nakakalipas mula ng makaalis ang tatlo ay umalis na rin si Marco. Di nagpaalam at narinig ko lang ang tunog ng sasakyang inistart at lumabas mula sa garahe. Mas mabuting wala sya at maiwan akong mag-isa sa bahay kesa makasama sya at magbangayan lang kami. Bilin pa naman ni daddy na bawal kaming mag away at bawal akong lumayas. Hindi nya daw ibibigay ang pera kapag lumayas ako sa bahay namin ni Marco. Hating gabi ng magising ako dahil sa pagbukas ng pintuan ng kwarto ni Marco at rinig ko ang hagikgik ng kasama nitong babae. May kasama nanaman sya. Sya rin kaya ang kasama nito kahapon? Wala naman akong pakielam kaso lang ay nakakabastos sya. Bakit di nya na lang sa motel dalin ang babae? Sa bahay pa talaga kung saan din ako nakatira. Ang sama nya talaga. Nagsisimula pa lang kami ay sinusubukan nya na talaga ang pasensya ko. Sinasadya nya talagang inisin ako gabi-gabi para siguro ay ako na ang magkusang lumayas. Ang ingay nila. Nagkikilitian yata ang dalawa. Hanggang sa kwarto ko ay rinig ang hiyawan nilang dalawa. Gusto ko nang matulog pero wala akong magawa at tiniis ang nakakairitang ingay nila. Mag-uumaga na ng matapos sila at doon lamang ako nakatulog. Kinaumagahan ay mabuting inabutan ko pa ang lalaki. “Marco,” naglakas loob akong kausapin sya pero hindi tungkol sa babae niya. “Ano nanaman ba?” iritableng saad nito sa akin. “Wala na kasing laman ang ref. Yung inadobo ko lang ang laman kahapon at wala na ngayon dahil nailuto ko na.” “So?” “Mamamalangke sana ako para may pagkain tayo.” “Mamalengke ka kung gusto mo. Bakit nagpapaalam ka pa?” masungit na saad nito at nahihirapan na akong kausapin sya. “Wala akong pera. Bigyan mo ako ng pamalengke.” prangkang saad ko. “Ano? Iaasa mo pa sa akin ang pagkain mo. Ang kapal mo talaga. Pabahay ka na, may libreng kuryente at tubig. Pati ba naman pagkain ay sa akin pa rin. Gawan mo na ng paraan yang pagkain mo.” Di sya magbibigay kaya di na ako namilit pa. Tama naman syang dapat ako na ang gumawa ng paraan para sa pagkain ko. Bakit nga ba ako aasa sa kanya? We’re not really husband and wife kaya di nya ako kargo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD