Paano naman ako mammalengke na walang pera? Kaya nagtext ako kay Mother superior. Nakakahiya man ay kinapalan ko na ang mukha ko. Wala akong ibang malapitan kundi sya. Nanghiram ako ng pera at sana kahit 1000 ay padalhan ako nito. Emergency sabi ko at ibabalik ko din agad. Laking pasasalamat kong padalan ako nito sa money app. Wala itong tanung tanong at basta agad nagpadala.
Naggrocery agad ako pagkatanggap ko ng pera. Wala na akong kakainin ng araw na iyon at bahala na ang Marco na iyon sa pagkain niya. Nagbigay kasi ako ng donasyon sa bahay ampunan at akala ko may ibibigay pa na allowance sa akin si daddy. Wala akong ipon at ang dami kasing pangangailangan ng mga bata sa ampunan. Doon napupunta lahat ng allowances ko from daddy Zandro.
Pagdating sa bahay ay sinalansan ko na ang mga pinamili ko at agad nagluto ng aking kakainin. Nagsaing ako at nagprito ng hotdog. Di naman siguro kakain si Marco kaya para sa akin lang ang niluto ko. Wala sya pagdating ko galing sa grocery. Mabuti at hwag na nga syang umuwi sa bahay.
Habang nagpapahinga ay may naisip pa akong paraan para magkapera. Agad ko namang ipinost ang ilang damit na dala ko na di pa nasusuot. Gift ni mommy pero wala pa akong mapaggamitan at sa bahay lang naman ako. Madami naman syang bigay kaya ile-let go ko na muna ang iba habang wala pa akong source of income. Nakabenta naman ako ng 5000 kaya naibigay ko agad kay sister ang isang libong utang ko sa kanya.
Kinaunagahan ay may narinig ako mula sa kusina na mga kaluskos. Kinabahan ako at naalala ang mga binili kong pagkain. Naka isang libong grocery din ako kahapon para sa mga pagkain ko na tatagal sana ng isa o dalawang linggo. Mahina naman akong kumain.
Nakita ko ang isang babaeng nagluluto. Ang hotdog, itlog at chicken nuggets na binili ko. Niluto niyang lahat. Ganoon sya kagutom? Ang kapal talaga nila. Hindi man lang sila bumili ng sarili nilang pagkain.
Di ako makapagreklamo at hinayaan na lang ito. Mag-aaway lang kami ni Marco at sasabihan pa ako ng mga kung anu-ano. Nakakainis lang na wala namang ambag ang lalaki sa pagkaing binili ko pero kakainin yata nilang lahat ang pagkain ko. Kinimkim ko na lang ang sama ng loob ko. Umakyat na akong muli sa kwarto ko at hinayaan na lang muna sila sa kusina.
May pera pa naman ako mula sa napagbilhan kong mga damit ko kaya ayoko nang isipin pa ang kagarapalan ni Marco at ng babae niya.
Gutom na ako pero nasa bahay pa sila. Ang babae at si Marco. Ibang babae nanaman ang kasama nito at inutusan pang magluto. Alas dos pasado ng umalis ang dalawa at saka lang ako lumabas ng kwarto ko. Nananadya talaga at gusto akong patayin sa gutom ng walang hiyang lalaking iyon. Ayoko kasing magkita kami at alam kong aawayin nanaman niya ako.
Agad akong nagbukas ng ref para tingnan ang mga pagkaing binili ko. Nanlumo ako sa aking nakita na halos naubos nila. Apat na hotdog ang natira. Maliit na tocino at ilang purasong nuggets na lamang ang naroon. Ang bigas, parang wala nang isang kilo ang limang kilong binili ko. Magpipicnic ba sila?
Sana prank lang ito at ibalik pa nila ang pagkaing binili ko. Ang sama talaga ng lalaking iyon at kamumuhian ko sya habang-buhay. Inis ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon at labis na pagkamuhi sa lalaki.
Niluto ko na lang lahat ng natirang pagkain sa ref. Balak kong sa kwarto ko na lang itabi at para di na makuha pa ni Marco. Sobrang galit ba sya sa akin? Wala naman akong ginagawang masama at sumusunod lang sa taong malaki ang utang na loob ko. Ang daddy nya ang may gustong makasal kami at hindi ako. Naalala kong sinabi niya na gagawing impyerno ang buhay ko. Kaya heto na nga at nararanasan ko na. Umpisa na ng matinding paghihirap.
Kinabukasan ay di ako lumabas ng aking kwarto habang naroon ang lalaki. Ayokong makita kung sinuman ang nasa bahay at ang kasama nito. Mula ng nakawin niya ang pagkain ko ay araw-araw na lang akong bumibili ng ulam sa convenient store at di na nagstock pa sa ref. Akala nya siguro ay maiisahan nya pa ako. Napakawalang hiya niya. Sya naman ang magutom at bumili ng sarili niyang pagkain. Di nya na ako maiisahan pa.
Isang buong linggong ganoon ang gawain ni Marco. Gabi-gabing may kasamang babae at ang ingay nila sa kwarto niya. Nakakabwisit pero wala akong magawa. Takot akong sitahin sya at takot akong di matupad ang pagbibgay ni Daddy ng perang reward ko. I need it very badly 365 days minus 7days pa lang kami ni Marco bilang mag asawa. 358 days pa ang bubunuin ko at naiiyak na ako. Mukhang imposible ang pagsasamang ito at ang reward ko.
Napapagod na ako kakalabas para kumain. Minsan nagpapadeliver na lang ako pero namamahalan ako at baka maubos agad ang pera ko. Mabuti na lang at mahal ko naibenta ang ilang damit ko pa. Kaso, lagot na talaga ako kay mommy. Paano kung hanapin niya?
Napuno ako sa gabi-gabing pangbababoy ni Marco sa bahay at pag-iingay kasama ng ibat-ibang babae niya. Feeling ko sasabog na ako sa inis kay Marco. Gusto ko na syang patayin sa sobrang inis ko pero may takot pa naman ako saDiyos.
Umalis ako ng araw ng Sabado ng umaga. Tulog pa sya marahil at di naman nito malalaman pa kung naroon ako o wala. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin at malayo sa impyernong bahay na iyon.
“Kamusta iha,” bati sa akin ni Mother Carmen. Sya ang tumatayong nanay naming lahat sa bahay ampunan at mahal na mahal namin sya.
“Mabuti po. Kayo po kamusta?”
“Ok naman kami dito. Mabuti at napasyal ka.”
“Miss ko na po kayo. Heto po, may cake akong dala para mawala ang stress ninyo sa mga batang makukulit,” biro ko sa madre.
“Salamat iha. Kaya pa ang stress at masaya naman kahit makukulit ang mga bata. Dito ka na mananghalian ha.” anyaya nito.
“Eh pwede po bang dito muna ako matulog ng ilang araw? Miss ko na kasi itong bahay ampunan at ang mga bata,” pagsisinungaling ko at ang totoo, gusto ko lang makahinga mula sa isang linggong toxic na pagsasama namin ni Marco.
“Oo naman. Pwedeng pwede. Ikaw pa pero alam ba ng asawa mo?”
“Opo. Alam po. Nagsabi ako at ok lang naman daw sa kanya,” pagsisinungaling ko pang muli. Sobrang stress na kasi ako at gusto ko na muna ng katahimikan kahit ilang araw.
Nagdalaw ako ng mga bata habang naroon ako. Nakakatuwa sila habang pinapanood ko silang naglalaro. Nakipaglaro din ako at pilit kinakalimutan ang mga nakakainis na nangyari sa akin ng nagdaang araw. Lalo na ang pagkuha ni Marco ng mga pagkain ko. Sobrang sama talaga. May natira pa akong pera kaya may binili akong ilang candy, chips at cupcakes para sa mga bata at tuwang tuwa naman sila.
Tanghalian at hapunan ay doon ako nakikain ng araw na iyon. Feeling ko ang payapa ng lugar na iyon at ayaw ko nang umalis pa. Ayoko ng umuwi sa impyerno at makasama ang hari ng kasamaan.
Pinagluto ko naman sila mother at miss na raw nila ang adobo ko. Ang saya kong makakatulog ako ng tahimik ng gabing iyon. Walang maiingay na hagikgikan at mga halinghing mula sa babaeng haliparot na kasama ni Marco. Ayoko na sanang bumalik pa sa bahay kasama ang lalaking iyon. Pero hindi pwede. Paano si daddy? Magagalit sya. Ang pera na makukuha ko, kailangan ko rin.
Hindi nga pala ako pwedeng lumayas at umalis ng matagal. Bigla kong naalala ang kondisyon ni daddy. Pero ano pang magagawa ko? Gabi na at nakahiga na sa kama sa dati kong kwarto sa bahay ampunan. Isang gabi lang ang hiling ko at sana di malaman ni daddy. Uuwi na lang ako bukas ng umagang umaga at baka malaman ni Daddy na lumayas ako.