7

1685 Words
Maaga akong gumising para makauwi agad sa bahay namin ni Marco. Baka malaman pa ni daddy ang pag-alis ko. Baka maisumbong agad ni Marco ang pagkawala ko pero wala namang pakielam sa akin ang lalaking iyon. “Dad, ang aga nyo po,” nakita ko ang ssakyan nila sa gate pa lamang ng bahay at sa pagpasok ko, ay agad kong inagaw ang atensyon nila dahil hinahanap nila ako kay Marco na walang alam na wala ako sa bahay. “Saan ka ba galing? Ang aga-aga nasa labas ka agad,” sita ni daddy sa akin. “Nagsimba po ako sa chapel sa ampunan. Gusto ko kasing dalawin silamother kaya maaga po akong umalis.” “Bakit di mo sinama ang asawa mo?” takang tanong nito sa akin. “Eh pagod po sya kagabi.” pagdadahilan ko na lamang. “Bakit pagod? Inumaga ba ng uwi at saan naman galing?” patuloy na pag-uusisa ni daddy. “Ibig ko pong sabihin ay lagi kasi syang maaga magising kaya hinayaan kong matulog pa sya ng mahaba ngayong araw ng Linggo. Tsaka mas gusto ko pong mapag-isa.” paliwanag ko at sana ay naniwala sya. “At ikaw Marco, hinayaan mong mag-isang magsimba ang asawa mo? Anong klaseng asawa ka?” galit nanaman ito sa anak niya pero talaga namang nakakagalit ang asawa kong walang kwenta. “Di ko alam dad. Di naman yan nagpapaalam. Basta na lang umaalis.” halatang halata na walang pakielam. Ako pa talaga ang may kasalanan ngayon. Samantalang sya ay pinagtakpan ko na may babae syang kasama gabi-gabi. “Heto po may dala akong adobo, padala ni mother. Kumain po tayo pero kung ayaw ninyo, magluluto ako ng iba? Adobo rin pala ang ulam natin noong nakaraan.” pag-iiba ko ng usapan at para mawala na ang pagdududa ni daddy. “Ok na yan at hwag ka nang magluto pa.” Wala nga rin pala akong mailuluto dahil wala akong stock sa ref dahil ninanakaw lang ng magaling na lalaki ang mga binili ko. Mabuti at kakainin nila ang adobong dala ko. Hindi na rin sila naghanap pa ng iba. Nagtungo na ako sa kusina at naghanda na ng mesa para matapos ang diskusyunan at panenermon ni daddy. Aawayin nanaman ako ng lalaking iyon panigurado at galit nanaman ang kanyang ama sa kanya. Napakawalang kwenta naman kasi nyang asawa pero bakit aasa pa akong alagaan ng walang hiyang iyon? “Isay, Ang aga mo namang umalis. Sana sinabihan mo ako,” sinundan ako ni Mikee sa kusina at kinumpronta. “Kaya ko namang mag-isa, Mikee. Tsaka maaabala ka pa. Bakit pala bigla kayong pumunta dito?” “Para dalawin ka. Ano kamusta? Ok ba talaga kayo ni kuya? Naka isang linggo na kayo.” may pag-aalala sa tono ng boses niya “Hay, ewan ko ba,” gusto ko nang isumbong sa kanya ang kuya niyang walang hiya na puro kalokohan ang ginagawa pero ayokong mamrublema pa sya sa akin. “Pinapahirapan ka? Anong ginagawa nya sayo?” usisa pa nitong lalaki. Alam niyang di kami magkasundo ng kuya niya noon pa. “Wala naman. Halos di nga kami nagkikita dito sa bahay. Maaga syang naalis at gabi na nauwi. Ayos lang ako at hwag kang mag-alala.” “Mabuti naman kung ganoon. Di ka pa ba nya ginagalaw?” prankang tanong nito. “Ano bang tanong yan? Masyadong personal,” nagulat ako sa tanong nito at wala sa isip kong magpagalaw sa nakakadiring lalaking ibat-ibang babae ang kasama. “Sabihin mo na. May nangyari na ba? Pinilit ka ba?” pangungulit pa nito at di ko gusto ang ganoong topic. “Wala. As if naman na magugustuhan ako ng kuya mo. Mga sexy at wild girls ang gusto nyan. Panget na panget kaya yan sa akin.” nabigla ako sa pagyakap niya sa akin. Nararamdaman niya marahil na di ako masaya sa bagong buhay ko. “Mabuti naman ay di ka nya ginalaw. Hwag kang mag alala. Lagi kitang dadalawin at babantayan kita. Hindi ka nya maaangkin.” masyado naman syang protective. Kaya ko naman ang sarili ko. “Di na kailangan. Di nga mangyayari yung iniisip mong napaka-imposible. Mas gugustuhin pa noon sa estatwa kesa sa akin. Pero may favor na lang sana ako.” “Ano naman? Sige sabihin mo lang.” “Gusto ko kasing magtrabaho kaso ayaw ni daddy. Gusto nya dito lang ako sa bahay at iwork-out ang marriage na ito. Gusto ko sanang may sarili akong pera. Ang hirap na walang panggastos.” alam kong sya lang ang makakatulong sa akin tungkol sa bagay na ito. “Bibigyan kita. Magkano ba ang kailangan mo?” “Hindi ganyan. Kahit side line. Ayoko ng bigay at gusto ko yung pinaghirapan ko.” tanggi ko sa lalaking alam kong magbbigay agad sa akin pero nahihiya ako. “Bakit kailangan mo ng pera? Di ka ba binibigyan ni kuya?” “Hindi naman sa ganoon. Basta I need to do something to earn money. Nakakainip din dito sa bahay at para may magawa rin ako. Isa pa, iniisip ko ang ampunan. Gusto kong makapagbigay pa.” dahilan ko sa lalaki para di nya malaman na wala talagang binibigay sa akin ang kuya niyang magaling. “Ako na ang bahala sa’yo kung ayaw ka niyang suportahan.” “Di pa ba tayo kakain?” putol ni daddy sa pag uusap namin ni Mikee. “Kain na po dad. Ok na ang kanin,” sabi ko at nakahain na rin ako sa mesa. Naglapitan na sila sa mesa at nagsiupo na para makakain na kami. “Isay, napansin kong walang laman ang ref ninyo. Di ka ba naggogrocery?” tanong ni mommy. Hay, ang dami nilang napapansin. Mababaliw na yata ako. “Eh hindi pa po. Mamaya po siguro.” “May cake kaming dala. Nasa ref kaya nabuksan ko ang ref ninyong walang laman,” dagdag pa ni mommy na nagtataka. “Marco, alagaan mo ang asawa mo. Ikaw na ang may kargo sa kanya. Mukhang ginugutom mo?” lahat yata sila ay mainit ang ulo ngayon at pinapagalitan kami ni Marco. Lagot talaga ako mamaya sa halimaw na ito. “Bakit ako? Ayoko namang pakasal dyan kaya bakit ko yan aalagaan?” “May usapan tayo. O babawiin ko ang kumpanya. Di ka pa man nakakapagsimula, aalisan na kita ng karapatan. Kapag di mo inalagaan ang asawa mo, wala kang makukuha kahit singko sa akin.” “Oo na. Aalagaan na. Mabuti pa yata aso na lang binigay nyo sa akin. Mas maaalagaan ko pa kesa sa babae.” pabalang na sagot ng lalaki kaya kumakaba ang dibdib ko sa pwedeng mangyari. Masasapok nanaman sya panigurado tapos ako ang pagbubuntunan ng galit niya. “Gusto kong magtino ka. Sinasabi ko sayo. May deal tayo.” “Kumain na muna tayo. Tama na yang diskusyunan,” putol ni mommy sa panenermon ni daddy sa anak niyang sobrang pasaway. Kumain na lang muna kami ng tahimik. Salamat at di ganoon kainit ang ulo ni daddy. Mabuti rin at marami akong naiuwing adobo at may nakain kami ng umagang iyon. Kung hindi, nganga kami at lalong malalagot ang lalaking ito. Pasalamat nga sya dapat sa akin pero mas gusto nya pa pala ang aso kesa ako ang alagaan niya. Kapal ng mukha. Parang sasabog lagi ang dibdib ko tuwing magsasalita si Marco. Di ko rin naman sya gusto pero masakit ang mga binibitawan niyang salita. He hated me so much at di ko alam kung bakit. Akala ko makakasanayan kong ganoon sya pero nasasaktan pa rin ako. Basta gagawin ko na lang ang best ko. Ang manatili ng isang taon kasama sya at ang mapatino sya. Mababaliw naman ako at mawawala na yata sa katinuan habang kasama siya sa araw-araw. Nagdiretso kami ng grocery matapos kumain at kainin ang cake na dala ni mommy. Nag-insist ang tatlo na mamili. Nahalata siguro nila na ayaw talagang mamili ni Marco para sa amin. Napilitan tuloy mamili si Marco ng mga pagkain. Ang dami nyang kinuha. Wala naman akong kinuhang kahit ano para sa akin. Baka alisin lang sa push cart o kaya ay pabayaran sa akin. Ako na lang ang bahala sa pagdiskarte ko ng pagkain ko. Basta, kanya kanya kami at di ako kakain ng pagkain niya. “Anong gusto mo?” tanong ni Mikee sa akin na biglang sumulpot sa gilid ko. Noon pa man sya lang talaga ang may concern sa akin. Si Marco, bitter sa buhay niya, galit sa lahat ang taong ito. “Wala. Namimili na si Marco. Bahala na sya.” “Puro karne yata ang binibili. Chips gusto mo?” alok nito sa akin at napangiti ako. “Hwag na. Wala pa akong pera. Naibigay kong lahat sa ampunan. Akala ko may allowance pa ako kay daddy pero di nya na pala ako bibigyan. Ako na ang bahala sa pagkain ko at hwag mo na akong alalahanin pa.” sobrang nahihiya ako sa kabaitan ni Mikee. Ayokong maging burden pa niya ako. “Ano? Ako na nga ang bahala. Mukhang wala namang bibilhin para sayo ang asawa mo. Kumuha ka at ako ang magbabayad.” “Hindi na Mikee. Ang kulit naman eh.” “Basta kumuha ka na.” kumuha ito ng isang push cart at ngayon, kami na ang magkasama sa pamimili. “Hoy, may pa party ka ba? Ang dami nyan ha.” puna ko sa lalaki na nag daming kinukuha at nilalagay sa push cart. “Gusto ko rin ‘to eh. Bakit ba?” para syang bata na iginigiit ang mga gustong bilhin kahit kinokontra ko. “Hindi yan healthy. Puro chips at soda talaga? Bad sa health yan.” “Kelan ka pa naging health conscious? Nagbago ka na ba? Masarap to habang nanonood ng movies di ba? Di mo na ba natatandaan ang bonding natin?” “Ngayon health concious na ako kaya hwag puro chips. Mag veggie salad din tayo minsan.” “Basta. Sayo ang iba dito. Ayaw mo ba? Mga paborito mo ‘to,” tatawa-tawa pa ito at tinatakam ako sa mga kinuha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD