May mga snacks na cupcake at cookies. Juice, sofdrinks at instant noodles pa. Mga paborito naming kainin ni Mikee ang mga kinuha niya. Sabay kaming mag merienda lagi noon sa bahay nila. He's my kuya and my bestie. Sana sya na lang ang kasama ko ngayon pero misyon ang ibinigay na ito ni dad kaya kailangan kong makisama sa Marco na yun.
Umuwi na kami ni Marco matapos makapamili at makapag paalam kay Mikee. He hugs and kiss me on my forehead. Sobrang sweet talaga nya.
“Yung mga pinamili ko, akin lang yun. Di ka pwedeng kumain noon, naiintindihan mo ba?” parang batang paslit na nagdadamot ang magaling na lalaking katabi ko sa sasakyan.
“Oo. Walang problema.”
“At yung pinamili ni Mikee na para sayo, may share ako doon dahil pera din yun ng daddy ko.”
“Ok. Walang problema,” saad kong muli. Napadungaw na lang ako sa bintana ng kotse. Ang damot nya at ang hirap nyang pakisamahan. Mabuti na lang at di ako pinababa ng walang hiya at pinagtaxi. Salamat naman at hinatid niya ako sa bahay namin. Binuksan ko ang gate pagdating nami sa bahay.
“Ibaba mo ang mga pinamili.”
“Opo, sir,” tanging saad ko pero nakasimangot. Binuhat ko lahat. Di naman gaanong mabigat at inilagay ko ang lahat ng binili nya sa ref. Di man lang talaga tumulong sa pagbubuhat. Umakyat na ang lalaki sa kwarto at naiwan ako sa kusina.
Kumuha ako ng isang big bag na chips, dalawang balot na instant pancit na may tig anim na laman, ang mga cookies ay kinuha kong lahat at tinira ang cupcakes. Inakyat ko ang napili kong mga pagkain sa kwarto ko at tinira ang ilang pinamili ni Mikee sa kusina. Iniwan ko ang ilan dahil sabi ni Marco ay may share din daw sya doon.
Sabi ko kay Mikee, bilhan ako ng multi cooker para mabilis akong makaluto. Dahilan ko sa kanya pero balak kong sa kwarto ko na lang magluto paminsan dahil sa ugali ni Marco. Magnanakaw ng pagkain at madamot pa.
Di ako makakakin agad dahil late na umalis si Marco at inaabot ako ng hapon bago makakain. Gusto ko ring umiwas sa lalaki dahil nag-aaway lang kami kapag nagkikita kami sa loob ng bahay.
Patuloy pa rin sya sa pagdadala ng ibat ibang babae at doon nya pinapakain sa bahay namin. Samantalang ako ay ayaw nyang biyang ng pagkaing binili niya. Pinangako ko rin naman sa aking sarili na di kakainin ang mga pagkaing binili niya. Magpakabusog sya hangang sa maempatso sila ng babae niya.
Nagcheck ako ng food stocks sa kusina. Habang walang nauubos sa pinamili ni Marco ay halos paubos na ang mga binili ni Mikee na iniwan ko sa kusina. Pancit at cupcake lang ang pinapakain nya sa mga bisita niya? Wala talagang kwentang lalaki pero maraming babae pa ang nahuhumaling sa kanya.
Habang nasa kusina ako isang umaga ay papalapit ang lalaki na may dalang paper bag. Buwaya ang tatak ng paperbag kung saan namimili ang lalaki ng kanyang damit. Mamahalin iyon. Binilan nya ba ako ng shirt para makabawi sa mga kawalang hiyaang ginawa niya sa akin? May kabutihan naman pala ang puso niya.
“Oh,” sabay abot sa akin ng bag.
Ilang shirts ang naroon at basta isinilid sa bag. Gusot ang mga iyon ng tingnan ko.
“Ano to?” tanong ko sa kanya at baka mali ang iniisip kong para sa akin iyon.
“Labhan mo. Kusutin mo ha. Mamahalin yan at baka masira mo. Ingatan mo yan kundi lagot ka sa akin.”
Magpapalaba lang pala ang walang hiya. Akala ko naman ay mabait na at bigay iyon sa akin.
“Bakit di mo ipalaundry? Sa akin mo pa talaga ipalalaba.”
“Anong silbi mo rito kung di ka maglalaba? Gawin mo na. Dami mo pang sinasabi.”
“Oo nga pala. Sorry po sir. Nakalimutan kong katulong mo pala ako. Akala ko kasi boarder ako kasi wala naman akong sweldo at sagot ko pa ang pagkain ko.” sarkastiko kong saad.
“Dami mong sinasabi. Labhan mo na at susuutin ko yan bukas,” mayabang na saad nito at akala mo kung sino kung makautos. Di naman ako sinuswelduhan.
“Opo mahal na prinsipe,” mahinang saad ko at baka mabulyawan pa ako.
Friday nang maagang pumunta si Mikee sa bahay at dinalaw niya ako. Mag-isa lamang siyang pumunta.
“Aba? Anong meron? Ikaw lang?” tanong ko sa lalaki habang nakangiti ako. Masaya akong dinalaw nya akong muli makalipas ang ilang araw.
“Wala. Makikialmusal. Lutuan mo ako.” utos nito na parang may katulong.
“Anong gusto mo? May manok, liempo at steak dito. Kinain nyang mga binili mo kaya kainin mong mga binili niya.”
“Steak siyempre.” mabilis na sagot ng lalaki at paborito nya kasi ito.
“Matagal pa ito kasi frozen. Mahihintay mo ba?”
“Makakahintay naman ako. Tsaka hetong multi cooker na gusto mo. Pinagdadamutan ka ba nya ng pagkain?”
“Ano pa nga ba? Bantay ng kusina yung lalaking iyon. Ang damot.” di ko na napigilan ang bibig ko nang sabihin at isumbong ang ginagawa ni Marco. Pagtatakpan ko pa sana kaso sobra ang sama ng loob ko sa kuya niya.
Nag-aalala akong baka may biglang lumabas na babae sa kwarto ni Marco nang umagang iyon at malaman ni Mikee ang pinaggagagawa ng kapatid niya. Kapag nagkataon. Lagot nanaman ang lalaki sa ama nito tapos ako nanaman ang aawayin.
Agad kong binabad sa tubig ang steak. Nagsaing na ako at pagkawala ng yelo sa karne at agad kong isinalang sa kawali na may butter.
Sana talaga di pa bumaba ang dalawa sa kwarto. Kabadong pag-aalala ko.
“Wala kang pasok?” tanong ko sa lalaking kaharap ko.
“Meron pero miss na kita kaya dumaan muna ako dito.” malambing na saad nito. Super sweet talaga ito sa akin at alam kong mahal ako nito na parang kapatid.
“Miss mo ako pero wala ka namang dala. Pinagluto pa kita.” inis na saad ko na pabiro.
“Miss ko ang luto mo eh. Nakakasawa na ang mga luto sa bahay. Dala ko naman ang request mong lutuan.” sagot nito sa akin.
“Ay, oo nga pala. Sorry naman. Kape po, gusto nyo?” alok ko sa lalaki para mas masarap ang breakfast niya. Naalala kong dala nya nga pala ang request kong lutuan.
“Syempre naman. Tinatanong pa ba yan?”
“Kapal naman ng bisita ko. Parang nasa restaurant.” biro ko pa sa lalaki at tatawa-tawa ako. Di naman sya pikon at alam niyang nagbibiro lang ako.
“Ayos lang yun pogi naman. Kaya pakibilisan na po ang pagluluto at gutom na gutom na ako.”
“Oo na pogi talaga pero palautos din.”
Hinain ko agad ang pagkain pagkaluto. Para makaalis na rin agad ang lalaking ito. Miss ko na rin sya at gusto ko pa sanang kausap pero inaalala ko rin si Marco at ang kasama nitong babae sa kwarto. Siguro naman ay di ako papagalitan nito dahil kapatid naman niya ang kumain ng binili nyang ulam. Kinain rin naman niya ang mga pancit ni Mikee kaya patas na lang.
Nagpaalam na rin si Mikee dahil papasok pa sya sa opisina. May part time work sya sa kumpanya ng daddy niya at nag-aaral sa hapon. Katulad ng dati may payakap at may halik sya sa pisngi ko.
Sana doon na lang ulit ako sa mansyon kasama si Mikee. Living with Marco is like living in a hell. Di ko pa man nakikita ang impyerno pero parang ito na yung nararanasan ko. Ang hirap ng task na ito ni Daddy.
Tuluyan nang umalis ang lalaki. Unti-unti ring nawawala ang saya ko at nakaramdam pa ako ng takot sa pagbaba ni Marco mula sa kanyang kwarto.
“Bakit pinapunta mo yun dito?” masungit na saad ng lalaki. Alam pala nito na nadito ang kapatid niya.
“Bigla lang syang pumunta. Di ko naman alam na pupunta sya.” as if na hawak ko ang utak ng kapatid nya.
“Nagluto ka ng steak, pwedeng ipagluto mo rin kami?” saad ng babaeng kasama ni Marco sa akin. Akala yata nito ay katulong ako sa bahay na iyon.
“Hindi na. Aalis na tayo,” masungit na saad nanaman ni Marco sa kasamang babae.
“Ha? Hindi muna kakain? Gutom na ako eh.” maktol ng babae na parang bata.
“Hindi na nga.” inis na saad nito na galit na nga.
“Marco, kapatid mo naman si Mikee kaya yung steak ang pinakain ko.” paaalam ko para di ako sungitan at pagalitan.
“Ano pa bang magagawa ko eh pinakain mo na doon.” natural lang talaga sa kanya ang pasigaw na salita at pakikipag-usap. Wala talagang good manners.
“Bye. Next time na lang yung steak. Ang bango pa naman,” saad ng babae sa akin. Nakangiti ito at mas mabait kesa sa unang babaeng kasama noon.
Nagluto na lang ako ng noodles para sa akin. May natira pang kape sa coffee maker at yun na ang inalmusal ko. Pangako kong hindi ko talaga kakainin ang pagkaing binili ng lalaking iyon kahit mamatay pa ako sa gutom. Wala syang maisusumbat pagdating ng panahon.
Kinabukasan ay nagluto ako ng steak para sa agahan ni Marco at sa kasama niyang babae. Para di na mabawasan ang pagkain ko na lagi nilang pinupuntirya. Na kahit pansit yun ay napagtitiyagaan ko. Nag-insist na ako at baka kung anu-ano pang lutuin nila. Meron naman sya kaya yun dapat ang kainin nya. Mas masarap nga ang pagkain niya kesa sa akin pero mas kinakain niya ang pagkain ko. Nakakainis talaga.
“Bakit ka nagluluto?” masungit agad na tanong nito pagbaba mula sa kwarto.
“Para sa inyo. Hindi ako kakain nito. Sayo ‘to.” paliwanag ko sa lalaking ayaw talaga akong pakainin.
“Bakit pa?”
“Almusal nyo. Nasaan ang kasama mo? Gusto nya daw diba? Hwag mong gutumin.”
“Wala kang pakielam. Kainin mo na lang yan kung gusto mo.” masungit na saad nito.
Pinagluto na galit pa.
“Ha? Di ka kakain? Sayang to,” di ko rin yun kakainin dahil kanya iyon. Nangako ako sa sarili kong hindi kakainin iyon.
Dire-diretso na itong lumabas ng bahay at di na ako sinagot pa. Sayang ang niluto ko pero di ko kinain. Ihahain ko na lang ulit bukas ng almusal at baka gusto na ni Marco na mag-almusal ng pork steak.
Nakakainis ang kaartehan niya.