Natapos ang maghapon at dumating ang kinabukasan.
“Nandito ka nanaman?” nakangiting saad ko ng makita muli si Mikee sa loob ng bahay namin.
“Makikialmusal syempre at para makita ka,” isang bilog na lata ang dala niya at iniabot sa akin.
“Ano yan?” masayang tanong ko at may excitement sa mukha ko. Kunyari di ko alam kung anong dala niya.
“Paborito mo.”
“Chocolate cake?” kunyari ay di ko alam pero kanina pa ako naglalaway at iniimagine ang laman ng dala niya.
“Very moist.” describe pa nito sabay ngiti.
“Thank you.” ngiting abot tenga ang pinakita ko. Sya lang talaga ang mabait sa akin.
“Walang kiss?” biro pa ng lalaki.
Humalik ako sa pisngi ng lalaki at nagyakap kami.
“I miss you so much,” mahigpit ang yakap ng lalaki sa akin at ramdam kong pagkamiss nya tlaga sa akin. We like each other. Para talaga kaming magkapatid.
Nilabas ko ang dalawang steak na niluto ko kahapon na para kay Marco at sa bisita nito. Iniit ko ito at pati ang kanin na nasa ref.
“Nandito ka nanaman?” masungit na bati ni Marco sa kapatid habang pababa ng hagdan. Himalang ang gaga niya bumaba.
“Masarap makikain eh. Bawal ba?”
“Kain na,” anyaya ko sa lalaking bagong gising.
Nagulat akong lumapit rin ito sa hapag at naupo sa tabi ni Mikee. Kakain talaga sya? Himala! Di ako makapaniwala.
“Anong kakainin? Bakit wala pang nakahain?” reklamo agad nitong busangot na ito. Kakaupo pa lang gusto may nakahain na agad.
“Ahh teka. Heto na,” agad akong kumuha ng dalawang plato. Nilagyan sila ng tig isang steak at naglagay na rin ng kanin sa mga plato nila.
Kutsara at tinidor pa pala. Inabot ko na sa kanila tapos in-on ang coffee maker.
“Ikaw?” tanong ni Mikee sa akin.
“Hindi. Mamaya na ako kakain,” sagot ko sa lalaki. Bawal akong kumin at di nya alam yung rules ni Marco.
“Hati tayo dito sa steak,” alok ni Mikee sa akin.
“Hindi nga. Hwag na. Di ako kumakain nyan.”
“Anong hindi? Gusto mo nga ito di ba?” pangungulit pa ni Mikee sa akin at pilit akong pinapakain. Hinati ni Mikee ang sa kanya.
“Plato bilis.”
“Wait naman,” agad akong kumuha ng isa pang plato at baka mahulog pa sa mesa ang kalahating steak. Pero bilin ni Marco na hwag kong kainin ang pagkain niya.
“Kumain ka na. Pinapakain ka kaya kumain ka,” saad ni Marco na pakitang tao dahil naroon ang kapatid niya. Bait baitan.
“Mamaya na ako kakain. Mauna na kayo.”
Natapos na rin ang kape at sinalinan ko ang tatlong mug. May creamer at asukal sa mesa at sila na ang bahala sa pagtitimpla.
“Umalis ka na agad. Isusumbong kita kay daddy na ginugulo mo kami.” pagtataboy ni Marco sa kapatid. Lahat talaga ay kagalit niya. Samantalang sya, sinu-sinong pinapapunta dito sa bahay tapos si Mikee, pinapaalis nya agad.
“Dumadalaw lang naman ako kuya. Ano namang masama doon? Sabi rin ni daddy tingnan ko kung inaalagaan mo si Isay.”
“Basta umalis ka na agad pagkakain mo.”
“Oo na. Uubusin ko lang itong kape.” umalis din agad si Mikee para di na magalit pa ang kuya nyang hari ng kasungitan. Kahit na di sila nagkakaintindihan ay marespeto si Mikee at inuunawa ang kuya nyang baliw.
“Di mo ba kakainin to? Ipapakain ko na sa pusa,” di pa man ako nakakasagot ay kinuha na ng lalaki ang kalahating steak na nasa plato at hinagis sa labas ng bahay. Ayaw nya talaga akong pakainin pero di ko rin naman iyon kakainin. Balak kong sa pusa rin talaga iyon ipakain at naunahan lang niya ako. Pero sumama ang loob kong pinagdadamutan nanaman niya ako.
“Di nya kakainin yan kapag ganyan. Gusto nya naka slice ng maliliit. Hiniwa ko ang steak na nasa sementadong sahig sa garahe. Saka ko inilagay sa kakanan ng pusa. May alaga akong pusang gala na pumupunta lamang kapag oras ng kainan. Ang kapal din talaga ng mukha ng pusang iyon at wala pang pakinabang. Naghugas na ako ng mga pinaglutuan at pinagkainan nilang magkapatid. Baka masita nanaman ako sa kalat sa kusina.
“Ako sa gabi, ikaw naman sa umaga.”
“Ano? Anong sinasabi mo?” paghuhugas ba ng plato ang sinasabi niya. Mabuti naman at maghuhugas na sya at di lang parating ako.
“Di naman ako magsusumbong kay daddy. Hahayaan ko kayo ni Mikee at hayaan mo rin ako sa mga ginagawa ko.” yun pala ang tinutukoy nya ang pagsasama ng ibang tao sa bahay at gusto nyang di ko sya isumbong.
“Wala kaming ginagawang masama. Kumakain lang sya dito at dinadalaw ako. Di kami katulad mo na kung anu-anong ginagawa sa loob ng kwarto mo gabi-gabi. Magkaiba tayo.”
“Kunyari ka pa. Malamang iniisip mo, kung di mo ako makukuha, si Mikee na lang. Halata namang may gusto sayo yung kapatid ko na yun. Nauto na sa pagpapakitang tao mo.”
Ang kapal talaga ng mukha niya at sobrang sama ng ugali. Ako pa ngayon ang may ginagawang masama.
“Wala nga kaming ginagawa at hwag mo akong iparehas sayo. Di ko itatake advantage ang kapatid mo. Napakabait nyang tao.”
“Maang maangan ka pa. Sinungaling ka at sa susunod malalaman ko rin na ninanakawan ko na kami. Alam kong pagkatao mo.”
“Bahala ka sa gusto mong isipin. Hindi ka naman makikinig sa mga paliwanag ko. Yung sarili mo lang ang iniintindi mo kaya namumuhay kang puro hinagpis dyan sa puso mo.” prankang saad ko sa lalaki
Ayoko na syang patulan sa mga iniisip nyang di naman totoo. Ayoko nang magpaliwanang sa taong sarado naman ang isip kaya agad akong umakyat papunta sa aking kwarto kahit di pa tapos ang mga hugasin sa kusina. Natakot din akong saktan niya ako dahil sa mga sinabi ko sa kanya. Pikon pa naman sya.
Ilang araw na doon nag-aalmusal si Mikee. Mapapagalitan na ako ng amo ko dahil nauubos na ang pagkain nito. Magkakasagutan nanaman kami at paparatangan nanaman ako ng mga kung anu-ano.
“Samahan mo muna ako,” sabi ko sa lalaki isang umagang nagpunta sya sa bahay. Linggo yun at wala syang pasok sa office at sa school.
“Saan?”
“Sa grocery. Naubos na kasi ang steak at baka pagalitan na ako ni Marco. Alam mo naman yun. Sakim at sobrang damot. Masungit pa”
“Sige maggrocery tayo. Para naman makalabas ka dito sa bahay nyo. Chicken naman tayo sa susunod. Gusto ko yung niluluto mo noon. Yung naka-airfryer.”
“Opo sir. Sana nagbibigay din ng pangbili at di puro request lang. Mapapagalitan na ako ng amo ko eh. Mapapalayas na ako.” biro ko sa lalaki
“Oo na. Ako nang magbabayad ng mga bibilhin natin.”
Nagbihis na ako para makaalis agad kami ni Mikee habang dulog pa ang amo kong halimaw. Nakarating din kami agad sa malapit na supermarket at agad akong kumuha ng pushcart.
“Joke lang yung sinabi ko. Ako na ang magbabayad.” bawi ko sa mga pang-iinis ko sa lalaki. May pera naman ako at pasasalamat ko na rin sa pagdalaw niya sa akin.
“Ako na sabi. Ako naman lagi ang nakikikain sa inyo tsaka wala kang pera.”
“Sige bahala ka. Ang lakas mo nga kumain eh,” natatawang saad ko na may panunukso.
“Ikaw, kumakain ka ba? Baka puro noodles ka lang.”
“Kumakain naman syempre. Minsan nagpapadeliver, minsan kumakain magisa sa labas.”
“Ha? Ang daya. Dapat sinasama mo ako.”
“Sige, hwag ka nang magwork at mag-aral. Kumain na lang tayo palagi.” biro kong muli sa lalaki
Sa dalas ng punta ni Mikee na halos araw-araw na ay wala nang babaeng pinapapunta si Marco. Baka iniisip nyang isusumbong na sya ng kapatid sa ama nila kapag nahuli siya.