CHAPTER 5 – LOOK FORWARD

2395 Words
ARYNN DELA ROSA “Okay, class, the deadline of the worksheets will be on Friday 12 o’clock,” saad ng aming propesor habang sinusulat sa whiteboard ang date na sinabi niya. “Huwag niyo rin kalimutan na ilalagay niyo rin ang solusyon doon.” Nang sininop na ng propesor ang kanyang gamit ay sinabayan ko siya. Nais ko na makalabas na sa klase. "Pupuntahan mo na naman si Youji?" Walang-ganang sambit ni Sassy. Sumandal siya sa kanyang inuupuan. “Alam mo, ngayon lang kita nakita na nabaliw ng ganito. Seryoso ka ba talaga?” "Yup." “Hay. Ang sarap mo naman maging kaibigan. Iniiwanan mo ako palagi.” “Inaya kita na sumama, hindi ba? Ang sagot mo, ayaw mo maging third wheel. Call Tyron.” Nagbuntong-hininga ito. “No. I want him to call first. Ayaw ko lumabas na ako ang naghahabol.” “Okay. Look, I need to go. I-text mo nalang ako kapag nadapa ka or something.” Iniwan ko na ito sa room at kinuha ang cellphone para i-message si Youji. Alam ko kung ano ang schedule nito ngayon at malamang ay nasa laboratory ito. Nang makapunta sa kinaroroonan ng room ay sumilip ako sa viewing glass ng pinto at nakita si Youji na naka-lab gown habang nakasilip sa drying oven. Nag-send ako ng mensahe at agad nitong kinuha ang kanyang phone nang umilaw iyon. To: Youji Pwede ba akong pumasok? Lumingon ito sa pintuan at kumaway ako saka ngumiti. Sinundan ng kanyang mga kasama ang kanyang tinitingnan. Kasama nito ang mga kaibigan na sina Miguel, Paulo, Damian, Megan, and Rika. Iniwan sila ni Youji at pinagbuksan ako ng pinto. Kinailangan kong tumingala dahil sa tangkad nito. "Nag-lunch ka na?" Tumango ako. "Ikaw?" "Yes." Ilang segundo ang lumipas na magkatitigan lang kami at nakangiti sa isa’t-isa. “Wala na ito, guys. Tayo nalang siguro ang tatapos ng thesis natin.” “Oo nga, Miguel. Siguro panahon na para humanap tayo ng bagong leader,” sagot ng lalaki na pinaglalaruan ang goggles sa kanyang kamay. Namula ako sa narinig na tuksuhan sa loob. Napangiti si Youji at umiling. Inabot nito ang aking kamay at mahinang hinila palapit sa kanya. "Okay lang na pumasok ako?" "Oo naman." Hinubad nito ang suot na lab gown at sinuot sa akin. "Wear this, para madumihan ang damit mo." “Paano ka?” “I have spare in my bag.” His lab gown is so big on me that he had to fold the sleeves para maigalaw ko ng maayos ang aking braso. “May mga bagay ba na hindi ko dapat gawin habang nasa loob ako?” Tanong ko sa kanya ng pabulong. Kumunot ang noo nito at pagkatapos ay natawa. Pinisil nito ang kanang pisngi ko. “Just be yourself. That’s enough.” Gusto kong ipakita ang kilig na nadarama pero baka ma-turn off ito sa akin kaya kinimkim ko nalang. Hinila niya ako papasok at sinara ang pinto. Huminto kami sa kinaroroonan ng bag niya at nilabas ang spare niya na lab gown. Sinuot niya iyon at pagkatapos ay magkahawak kamay kami na pumunta sa kinatatayuan niya kanina. Napatingin ako sa gilid ng may mga braso na lumapat sa mesa. “Hi,” he greeted. “Are you really serious with the boring man here, huh?” “It’s better than to be with a man who stick his nose to everyone’s business.” Malamig kong saad. Napuno ng tawanan ang apat na sulok ng laboratory. Umakbay si Damien kay Miguel. “Do you want some aloe vera? Because you just got burned.” “Miguel, don’t make her mad,” Youji told him. “Go away.” “I was just making a conversation. Ang sungit mo  naman.” Inirapan ko ito at pagkatapos ay binalik ang tingin kay Youji. I gave him my sweetest smile and he laughed while shaking his head. Umalis na rin si Miguel sa aking tabi at bumalik na ito sa kanyang ginagawa. "Ano'ng ginagawa niyo?" "Tine-test namin ang Liquid Limit at Plastic Limit ng soil samples. We need to gather some datas to observe the consistency of soils." Tumango ako kahit hindi naiintindihan ang kanyang sinabi. "Ah." “Ito ang thesis niyo?” “This is just the part of it.” “I see.” Pinanuod ko lang ito sa kanyang ginagawa. He is so focused with work and hindi ko na rin ako nang-istorbo. Dati ay mas gusto ko na focus sa akin ang nagiging ka-relasyon ko, ngunit ng maging kami ni Youji ay naging mas mature ako na mag-isip. "Jiji, ayaw madurog n'ung lupa,” tawag si Rika sa kanya. I’m still not used sa nickname nila kay Youji. Simula kolehiyo ay magkaklase na sila at sabay-sabay ang mga ito na mag-masters. I also want to call him with that nickname, but I think I’ll cross the line and that will make him uncomfortable. Pinuntahan nito si Rika at tinulungan na mag-martilyo ng lupa. Nag-browse nalang muna ako sa aking phone para palipasin ang oras. Sapat na sa akin na magkasama kami ni Youji ngayon kahit wala sa akin ang buong atensyon niya. "Okay na 'yung temperature ng oven, Rika?" Youji asked. "Oo. Naipasok na rin 'yung first batch ng drying containers." "Good. Ilang samples pa?" "Sampo pa, Jiji. Bukas nalang 'yung iba," sagot ni Paulo habang tinutulungan si Damian sa hawak na lupa. "Oh, sige. Sasabihin ko nalang kay Dean Fernandez na hihiramin ulit natin 'yung lab bukas." I feel so out of place. Napabuntong-hininga ako. Baki tba hindi ko naisip na mag-Architecture or kaya ay Engineering? Bakit kailangan na Business-related course ang kuhanin ko? Damn, oo nga pala. Ito ang gusto ni Daddy para matuto ako na magpalakad ng kanyang negosyo. Hindi naman ako maaaring tumanggi dahil alam kong walang maidudulot na maganda iyon. Umupo ako sa isang tabi upang hindi makaabala sa ginagawa nila. Hindi na ako nag-offer pa ng tulong dahil baka ako pa ang maging sanhi ng kapalpakan ng thesis nila. Nagsimula na silang maghugas ng mga pinaggamitan nila at pagkatapos ay nag-ayos ng mga gamit. Habang pinapanuod sila ay napansin ko na sinusundan ni Rika ng tingin si Youji kahit saan man ito magpunta. Kumunot ang aking noo at hindi ko napansin na mahigpit na pala ang hawak ko sa aking cellphone. “They used to be an item.” Napatingin ako sa aking gilid nang marinig ang boses ni Miguel. Nasa tabi ko na pala ito at inaayos ang gamit sa kanyang bag. “Excuse me?” Ngumiti ito at napailing. “Don’t pretend that you didn’t hear what I said.” “What do you mean by what you said?” “Rika. She is Youji’s old flame. College sweetheart.” “So? Do you think I care?” Nagkibit-balikat ito. “Seems like you do.” “Alright. She’s a past. It doesn’t bother me.” Inirapan ko ito. Umayos ito ng tayo at nilagay sa balikat ang kanyang bag. “Yep. Keep convincing yourself, sweetheart.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagpaalam na ito kila Youji at lumabas ng laboratory. Lumipat ang tingin ko kay Youji at Rika, napasimangot ako nang ngitian siya ni Youji habang nag-uusap sila. Gusto kong malalam kung bakit sila naghiwalay at kung may nararamdaman pa ba si Youji sa babae na iyon. “Balitaan mo nalang kami kung ano’ng oras tayo magkikita-kita sa Saturday para sa presentation. Mauuna na kami ni Rika, may work pa kami na tatapusin.” Paalam ni Megan kay Youji. Tumango si Youji. “Alright. Drive safe.” Nanliit ang mata ko nang hawakan ni Rika ang braso ni Youji. “Ikaw rin. Mag-iingat ka.” Pasimpleng inilayo ni Youji ang braso mula sa hawak ng dalaga. “Bye.” Pagkatapos nilang umalis ay naiwan kami ni Youji sa loob. Nilingon niya ako at nanatili akong nakasimangot. Tinaasan ko ito ng kilay nang lumawak ang ngiti sa kanyang labi. “Parang papatayin mo na ako, a. Siya ang humawak, hindi ako.” “Huh? Hindi big deal iyon sa akin.” “Ibig sabihin ay nasabi na sa iyo ni Miguel?” Lumuhod ito sa aking harapan at hinawakan ang dalawang kamay ko upang idikit sa kanyang mga pisngi. “H-Huh?” “I saw you talking to him a while ago. Hindi bai yon tungkol sa amin ni Rika?” Nag-iwas ako ng tingin. “Siya naman ang nagkuwento. Hindi ako nagtanong.” “Talagang hindi kayang itikom ng lalaki na iyon ang bibig niya.” I cleared my throat. “So, uhm, you and Rika have a past, huh?” “Yup. We used to be together. There’s a lot happened in the past and we choose to break up our relationship to save our friendship.” “Okay. Hindi ko naman gusto na malaman ang buong istorya.” I avoided his intense gaze. “May past din naman ako na hindi ko kayang sabihin s aiyo.” “Yes, and I’m not pushing you to do that.” “Masaya pa lang mag-boyfriend ng mas matanda sa akin. Mas nagiging mature ako mag-isip.” “I’m spoiling you too much, baby.” Namula ang aking pisngi sa pagtawag nito sa aking ng ‘baby’. Hinalikan nito ang aking palad bago ito tumayo. “Tara na. Uuwi na tayo.” I pouted. “Akala ko ba sasamahan mo ako?” “Ah, oo ng apala. Today is your—” Napatigil siya sa kanyang sasabihin nang tumunog ang aking cellphone. Sabay kaming napatingin roon at nakita ang pangalan ni Papa roon. "You should answer it. I'll give you a little privacy." "Youji…" Hinawakan ko ang kamay nito. "Stay with me." Umupo ito sa aking tabi at hinawakan ang aking kamay. Sumandal ako sa kanyang balikat bago sagutin ang tawag ni Papa. "What time are you going home? Ipapasundo na kita." "May dala akong car, 'Pa." Malamig kong saad. "No, leave it. I want to assure na didiretso ka ng uwi dito sa bahay." "No way! Today is—" "I will not let you talk back to me again, you ungrateful child!” Tumaas ang boses nito kaya’t napaupo ako ng diretso. "I will go home whenever I want, you old geezer! Today is your former wife's, my mother, death anniversary and you didn't even bother to remember, you heartless piece of—" "Arynn…" I felt Youji squeezed my hand. Kinuha nito mula sa akin ang phone at itinapat sa kanyang tainga. "Hello, sir, this is Youji." "I understand.... Yes, I will take care of her... Yes, sir, I will... No, sir, it won't happen.... Yes, sir... Yes, sir, it's quite alright… No, sir... Yes, sir, before 8PM." Then he hung up and gave the phone to me. Kumunot ang noo ko. "Ano'ng sabi niya? Sinigawan ka ba niya?" "He just told me to accompany you to the cemetery, but he doesn't like the idea that we're alone so he kinda, uhm…" Tumaas ang kilay ko. "He what? Threatened you?" "No, love." He chuckled. "He hired two bodyguard for us, and they'll arrive in four minutes max." "What the hell!? Unbelievable!" "Love, don't be mad." He put his thumbs over my eyebrows and touched it sideways. "Iikli ang buhay mo." "Mas sumasama ang loob ko sa ginagawa mo, alam mo ba 'yun." "What did I do?" "Ilang oras ako nagkikilay tapos buburahin mo lang?! " Tumingin ito sa kanyang hinalalaki at natawa. "I'm... I'm sorry!" "Kailangan ko tuloy mag-retouch.” "You still look pretty even if you—" "Hindi ako mamamatay sa galit pero nakaka-diabetes ang pagiging sweet mo, 'Jiji'." I emphasized his friend's nickname for him. "Hey, you can't call me that. You're not my friend." Saad nito habang nakasabay sa paglalakad ko. Tinaasan ko ito ng kilay at tinarayan "And? What do you suggest being my endearment to you?" "Love or baby— that's what I call you." My eyes rolled. "You wish." He chuckled. "I will make you say it one of these days." "Make me go crazy and I might scream it for you." "Love, I can book tickets on Saturday if you want to ride a roller coaster." "Damn it, Youji, don't you know how to talk dirty?" "I know how..." He swallowed and avoided my gaze. "…just not within school premises." Napangiti ako at pinalupot ang mga braso sa kanyang bewang. "Great. I have something to look forward." “Young lady, behave! Parang mas matanda ka pa mag-isip kaysa sa akin.” “Don’t you know? Women experience a maturity rate of 21 years-old.” “Ewan ko sa iyo. Tara na nga, baka gabihin pa tayo.” Katulad ng napagkasunduan ay sinundo kami ng pinadalang bodyguard ni Papa. Masamang-masama ang loob ko dahil hindi kami makapaglandian ni Youji sa sasakyan dahil nakatutok sa amin ang dashcam. “Pulang-pula ang mukha mo, kinikilig ka ba?” “Bakit naman ako kikiligin? Nasa sasakyan lang naman tayo.” “Hindi nga?” “Kasalanan mo ito, eh. Dapat hindi ka pumayag sa gusto ng tatay ko.” Irita kong saad. Hindi ito umimik ng ilang segundo at narinig ko nalang ang malalim na paghinga nito. “Ilahad mo ‘yung kamay mo.” “Bakit?” “Basta ilahad mo nalang.” Ginawa ko ang kanyang sinasabi at nilahad iyon sa kanyang harapan na parang may sasaluhin. Sumimangot ito kaya napakunot ang akin noo. “Bakit sumama ang mukha mo?” “Ayusin mo naman. Parang sasalo ng ostia, eh.” “Paano ba?” “I-relax mo.” Huminga ako ng malalim kasi naiirita na niya ako. Ni-relax ko ang aking kamay at lumuwag ang pagitan niyon. Nabigla ako nang ilapat niya ang kanyang palad sa akin kamay. Sinakop nito ang aking kamay na siyang dahilan ng pamumula ng aking pisngi. “Kinilig ka na?” Lumingon ako palayo sa kanya at pinigil ang pagngiti. “Huy. Ano? Galit ka pa ba sa akin?” “Hindi na.” “Huh? Hindi ko marinig.” “Hindi na nga!” “Okay, good.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD