CHAPTER 6 – DISCIPLINARY

3326 Words
ARYNN DELA ROSA “Hi, mama.” Tumalungko ako at sinindihan ang kandila habang si Youji ay nilagay ang bulaklak. Lumingon ako at nakita na nakamasid pa rin ang bodyguard sa bawat kilos at galaw naming ni Youji. “Mama, si Youji nga pala. Boyfriend ko po.” Hinawakan ko ang braso ni Youji at inihilig ang pisngi roon. “Pogi, hindi ba? Magaling akong pipili, eh.” Mahinang natawa si Youji. “Lagi siyang naka-long sleeve na black kasi attractive daw iyon.” “I wanted to look professional, baby. I am not a college student.” “Oh, yeah. He’s taking his master’s degree in Architecture.” Nilingon ko ito. “Urban heritage preservation, right?” “Yes.” Dahil nakaramdam ng pangangawit ay bumitaw ako kay Youji upang umupo sa sahig. Ngunit bago pa man dumikit ang aking pang-upo sa sahig ay hinawakan ni Youji ang aking bewang para pigilan. “Ano ang binabalak mo?” “Nangangawit na ako, eh. Gusto ko umupo.” “Naka-heels ka pa kasi.” “I feel pretty when I’m in heels.” Hinila niya ako na siyang aking ikinagulat at iniupo sa kanyang hita. Napahawak ako sa kanyang balikat. “Y-Youji, hindi ka ba mangangawit?” “Magaan ka lang naman.” “Talaga? Hindi nga? Nagpapasikat ka lang ata, eh.” Natawa ito. “Hindi. Ayaw lang kita madumihan.” “Seryoso ka? Alam ko ang timbang ko, kaya alam ko na hindi ako kagaanan.” “I’m fine.” “Okay.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay bigla itong napaupo sa damuhan ngunit nanatili ako sa ibabaw ng kanyang hita. Sabay kaming natawa ang tinampal ko ang balikat nito. “Sabi mo, hindi ako mabigat?” Pinaikot nito ang mga braso sa aking bewang. “Hindi ka mabigat. Nangawit lang ako.” Lumingon ako kay Mama. “Ang sweet ng boyfriend ko, Mama.” “Bata ka pa pala noong namatay ang mama mo.” “Noong bata ako, pinagsasabay ni Mama ang trabaho niya, pag-aalaga sa akin, at pag-aasikaso kay Papa.” Huminga ako ng malalim. “Madalas silang mag-away ni Papa dahil hindi nagagawa ng maayos ni Mama ang responsibilidad niya bilang asawa.” “Arryn…” “It’s okay. Gusto kong malaman mo.” I sighed, again. “I attended one of her concerts, she was mesmerizing. But she didn’t finish— she collapsed due to fatigue. Binantayan ko siya sa ospital pero hanggang sa ma-discharge siya ay hindi siya binisita ni Papa.” _____________________ “Mama, bakit hindi pa pumupunta si Papa? Hindi ka ba niya dadalawin?” “Busy si Papa. Saka dinalaw niya ako habang natutulog ka.” “Okay po. Kamusta po ang pakiramdam niyo?” “Mabuti na.” Ngumiti ito ng matamis na siyang bumuo sa aking araw. Niyakap ko ito. “Maraming beses ako nag-pray, Mama. Lahat ng wish ko, kasama ka.” “Salamat, baby ko.” Ilang araw nang ma-discharge si Mama at nagsimula muli ito sa dating ginagawa niya. Ipagluto ako bago pumasok sa school, ayusin ang gamit ni Papa, at pumunta sa rehearsal niya. Ngunit isang hapon pag-uwi ko ay naabutan ko na nag-aaway sila sa living room. Umikot ako papuntang pool deck at umupo sa upuan roon. Magkagayunman, naririnig ko pa rin ang malalakas na hiyawan. “Palagi mo nalang akong dinidiktahan kung ano ang dapat kong gawin at kung sino ang dapat kong lapitan! Mabuti pa ang maghiwalay na tayong dalawa!” Napatakip ako sa aking tainga nang marinig ang hiyaw ni Papa. “Hindi. Hindi ako papayag. Kaya pa natin na ayusin ito. Hindi ko naman ginusto na mag-iskandalo kanina. Nagulat lang ako nang yakapin ka niya. Nakikita ko ang bawat titig na binibigay sa iyo ni Maricris. Hindi ako bulag, Alfonso.” “Hindi ka naman pala bulag, pero bakit hindi mo makita na walang namamagitan sa amin?” “Huwag mo akong gawing tanga! Alam ko na magkasama kayo habang nasa ospital kami ng anak mo! Tumawag sa akin ang kasambahay na may babae kang inuwi sa bahay.” “Malakas ang ulan at tumirik ang sasakyan niya. Tumutulong lang ako.” “Alfonso, akala ko nagbago ka na. Ginawa ko ang lahat para sa iyo pero ito ang igaganti mo sa akin. Tiniis ko ang lahat para sa pamilya natin.” “Arriane, pinilit ko rin naman pero hindi ko talaga kaya. Umuuwi nalang ako sa bahay na ito dahil kay Arryn.” “Ano ang kulang, Alfonso? Saan ako nagkulang? May hindi ba ako nabigay?” “Ito ang katotohanan, Arriane, kalian man ay hindi kita minahal. Pinakasalan kita dahil nabuntis kita, hanggang doon lang iyon.” Hindi ko na kaya pang pakinggan ang mga sinasabi ni Papa kay Mama kaya’t lumabas ako ng gate naming at tumakbo ng tumakbo. Pati ako ay nasasaktan sa bawat salitang binitiwan ni Papa kay Mama. Natuloy ang paghihiwalay nila at ginamit ni Papa ang lahat ng koneksyon niya upang mapunta ako sa kanyang pangangalaga. Binigyan nila si Mama ng piling araw upang bisitahin ako ngunit minsan ay hindi iyon pinapayagan ni Papa. Nang sumapit ang kaarawan ni Mama, tumakas ako upang pumunta sa kanya. Nalaman ko kasi na may concert ito at nais kong sopresahin siya. Habang pinapanuod ito sa kanyang pagkanta ay tumulo ang masaganang luha sa aking mga mata. Tila namamaalam ang tinig nito, tila may nais siyang abutin na kailanman ay hindi niya mahahawakan. Ang lahat ng manunuod ay umiiyak sa kanyang awitin. Nang matapos ang concert ay agad akong pumunta sa backstage upang ibigay ang regalo na matagal kong pinag-ipunan. Ngunit sinabi ng mga staffs na pumunta sa roof top si Mama upang magpahangin. Sinundan ko ito sa itaas. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakatayo ito sa ibabaw ng parapet wall. Hinahangin ang kanyang malago at itim na buhok. Tila isang Diwata ito habang sumasayaw sa hangin ang kanyang puting damit. “Mama—” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang tumalon ito mula sa tinutungtungan. Nanlalaki ang aking mga mata. Ang ugong ng ambulansya— ang pagkakagulo ng mga tao— hindi ko na sila marinig. Parang gumuho ang mundo ko habang dahil sa pangyayari na iyon. Ilang araw akong hindi makatulog at makakain ng maayos. Kinailangan ni Papa na ilagay ako sa maraming therapy session upang malimutan ang pangyayari. Pagkatapos niyon ay umiyak na ako ng umiyak. Tila lumamig ang paligid at hindi ko matanggap na wala si Mama. Ngunit hindi doon nagtatapos ang paghihirap ko bilang isang anak. Dahil wala pang dalawang taon simula noong namatay si Mama ay nagpakasal na muli si Papa— kay Maricris. _________________ “So, ayun, kaya hindi kami magkasundo ni Papa.” Nilingon ko ito at ngumiti. Nilagay nito ang kamay sa likod ng aking ulo at hinila hanggang sa dumikit ang aking pisngi sa kanyang balikat. “It wasn’t easy.” “Yes.” “You held it in for too long.” “Only Sassy knows the whole story.” I whispered. “Thank you for trusting me.” “And I dated you because you’re the complete opposite of my father,” I said. “And I love you, of course.” “I love you.” “Thank you, Youji. Despite of my bad reputation in school—” “We have past we cannot change. And that’s alright, little girl.” Putol nito sa aking sasabihin. “L-Little girl? You speak to me like we have 50 years age gap!” Inirapan ko ito. Maglalandian pa sana kami pero sumingit na ang bodyguard namin. “Miss Arryn, sabi po ng Papa niyo ay umuwi na kayo.” “Hindi pa kami tapos.” “Kapag daw po hindi kayo umuwi, magbabasag siya ng isang glass figurine sa bawat oras na late kayo.” Natigilan ako. “That damn animal!” Tumayo na ako at ganoon rin si Youji. Nagliliyab ako sa galit ngunit agad ring humupa nang hawakan ni Youji ang aking kamay. “What’s wrong?” “Those figurines are my Mama’s collection.” “Let’s go then.” Tumingala ako sa kanya at niyakap ito ng mahigpit. He feels like home. “Thank you, Youji, for being my peace of mind.” He kissed the top of my head. “And you bring excitement to my boring life.” Ibinaba namin si Youji sa school dahil naroon ang car niya at ako naman ay umuwi na sa bahay. Nakaramdam ako ng lamig dahil wala ito sa aking tabi. Kinabukasan ay naabutan ko si Sassy na nasa parking area at nakatayo sa ilalim ng mayabong na puno. Nilapitan ko ito. "Bakit ganyan ang mukha mo? Kasalanan ba 'yan ni Tyron from England?" "Huwag mong mabanggit-banggit ang pangalan na 'yan ha. Kinalimutan ko na siya." Nauna na itong maglakad at dali-dali ko siyang sinabayan. Kailangan kong marinig ang tsismis na ito. "Ano ang nangyari? Break na kayo?" "Susunduin daw niya ako kahapon. Pero inamag na ang puwit ko't lahat, hindi pa rin siya dumadating. Tapos tumawag siya sa akin kagabi, inaya daw siyang makipag-inuman ng mga kaibigan niya kaya hindi niya ko nasundo. And then, noong uuwi na ako, muntik na akong maaksidente. Sinabi ko sa kanya." Tumigil ito at humarap sa akin. “Alam mo ba kung ano ang sagot niya?” “Uhm, sorry?” I guessed. “No!” Nagulat ako sa pagtaas ng boses nito. “He said, take care next time! Life is precious.” “Oh.” Tanging nabanggit ko. “Anyway, let’s not talk about him na. I will never ever reply to his messages again! That son of a bitch.” Batid ko ang matinding galit niya. Habang nagre-review kami para sa exam ay may tumabi sa akin. Nilingon ko ito at nakita si Drake. Hindi umiimik si Sassy dahil busy ito sa pagtipa sa kanyang cellphone. "Hey there, babe." Babe? Tayo ba? "Don't 'babe' me, Drake." Inabot nito ang ilang hibla ng aking buhok at iniikot iyon sa kanyang daliri. "Are you dating Youji Ismael?" "That's none of your business." Malamig kong saad. "Nice guys are boring, babe. I bet, he's still a virgin. He's out of your league. He's a monk. You'll toss him in a week. Why don't you stay with me tonight?" "I'm already tired of you, Drake. Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa akin." "Damn, you really like him, huh? Hindi ko alam na kaya mo palang magmahal, Arynn Dela Rosa." Hindi ko pinansin ang pasaring nito. "Well, good luck with that, princess." Umalis na si Drake at muling tumahimik ang mundo. Ngunit wala pang limang minuto ay may tumabi na sa akin muli. Napabuntong-hininga ako at lumingon sa aking kaliwa. "Hi, Arynn." Si Megan, isa sa mga kasama ni Youji sa research. Kasama niya rin si Damian at nakatingin ito kay Sassy habang nakakunot ang kanyang noo. "You're Arynn's friend? What a small world." Natatawang saad ni Damien. "Kilala ninyo ang isa't-isa?" "Siya iyong muntik ng makaaksidente sa akin kahapon." Sagot ni Sassy na may halong pagkairita. "Can we sit here, miss?" Mapait siyang nginitian ni Sassy. "Of course not, you creepy bastard. Go away!" "How am I creepy?!" "Bakit hindi niyo kasama si Youji?" Tanong ko upang putulin ang tensyon sa pagitan nila. "Nasa office ng Daddy niya, may inaayos ata silang proposal." Ang sumagot ay si Megan. "Si Drake Concepcion 'yung kausap mo kanina, hindi ba? You look good together." Natunaw ang peke kong ngiti at malamig na tiningnan si Megan. “Yes, that’s Drake. You know him? Are you one of his fans?” “I just know him.” “Does he know you?” “No—” “Too bad he doesn’t know you exist.” Putol ko sa kanyang sasabihin. Naglaban ang aming titig. Walang gusting magpatalo. I’m so used to this. Hindi ko alam kung bakit ganito ako tratuhin ng mga female friends ni Youji. Ang hinala ko ay hindi nila ako gusto para kay Youjio dahil pinag-aayos pa nila si Youji at Rika at bigla akong lumitaw sa eksena. Well, too bad for them, Youji fell in love with me. Wala ng makakapagpabago niyon. Akin siya. "Megan, let's go. Bakit mo ba inaaway si Arynn?" Damien said. “I’m just being friendly.” Hinila na siya ni Damien pang ilayo sa akin. Inirapan niya ako bago ito magpadala sa hila ni Damien. “Bye, Sassy. See you around.” “Pay for my hospital bills, you jerk.” “I gave you band aids.” Sassy groaned. “Get away from my sight!” Tumawa lang si Damien at naglakad na palayo sa amin. Napansin ko na may sinasabi pa si Megan sa kanya na para bang nagsusumbong ito. Hindi ko na iyon inisip at bumalik nalang sa pagre-review. "What's wrong with her?" Napatingin ako kay Sassy. “She is so mad at you.” Nagkibit-balikat ako. “I don’t know. She’s being a protective friend, I guess.” Natawa si Sassy nang sabihin ko iyon. “What a good apostle.” “Yeah. Hindi siguro niya iniiwanan ang kaibigan niya sa inuman para lang sa lalaki na galling England.” Sinimangutan niya ako. “Can we not talk about that?” “Alright, alright.” Natapos ang exam naming at pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Sumasakit rin ang ulo ko dahil sa init ng panahon. “Ang init naman ng Pinas!” Reklamo ni Sassy. “Tapos puno pa iyong library, at pati na iyong tinatambayan natin.” “Sa sasakyan nalang tayo. Nasa lilim naman iyon tapos buksan natin iyong aircon.” “Good idea. Let’s go!” Habang naglalakad kami papunta sa parking area ay nagchichismisan kami tungkol sa mga kaklase na nahuli naming na may kodigo o di kaya ay nagko-kopyahan. Well, that’s college. It’s normal. Napahinto ako sa tapat ng pinto ng driver’s seat dahil may nakalagay na sunflower roon at may note na nakadikit sa bintana. Good luck with your exam. In China, people associate sunflowers with long life, good fortune, and vitality. I miss you. – Your Santillan “Wow! Sana all.” Hindi ko napansin na nasa likuran ko na pala si Sassy. “Umuusok na naman po ang pipi niya sa kilig.” “Ang sweet niya, hindi ba? Ngayon lang may gumawa sa akin ng ganito.” “Oo na! Swerte ka na. Buksan mo na iyong kotse, malapit na akong maging baga.” Nasa loob ako ng kotse at nagpapalamig. Inihiga nito ang upuan at umayos roon. Naisd aw niya na magpahinga muna dahil napuyat siya dahil sa exam. Halos isang oras na ang nagdaan ay hindi pa rin nagre-reply si Youji sa message ko sa kanya. Napabuntong-hininga ako at pinili nalang na pumikit. Ngunit napabalikwas ako nang tumunog ang aking phone at mabilis kong tiningnan iyon. From: My Santillan Babe, how are you? How’s the exam? Sorry, I didn’t respond to your messages. I was in an important meeting. Glad you like the flower, it’s from my Mom’s garden. When she saw me holding that flower, I got hit with her slippers. Tumipa ko ng mensahe para sa kanya. To: My Santillan Yes, it’s so pretty! Ito ang unang beses na naka-receive ako ng flowers kahit hindi ko birthday. Nai-imagine ko ang galit ni Tita sa iyo habang hawak mo ito. Bakit ka kasi pumipitas ng hindi mo tanim? He replied, ‘I think of you when I saw it bloomed.’ Napabuntong hininga ako at tumipa ng mensahe. ‘I’m in my car, it’s hot outside. Wish you were here.’ Wala pang ilang segundo ay nag-reply na ito. ‘Anong oras ang next subject mo?’ I replied, ‘Mamayang 3PM pa. I still have 2 hours break. What should I do? I’m bored.’ He replied, ‘Wait for me.’ “Alam mo, kinakabahan na ako sa iyo. Nakangiti ka habang nagcha-chat.” “Inggit ka lang.” Binuksan nito ang pinto. “Saan ka pupunta, girl?” “Bibili ako ng ice cream. Nagugutom ako.” “Pabili ako ng lollipop, ah. Grape flavor.” “Got it.” Halos kalahating oras na ang nagdaan ay wala pa rin si Sassy, malamang ay may nakita itong guwapo at sinundan niya iyon. Itinaas ko ang aking mga paa sa upuan at humiga ng patagilid. Nairing kong bumukas ang pinto at sumara iyon ngunit hindi pa rin ako lumilingon. “Sassy, hindi na ako ni-reply-an ni Youji. Marami siguro siyang ginagawa.” Napabuntong-hininga ako. Wala akong narinig na response mula sa kanya. “Sassy, pwede ba akong humati sa ice cream mo? Nai-stress na ako.” Naramdaman ko ang magaspang na tela na pumatong sa aking hita kaya napabalikwas ako at lumingon. Ngunit hindi ako nakapagsalita nang makita si Youji na nakaupo sa passenger seat. “Hi.” “You’re here!” Niyakap ko ito ng mahigpit. “Akala ko may meeting ka?” “Tapos na. Naayos ko na, pero babalik ako mamayang 4PM. Io-offset ko itong time natin.” Lumayo ako ng kaunti at pinunasan ang pawis na namuo sa noo nito. “Hala. Dapat hindi mo na ako pinuntahana, baka gabihin ka ng uwi mamaya.” “Hindi. Okay lang. Saka may ipapasa rin akong document sa research adviser namin.” “Okay.” Pinanatili ko ang mga kamay sa magkabilang-pisngi nito. Unti-unting lumapit ang kanyang mukha sa akin. Sumilay ang ngiti sa aking labi. “What are you doing?” “I don’t know.” Huminto ito. Tumawa ako ng mahina at inilapit ang aking katawan sa kanya. “I just ask what you’re doing but I didn’t say stop.” My heart pounded so hard I was sure he could hear it. I couldn’t help myself. I looked at his mouth and saw his lips. I leaned forward and kissed him, sucking his bottom lip into my mouth. He moaned against me. Pinaloob ko ang aking kamay sa black shirt nito at tinulak siya upang sumandal sa upuan. Ginawa ko ang lahat upang makaupo sa ibabaw ng hita nito habang hindi naghihiwalay ang aming mga labi. I explored him like he was an unknown continent, and I was his conqueror. Halos bumaon ang kuko sa dibdib nito sa sobrang sarap niyang humalik. Hinawakan ko ang isang kamay niya at tinangkang dalin iyon sa aking dibdib. He caught my wrists before I could manage to put his hand on my chest. “Not yet,” he said. Parehas kaming habol ang paghinga. "I thought you're an old-fashioned type of guy. Bakit ang galing mong humalik?" "Old-fashioned? Where did you get that idea?" Nabigla ako. "You're not?" "I am a nice guy but that doesn't mean I don't know how things should be done." "You're full of surprises." Pinagdampi ko ang aming noo. "Kiss me again.” "Oh, someone's got addicted." "Can't help it." "We're still in the school, in case you haven't noticed." Humaplos ang kanyang kamay sa aking hita ngunit agad din niyang itinigil. Binibitin niya talaga ako. "Right. We don't want to go to disciplinary office because of this, do we?” I said, seductively and my thumb touched his lower lip. He let out a growl and squeezed my thighs. Hahalikan ko pa sana ito ngunit natigilan kami dahil sa katok ng narinig mula sa bintana ng sasakyan. Nakasilip roon ang nakasimangot na mukha ni Sassy. “Tapos na ba kayo? Pwede na ba akong pumasok? Napakainit kasi dito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD