Maaga palang ay nakagayak na siya papasok sa kanyang trabaho. Maaga siyang nagising upang i print ang ilang mga test papers na gagamitin niya para sa weekly test ng kanyang mga estudyante.
Medyo mabigat ang kanyang dala ngunit sanay na siya lalo at weekly ang pagbibitbit niya ng ganun kabigat na dala.
Paglabas palang niya ay nakita na niya agad si Jonas na nasa gilid ng gate.
"Carissa! Good morning, hihingi sana ako ng paumanhin sa naging asal ko kahapon!" Bungad nito. Sino ba naman siya para humusga at di magpatawad.
"Okay lang, medyo nainis lang ako sa approach mo." Sabi ko dito na pilit inaayos ang dala dala niyang mga bags.
"Hayaan mong tulongan kita bilang pambawi sa nangyari kahapon." Sabi nito. Napaisip siya why not? Makakapagpahinga pa ang kanyang braso sa pagdadala ng mga dalahin niya.
"Sige ikaw ang bahala!" Sabi ko na iniabot ang mga dala niyang pilit nitong kinukuha.
"Whoa, mabigat pala tong dala mo. Dapat nagpapahatid ka lagi sa nobyo mo!" Sabi nito. Tila nanghuhuli lang naman ito tuwina ay ganito naman ang style ng mga lalaki. Para alamin kung single ang isang babae.
"Wala po akong nobyo para pagbitbitin ko ng aking mga bagahi." Sabi ko dito, nakita niya na tila nabuhayan ng loob ang lalaki. May sa hukage din palang talaga.
"Ang swerte ko naman pala kung ganun, ahm magpapaalam sana akong manligaw sayo." Prangkang sabi nito. Ayaw niyang magbigay ng false hope sa isang tao kaya mas nanaisin niyang tapatin ang lalaki.
"Sa totoo lang ay marami pa akong nais gawin sa buhay. At naniniwala akong ang pagkakaroon ng nobyo ay sagabal lang sa pag unlad ng isang tao." Sabi ko dito.
"Hala grabe naman yan, di naman ako palagi dito baka sa sunod na buwan ay babalik na ako ng barko. Kaya naman sinisigurado ko na di ako magiging sagabal sa mga pangarap mo." Sabi nito.
"Sa ngayon ay di pa ako handang pumasok sa isang relasyon." Sabi ko dito.
"Di parin ako nawawalan ng pag asa, hayaan mo nalang na ipakita ko sayo na karapat dapat ako sa pagmamahal mo." Sabi nito na ikinangiwi ko.
"Basta sinabihan na kita, salamat sa paghatid!" Sabi ko dito bago ako pumasok sa gate ng eskwelahan. Mabilis naman akong tinulongan ng guard na nakaduty.
"Ingat ka!" Sabi pa nito. Nahiya siya bigla lalo at nakita niyang nakasilip ang kanyang mga katrabaho mula sa bintana ng faculty room nila.
"Salamat!" Yun lang at sumunod na ako sa paglalakad ni Kuya Lito.
"Mabuti at hinatid kayo ng nobyo niyo Ma'am, napakabigat po pala nitong bag niyo!" Sabi ng guard na si Mang Lito.
"Naku Kuya di ko po Nobyo iyon, nagmalasakit na kapitbahay lang!" Sabi ko dito.
"Wow taray ng Lola natin may pahatid! Gwapo yung nobyo nyo Ma'am!" Bulalas ni Pen.
"Di ko po nobyo yun, kapitbahay lang! " Sabi ko sa mga ito.
"Naku ito naman masyadong showbiz ang sagot. Okay lang naman kung may nobyo kayo Ma'am normal lang yun. Ang di normal ay ang pumapatol sa may asawa, e dalaga naman kayo kaya wala akong nakikitang problema." Si Sir na nakikinig pala.
"Bahala na nga kayo diyan kung ayaw nyong maniwala." Sabi ko nalang. Napakahirap na magpaliwanag sa mga taong buo na ang paniniwala sa sarili nila.
Pag labas niya ay nakita niya si Kelly sa may gilid ng kanyang pinto ng kanyang classroom.
"Hey Miss! Here o!" Sabi nito na may iniabot na chocolates sa isang basket. Mukhang mamahalin at pawang mga imported malamang. Di niya maintindihan kung bakit siya nito binibigyan ng chocolates. Last time she check e masungit ito sa kanya at laging nakasimangot pag linalapitan niya.
"What is this?" Tanong ko dito.
"Peace offering po, anyway are you alright now?" Tanong nito sa kanya. Tila matanda talaga ang kausap niya masyadong aral ang bawat kilos ng bata.
"Yes I am perfectly fine thank you! There is no need to give me anything I can still be your friend even without this." Sabi ko dito. Na pilit na binabalik ang binigay na nitong chocolate kahit na nagtutubig ang bagang niya. Mukhang masarap pa naman ang dala nitong chocolates.
"No! you need to accept it, magtatampo ako sayo if you refuse to accept that! " Sabi nito kaya kinuha ko nalang baka tuloyan na naman nitong isara ang sarili sa lahat ng tao sa paligid nito. Dahil maaga pa ay wala pa ang kanyang mga estudyante. Sumunod ito sa kanya sa loob ng kanyang advisory classroom.
"Nag almusal kanaba?" Untag ko sa pananahimik nito.
"Yes, Yaya feed me earlier. How do you feel when your parents died Teacher?" Maya maya ay tanong nito.
"What I felt? I am so helpless that time. I felt like i've lost my breath with them too. I love all of them but they leave me alone." Sabi ko. Dahil tapos na ang kanyang mga gagawin ay may panahon na siya upang magpahinga na muna.
"Did you ask god? Why they leave you? Are you in pain during that time." Tanong nito.
Yes mahirap na maging isang ulila lalo na pag ang sanhi ng kamatayan ng pamilya mo ay isang trahedya.
"Yes at first I blame god for what happened, but my therapy help me." Sabi ko dito. Iniabot ko dito ang ilang piraso ng chocolate na kinuha naman nito.
"My mom died too! But she is not the best mom in the world she is always mad at me, she always nag and leaving me for her shopping and gimmicks!" Sabi nito na gumulat sa kanya.
"She is died?" Tanong ko dito.
"Yes, she's been killed by her boyfriend!" Kwento nito. Ni hindi mo mababakas ang lungkot sa pagkukwento tungkol sa Mommy nito.
"H-how about your father?" Tanong ko dito.
"Daddy? Will he is the busiest man in the planet! He always send me a Nanny, a driver, a bodyguard he don't have time for me too. I spent my birthday alone and even christmas I am spending it alone." Sabi nito na tila dumurog sa puso niya.
"But he loves me! He call me before I sleep. Asking me how I am doing in the school unlike Mommy that hurting me is the past time." Kwento nito. So this is where her anger came from.
"That's a relief then, amybe he is just busy. Beside he is just doing his best for your future." Pag aalo ko dito.
"Yes, maybe ahm teacher can I ask you a favor?" Tanong nito bigla.
"Yes?" Tanong ko dito.
"Can I celebrate my eight birthday with you?" Tila nag aalangan pa nitong tanong. Ngumiti ako dito who is she to refuse. I understand her and she don't hava the heart to say no.
"Yes of course!" Sagot ko dito. Nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito.
"Thank you teacher, I need to go now!" Paalam nito. Siya naman ay naiwang nakatitig sa bulto nitong papalabas ng silid.