CND

1860 Words
Nalaman niyang araw ng sabado ang birthday ng bata. At ngayon ang problema niya ay ang ireregalo sa bata, may mga naiisip siya na bilhin para dito pero naisip niya na di na kailangan ng bata ang mga materyal na bagay kasi halos lahat ng bagay ay kaya naman bilhin ng ama nito para sa anak. Kaya nagpagawa na siya nung nakaraan ng pang regalo niya. "Samahan mo na ako." Pamimilit niya sa adviser ng bata. Hindi niya kasi alam ang kanyang pupuntahan baka mamaya ay mata pobre ang pamilya ng bata, o baka naman ay sa sobrang sosyal ng mga tao doon ay di na niya magawa pang malunok ang pagkain. "Carissa naman e, alam mo naman na di ko kasundo ang batang iyon e." Reklamo nito. Bagamat nagrereklamo ito ngayon ay alam niyang wala itong magagawa pag siya ang nagyaya dito. "Sus, chance mo na ito para maintindihan ang ugali na meron ang estudyante mo. Tsaka pababayaan mo ba naman ako diba? What are friends are for." Pangungunsensya niya dito. Bagamat nag aalangan siyang pumunta sa birthday ng bata ay ayaw naman niyang biguin ang bata, masyado na itong maraming rejection para dagdagan niya pa. Maybe she seems like a Tigres pero deep inside that child is a weak and wounded heart. "Oo na sasama na, basta ha run run din pag may time." Sabi nito bago lumabas ng kanyang room. Napangiti siya sa sinabi nito, ang isa sa hininging kondisyon nito sa pagsama ay pag may mang away daw sa kanila ay lalayas agad sila sa venue. Kahit kung siya man siguro ang maka experience ng ganun ay yun din ang gagawin niya. Bakit niya ipagsiksikan ang kanyang sarili sa lugar na di siya welcome. Nang mag lunch break ay kinuha na niya ang pinagawa niyang personalized shirt para sa Daddy nito at sa bata. Bahala ang ama nito kung gagamitin o hindi. Ibibigay niya mamaya para advance mas maganda sana kung maisuot ng mga ito sa araw ng kaarawan ng bata. O sa family day, iba parin kasi ang impact ng may panahon ang magulang sa mga anak nito. Nang mag uwian ay inabangan niya ang bata sa gate. Matagal tagal din ang hinintay niyang sandali bago niya namataan ang bata. Kagaya ng ibang araw na nakikita niya ito pauwe, malungkot ang mukha nito lalo na ng mapatingin ito sa mga kaklase nito na may mga sundong Nanay at Tatay. "Hi, birthday gift ko pala." Sabi niya matapos na bigyan ito ng sincere na ngiti. Alam niyang kailangan nito ng atensyon, gusto niyang magalit sa ama nito. Paano nito naatim na di magbigay o maglaan ng oras para sa anak. Minsan lang bata ang anak kaya dapat habang bata pa sila ipadama natin sa kanila na nandiyan tayo. Dahil di naman habang buhay e bata sila, para maging happy at memorable man lang ang childhood ng anak nito. It could be something to remember. Marami ang mga bagay na namiss nito sa pagiging magulang nito. Wala pa siyang anak pero dahil yun naman ang nature ng trabaho na meron sila ay alam niya ang pakiramdam ng ganun. Yun bang saya mo sa tuwing may nakikita kang changes sa mga bata. Their laughter somehow become her reason to move on, and stay positive spirited in spite of the things she'd been through. Those laughter give her the joy that help her smile again. Yung mga panahon na akala niya ay di niya kakayanin ay iyon ang naging tila therapy niya sa tuwing nilalamon siya ng matinding kalungkotan at pangungulila sa kanyang pamilya. "Di ka pupunta sa birthday ko?" Tila nalugi ang mukha nito habang sinasabi iyon sa kanya. Tila gusto niyang umatungal sa harap ito, dama niya ang sakit sa mga salitang namutawi sa mga labi nito. Pero pinigilan niya ang kanyang mga luha at lumuhod upang pumantay sa height nito. Kunwari matangkad lang siya na may palugod luhod pang nalalaman. Hinaplos niya ang mukha nito at tinitigan ang mukha nito. "Of course pupunta kami ni Teacher Pam. Okay lang ba sayo kung isasama ko siya?" Tanong niya dito, di niya alam kung ano ang next move pag sabihin nito na ayaw nito. Tila namamawis ang kanyang kilikili habang naghihintay sa maaring maging sagot nito. Ina anticipate niya kung ano ang maging sagot ng bata, sa dulong bahagi ng kanyang isip ay umaasam siya na mapapapayag niya ito. Ang hirap kaya na sumugod sa ibamg lugar na wala man lang kausap, baka mapanis ang laway niya doon. Tumingin muna ito sa kanya bago nagsalita. "Baka po ayaw akong makasama ni Teacher, mas favorite niya po kasi sila Chloe e." Sabi nito. Mukhang nagseselos ito sa atensyon na binigay ni Pam sa mga kaklase nito. "Siya nga ang nagsabi na gusto niyang sumama sa birthday mo e." Sabi niya dito. "Talaga po? Naku e welcome na welcome po kayo sa party ko. Kaya lang baka di po makaka attend si Daddy. Ayos lang po ba na si Yaya at sila Manang ang mag entertain sa inyo Miss Crissa?" Tanong ng bata na tila nahihiya. Parang nilamukos ang puso niya sa sinabing iyon ng bata. "Nandun ka naman e ikaw ang pinaka importante na nandun dahil birthday mo. Sige ganito nalang ito ang number ni teacher, tawagan ko ang Yaya mo para alam namin kung saan ang venue ng party mo." Sabi niya dito. Walang halong pang uuto ang sinabi niya dito. She want to be a part of this kid childhood. Gusto niyang maiparamdam dito na masaya ang childhood life. "Sige po, Manong can you please tell Miss Crissa our address." Sabi ng bata sa driver na siyang sumundo dito. "Bakit po Miss Kelly? May problema po ba Ma'am?" Tanong ng driver sa kanya. "Ay wala po Manong nag invite kasi si Kelly sa amin para sa birthday niya." Sabi niya sa matanda. "Naku ganito nalang po ma'am, susundoin ko nalang po kayo at ihahatid para di na po kayo mahirapan na mag commute." Sabi ng matanda. Gusto niya sana na i insist ang kanyang nais na pumunta doon ng di kinakailangan na sundoin at ihatid pa. Nakakahiya naman baka isipin nito na masyado silang feeling VIP. "Naku baka makaabala pa po kami sa inyo." Nahihiya niyang sabi na tumayo na ng maayos. "Wala pong problema yun Ma'am, sige po Miss Crissa mauna na po kami sa inyo." Sabi ng matanda. Kumaway pa ang bata sa kanya. Napangiti siya habang tinatanaw ang papalayong bata, she saw the other side of the kid. Hindi ito spoiled brat, sadyang kulang lang ito sa atensyon at pag unawa kaya ganun ang behavior nito towards other people. She seems to be the sweetest pero walang tao na gusto ito makasama. "Hulog na hulog na talaga ang loob mo sa batang yan." Puna ng kanyang kapwa guro na si Miss kate. "Di naman masyado, na curious lang ako sa attitude niya. She seems to be different from those children's. May mayayamang mga estudyante din naman tayo dito but she is the exemption. Bully, maldita at masyadong grumpy ang bata na tila ba ay walang masayang alaala ang bata. "Haist she seem to be different these past few days daw." Sabat ni Jonas. "Bakit? Sino ang nagsabi sayo?" Tanong niya sa lalaki. "Si Pam, mas naging ganado na daw sa pag aaral ang bata. Di na din ito gaanong nakikipagtalo kay teacher about sa mga pamimilosopo nito tungkol sa history na subject, sa halip na maglaro ito kagaya ng ibang bata ay sa isang tabi lang ito. Tahimik lang habang pinapakinggan ang discussion." Sabi pa nito, nakakaproud na malaman ang naging changes ng bata. "At least di na mahihirapan si Pam sa pagtuturo."sabi niya na inayos ang pagkaka kipkip ng mga papel na dala dala niya. Mga test papers iyon ng kanyang mga estudyante, may mga subjects naman sila na online nila isinasagawa, pero para sa kanya iba parin ang feeling ng may papel na sinusulatan ang mga ito. Madalas niya pang ginagamit ang makalumang paraan ng pagtuturo sa kanyang mga estudyante. Although iba na ang mga pamamaraan ng pagtuturo ngayon ay nagawa niya paring isingit ang kanyang nakasanayan na way ng pagtuturo sa mga estudyante niya. "Ang dami dami mo na namang bagahi, you can just do it online." Sabi ni Hannah sa kanya. Mga senior high ang hinawakan ng babae, dangan nga lang ay sa kabilang gate ang mga ito. Nahati sa dalawa ang school na iyon, ang primary and preschool at sa kabila ang high school at ang senior high school. "Gusto ko kasi na ma experience din ng mga bata ang mga pamamaraan ng pagturo ng mga time natin." Sabi niya dito. "Ako gusto ko din sana kaya lang natatamad ako bhe, di naman matutumbasan ng pera ang hirap nating mg guro." Sabi ni Janice na kinuha na ang ilang mga papel na dala dala niya. "So ano, tuloy ba ang pagpunta niyo sa bahay nila Kelly?" Untag ni Jonas sa kanya. Halos wala ng tao sa school, sila sila nalang kaya ito naglalakad na sila pauwe. "Oo bhe, pumayag na din siya na isama ko si Miss Pam, alam mo bang nag alala siya na baka ma disappoint kami kasi ang Yaya at ang mga kasambahay lang daw ang mag entertain sa amin ni Miss Pam." Sabi niya kay Jonas. "Grabe naman, may Daddy naman ang bata diba." Sabi ni Pam na nakasunod sa kanila. "Malay ko, ayaw ko na magtanong baka maging sensitive ang bata sa ganung usapin." Sabi niya. Naiwan sila ni Jonas dahil mas mabilis ang lakad ng mga kasama nila. "May chicka ako sayo bebe, alam mo bang gwapo si Mr. Domingo." Sabi ng bakla na tila kilig na kilig pa. Napakunot naman ang noo niya sa kanyang narinig, di yata niya matandaan na may napag usapan silang Mr. Domingo kanina. Tila sinapian na naman ang bakla at naalala na naman ang mga gwapo na pinapantasya nito. "Sino naman ang Mr. Domingo na ito?" Tanong niya dito. "Hoy Bruha ang daddy ni Kelly ang sinasabi ko na Mr. Domingo." Sabi pa nito sa kanya. Napangisi naman siya na tumingin dito. "Ah akala ko sinapian kana naman at nakaalala kana naman ng mga gwapo." Tudyo niya dito. "Alam mo naman na hanggang pantasya lang ang lola mo." Sabi nito na umagapay na ng lakad sa kanya. "Anyway pasensya kana sa inasta nung kapitbahay namin a. Di na mauulit pa ang nangyari kagabi." Sabi pa niya, kahit sa isip niya ay takot na takot din naman sa lalaki. "Sus, ayos lang iyon, mabuti kapa nga ay maraming boylet." Sabi pa nito. "Boyset kamo, naiinis ako bhe, di ko pa naman siya type." Nakangiwing sabi niya sa mga ito. "Sus baka malaman laman nalang namin e buntis kana a." Sabi ni Maggy. At least alam niyang di siya nag iisa sa mga dumadaing sa uri ng buhay na meron sila. "Di yan mangyayari," nakangiwing sabi niya, sure na sure na siya na di siya papayag kung sakali man na dumating ang time na kailangan na niyang hanapin ang kapalaran niya. Ayaw niyang iasa sa iba ang kanyang future. kailangan niyan na. manindigan sa mga desisyon niyan sa Buhay
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD