Alam niyang kahit ipaulit ulit na ipakwento sa kanya ang pangyayaring iyon ay ganun parin ang sakit na kanyang mararamdaman. Tila kahapon lang nangyari ang trahedyang iyon ng buhay niya.
"Diyos ko po! Kung ako ang nasa lugar mo, nanaisin ko na mamatay nalang din kasama nila." Sabi ni Hannah.
"How many times I wish that, may mga gabi na di ako nakakatulog pero sa tulong ng social workers ay nakaya kung tanggapin ang pagkawala ng paunti unti. Masakit parin ngunit mas kaya na ang sakit." Sabi ko sa mga ito.
"Tara Guys back to work na tayo!" Sabi ni Lito. Nang magsibalik na kami sa trabaho ay tila dala dala niya parin ang tamlay ng kanyang maghapon.
"Bye Ma'am!" Sabay na sabi ng kanyang mga estudyante.
Nang makalabas na ang mga ito ay matamlay na nagligpit siya ng kanyang mga gamit. Tila kay bigat ng kanyang pakiramdam.
Nang palabas siya ay halos mahilo siya ng makabangga ng malaking tao sa may palikong pasilyo.
"Ouch!" Halos di na niya maisatinig.
"Hey are you okay?" Tanong ng gwapong lalaki na nasa harap niya. Tila namagneto siya sa gandang lalaki ng kaharap niya.
"Hey, why there's stupid people everywhere! Damn!" Mura nito. Sabi nito matapos siyang maitayo, bago pa man siya makabawi sa pagkagulat ay tumalikod na ang lalaking mayabang. Di na ito gwapo kundi mayabang na, akala mo kung sinong diyos. Nakita nya itong sumakay sa isang mamahaling sports car.
Kung kanina ay nababalot ng mahika ang paligid ngayon ay nabalot ng inis ang kanyang puso.
"Mabangga ka sanang mayabang ka!" Inis na sabi niya. Ayaw niyang lakasan ang boses niya lalo at isa pa naman siyang guro.
Nadumihan ang kanyang uniforme ngunit balewala yun kumpara sa inis niya sa sinabi ng lalaki. Stupid ba naman ang itawag sa kanya.
"O saan ang kalaban?" Untag ni July na nakasabay niya sa gate. Isa itong binabae ngunit isa ito sa mga madaling lapitan sa mga kasama niya sa trabaho.
"Nandun na sa empyerno, litse siya bakla tinawag akong stupid!" Himutok ko pa.
"Ay ang harsh! Babae ba?" Tanong nito.
"Hindi lalaki! Lalaking feeling pag aari ang mundo!" Inis na inis parin niyang sabi dito.
"Gwapo ba Mars?" Tanong nito.
"Gwapo sana kaya lang ang sama naman ng ugali. Mayabang antipatiko at masyadong mataas ang tingin sa kanyang sarili!" Inis ko paring sabi.
"Ay bigla akong na curious sa boylet na itey, saan kaba nasabihan ng stupid?" Tanong uli nito.
"Saan paba, e di doon sa loob ng school sa mismong corridor." Pagkukwento ko dito.
"O so you mean di siya empleyado kasi malamang kilala mo kung empleyado. Pero dahil hindi I conclude na bisita or kaanak ng estudyante ang lalaki na etey." Sabi nito pumipilantik pilantik pa ang mga daliri nito.
"Ewan ko doon, at di ako interesado sa buhay niya, isa lang ang alam ko mayabang siya!" Gigil na gigil kung sabi sa kaibigan.
"Ang mabuti pa ay ilibre kita ng kwek kwek diyan sa kanto." Sabi nito bago pa man siya nakakilos ay hawak na siya nito sa braso at hinila papunta sa may nagbebenta ng mga tusok tusok, meaning kwek kwek, tuknineng, fish ball, squid ball, siomai at kung ano ano pa.
"Wala pang sahod manlilibre kana!" Nahihiya kung sabi dito. Alam nito ang kanyang life story kaya mabait ito sa kanya. Sa ibang kasama nila ay mataray ito sa kanya hindi lalo at nirereto siya nito sa pinsan nito.
"Ano kabang babaeta ka, malaki ang sahod ko ngayong week mula sa part time job ko." Sabi nito. Bukod sa pagiging guro nito ay nag oonline job din ito. In short masipag ito at lahat halos ng trabaho ay kinakaya.
"I apply mo nga ako sa mga side line jobs mo, para makaipon naman akong pang bili ng bahay." Sabi ko dito, habang kumakain ng siomai.
"Sige sabihin ko sayo kung may bakante kami. Ngayon kasi medyo natambak ang kanilang mga on process na empleyado." Paliwanag nito.
"Sige aasahan ko yan a," sabi ko dito.
"Subukan mo kaya na mag apply abroad Mars." Suhestiyon nito.
"Alam mo naman Mars wala akong pang placement fee. Iipon muna ako tapos saka na ako susugal abroad." Sabi ko dito. Mas maigi kasi na sa abroad nalang magturo kaysa maging guro dito sa Pilipinas. Kadalasan ay wala ng sinasahod ang mga guro sa dami ng mga loans o kung ano ano pang mga bayarin. Sa mahal ng mga bilihin ay di sasapat ang sinasahod nila. Lalo na sa kanilang sa mga pribadong eskwelahan nagtuturo.
Mahirap pang makapasok sa mga public schools lalo kung mahina ang backer ng isang guro. Mahirap na makapasok lalo na kung kalaban sa politika ang pamilya mo. Sa kagaya niyang wala namang pamilya ay di yun problema kahit saan siya ilagay ay di na mahalaga sa kanya.
"Bayad ho manong!" Sabi nito sabaya abot ng boung limang daang piso sa tindero.
"Wala ho ba kayong barya Ma'am? Wala pa ho kasi akong benta ngayong araw!" Sabi ng ginoo na pilit na tinitingnan ang maliit na beltbag nito. Kumuha ng isan daang piso si July at iniabot sa lalaki.
"Inyo na po ang barya!" Sabi ng kaibigan.
"Salamat po Sir!" Sabi nito sa kanila. Ito ang madalas niyang makasabay sa kanyang pa uwe. Bukod kasi sa kasundo niya ito ay halos iisang way lang ang kanilang dinadaanan.
"Mag asawa kana kaya Mars!" Sabi nito na ikinasamid niya.
"Siraulo ka talaga bakla, di ko nga kayang buhayin ang sarili ko hahanap pa ako ng bubuhayin ko." Nakaingos kung sabi dito.
"E di humanap ka ng bubuhay sayo, di yung dugo mo lang ang kayang buhayin. Dapat kasama maging ang mga laman loob mo ay mapakain din niya!" Sabi nito.
"Kaya nga, saka na ako mag iisip ng mga problema sa ngayon lubayan mo ako sa asa asawa na yan, dapat ikaw ang mag asawa!" Tudyo niya dito.
"Mars, kung mayron lang sana akong matress matagal ng bumenta ang kagandahan ko!" Nakangusong sabi nito na ikinatawa nilang dalawa.
"Di mo ba talaga ako type?" Biro niya.
"Gaga! Kilabutan ka nga! Eeew di tayo talo!" Sabi nito na patuloy na umagapay sa kanyang paglalakad. Natanaw niya sa di kalayoan si Jonas nais niya mang iwasan ang lalaki ay di niya magagawa lalo at iisang bahay lang ang kanilang tinitirahan.