PROLOGUE
Nakatingin siya sa malayo na tila ang lalim ng kanyang iniisip. Buhat sa kanyang kinauupoan ay tanaw ang tila kay lalim at asul na asul na karagatan. Hapon na naman lulubog na naman ang araw at bukas ay panibagong umaga. Panibagong pakikibaka sa kagaya niya ay panibagong pagtitiis ng sakit.
Muli niyang naramdaman ang pagkirot ng kanyang ulo. Halos wala ng natira sa kanyang buhok pero wala siyang pakialam sa kanyang pisikal na anyo. Ang mahalaga sa kanya ay ang kaalaman na pumipintig pa ang puso ng kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan.
Stage four leukemia ang kanyang sakit. Ika nga nila nasa ilalim na ng hukay ang kanyang kalahating bahagi ng katawan. Payat na payat na siya at maputla matagal na din siyang walang gamot dala ng kahirapan at sadyang malayo din ang lugar sa kabihasnan. Ngunit dito sa lugar na ito ay naramdaman niya ang kapayapaan sa kabila ng kanyang sinapit.
"Is there God?" Yun ang paulit ulit na tinatanong niya sa mga nakalipas na buwan.
Isang masayang pamilya ang kanyang pinagmulan, isang mananahi ang kanyang ina at isang magsasaka ang kanyang ama. Isang gabing maulan malakas ang ihip ng hangin nung hapon palang ay nagbabala na ang mga opisyal na kailangan na nilang lumikas. Tatlo silang magkakapatid siya ang panganay. Lumikas sila sa isang malaking bahay na malapit sa kabundokan.
Huminto ang ulan ng madaling araw kung kaya naman ay payapa na kaming natutulog ng rumagasa ng malakas na agos ng tubig mula sa kabundokan. Dinig niya ang sigawan ng mga tao lalo na ng Nanay niya at mga kapatid. Ngunit wala siyang nagawa ng maging siya ay natangay din ng rumaragasang tubig. Namatay ang pamilya niya at tanging siya lang ang natira.
Makailang ulit niyang hiniling na sana isinama nalang siya ng mga ito. Sana ay di siya nag iisa walang tiyak na masisilungan ng mga panahong iyon. Puno ng panaghoy ang paligid pagluluksa at pagdadalamhati. Tila gusto niyang mamatay nalang din kasama ng mga ito. Di na nakita ang labi ng kanyang mga magulang tanging ang dalawa niyang kapatid lang ang natagpuan ng mga rescuer.
Masungit pa din kasi ang panahon matapos ang trahedya na iyon. Halos boung bayan ang nalubog sa baha at siya ay pilit na nagpapakatatag kahit na mag isa lang siya.
Isang araw matapos mailibing ang kanyang mga kapatid ay dumating ang kanyang tiyahin at kinuha siya. Pinag aral at awa ng diyos nakapagtapos naman siya.
"Crissa uwe kana anak, mahamog na para sa inyo ng bata sa labas!" Tawag ni Nanay Belen. Di sila magkadugo ngunit sa mga nakalipas na buwan ay ito ang naging pamilya niya.
Nang dahil sa matanda ay nagawa niyang kahit papaano ay makabangon mula sa pagkakalugmok. Walang araw na di sumagi sa isip niya ang kanyang mag ama. Alam niyang may katapusan ang lahat at ganun din ang buhay niya lalo na ngayon na ramdam na niya na nasa huling sandali na siya ng kanyang buhay.
"Sige po Nanay susunod na po ako!" Nakangiti kung sagot dito.
Isang huling sulyap ang kanyang ginawa sa papalubog na araw. Tumayo siya at nagpagpag ng buhangin mula sa puwetan ng kanyang suot na damit. Humarap siya sa Santo na nakaharap sa karagatan ang mahal na berhin Manaoag.
"Mama mary, palubog na naman po ang araw! Alam ko pong nandiyan kayo palagi upang makinig sa aking mga hinaing. Salamat po sa inyong pagpapala at sa panibagong araw. Gabayan nyo po kami ng Baby ko!" Nakangiti kung pagkausap dito. Alam kung may diyos alam kung di ako nag iisa marami ang nabubuhay sa mundo na nahihirapan din na gaya niya.
May mga taong pinipilit na mabuhay sa kabila ng matinding pagsubok sa buhay. Ni minsan di niya hihilingin na wakasan na ang buhay niya agad. Napakaganda ng mundo at gusto niya pa itong makita kung papahintulotan ng pagkakataon. Gusto niyang makalanghap pa ng maraming hangin gusto niya pang mabuhay.
"Kinakausap mo na naman ang santo ng manaoag!" Naiiling na sabi ni Nanay Belen.
"Nanay muli ay nagpapasalamat po ako sa lahat ng inyong tulong at pag aalaga sa akin. Sa kabila ng katotohanan na hindi naman po tayo magkadugo!" Madamdaming sabi ko dito, nakita niya ang luha sa mga mata nito.
"Gusto kung mabuhay kapa anak, para sa batang nasa sinapupunan mo." Naiyak na ito. Ginagap niya ang kamay nitong kulubot na gawa ng katandaan.
"Nanay gusto ko po, gustong gusto ko pa pong mabuhay. Masaya po ang magising at makita ang mundo. Gusto ko pang makita ang mag ama ko kahit sa huling sandali ng aking buhay. Gusto kung masaksihan ang pagkikita nilang mag ama ngunit di ako magtatampo sa diyos kung di na ako aabot sa panahong iyon. Ipagpapasalamat ko nalang sa kanya na hanggang ngayon ay buhay pa ako. Bukas o sa makalawa mailuluwal ko na ang aking anak!" Madamdamin kung pahayag sa matanda. Yumakap ito sa akin at humagulhol.
"Napakabata mo pa para mamatay. Kung sana ay ako nalang maiintindihan ko kasi matanda na ako. Pero ikaw marami kapang di napupuntahan." Lumakas ang iyak nito. Mula ng dumating siya sa isla pitong buwan na ang nakalipas ay minsan lang sila magdrama ng ganito. Napadalas lang nitong huli lalo at madalas na din ang kanyang sumpong at halos sumusuka na siya ng dugo.
"Wag nyo pong sabihin yan, Nanay kung sakaling mawala na ako ibigay nyo po ang anak ko sa ama niya, at pakisabing mahal na mahal ko siya hanggang sa huling sandali ng buhay ko!" Sabi ko dito na lalong bumalong ang luha nito. Sinapo nito ang ulo at halos yumogyog sa matinding pag iyak.
"Nangangako akong aalagaan ang baby mo Carissa pero pakiusap lumaban ka para sa baby mo!" Sabi nito na ikinaiyak niya. Paano niya dudugtongan ang kanyang buhay gayong wala ng lunas ang kanyang sakit. Malala na ang pagsusuka at pagkahilo niya kung minsan ay halos di na siya makatayo sa sobrang panghihina. Wala na rin siyang gana pang kumain.
Nang gabing iyon ay dinalaw siya ng isang panaginip. Kung saan ay paulit ulit siyang tinatawag ng kanyang mga magulang at mga kapatid. Nagising siyang tigmak ng luha at kumikirot ang ulo niya kasabay ng paghilab ng kanyang tyan.
"Lord, gabayan nyo po ako. Gusto ko pa pong mabuhay!" Yun ang kanyang taimtim na panalangin ng mag normal ang kanyang pakiramdam.
Naging mailap sa kanya ang antok at muli ay nanumbalik ang mga alaala ng tamis at pait na karanasan niya sa buhay. Kung paano nagkrus ang kanilang mga landas ng kanyang lalaki na unang inibig. Ang kanyang mag ama na marahil ay di na niya makikita pa kahit sa mga huling sandali ng kanyang buhay.