Malayo palang ay tanaw ko na ang batang si Kelly nakatungo habang kausap ang isang naka uniform na lalaki. Sa hinuha niya ay butler o di kaya ay driver ang lalaki.
"Manong Rey where is Daddy?" Dinig niyang tanong ng bata sa lalaki.
"Siñorita, may importanteng pupuntahan ang Daddy nyo. Kinailangan niyang umalis kaninang umaga." Paliwanag ng lalaki sa bata.
"Am I not important too?" Tanong nito. Bawat kataga na binigkas nito ay tila patalim na humiwa sa kanyang puso. She maybe strong but she is too weak inside.
"Siñorita tumahan na po kayo, hayaan nyo sasabihin ko yun sa Daddy nyo." Sabi ng lalaki ng makitang bahagyang lumuha luha ang mga mata ng bata.
"You already said that for forty times now, maybe I am not that important to him!" Malungkot na sabi nito. Tumalikod na ang bata at di nito kinuha ang dalang lunch box ng bata. She felt pity for the kid parang ang bata bata pa niya para sa ganung rejection.
"Manong baon ba ni Kelly yan?" Tanong ko sa lalaki.
"Ahmm opo Ma'am!" Tila alangan na sabi nito.
"Sige po ako na ang magbibigay!" Presenta ko dito. Tinalunton ko ang pasilyo na binagtas ng bata. Nasa harap ito ng fountain sa gilid ng isang aquarium tahimik at walang kibo. Pansin niya din na di ito palakaibigan kaya lagi itong nag iisa.
"Aherm hi!" Tawag ko sa pansin nito. Di man lang ito lumingon sa kanya bagkos tila naging masungit ang mukha nito. Marahil ay defense mechanism ng bata marahil ay iniisip nito na di ito maipagtatanggol ng iba na wala itong aasahan sa iba kaya dapat maging matapang ito sa paningin ng iba.
"Ang sarap ng hangin pag fresh diba!" Sabi ko dito.
"Will you please keep quiet Teacher? I am having my meditation here! " Masungit na sabi nito. Biglang uminit ang kanyang ulo mahaba ang kanyang pasensya sa mga bata pero mukha masarap pumatol sa bata sa mga sandaling ito. Pero kailangan niyang malaman ang pinagmumulan ng ugali nito. Maybe she is trying to distant herself from other people.
"Alam mo bang bata palang ako namatay ang Mama, Papa at mga kapatid ko." Simula ko dito. Naisip niya palang ang pangyayaring iyon ay nagbalik na naman ang sakit. Nakita niyang nakikinig ito kaya pinagpatuloy ko ang pagkwento dito.
"They died together while I survive alone. I cried rivers and I ask God why he let me alive? Why I need to be alone in this wide world? Why he didn't save my family that night?" Naluha na ako. Ang tagal ko palang kinimkim ang ganung mga hinanakit. At ngayon tila gripo na bumuhos ang lahat ng sakit na dulot ng isang mapait na sinapit nila sa lupit ng kalikasan.
"W-hat happened? Mahina nitong tanong.
"That night a extreme typhoon hit our town. We decided to evacuate to the safest place. Pero di namin inasahan ang baha na nanggaling sa bundok. I heared them shouting and asking for help but no one come to save us. I lost consciousness when my head hit the tree branches, when I woke up I am all alone they all gone!" Pumiyok ang kanyang boses.
"Stop crying Teacher they might think im bullying you!" Sabi nito na ikinangiti ko. May care din pala ito sa ibang tao sa paligid nito sadyang may nag titrigger lang dito upang maging masungit. Ngunit alam niyang deep inside ay may tinatago itong kabaitan all she need is a dozen of patience and more patience.
"Sorry I just got carried away by my emotion. Here eat this its already lunch time." Sabi ko dito iniabot naman nito ang binigay niya.
"Dried up your tears before leaving, they might think im a monster!" Sabi nito na napakaseryuso na naman ng mukha. Muli siyang bumalik at hinarap ito.
"You are not a monster! You can talk to me if there is something bothering you! I got to go now." Sabi ko dito bago tumalikod na dito.
"I don't need a friend! " Mahina nitong sabi.
"Yes you need a friend, eat now!" Sabi ko bago ito iniwan.
Nang makarating siya sa faculty room at agad na nagsilapit ang mga co teachers niya. Malamang ay may nakita na namang pang headlines ang mga ito kaya nag uumpokan. Minsan kailangan mo ding maging updated sa mundo. Thanks to her co worker lagi siyang updated at may pasobra pa nga na sariling opinion.
"Bes magpapabakasyon daw si boss sa mga empleyado, for example ako Im from abra pwede akong makabakasyon with pay at may pakimkim pa daw. Ikaw ba saan ang probinsya nyo? Diba nag bo board kalang diba? Makakauwe kana sa Mama mo niyan!" Sabi ni Jinky na may hawak na pagkain sa kamay.
Unti unting namuo ang luha ko sa aking mga mata. Anong uuwian niya? sino ang uuwian niya gayong patay na silang lahat kahit ang mga kamag anak niya.
"Hey! Carisa may problema kaba? Anong nangyari?" Nataranta ang mga ito sa breakdown ko. Masikip ang aking dibdib habang gumigitaw sa alaala niya ang gabing iyon. Humaguhol na ako na kahit anong pigil ko sa emosyon ko ay di ko magawa tila lalong bumabalik ang sakit ng alaala.
"Ahm sorry sa breakdown." Sabi ko sa mga ito tila curious sila sa dahilan ng aking pag iyak ngunit hinayaan nila akong umiyak at ilabas ang aking mga kinikimkim. Maya maya pa ay unti unti na akong kumalma binigyan pa ako ng tubig ng iba.
"Iiyak mo lang yan, nagbreak ba kayo ng nobyo mo?" Tanong ni Sir Pau. May asawa na ito ngunit bata pa naman. Natawa naman siya dahil doon e wala pa nga siyang nagiging nobyo e.
"Hindi po Sir a, wala pa po akong nagiging nobyo. Naiyak lang ako ng maalala ang pamilya ko." Sabi ko sa mga ito.
"Ganyan talaga malay mo ikaw ang manalo." Sabi ni Jinky.
"Di na ako sasali sa ganyan Ate Jink. Kung sana nga pwede ko pang makita ang pamilya ko." Malungkot kung sabi na tila nakakuha ng kanilang atensiyon.
"N-nasaan ang pamilya mo Bes?" Tanong ni Miss Perez.
"Patay na silang lahat. Sa loob ng isang gabi lang!" Muling gumulong ang mga luha ko.
"Ouch!" Nakita niyang naiyak na din ang mga ito.
"Ano ang ikinamatay nila?" Tanong ni Evan.
"Naanod ang evacuation center sa baha kasama kaming lahat ngunit sa kasamaang palad ako lang ang mag isang nakasurvive." Garalgal ang boses kung pagkukwento sa mga ito. Napayakap si Miss Perez sa kanya at nagsunoran na ang iba, nag iyakan na din ang mga ito.
Di ganun kadaling tanggapin ang lahat ng mga nangyari. Kung paanong isang araw lang ay nawala ang lahat lahat sa kanya.