Chapter 1

1120 Words
Flashback Mabilis ang kanyang lakad habang tinatalunton ang room niya. Medyo na late siya dahil sa traffic nadaanan niya sa pasilyo ang isang batang babae na sa tantiya niya ay nasa anim o pitong taong gulang. "Baby, bakit di ka pumasok sa room nyo?" Tanong ko dito. "It is boring inside!" Maktol nito. Gusto niyang matawa pero pinipigilan niya lang ang kanyang sarili. "Learning is not boring." Sabi ko dito. Sumimangot naman ang bata ang ganda ng mga mata nito na bilogan. Binagayan pa ng kulot na buhok kaya naman ay nagmukha itong tila manika. "It is Teacher! they keep on explaining like that like this. But do you think they are right? Paano nilang nasabi na Rizal said that said this." Nakangusong sabi nito. She is too cute doing it. "It is indicated by historian people." Sabi ko sa bata naisip niyang napakahirap na makipagtalo sa bata. Napaisip tuloy siya sa sinabi nito is it really reliable source of information? In some point the kid is right, the historian is not there everything is just an opinion or maybe belief of the historian. "Just like the killings of other heroes it is stated there that when bonifacio died there is only two soldiers in the crime scene. So possibly one of them is the historian?" Nakataas ang kilay na tanong ng bata. Parang gusto niya ng layasan ang bata. "Baby lets go inside na okay, teacher has a class today too. Come on just ask your teacher about history." Sabi ko nalang. Akala ko ay magmamatigas pa ang bata ngunit nakahinga ako ng maluwag ng sumama na ito. Inihatid niya ito sa classroom nito. "Sobrang hirap niyang i handle!" Tila prostrated na reklamo ni Teacher Pam. "Kaya mo yan, ikaw paba?" sabi ko dito habang abala sa pag susulat ng kanyang lesson plan. Patay na din ang kanyang Tiyahin kaya naman ay mag isa nalang siya sa buhay. May part time jobs din siya kasi kung ang sahod niya sa private school ang kanyang aasahan ay halos kulang pa sa upa ng bahay at sa pagkain niya. Simot na simot palagi lalo na nung nabubuhay pa ang matanda. Nagkasakit ito nung bagong hire palang siya kung kaya naibenta nila ang bahay nito. Kaya lang isang buwan matapos maoperahan ay namatay din ito. Sa tuwing hapon ay nag tutor din siya sa iilang mga estudyante at malaking bagay iyon sa kanya upang makaipon kahit papanu. "Diyos ko Teacher Carisa maski ang tungkol sa bible ay itatanong niya sa akin. Anong alam ko dun?" Tila ay sumasakit ang ulo nito sa kung sinong estudyante nito. "Wait, yun ba ang estudyante na hinatid ko kanina?" Tanong ko dito. "Mismo! Anak yun ng isang bilyonaryo. Sila ang nagmamay ari ng eskwelahan na ito kung kaya naman I have no choice." Sabi nito. "Kain nalang tayo para mabawasan ang stress mo!" Sabi ko dito bago niligpit ang mga gamit niya. Habang ginagawa ay sumasalit salit sa isipan niya ang bata. Naging palaisipan sa kanya ang ugali nito. Di man lang ba ito naturoan ng nanay nito na igalang ang mas nakakatanda? Pag nakipag usap kasi ito tila mga alipin lang ang mga tao sa paligid niya. "At ito pa ang malala binully niya yung katabi niya. Mars I don't know what to do anymore!" Patuloy na rant nito habang kumakain sila. Kelly Domingo ang pangalan ng bata. Rich kid pero halos lahat naman ng mga estudyante nila e rich kids kasi nga private. "Wag mo nalang i stress ang sarili mo." Payo ko dito. Natapos ang klase niya na di na muli pang nag krus ang landas nila ng bata. Mukhang maaga ang sundo nito ilang metro lang naman ang layo ng kanyang inuupahang bahay. Kung bahay mang matatawag ang inuupahan niya, maliit lang kasi iyon pang isahang tao lang. "Good afternoon Ma'am!" sabay sabay na bati ng mga nadaanan niyang nag iinom. Kilala na din naman siya sa lugar kaya naman ay di na siya natatakot na maglakad kahit na minsan ay ginagabi siya. "Good afternoon din sa inyo!" Bati ko bago nilagpasan ang mga ito. Nadaanan ko si Jonas ang anak ng may ari ng paupahan. Isa itong seaman kaya nung nakaraan niya lang itong nakilala. "Hi Ma'am!" Bati nito sa kanya, ngumiti naman siya dito kahit pa naiilang siya sa mga titig nito. Masyado kasing matiim at tila ba ay pailalim ang titig nito. "Hi din!" Sagot ko bago tumuloy sa silid na kanyang inuukopa. Nang makapagpalit ng damit ay kinuha niya ang kanyang mga labahin at naghanda na sa paglalaba. Kailangan niyang mauna sa poso dahil pag naabutan siya ng mga bata sa kabila baka mabasa siya sa likot ng mga ito. Nag bumba siya upang mag banlaw ng kanyang mga damit bago ito sabonin. Maya maya pa ay nag umpisa na siya sa kanyang paglalaba. Halos patapos na siya ng maramdaman niyang may nakamasid sa kanya. Mula sa terasa ng bahay ng may ari ay nandun si Jonas at nakatingin sa kanyang direksiyon. Bigla siyang kinabahan lalo at di naman niya lubos na kilala ang lalaki. Nag iwas siya ng tingin at binilisan nalang ang ginagawang paglalaba. Nang magsasampay na siya ay nakita niya ang paglalakad nito palapit sa kanya. "Hi ako nga pala si Jonas!" Sabi nito. Gwapo ang lalaki kaya alam niya ang karakas ng mga ganitong lalaki. Lalo na sa uri ng trabaho nito di na kagulat gulat kung marami itong babae. "Carisa yan ang pangalan ko!" Sabi ko bago matipid na ngumiti. "Nice to meet you Carisa. Anyway pinapabigay ni Mama." Sabi nito sabay abot ng mangkok na may lamang ulam. Lagi namang nagbibigay ng ulam ang ginang sa kanya, madalas din ang pahaging nito na ipapakilala siya sa anak nitong seaman. "Salamat, pakisabi sa Mama mo." Sabi ko dito. "Ahmm Carisa pwede ko bang mahingi ang number mo?" Tanong nito. Natigilan siya kung tutuosin kasi ay di na nito kailangan pang gawin iyon dahil may contact naman ang mama nito sa kanya. Pero malaking bagay na din na nagtanong ito sa personal. "Salamat dito!" Nakangiting sabi nito matapos niyang sabihin ang kanyang number. Nang tumalikod na ito ay pumasok na siya agad sa silid niya. Mabuti at makakatipid na naman siya sa ulam. Mahirap kasi mag budget lalo na dahil maliit lang naman ang kanyang sinasahod bilang guro. Lalo na kung private ang pinagtuturoan kaya hinihintay niya lang ang resulta ng kanyang application sa public school na inapplyan niya. Mas marami kasi ang mga benefits kung sa public siya magturo. Hindi pa masyadong pressure ang problema kasi sa ibang mga pribadong eskwelahan ay maliit na nga ang sahod pressured kapa sa dami ng makukulit na mga bata at pati ang magulang ay makukulit din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD