February, 2017
HINDI ako tuluyang nakabalik sa Italya dahil sa kawalan ng pondo nang mailibing si Daddy. Pinadalhan din ako ng employer ko ng letter tungkol sa pag terminate ng contract sa trabaho ko. Imbes na ang natirang ipon ay para sana pabalik sa Roma, ay pinangbayad ko sa utang ni Michelle.
Nanatili ako sa Pilipinas at dito muna magtrabaho, kapag nakaipon ako babalik ako sa Italya. Balak kong hindi na bumalik ng Pilipinas pagkatapos. Puro sakit lang naman ang naaalala ko rito. Tahanan ko ang bansang ito, pero pakiramdam ko wala akong karapatan para sumaya rito.
Nawalan ako ng ganang mabuhay. Ilang buwan kong kinulong ang sarili sa pighati. Kung gaano kasakit ang naranasan ko noong nawala si Mommy, mas lalong masakit ngayon dahil ang kalahating buhay ko ang nilaan ko sa galit para kay Daddy.
Pagsisisi… dahil hindi niya na masisilayan ang pagbawi ko ang bahay namin noon.
“I’m sorry, I’m late…” mabilis kong binagsak ang aking bag sa upuan nang makarating sa restaurant kung saan kami magkikita ng aking client. Pansamantala akong nagtatrabaho bilang real estate agent. Malaki laki naman ang sahod at commission kaso ang problema, malaki rin ang gastusin at kung wala kang client, wala ka ring commission.
Ngumiwi ang aking matandang client at binaba niya ang iniinom na mesa bago bumaling sa akin. “Is this a service you could offer? Aba’y mawawalan ka ng Kliyente kapag nagpapatuloy ka, imagine two hours mo akong pinaghintay.” Aniya.
“I’m sorry, ma’am. It’s kinda traffic outside—” hindi natuloy ang sasabihin ko nang sumingit siya.
“Hindi ‘yan rason,” yes it is. We’re both in the Philippines at alam niyang madalas ang heavy traffic outside the building. “You’re professional, you should know better…” Aniya. Yes, I’m professional kaya kahit sigawan, pahiyain, tadyakan niya ako rito hindi ako papatol sa kanya. She’s my client after all, my key to profit.
“I’m sorry, hindi na po mauulit.” Ani ko sa kanya. Kinuha ko ang folder na naglalaman ng certain documents na kakailanganin pero agad akong naalerto nang hindi ko makapa ito sa aking bag. Mas lalong kong hinalughog ito.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ng aking kliyente kaya bumaling ako sa kanya. Hinihilot niya ang kanyang sentido habang ngumingiwi. “Mr. Rankilis should know about this, hindi niya pwedeng ipaubaya ang kumpanya niya sa isang irresponsible agent at baka siya pa malugi.” Aniya at kinuha ang kanyang phone.
Tumayo siya habang tinatawagan ang aking amo. Bumagsak ang aking balikat sa pagkadismaya sa aking sarili. Unti unting nawawala ang gana ko sa lahat ng bagay at aminado akong kahit ang trabaho ko’y naaapektuhan na.
I received a text message afterwards. Galing sa matandang amo ko, he is telling me to pack all my things and leave the company through TEXT. Napangisi ako at umiling. During my trainee days, he is the one who taught me to be more professional especially in talking with clients, noon pa man kahit wala pa ako sa kompanya niya pero siya itong hindi ma apply apply sa sarili niya.
Ano pa nga ba ang rason ko para mabuhay? Utang ni Daddy na ang magaling kong madrasta lang naman ang nakinabang. Hindi marunong magbayad kaya ako ang inaasahan. Bukod doon, kailangan ko ring pagtuonan ng pansin ang pagbawi ng kumpanya at bahay na pinagtyagaan ni Daddy at ni Mommy para sa amin.
Pero minsan nakakapagod na… Nakakapagod nang lumaban.
Mag wi withdraw na sana ako ng pera sa ATM machine nang makitang 2000 pesos na lang ang natira sa ipon ko for necessary expenses. Si Daddy ang may hawak nito noon, ang payo ko sa kanya, ay mag withdraw lang ng pera kung may kailangan na gastusin sa bahay katulad ng pagkain, o gamot niya.
Agad kong tinawagan kung sino sa tingin ko ang may kagagawan nito. Sinagot naman ni Michelle pero hindi siya agad nagsalita sa kabilang linya.
“Patayin mo muna ‘yan,” napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ng isang lalake.
“‘Yong hinayupak kong step daughter.” Si Michelle. Kinagat ko ang labi ko. Ang lakas ng loob niya! Apat na buwan pa lang ang nakakalipas nang mamatay si Daddy at may katarantaduhan na agad siyang ginagawa. Walang utang na loob!
I cried in so much frustration. Gabi na pero wala akong balak umuwi. Naglakad ako sa giliran ng tulay habang nagtitimpa ng text. Nanginginig ang aking kalamnan sa sobrang sama ng loob. Pera lang ang habol niya kay Daddy, pagkatapos siyang pakainin at mahalin, siya pa pinili over my Mom at binigay ang buong tiwala ni Dad sa kanya ay ganito ang igaganti niya.
She ruined us, ang galing niyang manggulo.
Habang ako ay nagluluksa at hindi maka move on sa pagkawala ni Dad, siya naman ay nagsasaya kasama ang lalake niya pagkatapos ng lahat. Hindi ko siya mapapatawad, hinding hindi…
Tumayo ako sa gitna ng Jones Bridge at pinagmasdan ang kalmadong tubig sa ilalim nito. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa phone na hiniram ko sa kanya pagkatapos masira nang tuluyan ang cellphone ko. Inangat ito sa aking kamay at buong lakas na itinapon. Pagsalpok nito sa tubig ay tumawa ako nang malakas.
“Ineng, walang pangalawang buhay para sa mga nagpapakamatay.” Nahinto ako nang marinig ang boses ng isang matandang lalake sa aking likuran. Agad akong napalingon sa kanya. Umatras ako sa tulay at umiling.
“Hindi ko po ako magpapakamatay.” tugon ko sa kanya.
Tiningnan ako nang husto ng matanda at pagkatapos ay tumango. “Mabuti naman. Huwag mong sunugin ang sarili mong kaluluwa sa impyerno dahil lang sa naging problema mo rito sa mundo. Pagsubok lamang ‘yan ng Diyos kung gaano katibay ang pananampalataya mo sa kanya.” Aniya at ngumiti.
Mukhang may sakit sa likuran ang matanda dahil hindi tuwid ang katawan nito habang paika-ikang naglalakad sa kahabaan ng tulay.
Kung tutuusin may punto siya. Siya ay mas mahirap sa akin ngunit naabot niya ang edad na inaasam ng lahat. Bakit nga ba ako susuko sa problema? Wala namang taong nabubuhay na walang problema at isa na ako roon.
Hindi ko namamalayan na gumuhit ang ngiti sa aking labi. Kung sino pa ‘yong taong hindi natin kilala, sila pa ang dadating sa buhay natin upang bigyan tayo ng pag-asa. Aminado akong nawalan ako ng Diyos nitong nakaraang taon, marahil dumaan si tatay upang ipaabot sa akin ang mensahe ng Diyos mula sa langit.
KINABUKASAN, nilakad ko ang kahabaan ng makati upang maghanap ng trabaho. Kailangan ko ulit makahanap ng trabaho at this time, sisiguraduhin kong hindi na ako papalya. Pinunasan ko ang pawis ko sa leeg at sa noo, sobrang init ng klima kumpara nitong nakaraang buwan.
Pinaypay ko ang panyo sa aking sarili at napatingin sa matatayog na mga gusali. Ang mga usok sa mga sasakyan na dumadaan ay nakapagpadagdag ng init sa pakiramdam. May mga tao ring walang dalang payong habang naglalakad sa daan. Seriously? Paano nila nagagawa ‘yon?
Muli akong naglakad at tumawid sa pedestrian lane nang bigla may malakas na busina ng sasakyan ang akong narinig. Nanlaki ang mga mata ko nang bumangga ang sasakyan sa isa pang sasakyan dahil gusto akong iwasan. Napatakip ako ng bibig nang nayupi ang harap ng sasakyan na umiwas sa akin at giliran ng sasakyan na kanyang binangga.
Agad na lumabas ang lalake sa isang sasakyan na umiwas at napatingin sa harap ng sasakyan. Problemado siyang umiling at tinadyakan ang gulong nito bago bumaling sa akin. Unti unti namang nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sinong lalakeng ito.
Nakasuot siya ng simpleng puting t-shirt at itim na pants. Ang buhok dati na paitaas ang ayos ngayon ay magulo na at may kumikinang na earrings sa kanyang kaliwang tenga. Umigting ang kanyang panga bago ngumisi.
“Sir Iggy,” sambit ko nang lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay. “Hindi ko sinasadya, sir. A-ano… Di ko lang nakita ang a-ano…” giit ko.
“Found you,” aniya sa mahinang tono. Umangat ang dalawa kong kilay sa pagtataka.
“Po?”
“Sumama ka sa’kin, pag-usapan natin mga atraso mo sa akin.” Aniya at hinigit ako. Lumabas din ang lalake sa sasakyan na nabangga niya at galit na galit na tinuro si Iggy.
PINAG-USAPAN nila ang nangyaring aksidente at dahil ayaw ni Iggy ng mahabang usapan, sa huli ay binayaran niya ang naturang lalake. Ako nama’y sa sobrang guilt ay hindi ako umalis sa tabi ni Iggy lalo na noong sinabi niyang may kailangan kaming i settle— ang atraso ko sa kanya. Medyo kinabahan ako nang mapag-alamang hinahanap niya ako dahil sa naging atraso ko sa kanya. I will try to explain everything pero hindi ako aasa na mapapatawad niya ako.
I wonder if he knew that it wasn't my mere fault, hindi ko naman gagawin iyon kung hindi dahil sa fiancee niya pero dahil sa pagiging desperate ko, ginawa ko ang lahat kahit may mali sa paningin ng iba.
Nanginginig ang aking kalamnan nang sumakay kami pabalik ng isa pang sasakyan niya pagkatapos niyang paipadala sa utusan niya ang sasakyang nayupi. Hindi ako mapakali dahil hindi ko alam kung saan kami tutungong dalawa. Para lang akong robot na sumusunod sa kanya dahil sa takot.
Hindi niya naman ako ipapakulong, hindi ba? Hindi niya ako iba-blackmail or ano? Hindi niya ako hihingian ng pera for all the damages I’ve done to him?
“Saan ba tayo pupunta, Sir Iggy?” tanong ko sa kanya. Naka direkta ang kanyang mga mata sa daan.
“Just Iggy,” aniya. Seryoso ang kanyang pagkakasabi, hindi katulad sa madalas kong naririnig sa kanya tuwing kausap niya si Miss Sam noon. “How are you?” tanong niya.
“Okay lang po,”
I heard him smirk, “Nakakatulog ka pala after ruining my relationship with my fiancee?” tanong niya, nakataas ang isang dulo ng kanyang labi. That was four months ago. “Huh, Floraluna?” napapikit ako nang mariin.
I knew this would happen, kahit pa sabihin ni Miss Sam na siya ang bahala sa lahat para hindi ako mahuli ni Iggy. Still, mahuhuli’t mahuhuli pa rin ako dahil siya ang nalaman niya ang lahat ng iyon bago sabihin ni Miss Sam sa akin.
Pero ang tea— ay ang ruined relationship nila ni Miss Sam. Napapikit ako nang mariin, hindi ko alam na ganito ang mangyayari at mas lalong hindi ko rin alam na babalikan ako ni Iggy. Akala ko okay na ang lahat, may problema na naman palang maidagdag sa listahan.
Nakarating kami sa isang matayog na condo. Nakaramdam agad ako ng kaba at baka magkatotoo ang mga hinala ko kanina.
“My room is on the 15th floor. Go there first, open it with the 12345 password, and wait for me inside.” He ordered and handed me his keys. Napakurap ako ng ilang beses habang nakatingin siya sa kanya. “What?” tanong niya nang hindi ako tuluyang bumababa.
“Why do I have to do that? Baka pagkamalan akong magnanakaw.” Nag-aalalang sabi ko.
“No owner will easily give his keys to a thief,” aniya at tinaas ang kanyang isang kilay, his signature gesture I used to remember way back then. Tumango ako kahit hindi sigurado kung susundin siya o hindi. Binabalot ako ng guilt ngayon. “Hindi ko gustong pag-usapan na naman ako kasi ibang babae na naman ang dinala ko sa condo unit ko.” Patuloy niya nang makababa ako.
Hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi. Ngumisi siya nang makita ang pagtataka kung mukha. Gaya ng sabi niya, nauna ako. Nasa likuran lang naman siya sa akin probably 20 meters away from me. Sumakay ako ng elevator, at ganon din ginawa niya sa katabing elevator kung nasaan ako.
Dali dali akong umalis doon at hinahap ang kanyang condo unit. Nang makita ang numero kapareha sa key na kanyang binigay at nagtimpa ng password saka ako pumasok sa loob. Agad kong nasinghot ang masculine perfume sa paligid.
Modern style ang design ng loob. Lalaking lalaki, may kitchen counter pa siya at cabinet with full of liquors inside it. Ang nakaka turn off lang ay ang labahan na nagkalat sa sofa when I take a glimpse on the living room.
Napatalon ako sa gulat nang marinig ang pagsara ng pintuan. “You forgot to close the door,” ani ni Iggy at pumunta sa kitchen counter at kumuha ng inumin at mabilis na nagsalin sa baso. Pinagsadahan niya ang kanyang mga daliri ang kanyang buhok bago tumingin sa akin.
“I’m sorry. I intend to leave in open dahil alam kong papasok ka pa.”
I admit that he's handsome even before I first saw him, but he looked problematic this time… or he only aged a bit. Napaiwas ako ng tingin nang mariin niya akong tinitigan. “Marami kang atraso sa akin dahil sa pangingialam mo sa relasyon namin ni Sam, Flor.” Pang uumpisa niya.
“Dahil hindi natuloy ang kasal, wala akong maihaharap sa pamilya ko sa darating na family gathering. They won’t allow me to run the business kasi nga hindi ko katuwang ang magiging asawa ko dito. I’m so f****d up,” aniya at problemadong dumaing.
“‘Yon lang?” tanong ko sa kanya. Agad akong nagsisi kung bakit ko nasabi iyon nang matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin.
“It’s in our family legacy. We, young Goncuencos, expected to get married at the age of 25, ako malapit nang lumagpas na ako sa edad na ‘yan at wala pa ring asawa.” Aniya, tunog nagsisisi. “Hindi ko makuha kuha ang tiwala ng parents ko, Flor. Kailangan ko ng babae para patunayan na hindi ako nagloloko at natuto na ako.” Aniya, desperado ang kanyang boses.
Ang sumunod na sinabi niya ay siyang nakapagpagulat sa akin nang husto.
“... And I need your help— no, I need you, this is a command and not asking for a f*****g help. To repay me for ruining my plan, you will have to pretend to be my fiancee.”