NILAGAY niya ang champagne sa aking harapan. Umiinom ako pero hindi ko kayang uminom kasama niya. Baka kung ano ang gagawin niya sa akin kapag nalasing ako. Hindi naman sa assumera ako, naniniguro lang. Walang pinipili ang mga lalake ngayon.
“Uhm, hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang punto mo.” wika ko makalipas ng matinding katahimikan sa pagitan naming dalawa. Sumandal siya sa kanyang inuupuan, katabi ko siya sa kitchen counter pero humaharap na nakaupo ang posisyon niya sa akin.
“My mother never trusted me ever since I was born.” aniya, sa madramang tono, more like exaggerating the story. “Kaya kailangan ko ng babae, ng fiancee para patunayan sa kanila na nagbago na ako. They will never authorize me to run the business without proving to them that I man up.” Patuloy niya. Kung gayon, purong panloloko ang ginagawa ng lalakeng ito hanggang nasanay na ang parents niya sa naturang katangian.
“What about having just a girlfriend? Isn’t it already a validation that you find the courage to take your obligations? Kung may girlfriend ka, isa na ‘yong patunay na hindi ka na hindi ka na bata para magloko.” err, it sounds so cringe, parang love advisor na nagbibigay ng love advices kahit walang experience sa pagjojowa.
Narinig ko ang kanyang pagtawa at pagkatapos ay bumaling sa akin gamit ang mapanlokong mukha. Natural na ang mukha niyang nanunuya. Parang everytime you glance at him, you will find him smirking. “Floraluna, I’d been into thirty relationships in my twenty five years of existence. Ten girls in highschool, ten girls in college and another ten after college.” Aniya at nagawa pang magbilang sa daliri.
Lumuwa ang mga mata ko sa gulat. “Seriously….” di makapaniwalang tugon ko habang dahan dahang umiling. Hindi ako makapaniwala na may makikilala akong ganitong klaseng lalake. This guy deserved recognition!
Tumaas ang kanyang isang kilay, “Had twenty-nine girlfriend f****d and one that almost get me into a serious relationship pero iyon nga sinira mo ang plano ko.” aniya sa dismayadong tono. “And you think having a girlfriend is just enough? Alam ng Mama ko ang pinaggagawa ko sa buhay.” patuloy niya. Sigurado akong tinutukoy niya si Ms. Sam, pero anong sinasabi niyang seryosong relasyon with her kung may plano lang niyang gamitin ito para patunayan sa pamilya niyang nagbago na siya.
“So you want a fiancee? Ano naman ang kaibahan noon sa mga naging girlfriend mo?” tanong ko sa kanya. Nilalaro ko ang baso ng champagne. Wala naman talaga akong planong inumin ito pero nang makita ko ang brand ng champagne sa bote, I got curious how it tastes like, so I took a sip.
Ngumisi siya. Nakipagtitigan ako sa kanyang malalalim na mga mata pero agad din akong bumitaw. Para akong hinihila palapit sa kanya. “You can never have me.” aniya, natigilan ako. Wala din naman akong plano at ano ba ang pinagsasabi niya? May atraso lang ako sa kanya kaya ko pinaunlakan ang problema niya sa buhay. Na guilty lang ako at wala akong planong maangkin siya. “Haharap tayo as a couple sa mga business associates namin, especially during family gathering at kay Mama.” aniya. “Pag sinabi kong haharap. Gagawin natin kung ano ang madalas na ginagawa ng couples.” Patuloy niya. Naghahalikan, nag hoholding hands, at masayang nag ku kwentuhan.
“We won’t f**k each other,” saad niya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Bakit required ba ‘yon as a couple? Sa pagkakaalam ko mga kinakasal lang ang gumagawa noon, pero ewan ko, nowadays, marami na akong kakilala na engage sa naturang gawain. “Hindi ako interesado sa’yo, you’re not my type.” aniya at pinagsadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
“So do I,” bulong ko at pasimpleng umirap. Narinig ko lang ang kanyang pag-ngisi. Ang takot ko sa kanya, sa atraso ko sa kanya ay napawi. Hindi ko kayang matakot sa isang taong gagamitin lang ako.
“We’ll see then,” ang lakas ng hamog niya sa katawan. I won’t get trick by him, sisiguraduhin ko ‘yan. Marunong akong mag manage ng emotions ko since the day I learned about my dad’s affair with another woman. “Eventually, we will declare about our split up and everyone will know it. I’m a broken man, at sisiguraduhin ko sa mga oras na ‘yon makukuha ko ang simpatya ni Mama and she will allow me to manage the business para hindi na ako malungkot sa nasirang relasyon natin.” Patuloy niya at sinundan ng pagtawa nang malakas.
“Are you planning to ruin my name?” tanong ko sa kanya. Kung plano niya kunin ang sympathy ng Mom niya, there’s a bigger chance na sisihin ako dahil sa kalungkutan ng anak niya.
“If you violate my rules, I won’t hesitate to do it.” Para siyang demonyo na nagsasalita. Hindi ko gusto ang tono niya, boses nananakot. Para bang sinasabi niyang accepting this is like accepting a one way ticket to hell.
“Rules?” problemado kong tanong. Kinuha niya ang dokumento sa kanyang giliran at binagsak ito sa aking harapan. Agad kong binasa ang nakasaad dito. Kumunot ang noo ko— kapag nakaharap sa kanila, pwede ang maghalikan, magkayapan, mag holding hands at palitan ng sweet convo. Strictly, no cheating during show off or kahit wala sa show to maintain the good reputation of each.
“Saan ka ba ngayon at bakit naglalakad ka sa daan?” biglang tanong niya.
“Naghahanap ng trabaho,” ani ko habang nagbabasa ng contract. Ang huling nabasa ko, kapag tumanggi ako rito, I will pay him five million. Ngumisi ako. Unbelievable! Pwede naman siyang maghanap ng babae diyan sa tabi tabi and ask her to be his fiancee, gusto niya lang akong pahirapan dahil sa naging atraso ko sa kanya.
If he was a good man, hindi ito mangyayari sa kanya. Girl’s instinct, kahit hindi nakikita alam niyang may ginagawa kang katarantaduhan sa kanyang likuran. I have female friends in Rome, they have the same sentiments everytime we get along to chitchat.
Sa huli, pumirma ako at saka ko binigay sa kanya. Doon ko napansin ang matagal na paninitig niya sa akin. “Wala kang trabaho dito? Bakit di ka bumalik ng Roma?” tanong niya.
“If I can then why not.” Kibit balikat ko na ani. “Wala akong sapat na pera para bumalik pa doon.” Patuloy ko.
“Oh, right! Ex fiancee ko pala ang gumastos sa lahat makauwi ka lang ng Pilipinas. Thanks for her help, I got f****d up.” Sarkastiko siyang tumawa. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa stool. Huminga ako nang malalim, nalaman din niya lahat at wala akong ideya kung sinabi ba ni Miss Sam sa kanya o siya mismo ang nag imbestiga.
“Saan ka nakatira? Hatid na kita,” offer niya.
“Maghahanap pa ako ng trabaho.” Napatingin siya sa akin. Unti unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi parang may masamang binabalak na naman siya. Kung ano man ang naglalaro sa kanyang isipan, hindi ko na nagugustuhan kahit hindi ko pa naririnig. I knew him for being asshole, parati kong naririnig sa mga kwento ni Sam dati.
Bakit ba ako pinaglalapit ng tadhana sa lalaking ito? He is not good for my mental health. I bet this condition will only last in two months or weeks from now. Mag-uumpisa na akong magbilang.
“KUNG makakapasok ako sa kompanyang ‘yan sa tulong mo, higher position ang nakatadhana sa’yo.” Aniya at tinuro ang building sa tabi ng sasakyan na minamaneho niya kasalukuyan. ADORÉ, Inc. Alam ang brand ng mga underwear na isa sa mga products nila. Nakikita ko sa mga mall pero sa tingin ko ang brand na ito ay hindi pa nakakaabot sa Europe.
Kung gayon, sila ang nagmamay-ari ng Kumpanyang ito. “Sister company ng EN LINE, right?” tanong ko sa kanya.
“Paano mo nalaman?” tanong niya. Nagkibit balikat lamang ako at ngumiti. I had been in the furniture manufacturing industry before, and one of my duties and responsibilities is to identify potential competitors— isa na roon ang EN line. Pero hindi ko sasabihin ang tungkol dito sa kanya.
“Alam ko lang,” tugon ko sa kanya. Ngumisi siya at umiling.
“Huwag ka munang maghanap ng trabaho ngayon. Wait until I introduce you to my Mom tomorrow, maghanda ka.” Biglang aniya.
“Ha?” biglaan kong tanong at sinundan naman niya ng pag-ngisi. Ano kaya ang pinaplano niya? Paano kung hindi na ako tuluyang makahanap na trabaho? Balak niya ba akong gutumin?
Samu’t saring balita ang gumulo sa araw ko ngayon. Nagmamadali ang oras upang pahirapan ako sa susunod pang mga araw. Kailangan kong maging handa, hindi ko lubos kilala si Iggy. Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin sa akin.
“Siya nga pala, may standards si Mama ng sa mga babae. Alam niyang may fiancee ako pero hindi niya pa nakikilala kaya ikaw ang haharap sa kanya.” Aniya nang umusad ang traffic. Mga ilang sandali ay nahinto kami sa isang fashion boutique. Nang lumabas siya ay senyales na iyon na sumunod ako sa kanya.
Agad siyang sinalubong ng napaka sexy’ng staff ng naturang store. Napatingin siya sa cleavage nito na lumuluwa lamang sa kanyang harapan sabay ngiti. Hindi ko naman sinasadya at napatingin din sa sariling dibdib, mamaya bibili ako ng push up bra.
“Gusto niya ng sopistikada, matalino, mapagkakatiwalaan, prim and proper, at organized.” Aniya at naglakad sa giliran ng mga nakahilerang damit. Ang kanyang hintuturo ay nasa kanyang panga habang namimili ng damit.
Napapatingin naman ang mga staff sa kanya. Base sa kanilang mukha, para silang naninisay sa kilig habang nakatingin lamang kay Iggy. Well, kung ako’y simpleng teenager, magagwapuhan din ako kay Iggy. He has this perfect masculine built that every woman is drooling over. His body proportion is similar or better than male models I’ve seen in magazines. Idagdag mo pa ang features ng mukha niya, those thick eyebrows, stubble, aquiline nose, red lips, and his pair of eyes which I find so alluring.
“Nakikinig ka ba?” nakabalik ako sa ulirat nang marinig ang kanyang boses.
“Ha?” tanong ko. Inihagis niya ang napiling damit sa akin na agad ko rin namang nasalo.
“Sukatin mo ‘yan. I will wait for you outside the fitting room.” Aniya at mabilis na naglakad sa sinasabi niyang lugar. Sinunod ko ang kagustuhan niya. Sinuot ko ang damit na kasyang kasya sa katawan ko. Ilang babae na kaya ang binilhan niya ng damit at bakit bihasang bihasa siya kung mamili?
Hindi naman masyadong malaswa ang naturang dress. Plain rose gold ang kulay at hanggang tuhod ang haba ng skirt at manggas na hanggang siko. Maputi ang balat ko, bagay sa kulay ng damit pero ang problema, hindi ko na alagaan nang tama kaya nag da dry siya.
Lumabas ako ng fitting room. Kinalma ko ang sarili ko nang makita siyang nakahalukipkip habang seryosong nakatingin sa akin.
“Looks good on you,” puri niya sa malamig na tono. Lumundag ang aking puso, ito ang unang pagkakataon na puriin ako ng lalake maliban kay Daddy.
Naglahad siya ng card sa staff at saka kami iniwan ng babae para tumungo sa counter. Naiwan kaming dalawa ni Iggy sa silid, tumikhim ako to lessen the awkward atmosphere in the air.
“Ito ba ang susuotin ko bukas?” pang iiba ko ng usapan. Masyadong malalim ang kanyang titig sa akin, hindi ko maatim kaya bumaling ako kahit saang sulok ng silid.
Lumapit siya na dahilan ng nakapagpalakas ng pintig ng aking dibdib. Umatras naman ako hanggang maidikit ko ang aking likuran sa malamig na pader. He was talkative and naughty before, nangingibabaw ang kanyang boses sa restaurant tuwing kausap si Miss Sam and I couldn’t imagine that he can be this serious and quiet. Marahil sa akin lang, dahil malaki ang atraso ko sa kanya na halos hindi niya makalimutan.
Galit ba siya sa akin, kung gayon?
“I-iggy,” ani ko nang nilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Napapikit ako ng mariin, I’m not anticipating something romantic, you know, couples usually do in public places but…
Tila ibinuhos ang isang baldeng tubig sa akin nang marinig ko ang kanyang sumunod na sinabi. “You can break the rules, Flor, if you fall in love, head over heels with me.” He may be attractive to other women, yes pero… “...but I could never guarantee to repay your love.” for me, a man who is full of himself is less attractive.