bc

Be my Unlawfully Wedded Wife (Tagalog)

book_age16+
11.7K
FOLLOW
188.5K
READ
fated
arrogant
dominant
goodgirl
comedy
sweet
bxg
witty
betrayal
virgin
like
intro-logo
Blurb

THE GONCUENCO'S SERIES #3

Life's greatest teachers are heartbreaks and failures. Hindi naging madali para sa isang Floraluna Camejo ang kanyang pinagdaanan sa buhay. Wala itong kasiguraduhan kung anong landas ang tatahakin nang mag isa. She went to Rome Italy upang tustusan ang pangangailangan ng pamilya. but her life turned worse after meeting Ignacio Goncuenco III.

Ignacio Goncuenco III or mas kilala bilang Iggy, ay isang certified babaero. Nakilala na sana nito ang kanyang the one kung hindi lang sinira ni Floraluna. Ano kaya ang pakay ni Iggy nang muli niyang pinagtagpo ang kanilang landas ni Floraluna pagkatapos nitong sirain ang kanyang relasyon sa dati niyang kasintahan? Alamin!

chap-preview
Free preview
Panimula
“You can never have me.” Ito ang unang sinabi niya, noon. Which is true, indeed. Dahil noong umpisa pa lang, hindi na siya naging akin. “Haharap tayo as a couple sa mga business associates namin, especially during family gathering at kay Mama.” aniya. “Pag sinabi kong haharap. Gagawin natin kung ano ang madalas na ginagawa ng couples.” Sinunod ko ang kagustuhan niya kahit labag sa kalooban ko. Sinunod ko dahil alam kung may makukuha rin naman ako sa kanya, pero hindi ko akalain ako itong mahuhulog sa sariling patibong. “You can break the rules, Flor, if you fall in love, head over heels with me.” “...but I could never guarantee to repay your love.”                                ~*~ Bata pa lang ako, ipinakita na sa akin ni Mommy and Daddy kung gaano nila kamahal ang isa’t isa at kung paano nila ako alagaan at protektahan. We are the model of a perfect family, ika ng iba. Wala akong kahati sa pagmamahal ng aking mga magulang. Ang kanilang atensyon ay pawang nasa akin lamang. Binibigay nila ang gusto ko pero hindi ibig sabihin ‘non, nakukuha ko naman ang lahat ng gugustuhin kong maangkin. Tinuruan ako ng aking mga magulang kung ano ang kaibahan ng pangangailangan at luho, at sa murang edad naiintindihan ko iyon. My father is my best coach, while my Mom stood as my captain.  Hindi mabilang ang aking mga kaibigan sa school, most of my batchmates are willing to pay millions just to become one of my comrades. Sino ba ang hindi gustong maging kaibigan ang anak ng kilalang negosyante?  Ang aking Ama ay isa sa makapangyarihang business tycoon sa Pilipinas. Kilala siya bilang pinakamagaling at kinatatakutan sa larangan ng pag nenegosyo. Kinaiingitian ng ibang makapangyarihan at ginagawang inspirasyon sa mga naghahangad na maabot ang kanyang antas. Napapangiti ako tuwing sinasabi niya na si Mommy ang dahilan ng kanyang tagumpay. He can’t be called successful without my Mom, who stayed with him when he was nothing to become one of the renowned successful men alive. She was his first and only love… She was, “Mom, where’s Daddy?”  Hindi ko malilimutan ang isang gabing umuulan ng malakas nang tinanong ko siya. She was brushing my hair with her fingers while reading a book of my favorite fairytale.  Her sweet smile plastered on her face. Maganda si Mommy, kilala rin siya bilang isa sa pinaka eleganteng dalaga sa kapanahunan niya, pero lately, napapansin kong madalas siyang tahimik at nag- iisa. Her fashion sense is getting boring, and wrinkles grew some parts of her face. Siguro dahil sa edad, at stress sa negosyo. Both of my Mom and Dad are exerting effort to maintain our business at the top at hindi na sila bumabata sa bawat taon ang lumilipas. Aging is part of human’s live. “He’s on his way home, sweetie. Matulog ka na, it’s getting late.” Aniya at hinalikan ako sa noo.  Tumango ako at sinunod ang kagustuhan niya hanggang sa tuluyan siyang bumangon mula sa aking kama at lumabas ng kwarto pagkatapos niyang mapatay ang ilaw at maisara ang pinto. Nagpapanggap akong tulog. Hindi kailanman ako natutulog tuwing naririnig ko ang away nina Mommy at Daddy mula sa unang palapag.  “Sabihin mo diyan sa babae mo layuan niya tayo! Miguel, lumalaki si Floraluna. Gusto mo lang lumaki ang anak mo na may sirang pamilya?!” malakas na sigaw ng aking ina. “Wala akong babae, Ellen!” malakas na sigaw ni Papa pabalik.  Sumandal ako sa pader habang hinahayaan ang aking luha na dumaloy sa aking pisngi. Tinakpan ko ang magkabilang tainga ngunit hindi sapat iyon para hindi ko marinig ang batuhan nila ng sigaw sa isa’t isa. “I caught you kissing your mistress inside the car, Miguel.” Bunyag ni Mama at sundan ng hagulgol. “You promised me… You promise na ako na lang pero bakit, bakit mo ito nagawa sa akin?” mas lalong lumakas ang kanyang pag hagulgol. The nine years old me couldn’t do anything but to listen to the sound of my Mom’s cry every time my Dad arrived late at night. All I thought everything went fine when our lives set to normal again after Mommy forgave Daddy. Lumipas ang mga taon at hindi ko na narinig ang bangayan sa bahay. Akala ko okay na lang lahat. Her silence gave peace in every four corners of the home we used to live happily but I didn’t realize right away that my Mom was silently fighting the battle alone after all. Despite everything, I still forgive my Daddy, no matter how many mistakes he bore to us, especially to Mommy. Pero lahat ay may hangganan... “Isa sa mga dahilan kung bakit inatake sa puso ang mommy mo ay dahil sa depression at kaliwa’t kanang problema.” Paliwanag ng aming lawyer habang nakatayo sa kabaong ng aking ina.  “Where’s Daddy?” walang emosyong tanong ko habang hindi inaalis ang tingin kay Mommy na natutulog nang mahimbing. “He’s with his girlfriend,” ani ng lawyer at ipinakita sa akin ang isang litrato. Sa litratong iyon makikita kung gaano kasaya si Daddy sa kanyang dalagang kerida. “Your mom advised me never tell you about this, pero hindi ko kaya magbulag bulagan, Floraluna. Your business is no longer highly profitable unlike before, ‘yong masaya pa kayo, your dad risked out some of your assets to pay for all his debts in gambling, at ito ang nakakagulat, he can buy his mistress materials that are worth almost a million.” Paliwanag niya at dismayadong umiling. “I am not only your Lawyer, Floraluna I’m your Mom’s bestfriend.” Hinagod ni Atty. Oliver ang aking likuran. Muling naglandas ang aking luha sa aking pisngi. Hindi ko matanggap kung paano nag iba ang postura, pananamit, at mukha ni Mommy dahil sa kanila ng kabit niya. He can’t accept my Mom because she’s no longer beautiful and young like the way she was before? That’s why he chose to search for another one na mas maganda at mas mabata instead of accepting my Mom’s imperfection? Kahit gaano karami ang mali ni Daddy, hindi ko siya pwedeng iwanan. Wala ako sa mundo kung wala siya. My Mom’s memories are my greatest strength, hindi ko gustong mauwi sa wala ang kanyang pinaghirapan sa negosyo namin. Her life belongs to Ele and Miguel’s Hotels and Restaurants. Kung kaya’t sa edad na fifteen, natuto akong tulungan si Daddy sa pag ma manage ng negosyo.  Doon ko napagtanto ang dami ng branches ng hotel na tuluyang naglaho sa Pilipinas at kahit ang distribution Company na kaka umpisa pa lang two years ago ay ipinasa ng Principal sa ibang distribution company dahil sa maling pag manage nito. Sa edad na labinlima, natuto akong lumusong sa problema. I was supposed to study hard, do homeworks, and enjoy my teenage life but at fifteen, I have to face the truth that working inside the office where the smell papers and inks surrounded the whole room while battling my peace against the noise of a printer, photocopier, and ringing telephone was indeed a definition of real life. Hindi ko man gusto ang nangyayari, wala akong magagawa kung hindi tanggapin na ganito na ang buhay ko. Hanggang tuluyang inuwi ni Daddy ang kanyang kabit sa bahay at inanunsong kinasal na sila kanina... Kilala ko ang babaeng iyon, kilalang kilala ko ang sumira ng tahanan namin noon. “How’s life being a trophy wife?” tanong ko sa aking young madrasta isang umaga. Michelle, the young b***h who’s now carrying Camejo after her name looked at me over her shoulder.  “Fun,” tipid na aniya at humarap sa akin. Nakataas ang baso ng wine na kanyan hinahawakan. “Dapat tinatawag mo akong Mama,” aniya at matamis na ngumiti. Ngumisi ako at humalukipkip, “I have only one mother. You can’t be one.” Tugon ko sa kanya. She let out a sigh and showed her sweetest smile. “You had,” napatingin muli ako sa kanya nang sinubukan kong umalis at hindi na makipagtalo. “Ang mama mo ang sumuko, hindi pa nga natatapos ang laban eh.”  “Ano sabi mo?” hindi ako nakapagpigil. Sinampal ko siya at walang awang sinugod. Kung hindi dumating si Dad ay baka mapatay ko na ang babaeng ito. “Honey, hindi ko alam kung ano ang ginawa kong pagkakamali. Agad niya na lang akong sinugod!” she reasoned out at nagmamakaawa pa sa harap ni Daddy. “Sinungaling ka! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Mommy!” sigaw ko. Tuluyan akong inawat ng mga kasambahay dahil sa panggigigil na sabunutan siya. Umiling iling siya at natutong pang umiyak. “Hindi kita kailanman matatanggap, never!” Naging normal sa aming dalawa ang bangayan sa pamamahay. Her audacity to validate her mistake is purely disgusting. Maganda siya aminado ako pero mukha siyang pera at hindi ko siya kailanman magugustuhan. Makikita ko munang lumipad ang baka nang patihaya bago mangyari iyon. She handled the business habang ako ay nagpatuloy ng pag kokolehiyo. Sunod sunod ang kanyang bad performance pero unlike dati na sinisigawan ni Daddy si Mommy kapag may kapalpakan, ang ginagawa ni Daddy ay minomotivate siya.  Nakaramdam ako ng selos para kay Mommy. Ano kaya ang mararamdaman ni Mommy pag nakita niya ito?  Our business finally met its doom after I graduated in college. We faced bankruptcy dahil sa maling pamamalakad ng aking madrasta sa ilang taong paninilbihan at hindi na ito nasulusyonan pa ni Dad. Marami sa mga properties ni Daddy ang naibenta, at ibang pang mga business assets na naging collateral dahil sa milyong milyong pagkakalugi. Hindi na muling nakabangon pa. Muling kaming sinubok ng panahon nang binawi rin ang tahanan na punong puno ng masasayang alaala namin ng aking mga magulang. “I’m very sorry, anak.” My father cried after we had arrived to a simple bungalow na aniya’y magiging tahanan namin. He was crying the whole night at ang tanging nagawa ko ay yakapin siya at patahanin.  One day, babawiin ko ang lahat ng nawala at kung hindi kakayanin, kahit ang tahanan na lang namin. I can see how much he regretted losing everything in his life, including my Mom. Nahuhuli ko siya minsan na nakatingin sa litrato ni Mommy at nagiging dahilan iyon ng away nila ni Michelle. I also regret not supporting him. Binalot ako ng sakit at galit at ang pinakamamahal na negosyo ni Mommy ay pinabayaan ko na at nag focus sa sariling layunin. Kung hindi ko hinayaan, hindi kami mauuwi sa ganitong buhay. Mas lalong kaming binalot ng kadiliman nang magkasakit si Papa ng Diabetes at bato sa kanyang kidney. Hindi ko alam ang gagawin bilang kaisa isang anak niya. I can’t lose him, nawala na si Mommy at hindi niya ako pwedeng iwan. Walang gamot na makakapaglaho sa sakit na diabetes. Ang tanging gagawin niya lang ay i-maintain ang dyeta at mga supplements na binigay sa kanya ng doktor. Hindi ko siya masusuportahan kung wala akong gagawin… Ang huling naipon ay ginamit ko upang makapunta ng italya. Nagsimula akong magtrabaho doon. Nilakasan ko ang loob kahit minsan pinanghihinaan ako. Hindi ako pwedeng sumuko dahil kailangan ni Daddy na mabuhay. Naging purchasing officer ako sa umaga at waitress sa isang resto bar naman sa gabi. Naging maganda ang daloy ng sahod, katamtaman para sa mga gastusin sa loob ng dalawang taon lamang. Pero hindi ko pwedeng iwan pag we waitress ko, ang sinasahod ko rito ay pinapanggastos ko para sa sarili ko. At sa pag we waitress, naglalaho ang pagod ko sa pagtatrabaho ko sa umaga. Marami akong naging kaibigan na mga italyano at pinoy sa naturang restaurant. Isa na roon ang madalas naming bisita na si Sam Sarmiento at ang kanyang kasintahan na si Iggy Goncuenco.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
219.6K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
399.3K
bc

My Godfather My husband

read
271.3K
bc

My Son's Father

read
585.6K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
91.3K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
282.3K
bc

His Property

read
950.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook