THIS IS IT. Kailangan kong mapagtagumpayan ito kung gusto kong bumalik sa Pilipinas upang makita ko si Papa. Hawak hawak ang aking phone ay nilakad ko ang kahabaan ng hotel kung saan sa tingin ko mahahanap si Iggy.
Umupo ako sa mesang hindi kalayuan sa kanya. Itinaas ko ang hood ng aking jacket at isinuot ang sunglass upang hindi niya ako mamukhaan. Kumuha rin ako ng dyaryo upang takpan ang aking mukha kung sakaling bumaling siya sa aking direksyon.
He was peacefully waiting for someone while sipping on his coffee. Nagbabasa siya ng dyaryo habang nakadekwatro ang kanyang paa. Huminga ako nang malalim, bakit nga ba siya nandito sa Hotel na ito at bakit madalas siya rito? Hindi kaya tama ang hinala ni Ms. Sam na may babae siya?
Inaalala ko ang usapan naming dalawa ni Ms. Sam bago ko ginawa ang misyon na ito.
“Critical ang condition ng father mo?” tanong ni Miss Sam nang mailapag ng waitress ang tinapay at kape na kanyang inorder para sa aming dalawa. Gabi na ngunit sa street na ito ay active pa rin ang mga tao at tindahan sa bawat tabi.
Tumango ako at hinawakan nang mahigpit ang kape habang umuusok ito sa sobrang init. Tamang tama para sa klima ang kape. “Hindi ko alam kung paano ako makakauwi, hindi sapat ang ipon ko sa pamasahe lang.” Plus gastusin pa ni Papa sa hospital.
Sa lahat ng problemang naranasan ko, ito ang pinakamahirap. Hindi ko rin mapagkakatiwalaan si Michelle dahil wala naman iyong trabaho. Umaasa lang sa bawat perang pinapadala ko sa kanila at sa ipon ni Papa. “I can help you,” napa angat ang mukha ko nang marinig si Miss Sam.
Seryoso siyang napatingin sa akin, kumpara sa mukhang madalas na nakangiti. “I will compensate for all your expenses, from plane tickets to hospital bills.” Aniya. Natigilan ako sa kanyang offer, unti unting gumuhit ang ngiti sa aking labi. Kinamot ko ang aking batok dahil sa kahihiyan.
“Salamat, Miss Sam. Salamat po talaga, kapag nakaluwag ako, babayaran ko po kayo nang paunti unti.” Saad ko. Umiling siya bilang pagtanggi na siyang ikinagulat ko pa nang husto.
“Hindi na kailangan,” aniya. Uminom siya ng kape. Kahit ang paraan niya ng pag inom ay napaka classy. “In one condition, Flor.” Patuloy niya.
“Tukuyin mo kung sino ang babae ng fiance ko.” Aniya. Naglalaro sa liwanag ang kanyang mga mata. “Kailangan ko ng matibay na ebidensya na may babae siya. Alam kong mayroon, ngunit hindi ko alam kung sino.” Patuloy niya. Umiling siya, bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya. Hindi kaya ang tinutukoy niya e’ ‘yong nakita ko kamakailan?
“I need pictures and other proofs, Flor, till tomorrow morning.” Sabi niya sa mariing tono. Kumalabog ang aking puso sa sobrang kaba.
“Paano kung lumagpas sa naturang oras at wala akong nahanap na ebidensya?” tanong ko sa kanya. Halos hindi ko mailunok ang kape.
Nagkibit balikat siya at tinapos ang kape sa kanyang baso, “Then, we’re even. Walang proof wala ring tulong.” Matamis niyang sabi pero it sounds like a threat. Huminga ako nang malalim at tumango.
“Deal,”
Bumabagsak ang talukap ko sa mata dahil sa paghihintay nang ilang sandali pa’y may lumapit sa kanya na isang babae. Hindi ito kasing ganda ni Miss Sam, isang normal lang na babae na hindi mo maisip na matitipuhan ng katulad ni Iggy Goncuenco.
Nakangiti itong umupo sa harapan ni Iggy. Lumapit ako sa mas malapit na mesa upang makahanap nang mas magandang view, atsaka ko sila kinunan ng litrato. Medyo kinakabahan ako sa phone ko kasi madalas itong magwala pero sana hindi siya mag alburoto ngayon. Napatingin ako rito, hindi mo masasabi na para silang nagdedate dahil sa litratong iyon ay parang nag-uusap lang sila tungkol sa negosyo.
Agad akong naging alerto nang tumayo silang dalawa. Tinago ko ang mukha ko sa dyaryo at sumilip sa kanilang dalawa na palabas sa Hotel. Agad akong sumunod sa kanilang likuran habang tinatago ang mukha ko sa scarf. Hindi dapat ako makita ng dalawang ito kung ayaw kong malagot.
Nag-uusap sila habang naglalakad kasabay ng mga taong naglalakad din sa daan. Seryoso ang kanilang mukha kaya hindi ko mahanap ang humor sa kanilang pinag-uusapan. Kung kabit o babae ito ni Iggy e’ dapat nagtatawanan silang dalawa ngayon, nagbibiruan, at nagho-holding hands.
Gayunpaman, kinunan ko sila ng litratong dalawa. Mayamaya ay pumasok sila sa isang mall at pumunta sa flower boutique kung saan huminto ang babae. Muli ko silang kinunan ng litrato pero hindi ko pa rin mahanap ang chemistry sa kanilang dalawa.
Katibayan, kailangan ni Miss Sam ng katibayan. It means naghahalikan, nagyayakapan, nag ho holding hands in public or pumasok sa isang kwarto ng hotel na magkasama. Lumapit ako sa kanila at nagkunwaring customer. Itinago ko nang husto ang aking mukha sa scarf at binaba ko rin ang aking bonnet.
Katabi ko ngayon si Iggy. Kapag nakita niya ako rito, siguradong malalagot ako. “What do you think about this, Jen?” tanong ni Iggy sa baritonong boses at tinuro ang rosas na kulay puti. Kinuha ko ang isang flower steam at bahagyang tinago roon ang aking mukha.
“It doesn’t smell good but it looks elegant, huh.” Ani ng babae na kanyang kasama. Bakit sila nagpaplanong bumili ng bulaklak? At mukhang hindi naman ito mukhang panglamay na bulaklak.
“I want a total package,” ani naman ni Iggy, tonong nagrereklamo. Nang kinuha ng babae sa kamay ni Iggy ang bulaklak ay muli silang kinunan ng litrato. Napatalon ako sa gulat nang namataan ang pag flash nito kaya agad akong tumalikod sa kanila at tinago ang phone sa aking cardigan.
“Excuse me,” boses iyon ni Iggy. Napraning ako at agad na tumakbo papalayo sa kanila. Nakahinga ako nang maluwag, muntik na ako roon. Sumilip ako at muli silang naglakad sa isang restaurant hindi kalayuan sa boutique.
Umupo ako sa mesa, hindi kalayuan sa kanila. Naglabas ng brochure ang naturang babae at pinakita ito kay Iggy. Napasandal naman ako habang kunot noong tiningnan silang dalawa, ito ba ang babaeng tinutukoy ni Miss Sam? Muli kong binuksan ang aking phone upang kumpirmahin kung siya nga ba. Hindi naman ako nagkakamali. Siya rin iyong nakita ko kamakainlan.
Pinasa ko sa email ni Miss Sam ang litrato na aking nakunan at agad ko rin naman natanggap ang kanyang mensahe tungkol doon.
It doesn’t look like they're doing something wrong. Wait until they go to uncrowded places. Napahilot ako sa aking sentido. Muli kong binuksan ang panibagong mensahe na aking na received mula sa kanya.
I want solid evidence, Flor. Keep that in mind. Kinagat ko ang aking labi at lumipat ng pwesto na magmumukha silang naghahalikan. Muli ko silang kinunan ng litrato pero this time, siniguro kong hindi mag fa flash ang aking phone.
“1.. 2.. 3..” bulong ko at malakas na tumunog ang camera. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at mabilis na tinago sa ilalim ng mesa ang aking phone. Nasulyapan ko ang paglingon ni Iggy sa aking gawi kaya agad akong lumabas ng restaurant.
Napadpad ako sa isang corner patungo sa C.R. Umupo muna ako sa bench at tiningnan ang litrato na aking nakunan. Pero hindi pa rin siya solid evidence na sinasabi ni Miss Sam. Ano ba kasi ang gagawin niya sa mga litratong iyon? Bakit hindi niya tanungin si Iggy? Sa pagkakaalam ko, dapat nila pinag-uusapan ang ganitong bagay.
Lumingon ako sa restaurant upang alamin kung nakalabas na sila nang napatalon ako sa gulat nang makita si Iggy sa aking likuran na nakaupo. Nakataas ang kanyang isang kilay habang sumusulyap sa hinahawakan kong phone. Kung bakit kasi sira ito edi sana hindi ako nagkakaproblema ngayon.
“S-Sir Iggy…” utal kong sambit. Makahulugan niya akong tiningnan at saka siya tumayo at tumabi sa akin. Agad akong napalayo sa kanya dahil sa takot.
“Floraluna…” aniya habang nakanguso. “Are you stalking me?” confident niyang tanong. Mabilis akong umiling, hindi naman ako secret admirer niya para magkaroon ng interes na i stalk siya.
“Hindi po, bakit niyo naman nasabi ‘yan,” ani ko at pilit na tumawa.
“I hope so,” aniya at huminga nang malalim. Bumagsak ang kanyang balikat at napatingin sa kawalan. “Pagod na akong magtago sa mga stalker ko.” Aniya at muling huminga nang malalim. Muntik na akong matangay ng hangin sa sobrang lakas nito pero pinilit kong intindihin ang kanyang sinabi.
Igg is handsome and having stalkers are also possible, pero kailangan bang ipahayag ito sa akin? At ang malala ay pagkamalan akong stalker?
Hinawakan niya ang kanyang noo at problemadong umiling. Muli siyang bumaling sa akin at tiningnan ako nang husto. “I saw you taking pictures of me, Flor. Why do you have to do that if you’re not stalking?” aniya sa tonong namamaratang.
Mabilis akong umiling at hinawakan nang mahigpit ang aking phone. “You must be mistaken…” saad ko. Ngumisi siya at umiling. Nilahad niya sa aking harapan ang kanyang kamay.
“Then, you will let me see your phone.” aniya. Mahigpit kong hinawakan ang aking phone. “Akin na,” tumaas ang kanyang isang kilay habang dinidiinan ang pagtaas ng kanyang palad sa tapat ng aking mukha.
“Hindi. Hindi pwede,” ani ko at tumayo. Kapag nalaman ito ni Iggy malalagot ako kay Miss Sam. Hindi ako makakabalik ng Pilipinas kapag wala ang tulong niya.
“Flor, hey!” sigaw ni Iggy nang tumakbo ako. Nabunggo ako sa likuran ng babae dahilan ng pag-upo naming dalawa sa sahig. Mabilis akong tumayo sa takot na baka mahuli niya ako at saka niya tinulungan ang babaeng kasama niya kanina kung saan ako nabunggo.
Pasimple kong kinunan ng litrato ang kanilang posisyon na tila naghahalikan sa Mall habang nakahiga ang babae sa kanyang hita habang si Iggy ay nakahawak sa kanyang likuran at saka mabilis akong tumakbo. Narinig ko pa ang pagtawag ni Iggy sa pangalan ko bago ako makalabas ng mall.
“GOOD job, Flor.” ani ni Miss Sam pagkatapos niyang magpakawala ng balde baldeng luha. “Tama ang hinala ko,” aniya. Hindi tama ang hinala niya, sadyang exaggerated lang ang iniisip niya pero sa tingin ko naman walang babae si Iggy. They seemed to be talking about business and nothing else.
“Ano nga po pala ang gagawin niyo sa mga litratong ‘yan?” tanong ko sa kanya. Umangat ang kanyang mga mata sa akin.
“It’s none of your business, Flor.” aniya at ngumiti, ngunit pabagsak niyang pagkakasabi. “Kung nag-aalala ka na baka malaman ni Iggy na ikaw ang kumuha ng litratong ito, don’t worry I’ll handle everything.” Patuloy niya. Kinagat ko naman ang aking labi. Hindi na kailangan dahil mukhang alam na niyang ako nga ang kumuha ‘non. Kung bakit kasi ako napraning kanina at mabilis na tumakbo papalayo.
Ang palpak ko talaga!
Kailangan kong pagkatiwalaan si Miss Sam. Kung para saan man niya gagamitin ang litratong iyon ay naniniwala ako sa kanya na hindi ko na concern iyon. May mas malaki pa akong problema na haharapin sa pagbabalik ng Pilipinas.
**
I felt the warm breeze after stepping down on the plane. Alam ko na agad na nasa Pilipinas na ako.
Pinaghalong saya dahil sa wakas! Nakauwi na ako ng Pilipinas at makikita ko na si Papa at kaba dahil sa kalagayan niya pero hindi ko akalain na isang masamang balita ang bubungad sa aking pagdating.
My father, my dearest father, is already dead… fifteen minutes before I arrived.