Trenz
Nakatanggap ako ng text sa mga siraulo na nandoon sila sa lungga namin kaya kumuha na ako ng jacket at nagtungo doon. Walang nakakaalam ng lunggang 'yon. Bale hideout narin namin. Sa dami dami ng g**g ngayon kami agad ang pinag-iinitan. Mga desperadong matanghal na pinakamakangyarihang grupo eh. Itong si Stanley rin kasi may paandar. Kung sino man ang makakatalo sa amin pati black card niya isusuko niya. Siraulo talaga. Palibhasa nakakatakot kalaban ang gago kaya malakas ang loob.
"Bwesit ka Jey-em. Hinaan mo yang volume ng p**n mo! Pati ako nadadala siraulo ka." sigaw ni Noah nang makapasok ako. Pumaibabaw naman agad ang tawa ng malanding si Jey-em. Kasama na naman niyan si Jeck. Gawain ng dalawa yan eh. Nagmomovie marathon ng p**n. Mga mukha palang m******s na eh.
4
"Anong meron?" Umupo ako sa sofa at nilantakan yung mint na lollipop na nabili ko kanina. Nakakasira kasi sa lamangloob ko pag inaraw araw ko yang siragilyo na yan. Kawawa naman ang atay ko. Ayokong mabulok sa loob.
"May imbitasyon sa Daesang. Ano? Puntahan natin?" Inilapag ni Sid yung black invitation. Ang Daesang ay isang malaking Bar kung saan ang nakakapasok lang ay mga makapangyarihang g**g. Safe naman doon. Yan lang ang araw na hindi pwedeng maglaban laban ang mga g**g. Nandoon rin ang mga babaeng g**g. Halo halo na 'yon. Pero hindi pwedeng lagasin ng babaeng grupo ang lalaking grupo. Konti lang naman ang may g**g ng mga babae eh.
"Ano daw? Rave party ba?" tanong ni Harold.
"Siguro." kibit balikat ni Noah
"Total nakakabagot dito patulan na natin." sabi pa ni Jeck. Nandoon sila sa sulok eh. Si Jimin nahuhuli ko nang nasa pantalon na ang kamay. Walanghiya talaga.
3
"Sa banyo mo yan gawin. Gago." Tinapunan siya ng unan ni Stanley. Nahuli rin pala ng loko loko. Tumayo naman agad itong si Jey-em at humahalakhak pang nagtungo sa banyo. Yung totoo, nagdodroga ba ang walanghiyang yan? Pag nagkataon magigilitan siya ng leeg ni Pinunong Denim. Sira na nga buhay namin pati ba naman kinabukasan namin sisirain rin? Palibhasa pati utak niyan sira narin eh.
"Kailangan nating pumunta. Ang sabi sa akin ni Pinunong Denim baka mapadpad ang unica hija niya doon at takasan na naman ang mga gwardya niya. Mabuting nandoon tayo para maireport agad natin sa kanya at mabakuran narin." Natahimik kami. Yung babaeng iyon masyado pa namang wild. Siguradong nandoon yun. Imposibleng wala.
5
"Mamayang gabi. Yung kotse mo gamitin natin. Pagpahingahin muna natin kotse ni Sid, lalo na't may pulis na dumating kagabi. Baka nakita yung plate card masasabit pa tayo." Ibinaling ni Noah ang tingin kay Stanley na mas lalong sumeryoso ang mukha. Nandoon na siya sa harap ng piano at nagsisimula nang daanan ng daliri niya ang piano keyboard at tumutugtog na ng magandang tunog. Naging tahimik kami sandali para lang pakinggan iyon. Bukod sa billiard, may piano kami dito dahil narin mahilig si Stanley doon. Magaling siyang tumugtog niyan eh. Kung may kinahuhumalingan man iyan, yun ay ang piano.
Pagod ang mga mata ni Stanley nang bumaling siya sa amin pagkatapos niyang tumugtog. Nandoon parin siya nakaupo habang dinadaanan ng kamay niya ang mga piano keyboard ng kamay niya.
"Huling gamit niyo sa kotse ko winasak niyo. Pag itong bago kong kotse nagasgasan ipeprenda ko kayong anim pambili ulit ng bago." Iritadong sabi ni Stanley. Di na namin pinansin ang katabilan ng dila. Sanay na kami diyan. Masakit talaga yang magsalita.
Kumagat ang dilim. Nagkita nga ulit kaming pito. Napasipol pa ako dahil sa kumikinang na bagong kotse ni Stanley. Palibhasa ang yaman ng ungas.
"Front seat ako." sabi ko. Bubuksan ko na sana yun nang tumalim na ang tingin sakin.
"Ano? Sa tuktok ka?" Pagbibingihan niya. Napunto ko naman agad. Ayaw niyan na sa harap ako dahil naiingayan sakin. Eh paano ba naman nadadala ako sa kanta di ko namamalayan nasasapak ko na pala siya. Naabot ng kamay ko ang mukha niya dahil sinasabayan ko ng sayaw yung kanta.
"Ang sabi ko sa backseat ako." Doon nga ako pumasok. Si Jey-em naman itong hindi na nagpaalam kay Stanley at sumakay doon sa frontseat. Pagdating kay Jey-em parang lahat ata walang angal si Stanley. Tss. Puro kami nakaitim. Maangas tingnan.
3
"Noah ba't hindi ka nagpink? Para naman naiiba ka. Lider ka namin eh." mungkahi ni Harold na ikinatawa na namin. Walanghiyang may sayad sa utak. Sa lahat ng aasarin yang lalake pa talaga na yan.
"Walanghiya ka. Eh kung lagyan ko ng kulay ube yang mukha mo para naman may iba ka ring kulay?" diin ni Noah
"Nireregla ka ba? Init ng ulo ah." natatawang sabi ni Sid.
"Mukha niyo."
"Gwapo." sabi naming lahat. Aminado eh. Hanggang ngayon pinagtatalunan parin namin kung sino ang pinakagwapo. Dapat ako eh.
2
Pagdating namin doon ay parang walang ebidensya na may malaking Bar sa loob. Para lang kasing iskinita ang labas nito. Walang katao tao. Pumasok pa kami doon sa madilim na liblib saka kumatok ng pangatlong ulit si Noah. May pattern 'yon.
"Invitation." sabi ng lalake sa maliit na butas. Ipinasok ni Noah ang black envelope doon sa parang huluganan lang rin ng sulat. Ilang sandali lang ay bumukas ang parang pader at doon namin narinig ang nakakabinging ingay ng loob. Sinalubong agad kami ng neon lights na tumatakas na dito sa labas. Pumasok kami doon. Kapansin pansin na puro malalaking g**g ang nandito. Base narin sa natatanaw ko. Nandito lahat ang malalaking g**g. Pitong makapangyarihang g**g na binubuo ng ibat ibang bilang ng myembro. Yung iba tumalim agad ang tingin sa amin. Pero dahil cease fire muna nagsitanguan lang kami nang magkasalubong ang mga tingin namin.
"Ang sarap ikama nung isa oh." narinig kong sabi ni Jey-em.
1
"Ang sarap mong hampasin ng kama no?" sabi ni Stanley na ikinahalakhak niya lang. Walang nasa utak kundi yang kalandian niya. Pambihira.
1
"Dude! Balita ko may nalagas na naman kayong g**g ah? Sabagay. Pipitchugin daw na g**g eh." Ngumisi itong lider ng bigbang. Tumango lang naman si Noah. May patakaran sa party na 'to. Sa oras na lumandas ang kamao mo sa isa, automatic malalagas na ang grupo niyo. Kaya nagdadalawang isip rin kaming pumunta sa ganito. Pinupunterya kasi nila ang pasensya ni Stanley. Sinasagad. Pag sumabog yan hindi na yan makakapagtimpi pa. Kaya ayaw sa mga maiingay na lugar eh.
1
"Oo pipitchugin. Ni hindi nga pinagpawisan si Jey-em sa limang 'yon." sabi ni Stanley
"Talaga ba? Kahit siguro ako na tulog kaya kong malagas 'yon." sabi pa nito. Halatang sinasagad na ang pasensya namin.
"Ako nga nagsisimula pa lang akong dalawin ng antok nauna ko nang mapatulog ang limang yun." hirit naman ni Stanley na ikinangisi namin at ikinailing. Kitang kita namin ang pagkawala ng ngiti nitong lider nila. Wala talagang nakakatalo sa tabas ng dila nitong si Stanley.
1
"Layas sa harapan namin. Isalba mo ang natitirang kahihiyan sa buto mo." dagdag ni Stanley
"May araw rin kayo." Ngumisi ito sa amin at umalis rin. Yung mga iba niyang grupo ay ang lagkit ng makatingin sa amin.
"Ang raming bading dito. Kung makatitig para na akong hinuhubaran." Halakhak ni Jey-em.
"Alam niyo naman, isa ang grupo na yan na gustong agawin ang titulo natin. Makapangyarihan na sana pero masyado paring sakim." sabi ni Harold
Kumuha ako ng wine sa napadaang waiter na may dala dalang pabilog na tray at may laman na mga wineglass. Pinaparada sa kahit saan eh. Ba't gusto kong subukan ang ganyang trabaho? Para kasing ang saya.
"Loko lokong 'to ano na naman ba iniisip mo at di ka makausap ng matino? Doon daw tayo sabi ni Noah." Natauhan lang ako dahil sa marahang pagsiko ni Jeck sakin kaya nakuha niya ang atensyon ko. Ang ingay rin kasi ng paligid eh. Parang nakakadala yung kanta. Lalo na't dim pa yung ilaw. Ang sarap sumayaw.
"Black Army." May ngumiti na lalake sa amin. Bukod sa kami ang makapangyarihang g**g sa oras na 'to at kinakatukan, sila naman ang delikadong g**g. Madumi maglaro. Iba sila lumagas. Hindi pa namin alam ang mga diskarte nila pero isa rin sila sa kinakakatakutang g**g. Dahil sa oras na sila na ang lumagas, mas makamandag pa sa kagat ng ahas.
"Midnight." daing ko sa pangalan ng grupo nila na ikinangisi nila. Hindi dahil hatinggabi sila umaatake kundi mas madilim pa sa hatinggabi ang magiging kinabukasan ng g**g na napipili nilang lagasin. Hindi na sinisikatan ng araw.