1
Jeck
Papunta palang ako sa locker room ko nang may makita akong lalaking pilit binubuksan 'yon. Ni hindi man lang ako napansin dito na lumalapit na sa likuran niya.
"Stalker ba kita?" tanong ko sa likuran niya na ikinagulantang niya. Halos mapatalon siya sa kinatatayuan niya.
"K-Kasi... A-Akala ko locker room ko. S-Sige..." Ngumisi siya sakin at halatang napakaputla na ng mukha. Ako naman itong blangko lang siyang tiningnan. Akala niya locker niya?
1
Humakbang siya paalis. Nang makalebel niya ako ay hinila ko ang braso niya at marahas na ibinalik sa harapan ko. Sa sobrang lakas ng pagkakahila ko sa kanya ay kumalabog siya sa locker room at napasandal doon habang iniinda ang sakit gawa ng pagkakatama ng likod niya sa bakal ng locker. Magdadahilan na nga lang siya yun pang mabilis siyang mahahalata. Sa lahat ng sasabihing kasinungalingan yun pang masyadong obvious.
"Espiya." mungkahi ko na mas lalo niyang ikinaputla. Base sa hitsura nito halatang bago siya dito. Lalo na't malakas ang loob na pakialaman ang gamit namin. Ni hindi man lang nasindak sa itim kong locker room at sinisigaw ang pangalang BLACK ARMY. Tapos kapagkakamalan niyang kanya? Bobo.
2
Mabilis na siyang umalis sa harapan ko. Sinundan ko lang ito ng tingin. Nandoon narin si Trenz sa di kalayuan. Papunta dito. Makakasalubong niya ang siraulong yan. Napatingin si Trenz sakin kaya tinanguan ko. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya pero pumapaibabaw ang seryoso niyang ekspresyon.
Nalagpasan na siya ng lalake ng isang pulgada pero nahawakan niya ang braso nito at hinila niya paharap sa kanya. Nang humarap ito ay walang hesitasyon niyang isinalubong sa mukha nito ang kamao niya. Sa isang iglap ay humilata na ang lalake sa sahig. Napangisi ako at naglakad papunta doon. Dumugo ang labi nito dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Trenz sa kanya. May lakas ng loob na kalabanin kami kaya nakakasiguri akong naghahanap ito ng sakit sa katawan. Ba't di pagbigyan? Minsan lang kami mabait at tumutupad ng kahilingan.
1
"Ito na ba yun?" tanong ni Trenz na tinanguan ko. Duda na kami na may espiyang umaaligid sa paaralang ito nitong mga nakaraang araw. Madaling mahalata yun dahil masyadong tanga ang espiya na 'to.
"Anong kailangan niyo sakin?!" sigaw nung lalake pero bakas parin ang takot sa kanyang mukha. Babangon na sana ito kaya inapakan ni Trenz ang dibdib niya kaya napadaing yung lalake at hindi nakabangon.
"Tawagan ko lang si Noah. Magigitilan ng leeg ang lalaking ito panigurado." sabi ko na mas lalo atang ikinaputla ng lalake. Nagawa pang kunin ni Trenz ang lollipop na nakalagay sa bulsa ng suot niyang uniporme at sinimulan itong kainin.
["Ano?"] Ang malamig nitong boses ang sumalubong sakin sa kabilang linya.
2
"Yung espiya." sabi ko
["Sige. Dalhin mo sakin dito sa classroom. Maghihintay ako sa labas."] Namatay rin ang tawag kaya sinenyasan ko si Trenz na patayuin ito. Inalis niya ang paa niya doon sa dibdib nito at hinila ang kwelyo nito kaya dumadaing itong tumayo. Sinimulan niya itong kaladkarin habang naglalakad na kaming dalawa. Nasa likod naman ako ng dalawa.
Seryoso ang ekspresyon naming dalawa ni Trenz habang naglalakad sa hallway ng eskwelahan. Bawat classroom na madadaanan namin ay napapatingin sa aming lahat na may mga takot sa mukha. Yung iba namang estudyante na makakasalubong namin sa hallway ay mabilis nang nagsisialisan at pumapasok na sa classroom hanggang nagkaroon ng malaking espasyo sa dinadaanan namin.
Black Army. Pitong lalakeng kinatatakutan sa eskwelahan na 'to. Hindi kami yung tinitilian, kami yung iniiwasan. Hindi sapat yung salitang gangster para ilarawan ang mga hitsura namin. Kung may mas mataas pa sa gangsters ay kami yun. Sa dinami dami ng bumubuo ng g**g ngayon ay kami ang nauuna sa listahan na kinakatakutan. Pero hindi rin talaga maiiwasang marami ang mag-init sa amin. Marami ang gustong hilain kami pababa kung nasaan man kami ngayon.
"Tingin mo, anong gagawin ni Noah diyan?" tanong ko kay Trenz
1
"Depende. Mukhang wala naman 'tong alam." sabi niya.
"Baka ilibing niya yan ng buhay." sinulyapan ko yung lalake sandali na halatang natigilan pero nagpatuloy rin sa paglalakad dahil hila hila ni Trenz ang kwelyo niya.
"Hindi rin. Baka nga deritso crimate na." sagot ni Trenz para magtulak sa lalaking magpumiglas. Marahas niyang natanggal ang kamay doon ni Trenz kaso maling galaw dahil mukhang nakalimutan niyang nandito ako sa likuran niya. Sinalubong ko ng suntok ang sikmura niya nang humarap na siya sakin na handa na sanang kumaripas ng takbo. Namilipit siya sa sakit at unti unting napaluhod.
"Kahit saang anggulong tingnan wala kang takas. Impyerno itong napasukan mo. Demonyo ang kinalaban mo. Kaya asahan mong ibabyahe ka namin sa kalangitan." sabi ni Trenz. Hinila niya ulit ang kwelyo nito kaya napatayo ito habang bakas sa mukha ang iniindang sakit yakap yakap ang tiyan niyang sinikmuraan ko. Walang utak ang nagpadala sa espiyang ito. Masyadong tanga itong inutusan nilang manmanan kami.
Malayo kami sa mga lalaking pinapangarap ng mga babae. Hitsura palang namin kasindak sindak na. Lahat ng bumubuo sa pagkatao namin ay itim. Nababalot ng takot ang eskwelahan na 'to dahil sa aming pito. Hindi naman kami madalas dito. Sadyang ngayon lang kami nagkainteres pumasok dahil sa espiyang ito. Dito kasi nangangalap ng impormasyon. Anong makukuha niya? Ang grado ko sa english na 30? O ang grado sa Math ni Trenz na 20? Perfect attendance pa kami sa pagkacut ng klase. Pambihira.
Nasa hallway na kami nang makita pa namin si Jey-em na may hinahalikang babae. Idinikit niya ito sa pader at halos hubaran niya na ang babae dahil gumagala pa ang kamay niya sa buong katawan nito.
"Tama na yan." sabi ko at hinila siya paalis doon sa babaeng hinahabol na ang hininga niya dahil sa halik ni Jimin na nilunod ata siya. Ni hindi nga kami napansin ni Trenz dito dahil nasa kalandian niya ang buo niyang atensyon. Iniisa isa ng lalaking ito ang mga babae dito. Araw araw kung hindi sa hallway mo makikitang may kahalikan doon sa classroom o kaya sa kahit anong sulok ng eskwelahang ito na sakop ng kalandian niya. Nanghihila nalang bigla tapos ay hahalikan niya na. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot kaya humahalik pabalik yung mga babae o dahil sa sarap ng pinaparamdam ni Jey-em sa kanila. Ewan ko ba.
5
"Oh? Sino yan?" Naibulsa ni Jimin ang kamay niya at napangisi doon sa lalaking hawak hawak pa ni Trenz. Parang nakalimutan na ng lalaking ito na may kahalikan siya kaya yung babae ay umalis rin. Di yan nagseseryoso eh. Mas matindi pa yan sa may amnesia kung baliwalain na ang babaeng halos hubaran niya kanina. Kahit kailan talaga itong lalaking ito nasobrahan sa kalandian. Yung height naman nagkulang.
"Espiya." sabi ni Trenz na mas ikinangisi ni Jimin. Yung ngising malademonyo.
"Gaano ba kapangit ng buhay mo at nag-aaksaya kang magpakamatay ng maaga?" Humalakhak si Jey-em doon sa lalake. Loko loko eh.
"Tayo na. Baka naiinip na si Noah. Tayong tatlo pa ang makatikim sa halip na ito." sabi ni Trenz kaya naunang maglakad si Jey-em. Mukhang hindi na masisinagan ng araw ang grupong iyon. Ngayon pa lang titirikan ko na sila ng kandila para sa grupo nilang magiging kawawa.