Harold
"Kumusta?" Ngumisi ang lider ng Midnight sa amin. Siya si Zero. Sampo sila sa grupo. Kahit pito lang kami hindi naman yun rason para sabihing mas mahina kami kumpara sa kanila na lamang ang bilang. Nasa galaw yan. Di kami basta basta doon. Mabilis kaming kumilos. Malinis.
1
"Heto. Pagwapo nang pagwapo." sagot ni Sid na ikinahalakhak lang nito. Namataan ko pa ang iba nitong mga membro na nakangisi sa amin. Malademonyong ngisi.
"Talaga ba? Parang mas madilim pa sa pangalan ng grupo namin yang tinutukoy mong kagwapuhan."
"Para tayong tanga ditong pito. Sino bang kinakausap natin? Wala kasi akong makita. May nakikita ba kayong hindi ko nakikita?" Hirit naman nitong si Stanley na nagawa pang igala ang tingin sa harap namin. Na hindi niya nakikita si Zero. Walanghiyang lalaking ito. Ibang klase talaga mambara.
Pasimple pa kaming natawa ni Jey-em habang bakas sa mukha ni Zero ang pagpipigil ng galit. Nangangahas na barahin kami eh hindi nila alam may kasama kaming hari ng pambabara. Mas matabas pa ang dila sa matulis na kutsilyo.
2
"You really never fail to impress me with your mouth Stanley. Kung gaano ka kaputi ganoon rin kaitim yung salitang 'gwapo' sayo. Di ko mahanap." hirit nito.
"Talaga ba? Sa anino ko pa lang wala nang binatbat yang mukha mo. Mas malinaw pa ata anino ko. Teka nga, sino ba kasi yung nagsasalita? May boses pero wala akong nakikita. Masyadong madilim." Nauna nang maglakad si Stanley doon sa couch na nakapangalan sa amin. Ngumisi kami ng nakakaloko kay Zero lalo na't ang talim na ng tingin nito kay Stanley.
1
Umalis rin kami sa harapan ng siraulo. Lalo na't nag-iigting na ang panga. Yung kamao nito nakikita na ang ugat. Mas lalo tuloy nadadagdagan ang galit sa amin ng lahat dahil sa tabas ng dila ni Stanley. Eh sila nagsimula. Pag hihiritan magagalit. Sukatan pala ng pasensya ha? Baka sumabog ulo niyo sa pagpipigil pag si Stanley na ang nagsalita.
"Siguradong paglabas natin dito aabangan tayo ng iba." sabi ko. Sinimsim ko yung wine na nasa harapan ko.
"Ako magmamaneho." Ngumisi si Trenz. Kami naman itong napangiwi na. Ibang klase yan kung makahawak ng manibela. Pakiramdam namin nauuna nang bumyahe yung kaluluwa namin sa kabilang buhay. Feeling pusa ang lalaking yan. Akala mo may siyam na buhay kaya di takot.
"Sige ba." sang-ayon ni Stanley
"Talaga?! Oh! Narinig niyo--"Total hindi ko naman ikakapulubi ang pagpapacrimate sayo. Barya lang yun sakin." putol ni Stanley na ikinahagalpak na namin ng tawa. Pambihira. Kahit kailan talaga hindi matino kausap ang lalaking ito. Walang sinasanto eh. Pati kami walang takas diyan sa tabas ng dila niyan.
Napansin ko ang pagngisi ni Jey-em sa di kalayuan. May tinitingnan ito. Nagawa niya pa kasing itaas ang hawak niyang wineglass na para bang may inaalok ito kaya tinrace ko ang tingin at natagpuan ang isa sa grupo ng magagandang babae na nakangiti rin ng matamis kay Jey-em. Kumindat ito at tumayo sa inuupuang sofa habang ang tingin ay nakay Jey-em parin.
"Cr muna ako." sabi ni Jey-em na hindi man lang kami tiningnan at nandoon lang sa babae ang tingin. Sumobra na talaga sa kalandian itong si Jey-em.
1
"Mukhang may bibiktimahin na naman ang tuta natin. Ibang klase ang style." sabi ni Jeck. Naiiling kaming ngumisi. Tarantado. Mukha rin kasi itong tuta si Jey-em.
"Mukhang tuta pero ang galawan pang-aso. Dogstyle." Napahalakhak na talaga kami sa sinabi ni Stanley. Sa sobrang kakatawa namin dito ang rami nang napapalingon. Kahit malakas yung tugtog ng kanta naririnig parin ang malutong naming tawa.
"Black Army. The dangerous boy gangsters." Nag-angat kami ng tingin sa babaeng nasa harapan namin. Kitang kita ko ang pagdirekta agad ng tingin ni Jeck sa mahaba nitong legs na bumabalandra sa amin lalo na't nakatight short skirt lang ito. Pambihirang lalaking ito.
"NhadeenJyra." Ngumiti ako. Siya ang lider ng isang girl g**g na hindi rin basta basta. Kasundo namin ang mga babae. Lahat naman ng lalaking g**g dito kasundo sila. Walang kailangang pag-awayan. Wala naman silang mapapala sa amin.
1
"Wanna drink?" sabi ni Sid na binigyan pa ito ng wineglass at tinanggap niya.
"Sure." Umusog si Jeck lalo na't inalalayan ko na itong umupo sa bakanteng espasyo kung saan umupo si Jey-em kanina.
"Thanks gentlemans." Ngumiti siya sa amin ng matamis.
"Hingang malalim Jeck. Di ka na ata gumagalaw diyan. Baka nakalimutan mo na kung paano huminga." sabi ko sa naninigas nang siraulo. Yan lang ata yung lalakeng mukhang playboy pero takot sa babae. Naninigas eh.
Tumungga lang ng wine si Jeck at nailing nalang.
"Lahat ata ng lalaking gangs dito ay may masamang binabalak sa inyo." sabi ni Nhadeen at sumimsim ng wine.
"You can't trust the world. So does the people around you." sabi ni Noah
"Indeed Noah. This g**g brings chaos with our lives. Yet, why do you choose this path?" Nagkatinginan kaming anim. Oo nga naman. g**o lang ang dala ng g**g na 'to. Ang pagpasok sa isang grupo at mapabilang sa kinatatakutan na g**g. Naririnig lang ang pangalan namin parang kakambal agad nun ang kapahamakan.
"Wala naman kaming pakialam sa pangalan ng g**g namin. Para kaming pamilya. At apelyido lang ang pangalan na 'yon. Pero yung nabuo naming pundasyon bilang grupo ay hindi basta basta. Para na kaming pamilya. Hindi kami magkakakilala kung hindi dahil sa grupo na 'to. Kaya pinapahalagahan namin at iniingat ingatan ang isa't isa. Naitayo namin ang pamilya na 'to sa mundong kinain ng kasamahan. Kaya ipagpapatuloy namin ang laban na pinoprotektahan ang isa't isa."
Napatango kami sa sagot ni Noah. Pagdating talaga sa pagsagot ng matino walang makakapantay sa lalaking ito. Kung si Stanley masakit magsalita, ito naman mapapanganga ka nalang pag nagsalita. Hindi na nakakapagtaka kung ba't siya ang utak ng grupo namin. Mautak eh.
Nahagip ng tingin ko ang tingin ni Zero dito sa amin. Nagawa niya pang ngumisi at magtaas ng baso. Yung ngisi niya parang may kahulugan. Sa lugar na 'to wala talagang mapagkakatiwalaan. Nakakakilabot silang lahat. Para kaming mga karne sa paningin nila at sila naman itong mga gutom na gutom na leyon at naghihintay lang ng tamang oras para lapain kami nang walang kahirap hirap. Pambihira.