Trenz
Nalaman namin ang nangyari kay Seth kaya pinunterya agad namin ang gumawa nun kay Seth. Hinahunting kami eh kaya ang mga gunggong ay desperadong makahanap ng magagamit sa amin para lang gawing pain.
3
Sumandal ako sa kotse ko habang binubuksan ang lollipop ko. Nasa loob pa sila ng isang cafe. Gabi narin kaya hindi ako mahahalata dito sa may gilid. Nakajacket rin naman kasi ako na itim.
Isinubo ko ang lollipop kasabay ng tawanan na umalingawngaw hudyat na nakalabas na sila sa cafe na iyon. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa lalo na't madadaanan rin naman nila ako dito. Kay bago bago pa nila kami agad ang nakita nilang kalabanin. Ibang klase.
Lima lang silang lahat. Nagkakatuwaan silang naglalakad papunta dito sa direksyon ko. Ni hindi nila ako namalayan. Kaya nang makarating sila dito ay pasimple ko nang iniharang ang paa ko sa dinadaanan ng lider nila kaya natalisod ito. Naiiling akong ngumisi.
"Lampa." bigkas ko sanhi para mapalingon sila sakin.
"Gago ka ah! Kilala mo ba ang binabangga mo ha!" sigaw nung lider na nakabawi na sa pagkatalisod. Yung mga myembro niya ay nasa akin na ang tingin. Nakayuko lang ako kaya hindi nila nakikita ang kabuuan kong hitsura. Gawa narin ng hood na suot ko idagdag pa ang headset na nakasalampak sa tenga ko na may mahinang tugtog. Naririnig ko parin naman ang mga boses ng mga hinayupak. Ang titinis eh.
"Boss, ano? Bugbugin na namin. Walang respeto eh." sabi pa nung isa at nagawang patunugin ang kamao niya.
Nanatili akong nakayuko may isang lalaking lumapit sakin.
"Kinakausap ka ng boss namin kaya wag kang bastos!" Hinila ang lollipop sa bibig ko. Hindi niya pa lang tuluyang nailalayo iyon sa akin ay mabilis ko nang nahawakan ang kamay niya at ibinaliko ito na nagpasigaw sa kanya dahil sa iniindang sakit. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at blangkong napatitig sa mukha niyang namimilipit.
3
"Pati lollipop aagawin mo." Ang nakangiwi niyang mukha ay unti unting nabahiran ng takot nang makita ang kabuuan kong imahe. Kusa ko naring tinanggal ang hoodie ko para magkaediya ang ibang myembro kung ba't takot na takot siya.
"B-Black Army!" halos isigaw niya iyon kasabay ng pag-atras ng iba pa. Ngumisi ako at mas lalong ibinaliko ang kamay niya. Kinuha ko ang lollipop ko at isinubong muli habang hindi binibitiwan ang kamay niya. Napaluhod na siya sa sobrang pamimilipit ng sakit.
"Ang lakas ng loob niyong kalabanin kami." Isang malamig na boses ang nagpalingon sa akin sa direksyon ng tinakbuhan na sana ng apat. Nakaharang na doon sina Noah, Harold at Sid. Kapwa matatalim ang tingin sa apat.
Mas lalong nabahiran ng takot ang mga mukha nila kaya dito naman sa kabilang banda sila tumakbo kaso hindi palang sila nakakalayo ay umatras rin sila.
"Ba't kayo tatakbo? Di pa nagsisimula ah." Bungad ni Stanley doon sa kabila kasama sina Jey-em at Jeck. Ngayon ay napapalibutan na namin ang limang ito. Patuloy parin sa pagsigaw ang isa dahil sa ginagawa ko sa kamay niya.
1
"Sinong sumaksak kay Seth?" tanong ko sa lalaking nakaluhod na sa akin at halos hindi na maipinta ang mukha.
"S-Siya!" itinuro ng mga kagrupo niya ang lalaking pinapahirapan ko ngayon. Mas lalo akong napangisi sa kanya at idiniin ang pagkakabaliko ko sa kamay niya na mas lalong nagpasigaw sa kanya. Kampante lang akong nakasandal dito sa kotse ko. Paano ko ba ito pahihirapan?
"Lumaban kayo! Wag kayong matakot sa kanila!" sigaw naman ng lider nila na tinaasan lang ng kilay ni Noah.
"Mga baguhan." sabi ni Sid. Halata naman eh. Kanina nga pinatid ko lang halos matumba na. Kung hindi nahawakan ng mga myembro niya baka bumagsak pa ang mukha niya sa lupa.
"Ano na? Diba hinahanap niyo kami?" Naghikab si Stanley.
"S-Sugod!" sigaw ng lider na nag-aalangan pa. Nagsimula na nga silang sumugod. Ako naman itong itinuon ang atensyon ko sa lalaking namimilipit parin sa sakit.
"Anong kamay ba ang ginamit mo sa pagsaksak kay Seth?" kalmado kong tanong sa kanya. Rinig na rinig ko ang hagalpak ng mga suntok nila pero hindi na ako nag-abala pang manood kung sino itong bugbog sarado na sa harapan ko.
"Pakawalan mo na ako!" sigaw niya sakin. Halos maiyak na siya. Sino bang siraulo ang nagdesisyong sumali sila sa g**g? Eh basag-ulo lang naman ata ang kaya nila pero hindi naman napapanindigan ang grupo.
"Pakakawalan kita kung sasagot ka." Mas lalo kong diniinan ang pagkakahawak sa kamay niya.
"A-Aray! Itong kanan! Itong binabaliko mo! Aray!"
Ngumisi ako at binitiwan rin iyon. Naitukod niya iyon sa sahig dahil sa panghihina kaya tumayo ako at sakto iyong inapakan na mas lalong nagpasigaw sa kanya ng sobrang lakas dahil sa bigat ko. Pasimple ko pa iyong idiniin sa lupa na mas lalong nagpasigaw sa kanya.
Yumuko ako sa kanya habang nakapamulsa. Dinuro ko siya gamit ang lollipop na hawak ko.
"Kamuntik mo na siyang mapatay alam mo ba yun? Kung kami naman pala ang sadya niyo wag kayong gumamit ng ibang tao."
Isang sigaw lang ang naisigaw niya. Umayos rin ako sa pagkakatayo at ibinaling ang tingin sa harapan kasabay ng pagkabagsak ng apat sa sahig. Ang raming pasa sa mukha at putok ang mga labi.
Kinuha ni Noah ang card nila saka niya ito ibinulsa.
"Itali niyo." utos ni Noah kaya yun rin ang ginawa nila Jeck at Jey-em. Ako naman itong umalis sa pagkakatapak sa kamay ng lalake at kinaladkad ang kwelyo nito papunta doon sa iba niya pang kagrupo. Pansin ko ang pamamaga ng kamay niya at ang pagdugo nito. Kulang pa nga yan. Dapat talaga pinuputulan ng kamay yan.
"Anong gagawin natin diyan? Crimate ba?" suhestyon ni Stanley na nagpaputla sa mga mukha nila. Hinang hina na sila kaya kahit hindi namin talian ay hindi na sila makakatakas pa.
Pinagmasdan namin si Noah na sinenyasan si Harold. Tumango naman ito at inilabas ang cellphone niya. Doon ko lang rin napunto ang plano ni Noah.
"Hello? Oo. May irereport ako. Murder. May sinaksak. Ikaw nang bahalang maghandle ng kaso nila. Kung anong parusa ang nararapat sa kanila. Magpadala ka nalang dito ng mga police. Oo na... tatakas na kami." Ngumisi si Harold sa kabilang linya. May kapit ang mga magulang niya sa mga police. Kaya kahit makulong kami ay madali rin naman kaming makakalabas pero ayaw naming madungisan ang pangalan ng mga magulang namin kaya tumatakas rin kami.
"Pasalamat kayo at mababait pa kami." Humalakhak si Jey-em. Yung lima hindi na halos makapagsalita at namimilipit nalang sa sakit.
"Tara na. Baka maabutan pa tayo." Tumango kami sa sinabi ni Harold. Pumasok rin naman ako sa kotse ko. Si Jeck naman ang sumabay sakin.
"Tae... hinay hinay sa pagmamaneho ha." Pangaral niya sakin habang nagseseatbelt. Itinapon ko ang stick ng lollipop sa labas ng bintana na naubos ko na at kumuha ng panibago. Nagsimula rin naman akong magmaneho habang binabalatan iyon.
1
"Di ako magkakalisensya kung hindi ako marunong magdrive." Ngumisi ako sa kanya na ikinangiwi niya lang.
Sa kalagitnaan ng pagbabalat ko ay nahulog pa ito kaya binitiwan ko ang manibela para pulutin ito kasabay ng pagsigaw ni Jeck at naatarantang hinawakan ang manibela.
"Walanghiya ka! Kakasabi ko lang na hinay hinay! Ba't mo binitawan?! Pwede namang ako ang bumukas niyang lollipop mo!" Hindi maipinta ang mukha niya habang kinokontrol ang manibela.
"Yan kasi Jeck. Panay ang pagkakape mo. Ayan tuloy nagiging magugulatin ka." Ngumisi ako at tinapik siya.
"Ba't ba ako sayo sumabay?" Naiiling niyang sabi. Binalatan ko nalang muna ang lollipop ko saka ko rin inagaw sa kanya ang manibela. Madali naman siyang nagseatbelt. Takot na takot na ang mukha.
"Oo nga pala, bago itong kotse mo ah. Nasan na yung luma?" tanong niya sakin na iginagala na ang tingin sa kabuuan.
"Nasa junkshop." sagot ko.
"Ha? Bakit? May sira na? Ilang araw pa lang yun sayo ah."
"Nabangga ko kasi. Kaya ayun, isinugod ko sa junkshop. Hospital yun ng mga kotse. Bibisitahin ko siguro mamaya." Ngumisi ako sa kanya na ikinaputla niya lang. Para bang gulat na gulat siya sa naging sagot ko. Akala niya siguro idineritso ko na sa morgue. Kaya pa naman yung ayusin. Gabi na kasi nun kaya ang dilim ng paligid. Hindi ko namalayan yung poste. Dapat talaga iwasan ko ang pagmamaneho na nakasunglass. Akala ko kasi liliwanag ang daan. Sunglass eh.
10
"Paniguradong sa sementeryo na ang bagsak nito." narinig kong bulong niya. Walang tiwala sakin eh. Ang galing ko kayang magmaneho!