3

1281 Words
Jey-em Gumala ang tingin ko sa Bar na pinasukan namin. Sa pagkakaalam ko limang tao ang bumubuo ng grupo ng bulletproof na 'yon. Bulletproof kaya gumamit pa ng espiya para lang mahanapan kami ng butas. Ng pwede nilang gamitin sa amin para mapatumba kami. Mga duwag. Suminyas si Harold sakin sa dancefloor kaya nakita ko ang leader ng grupo. Namemorya na namin ang mga mukha nila. Sapat na yung impormasyon na nakalap namin. Mga low profile eh. 1 Lumapit ako doon. May kasayaw kasi itong babae. Hinahapit niya pa ito sa beywang habang yung babae ay gumigiling sa harap niya. Para makuha ang atensyon nito ay hinila ko ang babae niya at ipinulupot ang kamay niya sa leeg ko. Idiniin ko siya sa katawan ko at hinaplos ang beywang niya pababa sa pwet niya saka ko siya ginawaran ng halik. Lumalim agad 'yon. Rinig na rinig ko ang pagdaing ng babae pero naputol rin 'yon dahil sa paghila sa kanya paalis sa akin. 4 "Gago ka ah!" Maangas na sabi ng lider pero bago niya pa tuluyang mahila paalis yung babae ay siya na ang sinikmuraan ko. Napaimpit siya sa sobrang sakit ng tinamo at dahan dahang napaluhod sa harapan ko. "Kita mong hinahalikan ko hihilain mo. Nabitin tuloy ako. Ang sakit ng puson ko." Tumawa ako ng malademonyo. Sa isang iglap lang ay nagsiatrasan na yung mga sumasayaw sa gitna dahil sa kaguluhan. Lalo na't nakilala narin nila ako. Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat. Nagsimula ang bulunbulungan at ang tangi ko lang naririnig ay ang nangingibabaw naming pangalan. 1 "s**t! Black Army." Nakangiwing sabi sakin nitong leader nila na nakahawak sa tiyan niya at iniinda ang sakit na natamo. Ilang sandali lang ay nagsulputan narin yung apat. "Boss!" gulat na sabi nung isang payat sa kanila. Mga malnurish ba ang mga 'to? Para kasing mga buto't balat nalang. Baka konting tapik ko lang dito mababali na ang mga buto. "Sugurin niyo!" Namimilipit sa sakit na sabi ng lamya nilang leader. Halos hindi na makatayo eh isang suntok pa lang 'yon. Siya nga itong biik. Nilamon niya ba ang mga pagkain na dapat ay para rin sa mga kagrupo niya? Siya itong sumubro ng taba sa katawan eh. Yung kagrupo niya kabaong nalang ang kulang dahil mukha nang mga bangkay. Namataan ko naman sa gilid ang anim na tamad na nakatingin dito. Nakuha pang uminom ng mga loko loko. Moral support ha? Tss. May biglang sumugod sa likod ko at sa harapan pero mabilis kong nasiko ang nasa likod ko at hinila siya saka ko ibinunggo sa harap na susugod na sana sakin. Tumama ang ulo ng dalawa sa isa't isa. Kaya nga dapat hindi magkakaparehas height niyo para hindi nagkakabanggaan. Uso find your height sa Pilipinas. "Yung pipitchugin niyong espiya nahuli namin sa locker namboboso. Brief ba pinapahanap niyo? Kaya pala ang lalamya niyo. Mga bakla." Humalakhak ako. "Tangina! Anong tinatayo niyo?! Sugurin niyo mga hayop kayo! Walang silbi!" sigaw ng lider nila. Nagawa ko pang humikab nang sabay ulit na sumugod yung dalawa pang hindi ko napupuruhan. Madali akong nakailag at nasuntok ito sa panga. Na pati yung isa ay hinila ko ang braso at sinalubong ng mukha niya ang kamao ko. May bigla pang yumakap sakin. Yung isa na napatumba ko kanina nakatayo pa pala. "Gago mga bakla nga. Nanyayakap." Tumawa ako. Pero naging seryoso rin ang mukha at walang kahirap hirap na kinalas ang kamay niya. Nagawa kong balikuin ang pulso niya na hawak ko na nagpasigaw sa kanya. Tinadyakan ko ang isa pa na babangon sa sana habang hindi ko parin binibitiwan yung isa pa. "Walanghiya ka! Bitiwan mo ako!" sigaw nito sakin habang namimilipit sa sakit. "Sabi mo eh." Binitiwan ko siya pero kasabay nun ang pagsalubong ng kamao ko sa mukha niya. Sa sobrang lakas nun ay bumagsak agad ito at putok ang labi na pati ang gilid ng mata niya ay dumugo narin. Ang lalakas ng loob wala naman palang binatbat. Tsss. "Ba't bulletproof palangan niyo? Dapat Gaygroup. Mga bading eh." Ngumisi ako sa lider nila na ang talim nang makatingin sakin. Dahan dahan siyang tumayo habang yung apat naman ay bagsak na. May mga pasa at namimilipit sa sakit. 1 "Hayop ka!" Sumugod ito sakin pero ang bilis kong nailagan saka ko siya sinikmuraan ulit. Halos manigas siya sa pagkakasuntok ko. Nagawa niya pang lumuwa ng dugo. Ang liit liit nitong kamao ko pero ganoon ang epekto sa kanya. 2 "Basura ang grupo na 'to. Game over." Unti unti na siyang napaluhod sa harap ko saka siya natumba at namilipit. Naglakad na ako doon sa lider nila na umaatras pa dahil sa takot sakin. Iniluhod ko ang isa kong paa para makalebel ito at kinuha ang card na nagpapatunay na g**g ang mga 'to. "Kay bago bago kami agad ang kinalaban niyo. Mamuhay nalang kayo ng mapayapa. Hindi kayo bagay sa mundong 'to." Tinapik ko ang balikat nito saka ako tumayo at ibinulsa ang card nila. Pang ilang card narin ba ang nakukuha namin? Para yung lisensya ng isang grupo. Sa oras na napatumba ka ay wala kanang karapatan sa card na 'yon. At higit sa lahat ay burado na ang g**g niyo. Ganoon lang yun kasimple. Namataan ko pa yung babaeng naisayaw ko kanina. Nakangisi itong nakatingin sakin kaya nilapitan ko. Ipinulupot niya agad ang kamay niya sakin at hinalikan ako. Naging mapusok 'yon na halos kagatin ko ang labi niya. Taste your prize Jey-em. 4 "My place babe." Nakakaakit niyang bulong sakin habang may ipinapasok na calling card sa bulsa ko. "See you then sweetheart." Hinalikan ko siya ng panghuling beses saka ako naglakad patungo sa anim lalo na't narinig na namin ang tunog ng busina ng pulis. Mabilis kaming lumabas sa likod at patalon na sumakay sa kotse ni Jin na isang Ford Ranger. "Angas ng grupong yun. Wala palang binatbat." Hinagisan ako ng lighter ni Jeck habang naglahad naman si Stanley ng isang kapirasong stick ng sigarilyo sakin. Sumasayaw pa ang mga buhok namin dahil sa hampas ng hangin. Dito kami sa likod nakasakay eh. 1 "Hayaan niyo na. I got a chic baby!" Humalakhak ako. 2 "Tarantado ka eh. Total sakim ka sa kama edi pagsawaan mo." sabi ni Trenz. "Oo naman. One night stand lang yun kaya kailangan makarami ako nito mamaya. Kailangan ko na ulit bumili ng isang box ng c****m. Ubos na yung stock ko eh. Kabanas." Nasuklay ko ang buhok ko paatras. Halos lahat kasi ng naikakama ko masyadong agresibo. Kaya halos nakakailang rounds rin. Mga game eh. 1 "Pagtatawanan talaga kita kung naging batang ama ka." Umismid si Jeck sakin. Mukha nitong lalaking ito ihihirit na naman ang height ko. Matangkad ako gago. Nasobrahan lang talaga sila. Kayo! Mas lamang nga ako ng kaonti diyan kay Stanley pero ako itong pinagpepyestahan nila. Di nila yan mahihiritan eh. Mas mabuting tikom nalang bibig niyan. "Ayusin mo yang ikakama mo Jey-em. Sa oras na makabuntis ka, malaking problema. Baka yung mag-ina mo pa ang gawing pain sa atin. Iitakin ko talaga yang sayo siraulo ka. Mapapahamak tayo diyan sa kalandian mo eh." Humalakhak ako ng malutong dahil sa sinabi ni Noah doon sa front seat. Rinig na rinig ko dito sa labas ang boses eh. 1 "Expert ako wag kang mag-alala."1 "Siguraduhin mo lang Jey-em. Kawawa ang bata. Siguradong malalagas ang grupo natin. Alam mo naman, iniingat ingatan natin ang samahang 'to. Pamilya na tayo." madamdaming sabi ni Hope. Ang hilig talagang magdrama eh. 2 "Oo na." Ngumisi ako sa kanya at nakipag-apir. Tama si Harold. Sila na ang naging pamilya ko. Hindi ako gagawa ng rason na ikakasira ng samahang 'to. Kaya ikaw c****m, kakapit ako sayo. I TRUST you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD