8

1486 Words
Stanley Hindi ako sumama sa kanila doon sa dancefloor. Nandito lang ako sa mesa nakaupo. Nang makaramdam ako ng ihi ay tumayo ako para pumunta sanang banyo nang may biglang bumangga sakin. Magkaiba ang aksidente sa sinadya. Lalo na't itong lalaking ito ay nagawa pang literal na ibuhos sa suot ko ang hawak niyang wine glass. Napakamalinis ko sa katawan tapos dudumihan niya lang? Tarantado. Paano ko ba papatayin ang isang 'to? 1 "Ay sorry. Di ko sinasadya." Humalakhak ang leader ng Dark Hell. Isa sila sa grupong desperado ring durugin kami. Kaso mailap kami eh. Kaya dito sila bumabawi. 1 Tumitig lang ako sa kanya at sa babaeng nakalingkis sa beywang niya. Girlfriend niya. Kinakatakutan rin sila kaya wala ring nangangahas na kalabanin sila. At sakim sa kapangyarihan kaya ganito nalang kadesperadong gawin ang lahat mapatumba lang kami. Napatingin ulit ako sa damit ko saka ko ibinalik sa kanyang ngumingisi na. Halatang ineexpect nitong dadapo yang kamao ko sa mukha niya. At kahit kating kati na akong suntukin siya sa oras na 'to ay sinikap kong magpigil. Walanghiya talaga. Nagpipigil na nga rin ako ng ihi. Walang hesitasyon kong hinubad ang damit ko sa harapan niya at inihagis ito sa mukha niya kaya sandali itong natakpan kasabay ng paghila ko sa girlfriend niya. Walang hesitasyon ko itong hinalikan sa mismong harapan niya nang makuha niya ang nakatakip na damit ko sa mukha niya. Ramdam ko ang gulat ng babae. Malalim yun na halik na naputol rin dahil sa paghila ng leader ng Dark Hell sa girlfriend niya. Kitang kita ko ang galit sa mukha niya na kulang nalang ay suntukin ako sa oras na 'to. "Hayop ka." diin niyang sabi sakin na nagpangisi lang sa akin ng nakakaloko. "Sinadya ko. At hindi ako hihingi ng tawad. Kaya wag gumagawa ng mga bagay na ikakagalit ko. Dahil doble ang ibabalik ko sayo." sabi ko na hindi parin nawawala ang ngisi sa aking labi. Yung anim na siraulong sumasayaw kanina sa dancefloor ay nandito narin sa tabi ko. Hindi na ako nagsalita pa at umalis na doon lalo na't pakiramdam ko sasabog na itong ihi ko. Hindi ko nalang pinansin ang mga tumititig sa akin dahil wala na akong suot na saplot sa taas. Pakialam ko kung mainggit sila sa katawan ko? Pumunta nga ako sa banyo. At yung walanghiyang malanding haliparot na nagngangalang Jey-em ay tumambad sa akin doon sa loob. May babaeng pinapaungol. Itong lalaking ito ang sarap sampalin ng matres ng mukha niyang masyadong m******s. Kahit saan ilagay irarampa talaga yang kalandian niya. Umihi rin ako. Hinayaan ko nalang ang siraulo na gusto na atang patagusin yung babae sa pader dahil dinidiin niya doon at hinahalikan ang leeg. Ni hindi nga ako napansin ng dalawa. Para akong multo ditong dumalaan lang. Ibang klase.   Pagkatapos kong umihi ay tinapik ko ang balikat ng tarantado. Ayun natauhan. "Tigilan mo na. Aalis na tayo." sabi ko. Ayoko na dito. Ang raming demonyo eh. Nakikipagpaligsahan sa sungay ko. "Ang sakit sa puson nito." Naiiling niyang sabi. Hindi naman humindi at naglakad narin kasabay ko. Iniwan yung babae doon na parang wala lang. Ganyan lang kasimple. Nambababae lang pero hindi pinapanindigan ang ginawa. Walang kapalit na pagmamahal. Dahil sa oras na nainlove yan guguho ang iniingat ingatan naming pamilya. Yan ang magiging kahinaan niya. "Tiisin mo total ginusto mong lumandi. Magdusa ka." sabi ko na ikinangiwi niya lang. Tumingala pa at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. "Ang rami kasing disturbo. Nagpalipat lipat kami ng cr." sabi niya pa. Nailing nalang ako. Siya naman itong napatingin sa katawan ko. "Sinong humubad sayo? Ang bilis mo ah. Ako itong may huhubaran palang pero ikaw itong wala nang saplos. Aba! May kalandian ka rin palang tinatago." Tinapik niya pa ako habang tumatawa. "Tigilan mo ako kundi ikaw itong makakatikim sakin." Iritado kong sabi sa kanya na tinawanan niya lang. Siraulo eh. Dumating rin kami doon sa mesa namin. Sinabihan kong umalis na kami kaya pumayag naman agad. Lalo na't ang rami naring nakatingin sa amin. Paglabas namin doon sa madilim na iskinita ay tumambad agad sa amin ang grupo ng PoisonousEight. Walong nakakalasong lalake. Saan ba nila pinaghuhugot yang mga pangalan ng grupo nila? Eh mas nakakalason pa ata yung amoy ng utot ni Rapmon. Tss. "Ilang round?" tanong nung leader. "Oh Jey-em ilang round daw. Total masakit puson mo ikaw nalang. Ikama mo yan." sabi ko na ikinatawa ng anim. Mga siraulo eh. Wala na ako sa mood makipaglaban lalo na't h***d na ako. Binabalandra ko sa kanila ang abs ko. "Siraulo. Baka sayo yan naakit. Ang liwanag ng abs mo oh." Humalakhak si Jey-em. "Kayo nalang. Wala ako sa mood." Naiiling akong lumagpas sa grupo nila kaso nang makita ko ang gasgas sa kotse ko na inukitan pa nila ng Block Army ay natigilan ako. Dahan dahan akong napatingin sa walong nakangisi na sakin. Yung isa pa ay inihahagis ang matulis na bagay at sinasalo rin. Hinahagis niya yun ng paulit ulit. "Ganda ng kotse ah. Ganda rin ng pangalan. Wala kasing nakalagay na may-ari kaya nilagyan namin. Baka kasi mawala." Ngumisi yung leader. Tiningnan ko ang anim na nakatayo lang at nanonood. "Ihanda niyo ang sarili niyo. Ipeprenda ko kayo." sabi ko. "Ano? Eh hindi naman kasi may kasalanan niyan. Ba't hindi yang walo ang iprenda mo?" reklamo ni Hosoek "Hindi pawnshop paglalagyan ko sa walong ito. Sementeryo." Ibinalik ko ang tingin ko sa walo na napaatras na dahil sa talim ng tingin ko sa kanila. Nag-aalab ako sa galit kahit napakakalmado kong tingnan at idagdag pa ang seryoso kong ekspresyon. "Nagbago na ang isip ko. Ako nalang ang tatapos sa walang ito total nasa mood na ako." Walang hesitasyon kong sinalubong ng suntok ang isa sa kanila. Sa sobrang bilis ng kilos ko ay hindi nila inaasahan iyon. Natumba yung sinuntok ko kaya nagsuguran na silang lahat sakin pero ang lalamya. Yuko. Suntok sa sikmura, panga, ilag, tadyak, siniko, pinag-umpog sa isa't isa at lahat ng depensa sa sarili ko na nagpadaing sa kanilang walo. May ilan pang hindi natutumba pero mas pinunterya ko ang may hawak nung ipinang-ukit nila sa mamahalin kong kotse. Kakalabas ko lang niyan sa garahe tapos ganyan na ang sinapit. Walanghiya talaga. Kaya ayoko talagang gumagamit ng sarili kong kotse. Yun ang napagdidiskitahan eh. 1 "Grabe. Mukhang may malalagas ngayong gabi ah." sabi pa ni Sid. "Ginalit eh." sagot ni Noah. Pinaulanan ko ng suntok ang mukha nung may gawa. Nang makontento ako ay lumipat ako sa lider kaso natigil rin ang paghakbang ko papalapit dahil sa busina ng pulis. "Stanley tama na." Tinapik na ako ni Jey-em kaya nagsitakbuhan narin ako sa kanila papunta sa kotse ko. Mabilis kaming pumasok doon at iniwan ang walo na nagmamadali naring tumayo para tumakas. Sayang. Nasalba pa ng pulis ang buhay nila. "May araw rin kayo!" sigaw pa nung lider sa amin na umabot sa tenga ko. Ngayong gabi nga wala kayong binatbat tapos sa araw pa kaya? Tss. Kinuha ko ang damit sa likod ng kotse ko na isaat isinuot yun. Ako ang nagmaneho at halos ifullspeed ko ito. Yung anim naman hiyaw nang hiyaw at natatawa pa. "Stanley di na tayo maaabutan ng pulis. Relax." Natatawang sabi ni Trenz. "Baka sarado na ang pawnshop. Isasangla ko pa kayo." sagot ko na ikinahagalpak lang ng tawa ng anim. "Sarado na yun." sagot ni Jeck na nakikitawa narin. "Edi sa Mental Hospital bagsak niyong anim. Mga siraulo." sagot ko na ikinahagalpak ulit nila ng tawa. Yung hitsura ng kotse ko hindi mawala sa utak ko. Yung Block Army talaga eh. Disidido talagang burahin kami. Block. Tss. "Mainit ulo dahil may bagong design yung kotse niya." Tawang tawa na sabi ni Jey-em. Masamid ka sana diyan sa laway mo siraulo ka. "Pero ang bobo nung lider nila. Hindi marunong magspelling. Simpleng black hindi naispelling ng maayos. Kahit kinder pa ako alam ko na ang spelling nun eh." Tawang tawa rin na sabi ni Trenz kaya ang lima ay mabilis na natigil sa kakatawa at napalitan ng busangot ang mga mukha. Wala eh. Isa rin yang lalaking yan. Akala mo napakaseryosong tao pero yung utak hindi naiisip ng normal na tao. Ewan ko ba kung paano ko ilalarawan ang lalaking yan. 2 "Sinadya nilang block yun siraulo." iritadong sabi ni Noah "Yun na nga. Ang bobo nila. Pati black hindi alam ang spelling." tawang tawa parin si Trenz. Siya nalang itong tawang tawa. "May duct tape ako sa likod. Baka gusto niyong gamitin." sabi ko "Mabuti pa nga. Jeck, Harold. Hawakan niyo. Idaduct tape ko ang bunganga niyan. Buksan natin ang ulo. Lagyan natin ng utak kasi parang wala eh." Nagkakagulo na silang lima sa likod. Itong si Jey-em naman na nasa front tawang tawa na ulit. Ako lang itong hindi magawang tumawa dahil sa sinapit ng kotse ko. Maswerte parin pala walong yun. Mabait parin ang langit sa kanila kahit papaano. Pinaboran eh.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD