7

1325 Words
Jeck Umalis rin yung babaeng tumabi sa amin. Ramdam ko ang mga matang nakasubaybay sa amin. Para bang pinag-aaralan nila ang mga kilos namin. Na kinikilatis nila kaming mabuti. Yung tipong hinahanapan ng butas. Duda ako kung makakahanap sila. Sinimsim ko ang tropicana juice na nandito sa harapan ko. Ayokong magwine dahil sakit yan sa ulo kinabukasan. Minsan lang naman talaga ako umiinom hindi gaya nitong sila Stanley na sanay na. Mas lalong lumakas ang tugtog ng kanta kaya tinangay narin itong mga kaluluwa namin at nagsipuntahan narin sa dancefloor. Halos sumasayaw ang lahat at nakakalimutan ang alitan sa bawat grupo. Hindi naman kami nagtatanim ng galit sa kanila kaso sila ata itong namunga na ang galit sa amin. Tapos hirap naman kaming patumbahin. Naiwan lang si Stanley doon. Habang gumagala ang tingin ko dito ay nahagip ng mga mata ko si Addison. Tinapik ko agad si Noah sa balikat at sinenyasan siya saka ko nginuso si Addi na panay parin ang sayaw. Malalagot talaga siya sigurado ako. Katulad nga ng inaasahan namin sa babaeng iyan ay nandito nga. "Itong babaeng ito wala talagang kadala dala." Naiiling na sumiksik si Noah doon kaya sumunod narin ako. Na kahit itong si Trenz ay sumunod narin hanggang pati si Harold at Sid ay nasa likod narin namin. "Addi..." Narinig kong tawag ni Noah sa kanya. Tumatawa ito habang sinasabayan ang beat ng isang kanta. May kasayaw pa siyang lalake. Isa sa mga Dark Hell. "Addi." ulit ni Noah. May diin na iyon kasabay ng paghablot niya sa braso nito at kinaladkad niya paalis doon. "Ouch? f**k. Noah- Ugh! Let me go ano ba?" Nagpumiglas siya sa kamay ni Noah. Ang iksi pa ng suot na damit. Akala ko ba ay pinagbabawalan ito? Paano na naman kaya niya pinuslitan ang mga bodyguards niya? "Hawakan niyo ng mahigpit. Tatawagan ko lang si Pinunong Denim. Mahigpit na mahigpit." sabi ni Noah sa amin ni Trenz. Sa kabila siya humawak habang ako naman itong nagdadalawang isip siyang hawakan. "Harold ikaw nga. Alam mo naman yang si Jeck." Naiiling na sabi ni Noah saka ibinaling ang buong atensyon sa cellphone niya. "Boys. Do you really need to report this to my dad? You know him. Ikukulong lang ako nun sa kwarto. Let go." Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ni Harold at Trenz sa kanya. "Alam mong pinagbawalan kana ng Dad mong pumunta sa mga ganitong lugar Addi. Akala ba namin ay nagquit kana sa sinalihan mong g**g?" tanong ni Sid. May grupo rin kasi ito kaso ayaw pumayag ni Pinunong Denim dahil baka mapahamak lang siya. Nag-iisa siyang anak ni Pinunong Denim kaya ganito nalang kung bakuran niya ito. Kaso itong si Addison matigas ang ulo na kahit ang mga bodyguards niya ay natatakasan niya.   "I'm not here for my g**g. May type kasi ako doon sa isang g**g ng Dark Hell. You know I like Stanley. Kaso may patakaran kayo eh." Nagkibit siya ng balikat. "Ang sabihin mo binasted ka lang talaga ni Stanley. Di ka daw type. Sinabi niya sayo iyon ng direkta diba? Nandoon pa nga ang Daddy mo nang mga oras na iyon." sabi ni Trenz na ikinagulong lang ng mga mata niya. Akala ko nga ng araw na iyon ay mapapashoot to kill na si Stanley dahil sa panrereject niya kay Addi. Sa nag-iisang anak ni Pinunong Denim sa mismong harapan pa nito. Pero sang-ayon rin naman pala si Pinunong Denim. Ayaw niyang may masangkot na babae sa amin. Tapos anak niya pa. Malalagay lang siya sa kapahamakan. "I also like Jimin. He didn't reject me. Nakahalikan ko pa nga iyon eh. It's just that, bawal sa inyo ang magkababae. Di rin naman ako ang pang girlfriend material." Humalakhak siya. Nailing lang kami. Alam namin ang issue na iyan. Paano ba naman, huling huli sa CCTV ang dalawa. Naglalapaan doon sa sulok na akala nila ay walang nakakakita. Nabatukan nga iyon ni Pinunong Denim. Pero kilala niya rin kasi yang anak niya. Si Addi mismo ang humila kay Jimin at sinunggaban ito. At yung malanding iyon basta game ang babae ay papatol rin. 1 "Papunta na dito ang mga bodyguards mo Addi. Poposasan ka daw para nakakasigurado ang Daddy mo na makakauwi ka nang hindi nakakatakas." sabi ni Noah na nagpabusangot ng mukha ni Addi. Alam niyang seryoso iyon. Kinadena nga yan sa kwarto niya. Pero hindi matiis ni Pinunong Denim kaya pinakawalan rin. Ilang sigundo lang ba iyon? Lima? Para kasi yang takas sa Mental. Masyadong wild. Ilang bodyguards ang meron yan pero natatakasan niya nang walang kahirap hirap. Kaya siguro ay pasok siya doon sa g**g na nangunguna ngayon sa mga babae. Yung kinabibilangan ni NhadeenJyra. Ang lider nila. GC. Gorgeous Chics. 1 Umalis ulit si Noah sa amin dahil sa tawag ni Pinunong Denim. Masyado iyong busy eh. May kompanya kasing pinamamahalaan. At itong anak niya naman ay busy rin sa pagiging badgirl. A badgirl with bad habits. "Babe? I thought you're going out with me tonight?" Biglang sulpot nitong myembro ng Dark Hell sa harapan namin. "Opse. Sorry. I can't. Ididate ako ni Jeck eh." Kumindat pa siya sa akin. Ano? Kitang kita ko ang galit na namuo sa mukha nito nang dumako ang tingin niya sa akin. Naiiling siyang ngumisi at sinipa yung malapit na stool saka niya nasuklay ang buhok niya habang umaalis na dito. Humalakhak lang si Addi. Baliw nga ang babaeng ito. Mas lalo tuloy kaming pag-iinitan ng mga iyan. "Tigre." Naiiling na sabi ni Sid. "That's your p*****t for interrupting. Goodluck for dealing with them. Total kaya niyo naman sila diba? They're just a piece of cakes for you." Ngumisi ng nakakaloko sa amin ni Addi. Kaya ayaw rin naming nadidikit sa babaeng ito kasi g**o lang rin ang hatid. Kakampi naman sana namin yang Daddy niya pero nagagawa kaming ipahamak. "Puntahan ko lang si Noah. Isusumbong ko si Addi na may sasamahan sanang kasapi sa Dark Hell. Sasabihin kong balak siyang ikama. Magwawala si Pinunong Denim panigurado." Ngumisi si Sid sa amin lalo na kay Addi at umalis rin. Laglag panga naman itong si Addi. "What the f**k no! Damn it Sid! You shut your f*****g mouth! Argh! f*****g hate you!" Nagsisigaw na itong si Addi at panay ang pagpiglas sa pagkakahawak sa kanya ni Harold at Trenz. Grabe talaga ang bibig nito. Parang si Noah lang rin kung makapagmura eh. Malulutong at halos sunod sunod pa. 1 "Ayan kasi ipinahamak mo si Jeck ginantihan ka tuloy. You know us Addi. Pag ipinahamak mo ang isa sa aming pito, kahit sino ka pa, wala kaming sinasanto." Ngumisi si Harold sa kanya. "Gantihan lang. Magpakabait kana lang kasi." sabi ni Trenz. "f**k you all. We'll rot in hell anyway." Nagawa niya pang magdirty finger sa amin. Galit na galit ang mukha. "Untamable tiger named Addison. Ikaw nga yan." sabi ko. May pumasok ngang apat na bodyguards at pinosasan si Addi para hindi makatakas. Hindi nga namin mabilang kung pang-ilang beses niya kaming ginulungan ng mga mata niya. Galit iyon dahil sigurado kaming masasabon siya ng Daddy niya pag-uwi niya. "Ang hirap paamuhin ng tigre na iyon." sabi ni Harold. Nakasunod parin ang tingin ko doon sa dinaanan ni Addi hanggang dumako ang tingin ko doon sa couch namin at nakita si Stanley na wala nang suot na pangtaas at may hinahalikang babae. Mukhang nasagad ang pasensya ng lalaking iyan. 1 "Yung pagong natin naging tigre narin." sabi ko kaya sinundan rin nila ang pinanggagalingan ng tingin ko. "Ano na naman bang kalokohan ang napasukan niyan?" tanong ni Harold sa sarili na nagmamadali na doong maglakad lalo na't nauuna narin si Noah doon kaya sumunod narin kami. "Di na ba siya makatiis at diyan niya mismo gagawin?" narinig kong tanong ni Trenz na nasa gilid ko na. "Mukhang girlfriend iyan ng lider ng Dark Hell. Sigurado akong madadagdagan pa lalo ang galit na sa atin. Gaganti ang mga yan." Napangiwi ako. Kumpirmado ang bagay na iyan. Gaganti ang mga yan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD