9

1710 Words
Sid Pumunta ako sa hideout namin. Hindi na naman pumasok ang mga loko loko. Kaya akong dumeritso na dito at hindi narin pumasok sa paaralan. Yung mga grado namin nagpapaligsahan ata kung sino ang makakamaintain ng pulang marka. Mga siraulo eh. Walang pakialam sa pag-aaral. Pero halata namang pursigidong ipagraduate kami ng mga guro diyan para lang mapalayas kaming pito na salot sa paaralan nilang wala nga namang kwenta. 1 Nadatnan ko sila doon sa sofa na kumakain ng pizza. Kaya kumuha narin ako doon ng isa at humilata. "Nasan si Noah?" Iginala ko agad ang tingin sa kabuaan. Wala pa ata dito. "Ewan, parating na siguro yun." sabi ni Harold na kinagatan narin ang hawak niyang pizza. Kakakagat ko lang ng isang slice ng pizzang hinahawakan ko nang dumating rin si Noah, mukhang wala sa sarili pero humihithit naman ng sirarilyo. May problema ba ang lalaking ito? "Ba't ang tagal mo?" tanong ko sa kanya. Umupo siya doon sa may billiard board at ibinuga ang usok ng sirarilyo niya. Napansin ko rin ang manggas niyang punit. 4 "Hinabol ka ba ng babae at nagkapunit punit yang damit mo?" Humalakhak si Jey-em. "Mukha mo gago. Nakasagupa ko yung Dark Hell." Nag-igting ang panga niya nang binanggit ang grupong iyon. "Talaga? Tapos?" wala sa sariling tanong ni Jeck dahil tutok sa phone niya. Naglalaro ng piano tiles eh. "Ayun, tinakasan ako." sagot ni Noah na kumuha ng atensyon namin. Tinakasan siya? Siya ang tinakasan hindi siya ang tumakas? Si Noah kasi mas mabuting umiilag nalang para wala daw g**o. Pero ngayon tinakasan siya? Ibig sabihin binugbog niya? "Binugbog mo? Ba't hindi mo tinuluyan? Eh mga amoy kanal ang mga yun eh! Nasa malayo palang umaalingasaw na ang pagiging mga hambog! Dapat hindi mo hinayaang makatakas." hirit naman ni Jey-em. Katabi niya si Stanley na kapwa rin pumapapak ng pizza at nasa flatscreen tv ang atensyon. 2 "Wala ako sa mood makipag-away kaya hinayaan ko nalang tsaka tatlo lang eh." kibit balikat ni Noah na hinithit na ulit ang sigarilyo niya at nag-iwas na ng tingin sa amin. Hindi nalang namin yun kinwestyon. Parang ito ang kauna-unahang beses na  nakipagbasag ulo siya sa naingkwentrong g**g. Minsan kasi ay tumatakas nalang siya. Baka siguro nasagad ng tatlong yun ang pasensya niya kaya hindi niya na napigilang patulan. Hindi kasi yan nakakapagtimpi ng matagal. Mabilis yang nagagalit. Para lang rin yang si Stanley. Mahirap kontrolin ang mga pasensya niyan. "Sayang naman Noah. Pwede mong lagasin ang g**g na iyon!" sabi pa ni Harold na tumayo na at lumapit sa kanya. Kinuha niya yung stick ng billiard saka niya rin kinuha yung isa at itinapon kay Noah na sinalo rin naman nito. Pumwesto silang dalawa doon para maglaro. "Hayaan mo na. Mas magandang tayong pito ang bubugbog sa kanila. Medyo makapangyarihan narin ang g**g na 'yon. May pinagmamalaki na eh. Hayaan muna nating maranasan ang kapangyarihan nila ngayon. May araw rin sila." sagot ni Noah na nagpapahid na ng chalk sa dulo ng billiard stick niya. "Ang aangas umasta eh!" sigaw pa ni Jey-em na tumatayo na at nag-iinat. Nilingon ko naman si Trenz na tahimik lang at parang ang lalim ng iniisip. Napansin ni Jey-em na nakatitig na ako kay Trenz kaya nilapitan niya ito at tinabihan. Nagawa niya pang tapikin ang balikat nito para lang matauhan diyan sa pinag-iisip niya. "Wala ka sa sarili ah? Ano? Nood tayo ng pampalipas oras?" Ngumisi na si Jey-em kaya sinupalpal agad ni Trenz ng unan na ikinabusangot agad ng mukha ng loko. "Tigilan mo ako loko loko ka." Nakangiwing sabi ni Trenz. "May problema ka ba Tey?" tanong ko narin. "May iniisip lang. Ilang araw na kasi itong bumabagabag sa utak ko." Nakamot niya ang ulo niya. "Sana naman matino yan." sabi ko "Kailan ba yan may sinabing matino?" sabat pa ni Stanley na nandoon na sa may billiard at nakikisali na sa dalawa na naglalaro. "Hindi ah. Talagang palaisipan lang sa akin ang pangalan natin. Kasi yung sa iba may mga kahulugan. Tapos sa atin, Black Army. Anong ibig sabihin nun?" tanong pa ni Trenz at nagawang igala ang tingin sa amin. Napatigil sa paglalaro ang tatlo at naging matalim ang tingin sa kanya. Na kahit si Jeck ay napangiwi narin. "Pambihira! Akala ko may problema kana! Ang laki ng problema mo ha." Naiiling na sabi ni Jey-em. "Black Army. Sumisimbolo yan kay Noah. Negrong sundalo. Siya leader natin eh." sagot ni Stanley habang tinitira na ang mga bola at kami naman itong humagalpak na ng tawa. Si Noah naman itong kulang nalang ay ihampas kay Stanley yang hawak niyang stick. "Siraulo. Tapos naging myembro ka eh ang puti mo." Iritadong sagot ni Noah "Ako ang gabay niyo sa tamang landas. Ako ang nagsisilbi niyong ilaw sa madilim niyong grupo." sagot ni Stanley na ikinailing lang namin. 1 "Nasa tamang pag-iisip ka pa ba Stanley? Mas malala ka pa ata kah Trenz eh." Ngumiwi ako at tumayo narin. Nakisali na ako sa kanila. Kumuha narin ako ng stick at iminudmod sa dulo ng stick yung chalk. "Di kayo makakarelate sa pinag-iisip ko. Mga matatalino ko lang na kagaya ko ang makakaisip ng pinag-iisip ko. Sagad ang katalinuhan ko na imposibleng sumagi sa mapupurol niyong utak ang mga pinag-iisip ko." "Aba, nahiya naman yung IQ ko sayo." Lumukot ang mukha ni Noah. Matalino yan eh. Sobrang talino niyan. Kaso hindi nga lang ginagamit ng maayos sa paaralan. Sa grupo namin napapakinabangan eh. "Sige lang Noah. Mahiya ka lang. Hindi kita pagbabawalan. Normal lang yan. Kinaiinggitan talaga ako." Ngumisi pa si Stanley na ikinailing nalang namin. Tumira si Harold. Nasundan pa ng mata ko ang pagshoot ng isang bola sa butas ng billiard. Itinuon na naming apat ang atensyon sa paglalaro. Yung tatlo naman sa sofa ay may sarili ring mundo. May pinapanood na. At ayaw ko nang malaman ang bagay na yun. "San tayo?" tanong ko nang magsilabasan kami sa hideout namin. Nababagot na kami doon eh. Maggagabi narin kasi. "Bili tayo ng beer total malapit lang dito yung convenience store. Ubos na stack natin." suhestiyon ni Stanley na tinanguan agad namin. Dinukot ko ang susi ng ranger ko saka ako pumasok sa driver's seat. Yung lima naman ay nagsitalunan na doon sa likod para doon pumwesto habang si Noah naman itong nasa front seat. Kanina ko pa napapansin na para siyang may malalim na iniisip pero binalewala ko nalang yun at nagmaneho na. Pagdating namin doon sa convenience ay kanya kanya na kaming dampot ng makakain namin. Si Stanley ay nagawa pang kumuha ng isang whip cream at binuksan iyon saka niya inispray sa bunganga niya. "Hoy ano yan!" sigaw nung salesboy. Dahan dahan namang napatingin si Stanley sa kanya na ikinakurap nito at nabahiran ng takot ang hitsura dahil sa talim ng tingin sa kanya ni Stanley. Sino bang hindi masisindak sa imahe naming pito? 1 "Salesboy ka dito pero sakin mo tinatanong kung ano ito? Ano ba ito sa tingin mo?" Ipinakita ni Stanley ang hawak niyang whip cream saka ulit iyon inispray sa loob ng bunganga niya. Nagawa niya pang dilaan ang gilid ng labi niya nang lumagpas iyong whip cream. Pati si Trenz ay may binuksan naring lollipop at isinubo na sa bibig niya habang nakaipit naman sa braso niya ang isang garapong lollipop ang laman. "Ba't ka nakatitig sa band-aid Noah? May sugat ka ba?" narinig kong tanong ni Jeck kaya napalingon narin ako sa direksyon nila. Si Noah naman itong nakatitig sa punit niyang manggas na mukhang wala parin sa sarili. "Balak mong lagyan ng band-aid yang manggas mong napunit?" sulpot naman ni Trenz doon sa direksyon nila. Nairita agad ang hitsura ni Noah sa dalawa at nag-iwas ng tingin habang nakapamulsa. "Sa labas na ako maghihintay. Dalian niyo." Nagsimula rin siyang maglakad palabas. Kami naman itong magkasalubong ang kilay habang sinusundan siya ng tingin. Nagawa pa naming magkatinginan at ipinagkibit nalang iyon ng balikat. "Stanley, ikaw na bahala sa beer." sabi ko sa kanya para malihis lang yang atensyon niya doon sa salesboy na halatang sinusumbong na kami sa guard. "Bawal po yang ginagawa niyo sir." sabi pa nung gwardya sa amin "Magbabayad kami. Kahit nga itong maliit niyong convenience store ay pwede rin naming bilhin." sagot ko na ikinakurap lang ng mga mata nila. Yung mga tingin nila sa amin parang hindi kumbinsido na magbabayad kami ng maayos. Sa mga mukha rin naman kasi namin halatang hindi mapagkakatiwalaan. Si Stanley naman itong lumapit na doon sa cashier at inilapag ang blackcard niya na ikinalaglag ng panga cashier doon at iba pang impleyado na nasa blackcard na ang tingin at palipat lipat sa amin na nagkalat dito. Ang mukha nila kanina na may pagdududa sa aming pito kung magbabayad ba kami ng maayos ay napalitan rin ng gulat. Halatang kumbinsido na. "Isang case ng beer." tipid na sabi ni Stanley. "N-Nasa fridge po iyon Sir." Tiningnan pa nung babae ang fridge na tinutukoy nitong kinalalagyan ng mga beer nila. "Oh ngayon? Gusto mong lumutang yan palabas sa frigde at maglanding sa kamay ko?" Nagkatinginan sila at mabilis na iling. Yung salesboy naman ang natatarantang pumunta doon sa fridge at siya nalang ang kumuha habang yung cashier naman ay panay sorry. "Ito nalang." Ibinigay ko ang dalawang libo sa cashier at kinuha ang blackcard ni Stanley saka ko iyon ipinasok sa bulsa niya. 1 "Dalhin mo nalang doon sa labas. Yung ranger na nakaparada. Doon mo ilagay." utos ni Jeck sa salesboy na inaarrange ang malalamig na beers sa isang case. "Miss, isang box ng c****m. Isali mo nalang doon sa beers." Ngumiti pa si Jey-em doon sa cashier na halatang namumula ang mga pisngi dahil sa binibili ng siraulo. "Ito naring band-aid isali mo. Para ito sa napunit na manggas ni Noah. Tinititigan niya ito kanina eh." Inilapag ni Trenz ang isang pack ng band-aid pati rin yang isang garapong lollipop niya. Nakakasindak tingnan pero pag kinausap mo wala pala sa sariling katinuan. "Trenz maghanap ka narin ng utak diyan pamalit sa utak mong nilalayasan kana naman." mungkahi ni Jeck. 2 Nailing lang ako hanggang mahagip ng tingin ko si Noah na nandoon lang sa labas ng convenience. Nakasandal sa kotse namin habang humihithit ng sigarilyo at halatang may malalim na iniisip. Ano bang nangyayari sa lalaking ito?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD